Chapter 3: So, It was You

2008 Words
Kinabukasan, tanghali nang nagising si Scarlet kaya nakaramdam kaagad siya ng gutom. Tinawagan niya si Erin upang magpabili ng makakain. Dumating si Erin sa kaniyang kwarto bitbit ang pagkain at sabay na silang kumain. Alam na ni Erin ang dapat niyang kainin lalo na at swimwear ang naka schedule na photoshoot. "Any plans for today?" tanong ni Erin habang kumakain sila. "Wala naman. Gusto ko lang uli magpahinga tapos mag work-out later," sagot niya. "Tumawag nga pala sa akin si Lewis. Puwede ka raw muna magbakasyon after ng project na ito," sabi ni Erin habang nililigpit na ang kanilang pinagkainan. "Really?" halos di makapaniwalang tanong ng dalaga. "Remember, ang tagal nang huli tayong nagbakasyon," dagpag pa niya. "So, what are your plans? Anywhere na gusto mong puntahan para makapagpa-book na ako," tanong ni Erin habang nakaupo na sila sa mahabang couch. "Well, gusto ko sanang bumisita sa Sampaloc. Pati na rin sa puntod nina Lolo at Lola," sagot ni Scarlet. "We have enough time to think so no need to rush," dagdag pa niya. Pagkatapos nilang kumain at magligpit ay bumalik na uli si Erin sa kaniyang kwarto. Nang mag-isa na lang ay muling napaisip ang dalaga. "Kamusta na kaya sila sa Sampaloc?" tanong niya sa sarili. Naalaala niya kasi nang malaman nila na aalis siya ay sumama ang loob ng mga ito. Plano pa naman nila ni Debbie, na kaniyang bestfriend at kapatid ni Miguel na magtatayo sila ng business pagka-graduate. Kaya nga parehong business course ang kinuha nila sa kolehiyo. "Anong business ang itatayo natin?" tanong ni Debbie sa kaniya. Nasa sala sila ng kanilang bahay at katatapos lang nila mag merienda. Madalas dito tumambay sina Debbie at Miguel minsan natutulog pa dahil nga wala na siyang kasama sa bahay. Second year college pa lang siya noon nang mamatay ang kaniyang Lola Minda. "Coffee shop!" mabilis niyang tugon. "Ang hilig kaya natin sa kape at tumambay sa Starbucks," dugtong pa niya. "Deal!" sagot naman ni Debbie. "Ano kaya magandang ipangalan natin?" tanong nito sabay isip. "Dapat sa pangalan pa lang, eh, alam na agad na sa atin iyon," dagdag pa nito. "Let it Bie!" magkasabay nilang bigkas sabay tawanan. Sobrang kilala na nila ang isa't isa kaya madalas titigan pa lang, eh, nagkakaunawaan na sila. "Let it bie, let it bie, let it bie, let it bie, whisper words of wisdom let it be," kanta pa ni Scarlet habang hawak ang kutsara bilang kunwari ay microphone. "Let it bie the one to break it up, so you don't have to make excuses," pakanta ring sagot ni Debbie. "Let me be the one, kaya iyon," pagtutuwid niya. "Ah, gano'n ba?" tanong ni Debbie na kunwari 'di alam ang kanta at naghalakhakan na sila. "Miss na miss na kita Debbie," wika nito sa sarili sabay patak nang luha sa kaniyang mga mata. "Sana napatawad mo na ako sa ginawa ko," dagdag pa niya. Pagkatapos magmuni-muni at mapakalma ang sarili ay nagdesisyon na siyang mag-gym. Kailangan niyang ihanda ang katawan dahil puro swimsuit ang isusuot niya para sa photoshoot. Ayaw niya mapahiya sa mga kliyente kaya inaalagaan niya ng husto ang kaniyang figure. Pagkatapos mag work-out ay naligo at nagpahinga na siya. Maaga siyang natulog dahil alas otso ang call time nila sa set. Maagang dumating sa set si Miguel. Wala pang alas syete ay nandoon na siya at nag set-up kaagad ng gamit. Maya't maya ay nakita niyang dumating sina Scarlet at Erin. Mabilis na lumapit si Erin para batiin siya. "Good morning, Sir Migz!" may pagka-arteng bati nito. "Good morning din sa'yo!" balik bating sagot ni Miguel sabay tingin ng seryoso kay Scarlet. Nakita niyang nginitian siya nito pero isang matalim na tingin ang kaniyang isinukli. Ganoon na lamang ang pagtataka ng dalaga nang makita ang naging reaksiyon ni Miguel. Kaya, hinila na nito si Erin papuntang dressing room. "Bye, Sir Migz, see you later," turan pa ni Erin habang hinihila siya ni Scarlet. "Ang sungit naman niya," nakasimangot na wika ni Scarlet. "Nakita mo ba kung paano niya ako titigan? Iyon ba ang isasagot niya sa halos mapunit na ang labi ko kakangiti sa kaniya?" tanong pa nito habang padabog na umupo sa harap ng dresser. "Feeling ko may gusto sa'yo 'yon," may halong panunuksong wika ni Erin. "May gusto? Gano' n ba dapat ang ipapakita sa taong gusto mo? Sigurado ako basted ka kaagad," sunod-sunod na litanya niya. Habang nagmumukmok dahil sa inis kay Miguel ay pumasok na si Chloe, ang kaniyang make-up artist. "Miss Scarlet, start na po tayo," malambing na wika nito. "Sure!" maiksing tugon niya pero 'di pa rin ngumingiti. "Akala mo naman kung sinong gwapo," naiinis pa ring sabi niya. "Ay! Mukhang bad mood kayo today, ah?" tanong na Chloe na medyo nagulat sa sinabi ng dalaga. "Sino po ba iyon na akala mo kung sinong gwapo at ng maupakan?" pabirong dagdag pa nito. "Don't mind me, Chloe. Let's start na," sabi na niya rito. Kailangan niyang mag-focus sa photoshoot kaya pilit itinataboy sa isipan niya ang pagmumukha ni Miguel. Alas nueve na nang tinawag na siya ng assistant director. Tamang-tama naman at natapos na ang kaniyang make-up at nasuot na rin niya ang unang pares ng swimsuit. Isang kulay dilaw na two-piece bikini na bumagay sa kaniyang kutis at hubog ng katawan. Naka robe siyang lumabas nang dressing room at pagdating sa set ay tinanggal na niya ito at iniabot kay Erin. Kitang-kita ang pagkamangha ng lahat na nandoon. "Okay, let's start," wika ni Direk Allan. "Migz, tulad ng napag kasunduan natin, ikaw ang mag-decide kung anong anggulo at pose ng model, okay?" dagdag pa nito habang nakatingin kay Miguel. "Yes po Direk! I understand po," magalang niyang tugon. "Model, ready?" tanong ni Miguel kay Scarlet. "Yes!" maikling sagot nito sabay pose. Sa husay ni Scarlet ay 'di na nahirapan si Miguel. Parang alam na nga nito kung ano ang gusto niyang maging ayos at anggulo. Mabilis natapos ang pictoryal sa unang set ng swimwear. "Good job guys!" wika ni Direk Allan habang pumapalakpak ito sa tuwa dahil sobrang smooth ng pictoryal. "Let's have our lunch break first," wika pa nito. Pagkatapos mag lunch ni Scarlet ay biglang may kumatok sa kaniyang dressing room. Binuksan iyon ni Erin at bumungad si Baldo, ang assistant ni Miguel. "Miss Scarlet, tawag po kayo ni Boss Migz," wika nito na medyo nahihiya pa. "Andoon ho siya malapit sa set," dagdag pa nito. "Okay!" maiksing tugon niya. Pagkalabas ni Baldo ay sumunod na rin siya. Nagtatakang lumabas si Scarlet kung bakit siya ipinatawag nito. "Maybe he wants to say sorry for being rude kanina," wika nito sa sarili. Nang malapit na siya sa set ay nakita na niya si Miguel. May kausap itong babae at naririnig niyang nagtatawan pa ang mga ito. Ngunit gano'n na lamang ang pagkagulat niya nang makita kung sino ang kausap nito. "Debbie?" mahinang banggit sa pangalan ng kaibigan sabay takip nang kamay sa kaniyang bibig. Nagtago siya sa likod ng pintuan malapit kina Miguel habang pinakikinggan ang dalawa. "Buti na lang Kuya malapit sa coffee shop itong location niyo, kung hindi huwag kang umasa na ihahatid ko sa'yo iyan," naririnig niyang wika ni Debbie. "Kuya?" 'di makapaniwalang tanong niya sa sarili. "So, siya si Miguel?" tila nanghihinang tanong niya muli sa sarili. Dahil sa nalaman ay parang may sariling pag-iisip ang mga paa ni Scarlet. Dinala siya nito pabalik sa dressing room. Pagpasok pa lamang niya ay muntikan na siyang bumagsak, mabuti na lang at napansin kaagad iyon ni Erin. "Anong nangyari sa'yo? Bakit parang hinang-hina ka?" nag aalalang tanong ni Erin. "S-si Miguel, S-si Miguel," nauutal at halos 'di marinig na sagot nito at pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. "Anong si Miguel?" nagtatakang tanong ni Erin. "Hindi kita maintindihan. Linawin mo sa akin," wika pa nito. "Si Migz at Miguel ay iisa, nakita ko si Debbie kausap siya at tinawag siyang kuya," paliwanag niya habang umiiyak. "Sigurado ka ba sa nakita at narinig mo? Baka kamukha lang ni Debbie iyon," sabi ni Erin habang hinahaplos nito ang likod ng kaibigan. "Hindi ako nagkakamali. Kaya pala, kaya pala ganoon na lamang ang trato niya sa akin. Iyong nakikita kong galit sa mga mata niya, totoo pala iyon," wika nito na humihikbi pa rin. "Uminom ka muna ng tubig at kalmahin mo ang sarili mo," sabi ni Erin sabay abot ng tubig dito. Sa kabilang banda ay 'di naman mawala ang ngiti sa mga labi ni Miguel. Pasipol-sipol pa ito na tila ba may magandang nangyari sa kanya. Napansin naman kaagad ito ni Baldo. "Boss Migz, mukhang ang saya natin, ah? Si Miss Scarlet siguro dahilan, no?" may panunuksong tanong nito. "Naku hindi!" biglang tugon niya. "Kumita lang ang isang investment ko kaya masaya ako," pagsisinungaling niya. Ang totoo tama ito, si Scarlet nga ang dahilan. Nais niya kasi na malaman na nito kung sino ba talaga siya na hindi mismo manggagaling sa kaniya. Sinadya niyang ipatawag ang dating nobya kay Baldo. Inutusan niya kasi ang kapatid niyang si Debbie na dalhin sa kaniya ang kunwari ay nakalimutan niyang gamit sa condo. At siguradong nagtagumpay siya. Nakita niya mismo ang reaksiyon nito nang makita si Debbie at tinawag pa siyang Kuya. "Simula pa lamang ito, Scarlet. You destroyed me. I will destroy you!" wika nito sa isipan. Makalipas ang isang oras na break ay ipinatawag na muli si Scarlet para ipagpatuloy ang pictoryal. Mabuti na lang at mabilis niyang naayos ang sarili. Sa limang taon niya sa industriya ng pagmomodelo ay marami na siyang naging 'di kanais-nais na karanasan. At sa kabila ng mga pangyayari ay kailangan niyang maging propesyonal. Isang one-piece blue bikini naman ang ipinasuot sa dalaga. Tulad ng nauna ay ganoon pa rin ang pagkamangha ng lahat kay Scarlet. Naging maganda uli ang kinalabasan ng photoshoot. Pero si Miguel ay tila ba hindi nasisiyahan sa mga pangyayari. Ang inaakala niyang maapektuhan si Scarlet sa nalaman nito ay kabaliktaran ang nangyari. Nakita niya kasi na parang wala lang ito sa dalaga. Sinadya niya pa ngang lumapit dito para kunwari ayusin ang pose nito. Nakipagtitigan pa ito sa kaniya na parang 'di pa rin siya nakikilala. "Manhid ka, Scarlet. Manhid!" wika niya sa kaniyang sarili. "Tandaan mo, hindi ako titigil hangga't hindi mo maranasan ang sakit na naranasan ko noon," tiim-bagang wika ni Miguel sa kaniyang isipan. Laking pasasalamat ni Scarlet at sa wakas natapos na rin ang photoshoot. Hindi na niya kailangang magpanggap na okay lang siya sa harapan ng lahat lalong-lalo na kay Miguel. Alam niyang galit ito sa kaniya dahil hindi nito maitago sa mga mata tuwing tinititigan niya ito. "Congratulations everyone for the job well done," wika ni Niel, ang Head ng Advertising Department ng Trends. Sabay-sabay na nagpalakpakan ang lahat. "On behalf of Trends, I want to thank everyone for all the efforts and sacrifices you have made, specially to you, Miss Scarlet. You are such an angel to us. We do hope that this will not be our last," dagdag pa nito. "Wow! It's an honor for me, Sir," nakangiting wika ni Scarlet. "I was more than thankful for the trust that Trends gave me and the opportunity to be part of your family. I do hope that this will not be our last, too," tugon pa niya. "Cheers everyone!" saad ni Neil habang itinaas ang wine glass. Nagpadala nang pagkain at alak ang management ng Trends bilang selebrasyon sa matagumpay na proyekto. Pagkatapos uminom nang bahagya ni Scarlet ay nagyaya na itong umuwi. Sa loob ng van ay wala sa kanila ni Erin ang gustong bumasag ng katahimikan. Gustong irespeto ni Erin ang pribadong pag-iisip ni Scarlet kaya hinayaan na lamang niya ito. Habang sakay ng elevator ay nagsalita si Scarlet. "Let's move to our house in Sampaloc," wika nito. "Are you sure na okay ka lang doon mag-stay?" may pag-alalang tanong ni Erin. "Yeah!" tatawagan ko si Uncle George na darating tayo bukas," sagot niya. Si Uncle George ay pangalawang pinsan ng Mama Melanie niya. Ito ang kinuha nilang katiwala sa bahay nila sa Sampaloc kasama ang asawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD