One Month Later "I-I'M PREGNANT?" tila may bumikig sa lalamunan ni Alyssa nang ulitin niya ang sinabing resulta ng Doctor sa test na ginawa nito sa kanya. "Yes, hija. You are four weeks pregnant. Congratulations!" masaya pang pagbati ng Doktora sa kanya. Pakiramdam naman ni Alyssa ay namutla siya sa narinig. Natulala rin siya. This couldn't be happening. "Its okay. First time mom ka ba? Normal na nangyayari 'yan sa mga unang beses na mabuntis. Matagal mo na bang inaantay ito? Hindi ka makapaniwala?" tumingin ang Doctor sa record niya. "Oh, you are already in your thirties." Tumango si Alyssa kahit na ba hindi iyon ang pinakadahilan kung bakit talagang natatakot siya sa nalaman. "Okay lang iyon. Kabilang ka pa rin naman sa early thirties. At ang mga bagong ina sa early thirties ay mar

