Chapter 1

2133 Words
“Shangxin.” Alaskwatro pa lamang ng umaga ay ginigising na ako nito upang buksan ang tindahan namin sa gilid ng kalsada. Inis 'kong itinabon ang unan ko sa tenga at sinubukan muling matulog. Rinig ko ang pagtatatalak ni mama sa baba ng bahay dahil ayoko pa ring bumangon. “Ang tatamad niyo. Ako na lang ba palagi ang mag-aasikikasong mag-isa ha!” pagpaparinig nito para marindi at tuluyang bumangon. “Ma! Sabing maaga pa nga!” galit kong wika. Itinalukbong ko ang kumot ko, nagbabakasakaling mabawasan ang volume ng boses ni mama sa tenga ko. “E, anong gusto mo? Ang araw pa ang mag adjust sayo? Ang sasakit niyo sa ulo.” “Shangxin! Bumangon ka na jan. Hindi na ako natutuwa!” “Five minutes pa ma!” sigaw ko at mariing ipinikit ang mga mata ko. Sa inaantok pa nga kasi ako. Anong oras na rin akong natulog kakalibot sa Rpw. Isang uri ng mundo kung saan malaya kang sumaya, malungkot, itago ang tunay na ikaw. “Iyang 5 minutes mo! Susundan ng sandali! Saglit lang! Hanggang sa nabuksan ko na ang tindahan at hindi ka pa rin bumabangon!” Wala na akong nagawa at nayayamot ma'y bumangon na ako. Lumabas ako ng silid ko, naghimalos, pumasok ng banyo para buksan ang gripo. Inilublob ko lang ang kamay ko sa balde at nakipagtitigan sa tubig. Parang gusto ko na lang ulit maligo kesa makipaglaban sa lamig ng tubig na ito. “Maligo ka na! Puro na nga utang ang tindahan! Puro pa kayo katamaran! Gigibain na ang tindahan na'tin sa susunod na linggo. Baka nakalilimutan mo Shangxin? Ikaw lang naman itong malakas kumain.” saad pa ni mama. Napairap na lang ako sa loob ng cr. Ako na naman ang ginawang isang halimbawa. “Okay, tubig. Behave. Alam kong malamig ka, mamadaliin lang natin ito ng very bery light!” Narinig ko ang mahinang tawa ni mama sabay sabing. “Kailangan na ata nating bumili ng kadena para kapatid mo. Graciana!”. Hindi ko na sinagot pa si mama sa pang-aasar nito sa'kin. Kumuha lang ako ng kunting tubig sa tabo at binasa ang sabon. Hinubad ko muna lahat ng suot ko at nagsimulang magsabon. Binasa ko na rin ang buhok at maingat na iniwasan ang pagpatak ng malamig na tubig sa balikat ko! Napakalamig ba naman! Nang masigurong nasabunan ko na lahat parte ng katawan ko. Ay nilagyan ko naman ng Shampoo ang buhok ko. Diretsyo banlaw na ako at nagmamadaling ibinuhos lahat ng laman ng balde. “Dalhin mo na lang 'yung box ha!” bilin ni mama sa'kin. Narinig ko ang pagbukas ng pinto hudyat na lumabas na ito. Nang makapagbihis ako ay isinuot ko na ang mask ko at inilugay ang dehydrated 'kong buhok. Sana all silky straight hair! Binuhat ko na ang karton palabas ng bahay at nakasimangot na naglakad. Hindi naman nila makikita na nakasimangot ako dahil may mask. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapairap sa mga construction worker na sitsit ng sitsit! Ipahabol ko kayo sa aso ko! Kung hindi lang talaga gigibain ang tindahan ay nunca na lalabas ako para maglakad sa harap ng mga ito! Pero dahil need namin sulitin ang panahon na hindi pa abot nang widening ay sige bahala kayo magsitsit jan. Patay hiya, inis, irita muna tayo Shangxin! Sakop na kasi ng gobyerno ang kinatatayuan ng aming tindahan kaya wala kaming magagawa kundi ang umalis at magpatayo ng panibago. Pero, dahil madalian ang isasagawang paglipat, medyo nahihirapan kami sa pondo. Si mama rin kasi gusto na agad magpagawa para wala na raw naiisipin pa. Hindi naman kami minamadali ng mga gumagawa, nor ng mga Engineers.Tyaka muling dito sa'min banda ang huling ginagawa. Magkasalubong kasi ang ginawa nilang strategy sa paggawa ng kalsada. Ala-syete ng umaga ng magsimulang mag si datingan ang mga sasakyan ng mga magsusukat sa kalsada. Napahikab pa nga ako dahil sa antok. Pero, naputol ang pagbuka ng bibig ko sa pagdaan ng matangkad na lalaki. Nakaputi itong T-shirt, naka white hard hat. Napaka perfect nitong tignan. May maliliit itong mata at morenong balat. Ang moreno nitong balat ang nagsasabing palagi itong bilad sa arawan. Medyo mukhang suplado ang isang ito. Nakatitig lang ako sa kaniya habang dumadaan sila sa sa harap ng tindahan namin. Hindi naman nila ako makikita dahil may plastic cover ang harao ng tindahan. Pwera nalang kung lumingon siya sa mah pintuan! Nakita kong itinuturo nito ang mga kabahayang mapipinsala sa gagawing kalsada. Naiiling ang kasama nito sa diskusyong ginagawa nila. Habang siya naman at nakunot na ang noo. Salubong pa ang dalawa nitong kilay habang nakatitig sa papel niyang hawak. Bigla nitong binitawan ang papel at galit na nagmartsya papunta sa sasakyan nito. Malakas ang pagkasarado ng pintuan ng kaniyang sasakyan hudyat na galit ito sa kanilang natapos na pag-uusap. Isang kalabit ang pumukaw sa aking diwa. Napalingon ako rito at dali-daling inayos ang uri ng pagkakaupo ko. “Crush mo yung Engineer no?” pilyang tanong ng panganay kong ate . Naiirita ko itong inirapan at lumakad papasok ng tindahan. Makalipas ang ilang linggo, ay binigyan na kami ng notice paper na kung saan ay tatanggalin na daw ang tindahan. Napasimangot na lang ako dahil nakakatamad magbuhat ng mga karto lalo't may mga epal na construction worker. Isa pa nakakahiyang bitbitin yung mga damit kong nakasampay sa loob ng tindahan! Siniko ako ng ate ko, sinamaan ko siya ng tingin sabat irap. Nginuso nito ang nasa harapan niya. Salubong ang kilay ko ng lumingon ako sa nginunguso niya. Para akong matatakbo ng di oras ng makitang nasa harap ko yung engineer nong isang araw. Napakurap ako ng dalawang beses. Marahil ay mukha akong tanga sa harap niya ngayon. “Pabiling Mineral.” malamig na sabi nito. Nakatitig lang ako sa perang inaabot niya. Kung hindi pa ako siniko ng ate ko ay hindi pa ako matatauhan. “Wala.” patangang sabi ko! Gusto kong kagatin ang ibabang labi ko at mariing ipikit ang mga mata ko sa kahihiyan. Alam kong may mineral water sa tindahan naka display. “Bobo mo Shangxin! Ayun ho!” pang-aasar ng ate kom Pinandilatan ko lang 'to ng mata na ikinatawa niya lang. “Ako na ang kukuha!” dagdag pa nito na may mapang-asar na ngisi. Masama ko siyang sinundan ng tingin habang papasok ito ng tindahan. Alam kong tumatawa pati kaluluwa n'on dahil sa katangahan ko. “Magkano?” tanong ng lalaki sa harap ko. Nilingon ko ito pero hindi ko tinitigan ang mukha niya. “10 Pesos.” sabi ko sa kaniya at pumasok sa loob. Direstyo akong pumasok sa banyo at iniwan ang lalaki sa labas. Nang makapasok sa banyo ay gusto kong sumigaw sa hiya. Ano ba kasing nangyayari sa'kin? Bakit ganito ang mga kilos ko! “Shangxin! Umayos ka!” kastigo ko sa sarili habang nakaharap sa salamin. Hinilamos ko ang magkabilang palad ko at sinabunutan ang sarili! “Nakahihiya ka naman sa lipunan, Shangxin! Urghhh!” - Pagkahapon kinausap ako ng isang engineer. Maputi, kasing tangkad ko lang. Sabi niya “Anong oras kamo mag bukas hinaga gha?” his asking if anong oras kami magbubukas bukas. Linggo kasi bukas baka akala nito'y hindi kami magbubukas. Kahit kasi linggo may pasok sila. “Around 5:30 am nong.” Nong means Kuya or manong. Pagkatapos nitong makipag-usap at nagpaalam na itong aalis na. - Ikinaumagahan, ay nagluto sila tita ng Lomi, Batchoy, Shirmp Fried rice. “Shangxin , pakihatid ito sa ikatlong lamesa.” wika ni mama, tumango lamang ako at binitbit na ang order ng mga ito. Noong unang araw ng opening namin ng tindahan medyo nahihiya pa ako lumapit sa costumer. Feeling ko kasi baka mabahuan sila sa'kin or magkamali ako. Baka matalisod? Or kung ano-anu pang katangahan ang naiisip ko! Pero ngayon, kahit mahiyain ay na sana'y na rin ako sa presensya ng mga tao rito “Good morning, eto na po ang order niyo.” nakangiti kong saad kahit hindi naman nila makikita yung ngiti ko. Atleast nag smile! Inilapag ko ang mga inorder nila at iniwan na sila. “Shangxin, pakidala sa pinakadulong lamesa. May lulutuin pa kasi ako sa loob.” tumango lang ako kay tita at hinanap ang pinakadulong lamesa. Napalunok ako ng makita kung sino ang nasa dulong mesa. “Oo nga pala, si Amber. 'Wag mo muna dalhin rito. Tahol ng tahol. Iuwi mo maya-maya ha. Itinali ko muna sa may poste.” bilin ni mama. Tumango na lamang ako at dinala na ang pinggan na may lamang kanin. Lipad ang utak ko habang naglalakad palapit doon. Malayo palang ako ay rinig ko ang baritonong tinig ng isang lalaki, at mga halakhak ng mga kasama nito. Nanlamig ako habang naglalakad. Hindi ko maipaliwanag 'yung kabang dumadaloy sa kalooban ko. Nangangagtog ang tuhod ko sa bawat hakbang ng paa ko. Huminga ako ng malalim nagbabakasakaling maibsan ang kabang nararamdaman. Nagpatuloy lang ako paglalakad. “Eto nga po pala yung kanin niyo Sir.” Magalang kong saad. Pinilit 'kong kumalma sa kinatatayuan ko. Para akong na estatwa sa tabi niya. Dapat ay umalis na ako ng mailagay ko ang order niya.. Pero heto ako nanatiling nakatayo. Napalingon sakin yung isang matandang Engineer, ngumiti ito. Kinakabahang inilapag ko yung kanin sa lamesa niya. Hindi ko napansing hindi ko pa pala nalagyan ang pinggan nito. “Salamat hija.” ani ng Engineer na may edad na. Tumango ako bilang sagot at kinakabahang naglakad palayo. Grabe ang kabog ng dibdib ko! “Shangxin! Si Amber!” sigaw ni mama na nagpakaba pa lalo sa'kin. Mabilis naman akong kumaripas ng takbo ng sandaling marinig ko ang tahol ni Amber papuntang kalsada. Muntik pa akong madapa sa pagmamadali ko. “Amber! Uwi!” sigaw ko rito pero patuloy lang ito sa pagtakbo. Nagtataka ako kung bakit ito nakawala. May tila hinahabol ito kaya mas minabuti kong bilisan ang pagtakbo. Habol ko ang hininga ko sa bilis ng takbo ni Amber. Saka ko lang napansing may hinahabol itong maliit na aso. “Amber!” muling sigaw ko rito. Hindi ko na sinubukang habulin uli't dahil na ninikip na ang dibdib ko sa pagtakbo. Sapo ko ang dibdib ko na nagtataas baba. “Amber! Kapag hi..hindi ka huminto! Lintek lang ang walang ganti! Sinasabi ko sayo, wala kang pagkain!” muling sigaw ko rito. “Trix!” ani ng baritonong boses. Dahan-dahan akong napalingon sa pinagmulan nang sigaw. Nanlaki ang mata ko sa matangkad na tumatakbo papalapit sa'kin. At muli, heto na naman ako nahipnotismo sa lalaking ito. Mukha na naman akong tanga sa kakatitig sa kaniya! Nawala sa isip ko si Amber. Ang tanging ginawa ko lang ay tumitig sa nakasalubong na kilay nito. “Trix! Come here!” sigaw nito at tumigil sa tabi ko. Napalunok naman ako at napaiwas ng tingin rito. Tumakbo itong muli at nagmamadaling abutin ang maliit na tuta. Sumampa ito sa kaniya at parang bata na nagsusumbong. Nang maikulong niya ito sa bisig niya ay mabilis niyang hinablot ang tali ni Amber at hinila. Hindi naman umungol o nagreklamo si Amber at kusang sumama sa kaniya. Nahihiya akong tumakbo patungo sa kaniya para kunin si Amber. Malapit na ako sa kinatatayuan niya ng lumingon ito at madalim ang tingin niya sa'kin. Bigla naman akong makaramdam ng kaba at takot sa uri ng tingin nito. Palatak nitong ibinigay ang tali ni Amber sa'kin. Tinanggap ko naman ito at handa ng magpasalamat ng magsalita siya. “Sa susunod, siguraduhin mong nakatali ng mabuti 'yang aso niyo. Makakadisgrasya 'yan kapag napabayaan.” galit na ani nito at binuhat ang aso niya. Nauna na itong naglakad sa'kin. Hindi ko na lang pinansin ang asal nito. Tinignan ko lang masama si Amber dahil sa kahihiyan na ginawa niya. “And one more thing, nagtitinda kayo ng foods right? So, just a piece of advice. It's inappropriate to put your dog besides your mini restau. Hindi kayo makakagain ng costumer sa nakakarinding tahol ng aso mo.” malamig na wika niya. Nag-init ang ulo ko rito.Per da perstaym. Nainis ako sa kaniya. ‘Napaka ng lalaking ito!’ Inirapan ko lang ito at nilagpasan. Naiinis akong hinila si Amber palayo sa lalaking iyon. “Ma! Uwi ko lang si Amber. Baka kasi naririndi na ang COSTUMER sa tahol nitong aso ko. NAKAKAHIYA NAMAN!” gusto kong isigaw kaso ayokong ipahiya ang sarili. Kaya sa huli umuwi na lang akong naiinis habang ginigilitan yung pesteng engineer sa isip ko. “May oras ka rin sa'king peste ka!” bulong ko sa sarilu habang itinatali si Amber. “Dogie dog, Amber, Ali! Kapag nakasalamuha niyo 'yung aso ng lalaking 'yon! Huwag kayong magdadalawang isip na lapain! ” kausap ko sa tatlo kong aso. Urgh! Naiinis talaga ako. “Nawa'y hindi ko siya makita bukas!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD