Chapter 1: Finally, I'm back home

2021 Words
"Manila! I keep coming back to Manila. Simply no place like Manila. Manila, I'm coming home," pasigaw na kanta ni Scarlet habang nakadungaw ang mukha sa bintana ng SUV na sumundo sa kanila sa Ninoy Aquino International Airport. "Whoahhhh! I'm back Manila!" dugtong pa niya. "Scarlet, can you please close the window?" sabi ni Erin, Manager/Personal Assistant at best friend ni Scarlet. "Pumapasok ang usok ng mga sasakyan," dagdag pa nito sabay pisil sa kaniyang ilong. "This is what I missed Erin," sagot niya at ipinikit pa ang mga mata na para bang dinadama pa ang ingay ng mga busina. "It's been six years and finally I'm home. Haist! I really missed this feeling," tila kinikilig pa niyang wika rito. "Ma-miss mo na ang lahat 'wag naman ang pollution. Hay, naku! Isara mo na iyang bintana. Mamaya may makakilala pa sa'yo at kunan ka ng video. Sigurado akong viral kaagad 'yan. Alam mo ang title? Sikat na modelo mukhang baliw na nagsisigaw sa EDSA," sabi ni Erin na tawang-tawa na sa kaniya. "Ang kj mo talaga. Hindi mo ba alam, ha? Six years akong hindi nakauwi. Ikaw din naman, ah! Ang tagal mo na abroad. Saka sobrang busy ko sa work kaya medyo na-relax ako pagbaba natin sa airport," aniya rito sabay irap sa kaibigan. Anim na taon mula nang lisanin ni Scarlet ang Pilipinas at nag-migrate sa Canada kung saan na naninirahan ang kaniyang Mama Melanie kapiling ang bago nitong pamilya. Hindi naging madali sa kaniya ang desisyong iyon pero mula pagkabata pangarap na niyang makapiling ang ina. Lalo na at wala na rin ang kaniyang Lola na siyang nagpalaki sa kaniya. Anak kasi siya sa pagka-dalaga at hindi man lang niya nasilayan ang amang Amerikano. Ni hindi nga niya alam kung ano ang itsura nito. "Anong nakaka-relax dito, traffic o pollution? Saka na tayo mag-relax pagkatapos ng trabaho natin. Na-miss ko rin naman ang dagat dito sa 'Pinas," sagot nito sa kaniya. "Hmmm... is that all what you missed or si?" pambibiting tanong pa nito sa kaniya. "Of course not! The food here is what I missed the most. Saka pati mga beaches, sana maka pasyal tayo after ng work schedules," nakangiti namang sagot ni Scarlet. "Noted, Madam! I'll make sure na ma-enjoy natin ang pag-uwi natin dito," tugon ni Erin. "Thank you! Maasahan ka talaga," aniya sabay thumbs-up dito. Nginitian lang siya ni Erin. Narating na nila ang Hotel kung saan sila tutuloy habang nandito sa bansa. Pagpasok pa lang ni Scarlet sa kaniyang kuwarto ay humiga kaagad siya sa kama. "Hay, sa wakas! Nailapat ko na rin ng maayos ang mga likod ko sa malambot na kama," usal niya sa kaniyang sarili. Hindi biro ang eighteen hours na flight nila. Dahil sa pagod ay nakatulog kaagad ang dalaga. Ni hindi na nga niya nai-ayos ang kaniyang mga gamit. "Scarlet, please? Mag-usap tayo. Scarlet, please huwag mo akong iwan," puno ng pagmamakaawang pakiusap ni Miguel sa kaniya. Ngunit tila ba wala siyang narinig. Patuloy pa rin ang paglalagay niya ng kaniyang mga gamit sa loob ng taxi, ang maghahatid sa kaniya sa airport. Ito na kasi ang araw na pupunta na siya sa Canada pagkatapos siyang ipetisyon ng kaniyang ina. Pilit inaabot ni Miguel ang kaniyang mga kamay ngunit panay ang piglas ng dalaga. "Scarlet, alam ko gusto mo makasama si Tita pero paano ako? Paano na tayo? Napakalayo ng Canada," muling sambit ni Miguel. Pagkatapos mailagay ang kaniyang mga maleta ay nilingon niya ang binata. "I'm sorry, Miguel. I'm sorry. Babalik naman ako, eh! Lagi tayong mag-uusap at mag-videocall. Pakiusap, unawain mo naman ako. Masakit din naman sa akin na iwan ka pero may kasunduan kami ni Mama at miss na miss ko na rin siya. Iingatan mo ang sarili mo, ha?" mahabang wika niya at niyakap ang kasintahan ng buong higpit na tila bang iyon na ang huli. Sumakay na ng taxi si Scarlet habang pinipigil ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Hanggang sa hindi na niya ito mapigilan at napahagulgol na siya ng iyak. "Scarlet! Scarleeeet!" Biglang napabalikwas ng bangon si Scarlet. Nananaginip na pala siya. Pakiramdam niya kasi totoong narinig niya ang boses ni Miguel. "Kamusta na kaya siya? Okay lang kaya siya?" tanong niya sa sarili. Mula kasi nang madiskobre siyang maging modelo ng isang cosmetic company sa Canada kung saan siya nagtrabaho bilang Marketing assistant ay nawalan na sila ng komunikasyon. Mahigpit din kasi ang kaniyang agency at pinagbawalan muna siyang makipag relasyon. Itinuon niya muna ang kaniyang isipan sa magagandang oportunidad na dumating sa kaniya. Dinampot ni Scarlet ang kanyang cellphone nang makita niyang tumatawag si Erin. "Hello, Erin? Bakit?" patanong na sagot niya. "Nakapag-ayos ka na ba ng mga gamit mo?" tanong nito. "Hindi pa, eh. Nakatulog kasi ako at kakagising ko lang," muling sagot ni Scarlet. "Mamaya mo na lang aayusin 'yan. Bumaba ka na rito sa Restaurant at kumain muna tayo," muling wika ni Erin. "Okay! I'll just fix myself and bababa na ako," sagot niya. Nag-ayos muna ng sarili si Scarlet bago lumabas ng kaniyang hotel room. Nagpalit siya ng damit. Isang simpleng floral belted ruffled romper ang isinuot niya. Kitang-kita ang napakagandang hubog ng kaniyang katawan kaya napapalingon halos lahat ng kaniyang makasalubong. "Wow! So sexy," narinig pa niyang puri ng isang lalaking foreigner na nakasabay niya sa elevator. Pagdating sa restaurant ay nakita kaagad ni Scarlet si Erin at kinakawayan siya nito. Lumapit siya at umupo sa tapat ng kaibigan. "Treat ko today kaya you can choose what you want to eat," bungad agad ni Erin sabay abot ng menu sa kaniya. "Himala at nag-volunteer ka kaagad. First time ata ito, ah!" pabirong tugon niya. "Hindi ka kasi puwedeng kumain ng madami. Bukas may schedule ka na kaagad ng photoshoot kaya watch your diet, ha?" wika ni Erin na pangiti- ngiti sa kaniya. "Kaya pala, ha? Treat kuno pero hindi man lang aabot ng 500 dollars ang babayaran," kunwaring nagtatampong sagot ni Scarlet. "Baka 500 pesos. Wais kaya ako," tugon naman nito. At sabay na nagtawanan ang magkaibigan. Tinawag na nila ang waiter at um-order na ng pagkain. Pinili niya ang grilled steak tortilla salad at vegan black bean soup. Kay Erin naman ay steak at veggie pizza. Tahimik silang kumain dahil pareho na silang nakaramdam ng gutom. Pagkatapos nilang kumain ay bumili sila ng kape at naglakad-lakad muna sila. Pumunta sila sa garden ng hotel upang makalanghap ng hangin. "Ang sarap ng hangin dito. Hindi mo akalain na nasa city tayo," wika niya at palinga-linga sa paligid. Kakaunti lang naman ang mga taong nandoon kaya may mga bakanteng upuan. Tamang-tama at papalubog na ang araw. Nasa bandang baywalk ang tinutuluyan nilang hotel kaya mayroon itong magandang view ng sunset. "Do you have any plans while we're here?" tanong ni Erin sa kaniya habang papalapit sila sa bench na naka hilera. "Pagkatapos kasi ng mga photoshoots ay magiging maluwag na ang schedule mo," dagdag pa nito. "No definite plans. Maybe, I'll visit our house in Sampaloc. Nami-miss ko na kasi mga memories ko roon saka makita ko rin si Uncle George at Auntie Rosie," sagot niya pagkatapos humigop ng kape. "Childhood memories or love memories?" may halong panunuksong tanong ni Erin. "Tumigil ka nga riyan," kunwaring nagagalit na tugon niya. "Hindi ko nga alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kanila roon," dagdag pa niya. Alam niya kasing labis na nasaktan ang kaniyang mga kaibigan lalo na ang pamilya ni Miguel sa biglaan niyang pag-alis. "Don't be harsh to yourself, Scarlet. You chose kung ano sa tingin mo ang tama and you are right. See? Look where you are right now. Besides, bata ka pa naman noon. Marami pang opportunities na darating sa inyong mga buhay. Matagal mo na rin namang pinangarap na makasama si Tita at sinunod mo lang ang sa tingin mo mas matimbang sa puso mo," saad ni Erin sa kaniya. "Yeah, I feel the same way naman, eh. Pero ewan ko ba. Sometimes I feel guilty, sometimes okay naman ako," sagot niya kay Erin. "It's normal, maybe because you think na galit sila sa iyo. But, as I've said, don't be harsh to