NAPAGDESISYUNAN ni Alyssa na dumalaw sa Royal House of Ferreira---ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihang Royal House sa buong Medoires. Ang pamilya ng Ferrreira ang pangunahing namumuno sa buong Medoires at alam niyang doon rin matatagpuan ang lalaking kailangan niyang kausapin. Hindi na lang basta hahayaan ni Alyssa na mangyari ang ganoon sa relasyon ng kanyang kapatid. Hindi rin niya gusto na nasasaktan si Charles sa sitwasyon. Hindi naman niya masisisi ang dalawa kung walang maggawa ang mga ito. It was a royal command. Mahirap suwayin iyon. Ramdam niya na takot ang dalawa kaya hindi maipaglaban ng mga ito ang pag-iibigan. Ngunit gusto niyang ibahin ang sarili sa dalawa. Gagawa siya ng paraan. Magiliw naman na tinanggap siya sa palasyo. Namukhaan siya ng mga guwardiya kahit hindi n

