Chapter 4: Catching-up with a friend

2078 Words
Kinabukasan, bago magtanghali ay nag check-out na sina Scarlet at Erin sa hotel. "Nagpatawag na ako ng taxi sa lobby," wika ni Erin sa kaniya. "Buti naman para hindi na tayo mahirapan pang mag-abang. Ang laki pa naman ng mga maleta natin," aniya rito. Pagdating nila sa lobby ay naghihintay na sa kanila ang taxi. Mabuti na lamang at seven seater ito kaya maluwag sa bandan likuran at nagkasya ang kanilang mga maleta. Itinabi na lang niya sa upuan ang ibang gamit at si Erin naman ay sa unahan umupo. Sakay ng taxi ay nagpahatid na sila sa Sampaloc. Mixed emotions ang nararamdaman ni Scarlet. Iniisip niya kung kumusta na kaya ang lugar na kinalakihan niya. Kung ano na kaya ang mga buhay ng mga dating kaibigan. Napansin ni Erin ang tila balisang kaibigan nang lingunin niya ito. Hinawakan niya ito sa kamay. "Take it easy, girl. Everything will be alright," wika nito na nakangiti sa kaniya "Thank you!" pilit ang ngiting sagot niya sa kaibigan. Alam niya sa kaniyang sarili na kaya malakas ang kaniyang loob ay dahil nasa tabi niya ang kaibigan. Ito kasi ang madalas na nagpapayo sa kaniya. "We're here! Manong, pakitabi na lang po sa color brown na gate," wika niya sa taxi driver. "Okay po, Ma'am!" sagot naman nito. Pagkabayad ay bumaba na sila. Kinuha na rin nila ang kanilang maleta sa likuran ng taxi. Pagdating sa gate ay nag doorbell na si Scarlet. Lumabas ang kaniyang Uncle George na inaasahan na ang kanilang pagdating. Nasa singkwenta'y singko pa lang ang edad nito kaya maliksi pa rin kung kumilos. "Pumasok kayo. Naku, kagandang mga bata," nakangiting wika nito pagkatapos silang pagbuksan ng gate. "Mano po, Uncle," wika ni Scarlet sabay mano rito at sumunod din si Erin sa kaniya. "Pagpalain kayo," nakangiting wika nito. "Magaganda na ang gagalang pa. Oh, akin na iyang mga maleta niyo at ako na bahalang magpasok ng mga iyan," sabi pa nito habang isinasara ang gate. Naunang pumasok sa loob ng bahay si Uncle George habang hila-hila ang dalawa nilang malaking maleta. Sumusunod din sila ni Erin at bitbit naman ang ilan pa nilang mga gamit. Palinga-linga si Scarlet sa paligid habang papasok sa loob ng bahay. "Wow! Ang laki na ng ipinagbago nitong bahay, ah. Marami na ngang ipinaayos si Mama," bulalas niya. Hindi kalakihan ang bahay nila ng kaniyang Lola. Mayroon itong tatlo ng silid. Mabuti na lamang at may nakatira rito kaya naalagaan ang bahay na iyon. Saka pina-renovate ito ng kaniyang Mama Melanie. Nais kasi nitong manatili ang ala-ala ng kaniyang Lola sa bahay na iyon kaya ipinaayos niya ito kahit pareho na silang nasa ibang bansa. Pagkapasok nila ay sumalubong din sa kanila ang kaniyang Auntie Rosie, ang asawa ng kaniyang Uncle George na nakasuot pa ng apron. Abala ito sa pagluluto sa kusina. "Welcome home, Scarlet," wika nito sabay halik at yakap sa kaniya. Nginitian din nito si Erin. "Hello po, Auntie!" bati naman ng dalaga. "Kumusta na po kayo?" tanong pa niya rito. "Naku mabuti naman mga anak. Sa awa ng Diyos, eh, malalakas pa naman," nakangiting wika nito. "Laking pasasalamat namin sa inyong mag-ina at libre kaming nakatira rito sa inyong bahay," dugtong pa nito. "Kami nga po dapat ang magpasalamat sa inyo dahil sa pumayag po kayong tumira rito at hindi niyo po pinabayaan ang tanging ala-ala nina Lolo at Lola," sabi niya rito. "Alam mo naman na wala naman kaming ibang hanap-buhay ng iyong Uncle. Hindi na rin niya kakayanin pa ang magsaka kaya ang pag-aayos at paglilinis na lang nitong bahay ang libangan namin," ani Auntie Rosie. "Oh, siya, halina kayo at nakahanda na ang mesa. Kumain na muna tayo at saka na natin itutuloy ang kwentuhan. Baka lumamig pa ang pagkain," wika ng kaniyang Uncle George. Ang saya nina Erin at Scarlet ng makita ang nakahain sa mesa. Sinigang na baboy, adobong pusit, ensaladang labanos at umuusok pang kanin. "Wow! All of my favorites," bulalas ng dalaga at pagkatapos maghugas ng kamay ay excited nang umupo sa mesa. "Kalimutan na muna ang diet," wika naman ni Erin. "Bakasyon mode naman tayo ngayon," excited na bulalas pa nito. "Yeah! Sarap ng ganitong buhay," tugon naman niya. Masaya nilang pinagsaluhan ang nakahaing pagkain. Patuloy din ang kanilang kwentuhan at kumustahan. Pagkatapos nilang kumain ng dessert na leche flan ay dumiretso na sila ni Erin sa kwarto. Hindi na kasi sila pinatulong ng mag-asawa sa pagliligpit nang kanilang kinainan. Pabagsak siyang humiga sa kama sabay yakap sa kaniyang unan. "Whhoaahhh! I can't believe it. Parang kahapon lang tayo nagplano na umuwi rito. This is for real, right?" nakatingin sa kisameng tanong niya kay Erin. "Of course! I know how happy you are, sis. Enjoy the feeling! And don't stress yourself regarding sa mga pangyayari, okay?" tugon ni Erin sa kaniya. "I will!" aniya sabay buntong-hininga. Dahil sobrang nabusog sila sa kanilang tanghalian ay napag pasyahan nilang mag-ayos na muna ng kanilang mga gamit. Kinuha nila ang kanilang maleta at inilagay ang mga damit sa kabinet. Pagkatapos nito ay nakaramdam na ng antok si Erin. "I'll take a nap muna. Inaantok na talaga ako. Hindi naman kasi ako masyadong nakatulog sa hotel," wika nito habang humihikab. "Okay! Matulog ka na muna riyan. Pupunta lang ako sa veranda para magpahangin," sabi niya sa kaibigan. Habang nasa veranda ay natatanaw niya ang bahay nila Miguel. Ang laki na nga ng ipinagbago nito. Napaganda na ng husto at mayroon na itong bakery sa harapan. Nakita niya si Aling Nelly, ang ina ni Miguel na abala sa mga bumibili. Kinagabihan, pagkatapos nilang kumain nang hapunan ay napag-isipan ni Scarlet na pumunta sa bahay nila Roxan. Kaibigan niya ring matalik at naging kaklase niya mula elementary hanggang high school. "Tara kina Roxan. Kaibigan ko 'yon at diyan lang sa unahan ang bahay nila," aniya kay Erin. "Sige at ng makilala ko rin ang mga friends mo," tugon naman nito. Pagdating sa bahay nila Roxan ay gulat na gulat ito nang makita siya. Napatili pa ito sabay sigaw sa pangalan niya. "Scaaarleeettt..... OMG! Ikaw nga," hindi makapaniwalang wika nito. "Ako nga! Bakit para kang nakakita ng multo riyan?" pabirong tanong niya rito. "Ano ka ba? Malamang nagulat ako," sagot nito sa kaniya. Nagyakapan ang magkaibigan. Si Roxan kasi ang isa sa kaniyang mga kaibigan na todo suporta at naunawaan siya sa kaniyang naging desisyon. "I'm so happy for you, Scarlet. Imagine, sobrang sikat ka na ngayon. Noong nalaman ko na uuwi ka ng Pilipinas for work, humiling talaga ako na sana maalala mo kaming dalawin. Sobrang na-miss kita," wika nito habang hawak ang kamay niya papasok sa bahay nito. "I'm so thankful that you understand me, Rox. Ako rin naman, nami-miss ko rin kayo," malambing niyang tugon sa kaibigan. "By the way, she's Erin, my bestfriend/Manager/Personal assistant," pakilala niya sa kaibigan. "Hi, Erin! I'm Roxan. Nice meeting you," wika ni Roxan. "Hi, Rox! Nice meeting you, too," sabi naman nito. "Tara, pumasok muna tayo sa loob ng bahay," aya nito sa kanila. Masayang nagkukwentuhan ang dalawa kasama si Erin. Saglit na pumunta sa kusina si Roxan para kumuha ng prutas at ng mapagsaluhan nila. "Kumusta na sina Tita?" Mukhang mag-isa ka lang dito sa bahay, ah?" tanong niya sa kaibigan. "Nasa Laguna sila at dinalaw ang Lola. Hindi naman ako nakasama at walang magbabantay ng botika. Kahit papaano eh, marami na akong customer. Sigurado ako masayang-masaya iyon kapag nalaman niya na dumalaw ka," sagot ni Roxan sa kaniya. Isang license pharmacist si Roxan at pangarap talaga nito noon pa man, ang magkaroon ng sariling botika. "Medyo matatagalan pa naman ako bago bumalik ng New York. Siguradong magkikita pa kami," aniya rito. "Really? Sabi pa naman ni Mama na magpapa-authogtaph siya sa'yo pag nakita ka niya." "Pakisabi kay Tita, no problem kahit ilang autograph pa," natatawang wika niya sa kaibigan. "I'm so happy that finally you're living with your dreams, Rox," sabi pa niya rito. "Ako rin naman! Hindi ko akalain na makapagpatayo ako ng sarili kong botika at dito pa sa atin sa Sampaloc. Mabuti na lang ay mabait ang boyfriend ko. Siya rin ang tumulong sa akin," wika ni Roxan. "Kelan ko naman makikilala ang boyfriend na iyan, ha?" tanong niya. "Kapag nagkita-kita ang tropa isasama ko siya. By the way, alam na ba ng iba pa nating mga kaibigan na nandirito ka?" tanong ni Roxan sa kaniya. "Ikaw pa lang! Nandito lang din ba sila o nasa ibang lugar na rin?" tanong niya. "Si Fred lang naman ang nasa Dubai. Sina Tala, Grace at Paolo ay may mga sariling business din. Saka si Debbie may coffee shop na. Si Miguel naman sikat na photographer na ngayon," pahayag ni Roxan. "I know 'yung kay Miguel. Nagka-trabaho na kami," wika niya na may kaunting lungkot sa kaniyang boses. Napansin naman kaagad iyon ni Roxan kaya biglang iniba nito ang usapan. Alam kasi nito na mahirap ang pinagdaanan nila ni Miguel. "What if, mag bonding tayo? Vacation, something like that. Maybe sa beach," sabi sa kaniya ni Roxan. "I'll go with that. Beach is a nice idea," biglang sagot ni Erin na nakikinig lang sa usapan nilang dalawa. "Don't worry, ako na bahala sa iba pa nating mga friends. Madali lang naman silang makontak at sigurado ako na kapag nalaman nila na kasama ka matutuwa ang mga iyon," ani Roxan. "Okay! Just let me know kung kailan para makapag-ready ako," aniya rito. Pagsapit ng alas nueve ng gabi ay nagpaalam na sila ni Erin kay Roxan. "Bye, Roxan! Baka kasi maaga natutulog sina Uncle at mapuyat pa sila ng husto kakaantay sa amin," wika niya. "Update mo nalang ako sa plano ha?" tugon pa niya rito. "Sige, text kita kaagad kapag naayos na ang plano. Bye! Ingat kayo kahit ilang hakbang lang naman ang bahay niyo," pabirong tugon nito. Habang naglalakad pauwi ay natanaw niya ang bahay nila Miguel. Halos katapat lang kasi iyon ng bahay nila. Nang malapit na sila ay biglang may tumigil na Black SUV. Pumarada ito sa harapan ng bahay nila at bumaba ang driver. Nagulat pa siya ng makita kung sino ang bumaba, si Miguel. Agad namang binati ito ni Erin. "Hi, Sir Migz. Napadaan po kayo?" tanong ni Erin na kunwari ay wala siyang alam. "Hi, Miss Erin!" bati rin ng binata. "Ah...Dadalawin ko lang ang parents ko," sabi nito sabay turo sa bahay nito. Kunwaring nagulat si Erin sa sinabi ng binata. "Meaning d-dito kayo nakatira? Eh 'di magkakilala pala kayong dalawa?" tanong nito habang palipat-lipat ang mga mata sa kanila. Nakayuko ng bahagya ang ulo ni Scarlet dahil ayaw niyang makita ang mga mata ni Miguel. Natatakot kasi siya na baka ang galit na nararamdaman nito sa kaniya ang muli niyang makita. "Hindi ba sinabi sa iyo ni Scarlet?" balik tanong ni Miguel rito. Umiling lang si Erin.. "The truth is, we knew each other, mula pa pagkabata," sagot ni Miguel kay Erin pero ang mga mata nito ay nakatitig kay Scarlet. "I knew her very well, and she does, too. Am I right, Scarlet?" tanong sa kaniya ng binata. Napatingin dito ang dalaga at nakita niyang nakangiti na ito sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig pakahulugan ng mga titig at ngiting iyon. Tunay ba o fake? "Yeah! I know him. Sorry, Erin for not telling you," tugon niya rito. Nahalata kaagad ni Erin ang tensiyon sa pagitan ng dalawa kaya niyaya na niya itong umuwi. "Sige, Sir Migz, mauna na kami. Inaantok na kasi ako," sabi ni Erin sabay hikab kunwari. "Sure, bye!" sagot naman ng binata. Agad naman siyang hinawakan ni Erin at hinila pauwi. Pagkapasok nila sa gate ay binitawan na siya nito. "Sorry, Scarlet, nahihiya naman kasi akong 'di siya pansinin. Kaya nagpanggap nalang ako na walang alam," paliwanag ni Erin. "It's okay. Hindi naman pwedeng iwasan ko siya habambuhay," sagot niya sa kaibigan. Pumasok na sila sa loob ng bahay at nadatnan nila ang mag-asawang nanonood ng telebisyon sa sala. Binati nila ito sabay paalam na magpapahinga na sila. Pagkapasok sa kanilang kuwarto ay umupo siya sa kaniyang kama. Tumabi si Erin at hinawakan nito ang kaniyang mga kamay. "You know sis, you don't need to feel guilty everytime na makita mo siya," sabi nito sa kaniya. "Ang mahalaga humingi ka na ng tawad. Mapatawad ka man niya o hindi, it's his problem, not yours. And besides, look at him now. Mukhang naka move-on naman na siya," dagdag pa ni Erin. "You're right! I shouldn't feel this way," aniya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD