TATLONG araw pagkatapos ng nalamang balita ni Alyssa ay hindi pa rin siya nakakapagdesisyon kung tama ba na sabihin niya iyon kay Ed. Gusto niya munang ayusin ang sitwasyon, ang i-digest nang ayos ang balita. Isama pa na hindi niya alam kung anong lagay ni Ed kahit na ba madalas niyang tinitignan ang website ng Medoires para malaman ang mga bagong pangyayari lalo na sa royal family. Naging mabilis ang recovery ni Prince Rodrigo at malapit na raw ito muling mamuno. Kinailangan rin niya na maging updated dahil kahit na ba nalaman niya na kinansela na ang kasal, hindi pa rin niya masisisgurado ang mangyari. Kailangan pa rin niya ng assurance sa ginawa niyang pabor kay Ed. As for her sister and Charles, hindi niya pa lubos na maintindihan ang sitwasyon ng mga ito. Pero nang tawagan naman niya

