Cheryl Althea's POV Mataman akong nakatayo at pinagmamasdan ko dito sa gilid ng CR ang mga estudyanteng may kaniya-kaniyang rota na pupuntahan. Hindi na ako pumasok sa first subject ko gano'n din ang mga sumunod pa. Hindi pa rin kasi ako mahupa buhat sa nakakakilabot na panaginip na 'yon. "Hey, Miss! Kanina pa kita napapansin na nakatayo ayus ka lang ba diyan?" Bigla akong kumaripas ng takbo na hindi ko na nilingon ang boses na iyon sa aking likod. Tumambay ako sa canteen ng isang oras pagkatapos ay lumabas ako ng campus at naglakad-lakad. Ngunit kahit anong gawin ko ay bumabalik sa akin ang panaginip kong iyon, para siyang totoo--" " Hey!" "Are you oka--" "Huh?" Bigla akong nawindang at napaatras pa ako. Kumunot ang noo nito at pilit akong hinahawakan. Pagkurap ko ay doon ko pa

