NAGISING si Ed na kulay kahel na ang paligid. Nagpapahihiwatig lang iyon na hapon na. Sa tantiya niya ay nasa isang oras rin siya nakatulog pagkatapos ng ginawa nila ni Alyssa. Sa naisip ay awtomatikong kinapa niya ang katabing espasyo ng kama niya na narating nila pagkatapos ng mainit na pangyayari. Napakunot noo si Ed nang wala siyang makapa. Ibinaling rin niya ang tingin sa katabi at nagulat nang malaman ang dahilan kung bakit wala siyang makapa. Alyssa was not there. Napatiim bagang si Ed nang mapagtanto kung ano ang ginawa nito. Umalis si Alyssa. Iniwan siya nito. Pinaglalaruan ba siya ng babae? Pagkatapos ng lahat ay... Pero bakit ba niya naiisip na pinaglaruan siya nito? Hindi ba at iyon ang mga gusto niya sa mga naka-affair niyang babae? Ang wala na ang mga ito pagkatapos ng lah

