NANLAKI ang mga mata ni Alyssa nang makita niya mula sa bintana ng palasyo na dumating ang isang magarang karwahe sa palasyo nila. Kaagad na lumakas ang t***k ng puso niya nang makilala ang karwahe. It was from the Royal House of Ferreira. Wala siyang maisip na maaring bumisita sa kanya na taga roon kundi si Duarte lamang. Pero namayapa na ito. It should only be one person. Ed. Nasabik si Alyssa. Bumaba siya at akmang pupunta na sa main entrance ng palasyo nila kung saan alam niyang didiretso si Ed para salubungin ito. Pero natigil siya nang marinig niya ang pagsita ng mga guwardiya nila kay Ed. Kasunod noon ay narinig rin niya ang mga mapanglait na salitang binatawan ngi Aliciana pati na rin ng kanyang ina. Maaring bata pa si Alyssa pero matalas ang isipan niya. Hindi magagandang salita