yourself. Think of it in a positive way. You already said sorry to them and it's their choice if they take it negatively," patuloy na payo sa kaniya ni Erin habang iniinom ang hawak nitong kape. "Saka nakita ko naman kung paano ka rin nasaktan," patuloy pa nito. "Thank you, Erin. Medyo, gumaan na ang pakiramdam ko. Maybe, for now, I'll focus to myself first lalo na at mayroon pa akong commitments," aniya rito. "That's right! Cheers for that!" sabi naman ni Erin. "Yeah! Cheers!" aniya sabay taas ng mga hawak nilang cup ng kape. Bumalik na rin sila sa kanilang hotel rooms pagkatapos nilang maubos ang biniling kape. Habang nagpapahinga si Scarlet ay hindi pa rin mawala sa isipan ang kaniyang napanaginipan. "Tigilan mo na nga ang pag-iisip ng kung anu-ano," aniya sa sarili. "Wala namang maitutulong sa'yo 'yan at anim na taon na ang nakakalipas. Siguro naman naka move-on na sila, ikaw lang ata ang hindi." Kinabukasan, maagang nagising si Scarlet. Naunahan pa nga niya ang kaniyang alarm clock. Laking pasasalamat ng dalaga at hindi siya nagkaroon ng jetlag. Kaya nag ehersisyo muna siya para lubusang magising ang kaniyang diwa. "Whooahh! Sarap ng pagpawisan. Let's get it on," wika niya sa sarili habang naliligo. Nine o'clock ang kaniyang call time sa araw na iyon. Plano nilang umalis nang maaga ni Erin dahil alam nilang traffic papuntang Makati. "Good morning my friend! How's your sleep?" masiglang bati sa kaniya ni Erin pagbukas niya ng kaniyang kuwarto. "Good morning! I slept well and wala namang jetlag. What's our breakfast?" tanong niya rito. "Pancakes with honey and brewed coffee, your favorite," sagot nito sa kaniya. "Wow! Thank you!" wika niya habang tinatapos ang pagpapatuyo ng kaniyang buhok. Pagkatapos ay kumain na sila ng agahan at umalis na ng hotel. "Hello, and welcome to Manila Miss Scarlet and Erin!" masiglang bati ni Neil, ang Head ng Advertising Department ng Trends. "Hindi talaga ako nagkamali for choosing you to be our newest brand Ambassador. You're so perfect!" dagdag pa nito. "Thank you so much, Sir! Because of Trends, I was able to come back home," nakangiting tugon ni Scarlet. "Neil, nalang. No need to call me Sir. Hindi naman magkakalayo edad natin," pabirong sabi nito. Tinawag ni Neil ang mga staff upang ipakilala sila. "Everyone, I want you to meet our newest model and brand Ambassador, Miss Scarlet de Vera!" pahayag nito. Agad namang nagpalakpakan ang nakangiting mga staff at binati ang dalaga. "Thank you, po. And I'm so excited to work with you all," nakangiting tugon ni Scarlet. "We're excited to work with you, too, Miss Scarlet. Let's make our work at ease. Be comfortable with us and we will do the same," sabi ni Direk Allan. "I will po, Direk. Please don't hesitate to correct me if needed," nakangiting tugon niya rito. "Miss Scarlet, I'm Chloe, your make-up artist," sabay lahad ng kamay nito sa kaniya. "Hi, Chloe. Nice to meet you. Ikaw na ang bahala sa mga flaws ko, ha?" pabirong tugon niya rito sabay abot din ng kaniyang kamay. "You have such a perfect fair skin. For sure magiging madali lang ang trabaho ko," nakangiting wika nito sa kaniya. "Hindi naman masyado. Talagang marami ng derm clinic ngayon," pabiro niyang sabi rito. Tawang-tawa naman ang mga nakarinig. "Maganda na, mabait pa, para ka talagang anghel, Miss Scarlet. Sana lahat ng modelo katulad niyo," sabad naman ni Baldo. Ang assistant photographer. "Sinong nagsabi na mabait ako?" tanong niya na kunwaring seryoso ang tono ng pagsasalita. Hindi naman nakaimik si Baldo kaya tuluyan na siyang tumawa at nagtawanan din lahat ng naroon maliban sa isang lalaki na nakatingin lang sa kaniya. "Life is short that's why hindi ko ugaling magalit na walang sapat na dahilan," aniya rito. Naging magaan sa pakiramdam ni Scarlet ang preparations para sa photoshoot. Lahat ng staff ay nginingitian siya maliban sa isang lalaki na kanina pa nakatitig sa kaniya. Naniningkit na ang mga mata nito na para bang may lalabas na apoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD