Chapter 2

1387 Words
Alakwatro ng umaga~ “Shangxin.” mahinang tawag sa'kin ni mama. Naalimpungatan naman agad ako sa tawag nito. Iminulat ko muna ang isa 'kong mata, incase na hindi naman pala ako tinatawag at nagdidiliryo na naman ako. Kapag full eyes kasi ang i-oopen ko. Panigurado hindi ako makakatulog uli't. “Bakit ma?” “Jogging daw kayo ni nanay mga 4:30.” “Okay.” tipid kong ani at natulog ng muli. “Toktorook!” “Toktorook!” huni ng manok. Napabalikwas ako ng bangon, nasapo ko ang aking noo ng makita ko na maliwanag pa sa ilaw ng Akelco ang buong paligid! “Urghhhhh! Umaga na pala!” sigaw ko at bumangon ng diretsyo. Bumaba na ako ng hagdan para maligo. Bahala ng walang tuwalya. Baka meroon naman sa banyo. Nagmamadali akong bumaba at wala isip ang mga madadatnan ko sa ibaba ng bahay namin. Ang gulo-gulo pa ng buhok ko dahil kakabangon ko lang, hindi na rin ako magtataka kung may panis na laway pa ako sa gilid ng bibig ko o may mutang natuyo pa sa mukha ko. “Like what I've said 'nay. Yung tindahan i adju—” napatigil ako sa pagbaba sa huling baitang ng hagdan ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses ng isang lalaki. Napatigil rin ito sa pagsasalita at napadako ang tingin sa'kin. Literal na namilog ang mga mata ko ng magtama ang tingin naming dalawa. Bigla itong nag iwas ng tingin at ganun rin ang ginawa ko. Then, I realized! Naka sleeping boxer lang pala ako. Napa crossed-arm's ako sa hinaharap ko at bumalik sa taas. Halos madapa ako sa pag-akyat sa hagdan. “Ang aga-aga! Kahihiyan na naman ang almusal ko!” “Shangxin!” rinig kong sigaw ni mama. Sasagot pa sana ako kaso nilalamon ako ng hiya at walang boses na lumalabas sa lalamunan ko. Kumuha nalang ako ng tuwalya at pinalibot ito sa bewang ko. Nagpalit na rin ako ng T-shirts. Ilang minuto rin akong na natili sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam if lalabas ba ako o 'wag na lang muna. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto ko. Nag ninja moves pa ako habang bumababa ng hagdan. Sinisilip-silip ko pa baka nasa baba pa ang lalaking 'yun. Lahat ng kapalpakan at katangahan ko natutunghayan niya! “Yung totoo? Pinanganak ba ako para maging clown sa buhay niya?” Bumaba na ako ng hagdan nang makita ko na wala na ito sa sala. Nakahinga lang ako ng matiwasay ng sure na sure na wala na kahit anino nito. Patuloy lang ako sa paglalakad patungong kusina iinom na lang muna ako gatas before maligo. Nakangiti pa akong naglakad patungo sa kusina. “Ma! Gatas ko asaan na!”sigaw ko kay mama kahit alam ko naman kung nasaan nakalagay. Nakaugalian ko lang tawagin si mama kahit alam ko naman kung saan. “Ayan kaya ka tumataba! Ang taba mo na nag gagatas ka pa!” Napairap lang ako at diretsyong pumasok sa kusina. Kinuha ko na lang sa Ref namin yung fresh milk at nagsalin sa baso. Itinutok ko na sa bibig ko ang baso upang inumin ang gatas ko.Bigla akong napahinto at naestatwa nang may lumitaw na lalaki sa harapan ko. “ 'Nay salamat sa pagpagamit ng cr.” saad nito habang inaayos ang butones ng manggas ng kaniyang polo. Muntik ko nang mabuga yung gatas ng makita ko siya. Napaiwas ako nang tingin at dali-daling inubos ang gatas. Nagmamadali akong naglakad sa lababo at binuksan ang gripo. Napapangiwi ako ng hindi oras dahil sa kahihiyan ko kanina.Nagpanggap akong naghuhugas ng baso baka kasi may magawa pa akong katangahan kung makikipagtitigan ako sa kaniya. “Oh, lupa lamunin mo na ako.” kausap ko sa sarili ko sa mga oras na iyon. Nasa limang beses ko nang nasabunan yung baso at limang beses ko na ring binanlawan. Lutang ang isip ko habang dumadaloy ang tubig sa kamay ko patungo sa basong hawak ko. “Baka naman mapudpod na 'yang baso kaka hugas mo Shangxin.” “Ay bu— urghh! Mama!” inis kong wika sabay ayos ng tayo ko. Tinapos ko na ang paghuhugas at inilagay na ito sa tray ng patuluan ng mga basang baso. “Para kang tanga, crush mo ba si Engineer? Gusto mo itanong ko ang pangalan niya?” “Luh? Assuming. H i n d i ko magugustuhan 'yun. Never? Period? Ako magkakagusto sa isang katulad 'non. Hindi hamak mas gwapo pa ako kapag naging lalaki ako kesa roon!” “Talaga ba? E, bakit para kang nangisay na isda nong makita mo siya?” Inirapan ko lang ito at naglakad na palabas ng kusina. Don't get me wrong ganun kami mag usap nila mama. Irap means end of conversation. “Mamaya dito mag lunch sila engineer! Hindi kasi tayo nagbukas kaya sabi ko dito na lang sila kumain!” sigaw niya ng hindi pa ako tuluyang nakaakyat ng hagdan. Napahinto ako at masamang tinitigan si mama. Sinusuri ko ang mukha nito kung inaasar lang ba ako nito o totoo ang sinasabi niya. “Ma, tatamaan ka na sa'kin.” “Ikaw ang tatamaan sa'kin. Wag mo kong ginaganyan.” kunyareng galit ito. “Seryoso mama? Nang inbita ka pa talaga ng ibang tao sa bahay! hmpp.” “Anong ibang tao? future son-in-law ko yun 'no!” nangaasar nitong sabi at humalakhak pa. Umakyat na lang ako ng hagdan at hindi na pinakinggan ang iba pang sasabihin ni mama. Pagka-akyat ko sa kwarto padaskol lang akong umupo sa kama. “Urghh! Wala ba akong matinong gagawin ngayon?” Dahil bored na bored ako kinuha ko na lang lahat ng damit ko na maayos na nakatupi. Ginulo ko iyon at inayos ulit. Naglinis na lamang ako ng kwarto ko. Iniligpit ang mga nagkalat na basura, libro at kung anu-ano pang kalat sa kwarto. Nang matapos na ay lumabas na ako. Bumaba sa hagdan at nagtungo sa kusina. Kumuha ng isang basong tubig at syempre ininom ko 'iyon. Na alala ko hindi pa pala ako nakaliligo. “Maliligo na lang ako. Baka dumating 'yung mga bisita KUNO ni mama.” bulong ko sa sarili ko. Hinugasan ko na muna yung ginamit kong baso. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalingon ako sa sala. Si mama siguro. “Jonathan! Aalis ka na naman? Kakarating mo lang ah!” rinig kong sigaw ni mama. Nilingon ko sila at nakitang nanguna ang lalaki sa paglakad pa akyat sa taas. Malamig kong tinitigan ang lalaki. Hindi ko na ito magawang batiin pa. Si mama nga ay hindi magawang pansinin, kami pa kayang hindi niya naisipang uwian. Mapait akong napangiti at kumuhang muli ng tubig. “Ano naman ang gagawin ko sa pamamahay na ito Estrella? Alam mong hindi ko kayo mabubuhay at mabibigyan ng pangangailangan niyo kung tutunganga ako rito!” rinig kong sigaw nito. Tahimik lang akong nakikinig sa sigawan nila. Immune na ako pero kinukurot pa rin ang dibdib ko sa bawat pag-aaway nila. “Aanhin ko ang perang inuuwi mo kung wasak naman ang pamilyang ito Natan!” “Aanhin mo ang , ang kompletong pamilya kung gutom tayong lahat! Hindi tayo mapapakain ng kompletong pamilyang sinasabi mo Estrella!” Gusto ko nang sigawan silang dalawa sa inis ko. Pero pinipigilan ko lang, pinipigilan ko ang sarili ko na may masabing hindi maganda. “Natan, wag mo naman kami ipagpalit sa babae mo.” pakiusap ni mama na halos dumurog sa buo kong pagkatao. Ang mga hikbi at pakiusap ni mama ay muli ko na namang narinig. “Hindi ko siya babae Estrella. Alam mo 'yan sa sarili mo.” sa sinabing iyon ni papa ay wala akong nagawa kundi mapaiyak. Lalo ng marinig ang pagpalahaw ni mama. Narinig ko ang yabag ng paa nito pababa ng hagdan. Mabilis kong pinunasan ang luha sa mata ko at dumirestyo palabas ng kusina. Nagmadali akong pumasok sa banyo at naghilamos. “Hindi na talaga magbabago ang isip ni papa.” Pinagmasdan ko ang reflection ko sa salamin. “Posible pa lang bumuo ng pamilya at matawag na isang pamilya ang pamilyang walang pagmamahal na umuugnay sa mga magulang nila?” "Sa pagkaka alam ko ay hindi naman talaga mahal ni papa si mama. Kung hindi lang nagkatuksuhan sa inuman ay walang pamilyang magaganap sa pagitan nila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD