Prologue

1054 Words
Napabalikwas ng bangon si Scarlet nang marinig ang tunog ng kaniyang cellphone. "Hello?" halos pabulong na sagot niya. "Scarlet, anong nangyayari sa iyo? Bakit gan'yan ang boses mo?" may pag-alalang tanong ng kabilang linya. "Mama?" tanong niya. "Ako nga! Oh, bakit parang gulat na gulat ka?" tanong din nito sa kaniya. "Hindi naman po, Mama. Naalimpungatan lang po ako. 5:30 ng umaga pa lang po kasi dito Ma," sagot niya sa ina. "Alam ko!" tugon ng ina. "Sinadya ko talaga na tawagan ka sa ganitong oras para fresh pa ang isip mo. Kamusta ka na riyan?" tanong ni Melanie, ang kanyang ina na naninirahan na sa Canada. "Okay naman po ako, Mama. Day-off ko po ngayon sa work kaya bumabawi ako ng tulog. Kayo po kumusta na riyan? Napatawag po kayo?" balik-tanong niya. "I just want to remind you tungkol sa kasunduan natin," pahayag ng ina. Biglang nanlambot ang pakiramdam ng dalaga nang marinig ang salitang "kasunduan" na tinuran ng ina. "Hello? Hello? Scarlet, nariyan ka pa ba? Why you're not saying anything?" may pag-aalalang tanong ng ina. Ngunit tila wala ng narinig si Scarlet at nabitawan na niya ang kan'yang cellphone. "Babe, anong nangyari?" tanong ng kasintahang si Miguel. Nagising siya nang marinig niya na tila may kausap ang nobya. Napansin nitong tulala na nakaupo sa gilid ng kama si Scarlet. Ngunit parang walang narinig ang dalaga. Dali daling bumangon si Miguel at nilapitan ito. "Okay ka lang?" may pag-aalalang tanong nito. "Babe, si Mama kasi..." 'di na tinapos ang sasabihin at yumakap na ito sa nobyo. "Babe, ano ba iyon? Anong nangyari kay Tita?" magkasunod na tanong ni Miguel habang hinahaplos ang likod ng nobya. Ngunit walang nakuhang sagot ang binata hanggang makaalis na siya para umuwi na sa kanila. Gulong-gulo na ang isipan ni Scarlet. Hindi niya alam kung papaano sasabihin kay Miguel ang naging usapan nila ng kaniyang ina. Lumipas ang ilang araw at nanatiling lihim pa rin kay Miguel ang lahat. Dahil sa laki nang tiwala ng binata sa nobya ay hindi na nito kinulit si Scarlet. Alam niya kasi na kung ano man iyon ay kakayanin itong malagpasan ng nobya. Para sa kaniya si Scarlet ang pinakamatapang at pinakamalakas na babaeng nakilala niya. Wala itong pagsubok sa buhay na sinukuan kahit ang pagkamatay ng Lola nito. "Happy anniversary, Babe!" sorpresang bati ni Miguel kay Scarlet. Sinundo niya kasi ito sa opisinang pinagta-trabahuhan. Pangalawang taon na nila bilang magkasintahan. "Happy anniversary too, Babe!" sagot ni Scarlet sabay yakap dito. Magkahawak kamay silang naglakad papuntang parking area. Nakangiting isinuot ni Miguel ang helmet kay Scarlet. "Saan tayo pupunta?" tanong nito sa kaniya. "Secret," palokong sagot ng binata. Pagkasakay ni Scarlet, pinaandar na ni Miguel ang motorsiklo at tinahak na nila ang daan papuntang Antipolo. "Wow!" 'di makapaniwalang bulalas ni Scarlet. "Sobrang ganda dito," patuloy ang pagkamangha niya. Dinala lang naman siya ni Miguel sa isang restaurant na mayroong 360 ° view ng Metro Manila. "Pasensiya ka na, Babe. Ito lang ang nakayanan ko, ha? Pero panalo ang pagkain dito. At the best pa ang view," dagdag pa ng binata. "Ano ka ba? Never naman ako nag-complain, 'di ba? Alam ko kasi ginagawa mo lahat mapasaya mo lamang ako," sagot ni Scarlet. Walang mapagsidlan nang ligaya si Miguel sa araw na iyon. Wala na siyang ibang pinapangarap kundi ang makasama palagi ang dalaga at nakikitang nakangiti ito. Mahal na mahal niya si Scarlet. Labing-limang taon pa lang siya noon ay gustong-gusto na niya ang napakagandang kapitbahay nila. Kaya, pagka-debut nito ay lakas-loob siyang umakyat ng ligaw. Hinabol pa nga siya ng walis ni Lola Minda noong nagpaalam siyang manliligaw sa apo. "Babe, natulala ka na. Iniisip mo na ba ang magiging bill natin?" pabirong tanong ni Scarlet. "Ha? Ah, eh, naalala ko lang bigla noong nililigawan pa lang kita," nakangiting sagot niya rito. "Parang kailan lang naka-two years na tayo. I love you so much, Babe ko," buong lambing na sambit niya. "I love you too, Babe," sagot ni Scarlet. At pagkatapos nito ay hinalikan siya ng nobyo sa labi. Dalawang buwan ang mabilis na lumipas. Naging abala na si Miguel sa kaniyang bagong trabaho. Natanggap na kasi siya sa inaplayan niyang Bangko. Kaya excited niyang pinuntahan sa bahay si Scarlet upang dalawin ito. Isang linggo silang 'di nagkita kaya miss na miss na niya ang nobya. Wala sa bahay ang dalaga pagdating niya kaya tinawagan niya ito. "Hello, Babe? Nasaan ka?" tanong niya. "May binili lang at pauwi na rin ako. Wait mo na lang ako riyan sa bahay," sagot nito. Pagdating ni Scarlet sa bahay nakita niya ang nobyong nakatayo sa sala at may pagtatakang nakatitig sa kaniya. "Babe, ano 'to?" nakakunot ang noong tanong ni Miguel habang hawak-hawak ang isang brown envelop. Nanlaki ang mga mata ni Scarlet pagkakita sa hawak ni Miguel. Hindi makaapuhap ng mga salitang sasabihin kaya dali daling tumakbo sa kusina upang uminom ng tubig. "Babe, kindly explain to me kung ano ang ibig sabihin nito?" muling tanong nito habang sinusundan siya sa kusina. "Ito ba ang dahilan kaya nag-resign ka sa trabaho? Akala ko ba gusto mo lang magpahinga?" patuloy nitong tanong sa kaniya. "Miguel, matagal ko ng pangarap 'yan," nakayukong tugon ng dalaga. "Pangarap? 'Di ba ang makasama natin ang isa't isa habambuhay ang tanging pangarap mo? 'Yung after 5 years ,eh, magpapakasal na tayo. Asan na yung pangarap na iyon? Nangako ka Scarlet. Nangako tayo sa isa't isa," wika ni Miguel. 'Di na mapigilan ni Miguel ang emosyon at panay na ang agos ng luha sa kaniyang mga mata. "Hanggang kailan mo balak itago sa akin ito o baka wala ka nga talagang balak na sabihin sa akin?" may halong panunumbat na tanong ng binata. "I'm sorry, i'm sorry, pero 'di na magbabago ang isip ko. Please understand me," umiiyak pa ring sagot ni Scarlet. Dinampot niya ang brown envelop na nalaglag sa sahig sabay patakbong pumasok ng kaniyang kuwarto at nag-lock ng pinto. Patuloy pa rin ang pag-iyak ni Miguel habang napaupo na ito sa sahig. Gulong-gulo na ang isipan at 'di na alam ang gagawin. Paano niya mapipigilan ang dalaga sa plano nito gayon na sinabi na nga sa kaniya na hindi na magbabago ang isip nito? Pagkatapos mahimasmasan sa halos isang oras na pag-iyak at pag-iisip ay umuwi na ang binata. Umaasang magbabago pa ang pasiya ni Scarlet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD