Chapter 2: His Fiery Eyes

1880 Words
"Hey, Migz! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap, ah! Halos naikot ko na ang location," wika ni Baldo, na assistant ni Miguel. "Gano'n ba? May kinuha lang akong gamit at pabalik na rin ako," sagot niya rito. "Ready na ba ang set-up?" tanong ni Miguel kay Baldo. "Oo, okay na lahat. Inaantay na lang na matapos ang make-up ng model," sagot sa kaniya ni Baldo. "Anyways, Migz did you see the model, si Miss Scarlet? Grabe! Parang anghel na nalaglag sa lupa," bulalas pa nito kasabay ang pagkumpas ng kamay sa labis na pagkamangha sa dalaga. "Anong anghel ka riyan? Walang puso ang sabihin mo," pabulong na wika ni Miguel sabay dampot sa kaniyang camera at tumungo na sa set. Sumunod naman si Baldo na nagtataka sa kaniyang ikinikilos. Nagkibit-balikat na lamang ito. "Okay, guys, since everyone is ready we will start now the photoshoot," wika ng director na si Allan. "Miss Scarlet, can you come here?" tawag nito sa dalaga. "I just want you to meet Migz. He will the photographer for this photoshoot," dagdag pa nito. Lumapit naman si Scarlet habang inaalalayan ni Erin. Nakasuot na kasi ito ng mataas na heels. "Hi, nice meeting you," nakangiting wika ni Scarlet sabay lahad ng kamay. Nakipagkamay naman si Miguel ngunit nananatiling seryoso ang kaniyang mukha. "Bakit kaya ayaw niya man lang ngumiti? Mahal ba ang presyo n'yan ngayon?" tanong naman ni Scarlet sa isipan nito. Napansin niya kasi na napaka seryoso ng mukha nito kaya ipinagtataka niya. Naramdaman din niya na mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay. Subalit hindi niya ito ipinahalata. "Siguro may matinding pinagdadaanan. Namatayan ng alagang aso? Pusa kaya? O baka naman inaway ng girlfriend or mas malala pa, hiniwalayan?" usal pa ni Scarlet sa kaniyang isipan. Kung mababasa nga lang ni Miguel ang iniisip nito, marahil ay lalo pa itong magagalit. "Nice meeting you, too," pormal na sagot ni Miguel. Lalong nadagdagan ang poot na nadarama ni Miguel para kay Scarlet dahil hindi man lang siya nakilala nito. "Hindi mo ba talaga ako nakikilala, Scarlet? Gano'n na lang ba kabilis sa'yo ang makalimot?" tanong niya sa kaniyang isipan. Umasa pa naman siya na kahit papaano, eh, makikilala siya nito. Siguro nga gano'n na lang ang laki ng ipinagbago sa pisikal niyang anyo. Hindi na kasi siya ang dating patpatin at tagihawating kasintahan nito. Kaya, ganoon na lang ang paghanga niya dati kay Scarlet dahil hindi ito tumingin sa kaniyang itsura kundi sa kaniyang buong pagkatao. Isang lalaking tapat, mabuting anak at sobrang minamahal ang dalaga. Subalit, hindi na ito ngayon ang kaniyang nararamdaman. Ang puso niya na puno ng pagmamahal sa dalaga ay napalitan na ng matinding galit. "Hmmp! Guwapo pa naman sana kaso may pagka suplado. Never ko talaga magugustuhan ang hindi marunong ngumiti. Baka masisira lang din ang araw ko pagkakita ko sa naka busangot niyang mukha," patuloy na sabi ni Scarlet sa kaniyang isipan. Ang hindi nito namamalayan ay nakataas na pala ang isang kilay nito. "Yes?" tanong niya rito. "Ha? May sinabi pa ba akong iba?" tanong naman ni Scarlet sa kaniya. "Ha? Ah, eh, akala ko kasi may sinabi ka. Sige, let's start now," aniya na nauutal pa. Kinastigo niya ang kaniyang sarili. "Para ka namang tanga, Miguel. Kung anu-ano mga pinagsasabi mo," sabi pa niya sa kaniyang isipan. "Okay, standby na guys. Scarlet, alam mo na ang gagawin, 'di ba?" tanong ni Direk Allan dito. "Yes, Direk!" sagot ni Scarlet at sinimulan na ang pag-pose. "Ayan, good! Please continue," sabi pa ni Direk Allan. "Can you look up a bit?" wika niya kay Scarlet. Agad namang sumunod ito. "No, not like that. Just a bit," aniya na seryoso pa rin ang mukha. "Ano ba namang a bit ang sinasabi nito? Kabisado ko na ang ganitong anggulo," wika naman ni Scarlet sa kaniyang isipan. "Good! Next pose. Be fierce," wika pa niya rito. "Kahit magaling ka Scarlet, hindi ko gagawing madali sa'yo ang lahat." "Gusto ata nitong pabagahin ko na ang mga mata ko," usal naman sa isipan ng dalaga. "Stop! Sigaw naman ni Direk Allan na kanina pa napapansin na para bang may tensiyon sa pagitan ng dalawa. "Are you okay, Scarlet?" tanong pa nito. "Yes, Direk! I'm sorry if he's not satisfied with my poses," sagot nito sabay titig sa kaniya. "You're doing a good job. How about you, Miguel? Are you alright or you need to take a break or something?" tanong naman nito sa kaniya. "I'm fine, Direk. I just want to make sure na perfect ang kalalabasan kaya medyo strick ako ngayon," sagot naman niya. Pero sa totoo lang wala naman talagang mali sa ginagawa ni Scarlet. "Okay! Since wala namang kayong problema, let's continue," wika ni Direk Allan at umupo na uli ito. Naging maayos na ang takbo ng photoshoot sa araw na iyon. Sa kabila ng nararamdaman ni Miguel ay hindi na siya nagpaapekto. Iniisip niya kasi na dapat ihiwalay ang kaniyang personal na buhay sa kaniyang propesyon. "Good job, guys! Let's call this a day," wika ni Direk Allan. "See you in our next exchedule," dagdag pa nito. "Thank you, Direk!" halos sabay-sabay na sabi ng lahat. Habang nagbibihis si Scarlet ay nilapitan siya ni Erin. Biglang siniko siya nito sa tagiliran at kinikilig habang nagsasalita. "Girl, Grabeh! Maiihi ako sa kilig," sabi nito na may pasayaw-sayaw pa. "Aray!" kunwaring nasaktan siya. "Anong nangyari at bakit parang maiihi ka na sa kilig diyan?" tanong niya. "Kasi nga 'yong photographer sobrang guwapo. Tall, dark and handsome," may pagkaarteng sagot nito. "O, tapos?" muling tanong ni Scarlet na para bang hindi interesado sa sasabihin nito tungkol sa aroganteng lalaki. "Nilapitan lang naman niya ako at nakipagkamay siya. Grabe, mukhang siya na ang pinadala ng universe for me," kinikilig pa rin na sagot ni Erin. "Whatever! But he seems so weird for me. Nakita mo naman kung ano pinagsasabi kanina, 'di ba? As if naman mali ang ginagawa ko," nakaismid na sabi niya habang nilalagay ang mga gamit sa bag. "Baka ngayon lang siya nakapagtrabaho ng very professional na model. Sanay siguro sa mga pipitsugin," pabirong wika ni Erin. "Ah, basta! Weird talaga siya," aniya rito at pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng dressing room pero ayaw pa rin paawat ni Erin. Tuloy pa rin ito sa pagsasalita. "Anong weird ka riyan? Ikaw ang weird," kunwaring nakairap na tugon nito at habang nakasunod sa kaniya. "Honestly, I find you weird, too," pagpapatuloy ni Erin. "Me? Bakit bumalik sa akin?" may pagtatakang tanong ni Scarlet. Hindi niya kasi maintindihan ang mga pinagsasabi nito. "Eh, kasi nga, ang alam ko pareho tayo ng taste pagdating sa lalaki. Iisa lang ang tipo natin. Tall, dark and handsome!" litanya ni Erin. "Imagine from Canada to New York wala tayong date na tumatagal for that reason," dagdag pa nito. "I'm tired, Erin. Kiligin ka na sa kaniya. It's your feelings naman and I'll support you lalo na pag niligawan mo," wika niya sabay tawa. "I'm serious kaya," nakasimangot na wika ni Erin. Sumakay na si Scarlet sa van na maghahatid sa kanila pabalik sa Hotel. Pagkaupo ng dalaga ay kaagad itong sumandal at pumikit. Matutulog sana siya dahil napagod siya sa maghapong photoshoot. "Kainis naman ang lalaking 'yon. Akala mo kung sino. Nakakainis talaga!" aniya habang sumaglit sa kaniyang isipan ang mukha ni Miguel. "Ano naman ang problema mo at bakit ka naghihimutok diyan? Akala ko pa naman ay tulog ka na," sabi naman ni Erin at nilingon siya nito. "Ang arroganteng crush mo. Nakita mo ba kanina kung paaano niya ako tratuhin? As if may mali sa mga ginagawa ko. Naiisip ko pa lang pagmumukha niya kumukulo na ang dugo ko," sagot niya na lumalaki na ang butas ng kaniyang ilong sa inis. "Talaga ba? Baka attracted ka lang sa kaniya? " pang-aasar pa nito. "Tseee! Makatulog na nga," tugon niya sabay pikit ng mga mata. Pagkalipas lang ng ilang minuto ay nakatulog na rin siya. Sa kabilang banda, dumiretso naman si Miguel sa tinitirhan niyang condo. Nasa Makati lang din iyon kaya saglit lang ang kaniyang biyahe. Pagpasok niya ay inayos niya na kaagad sa kaniyang studio ang mga gamit. Sa bilis ng pag-usad ng kaniyang career ay nakabili kaagad siya ng mga properties. Condominium unit na hindi biro ang halaga,dalawang sasakyan at napaayos din niya ang kanilang bahay sa Sampaloc. Mayroon na rin itong bakery sa harapan na siyang pinagkakaabalahan ng kaniyang mga magulang. Pagkatapos maiayos ang mga gamit ay dumiretso na siya sa banyo. Habang nasa shower ay pumasok sa kaniyang isipan si Scarlet. Totoong mas lalo itong gumanda at sumeksi ngayon. Kitang-kita sa kaniyang pangangatawan na maalaga ito. Dahil sa kaniyang iniisip ay biglang uminit ang pakiramdam ni Miguel. May kung anong sensasyong dulot ang pag-iisip lang sa dating kasintahan. "s**t!" wika niya sabay suntok sa pader ng banyo. Galit na rin siya sa kaniyang sarili. "Hindi mo dapat maramdaman 'yan," pabulong na sabi niya sa sarili. "Matagal mo ng gusto na magkita kayo upang maghiganti. So stop it, Miguel!" dagdag pa niya. Pagkatapos maligo ay dumiretso siya sa kusina. Kumuha ng paborito niyang wine sa refrigerator at naglagay sa wine glass. Inamoy at sumimsim habang pinapaalalahanan ang sarili. "Huwag mong sayangin lahat ng pagpapagal mo, Miguel. Iparamdam mo sa kaniya lahat ng sakit na idinulot niya sa iyo," wika niya sa sarili habang nakatingin sa labas ng kaniyang veranda. "Scarlet, wake-up. Nandito na tayo sa hotel," narinig niyang wika ni Erin habang tinatapik ang kaniyang balikat. Pagmulat niya ng mata ay napahikab pa siya. Tiningnan ang kaniyang relo. Ten thirty na ng gabi. Mahigit isang oras din pala siyang nakatulog. Bumaba na sila sa van at pagkakuha nila ng gamit ay dumiretso na sa lobby ng hotel. Sa set na sila nag dinner kaya magpapahinga na lang sila. "You don't have any work schedule tomorrow, so if you have any plans just call me, okay?" sabi ni Erin habang sakay sila ng elevator. "I just want to take a rest. So don't wake me up. I'll call you if I need something," bilin niya dito. Pagkatapos magpaalam sa isa't isa ay nagsipasok na sila sa kaniya-kaniyang kuwarto. Pagkalapag ng kaniyang bag ay dumiretso na rin si Scarlet sa banyo. Ang lagkit na ng pakiramdam niya. Naka-ilang palit ba naman siya ng make-up kanina at gusto na rin niya magpahinga. Habang naliligo ay bigla muling rumehistro sa kaniyang isipan ang pagmumukha ni Migz, ang photographer na kinakikiligan ni Erin. Iniisip niya na para bang nakita na niya ang mga matang iyon. "Si Miguel? Impossible!" wika niya sa kaniyang sarili. Ngunit nagtataka siya kung bakit tila ba punung-puno ng galit ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Pakiramdam nga niya pwede na siyang lumiyab. "He might just an arrogant person or may pinagdadaanan. No need to think of him!" dugtong pa niya. Pagkatapos maubos ni Miguel ang iniinom niyang alak ay nagtungo siya sa kaniyang home studio. Kinuha ang camera at isa-isang tiningnan ang mga larawan. Halos lumabas na ang apoy sa kaniyang mga mata sa galit na kaniyang nararamdaman habang tinitingnan ang mga larawan ni Scarlet na nakangiting nakatitig sa kaniya. "Magtutuos din tayo, Scarlet. Hindi ako papayag na habambuhay kang nakangiti ng gan'yan habang ako ay nagdurusa sa ginawa mong pag-iwan sa akin. Tandaan mo iyan," galit niyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD