Chapter 3

3635 Words
Hindi ko inaasahan ang mabubungaran ko sa umaga. Dinig na dinig ko ang mahinang hikbi sa kabilang kwarto. Napakuso ako ng mata at bumangon. Binuksan ko ang ilaw at hinanap ko ang tsinelas ko. Nang makita ko ito ay lumabas na ako ng silid. Mas lalong lumakas ang paghikbi nang makalabas ako ng kwarto. “Anong meron?” tanong ko sa sarili ko ng makompirmang sa kwarto ni mama nagmumula ang impit na hikbi. Kinatok ko ang pintuan nito pero walang sumasagot. “Ma?” mahinang tawag ko rito. Kakatok pa sana akong muli ng may humawak sa balikat ko. Napabaling ako rito at napakunot ang noo ko nang makitang namumugto ang mata nito. “Anong meron? Nanood na naman kayo ng Chinese drama ng ganitong oras? Alas kwatro pa lang ah!” saad ko rito. Madalas kasi ay ganitong oras ang trip ng mga ito na manood ng drama. Umiling ito sa'kin at nagsimulang dumaloy ang masaganang mga luha niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay para ipaalam na naiirita na ako sa pabitin nitong kwento. “Bigwasan na kita jan, ate.” Nanatili lang itong nakatayo at nakatitig sa'kin. Titig na parang may gustong sabihin na hindi niya masabi sa'kin. “Demolish na ba ang tindahan bukas?” “Hoy! Ano ba kasing meron?” “Si mama na lang tanungin mo bukas.” tipid nitong ani at iniwan na akong nakatunganga sa pintuan ni mama. Naiinis akong itinapat ang tenga ko sa pintuan ni mama. Patuloy lang ito sa paghikbi sa loob ng kwarto. “May nangyari ba kay papa? Naaksidente? Namatay na kaya?” Lihim akong natawa sa naiisip ko. Nagawa ko pa talagang magbiro sa ganitong sitwasyon. Pero kung tatanungin ako, buhay man o patay ang papa. Parang wala rin naman kaming ama. Ano pang pinagkaiba? Kung naaksidente man siya, bakit wala ako ni katiting na nararamdamang lungkot o sakit? Bakit parang balewala lang sa 'kin? Ganito ko na ba kinakamuhian ang sarili kong ama? Hindi ko man lang magawang malungkot kung may nangyari man sa kaniyang masama. Gusto kong pumasok sa kwarto ni mama. Pero, pakiramdam ko ay need nitong mag-isa muna. Hindi na rin ako makatulog kahit ipilit ko pa. Kaya napagdesisyonan ko na lang na maligo at magbihis para mag jogging. Nag stretching muna ako bago nag simulang mag-jog. Naka headset lang ako at naka facemask din incase na may romondang patrol hindi ako masita sa labas. ‘Di-diretsyo na lang siguro ako sa dagat after nito para makapag-relax.’ Ilang milya lang naman ang layo nito mula sa bahay namin. 'Yun nga lang ay kailangan mong dumaan sa bagong gawang kalsada kung gusto mo mag shortcut. Ang problema lang ay masiadong madilim ang daan dahil wala pang streetlight. Wala rin kasing gaano pang kabahayan roon at isa pa ay nasa gitna ng malawak na palayan ang bagong kalsada. Hindi naman ako takot na may masamang loob na kumuha or manyakis na magtangkang gumawa ng masama sa'kin. May mga nag jojogging din naman sa ganitong oras kaya hindi ako takot. And usually mga kakilala rin ng pamilya namin 'yung buong barangay kaya madaling matukoy kung sino yung gagawa sayo ng katarantaduhan. “Good morning.” bati ng matandang babae sa'kin. Medyo mahina lang ang volume ng headset ko kaya rinig ko ito. Tumigil ako sa pagjog at sinabayan ang matanda. “Good morning din po. Wala po kayong kasama lola.” sabi ko dito habang inaalis ang headset sa tenga ko. “Aba'y may nakikita ka bang kasama ko hija?” pilosopong sagot nito. Parang gusto kong manakit ng matanda ng wala sa oras ah! Pigilan niyo ako! Ngitian ko lang ito kahit hindi niya naman makikita dahil nakamask kami pareho. “Nagtatanong lang po.” sagot ko naman rito. ‘Magheadset ka nalang ulit Shangxin. O kaya mag jogging ka na lang uli't!’ "Ikaw hija, may kasama ka ba?” balik na tanong nito sa'kin. “E, lola meroon po ba kayong nakikita na kasama ko?” “Aba'y ano ang tawag mo sa'kin hija? Gotcha! Nauto kita! Hahaha.” ani nito na ikinataas ng balahibo ko. May saltik ata itong si lola. “Ah. Lola una na 'ho ako ha!” sabi ko at nagmadaling tumakbo. Sa pagmamadali 'kong tumakbo ay jusko! Natapilok ang lola niyo! “Urghh!” Napadaing ako ng masubsob ako sa kalsada. Ampotchi! Buti na lang at walang dumaang mga nag jogging din. Para akong tanga na nakasalpak sa lupa. Kaya ko namang tumayo kaso masakit lang yung tuhod ko. “Arff! arfff!” tahol ng isang cute na tuta. Nilingon ko kung saan 'yun banda. Naaninag ko na may gumagalaw sa masukal na bahagi ng kalsada. Nasa damuhan pala ito, nahulog siguro. Tumayo ako at nilapitan iyon. Iika-ika akong naglakad papunta sa may masukal nadamo at may kanal na kinalalagyan niya. In'on ko 'yung flashlight ng phone ko. Naaninag ko ang isang maliit na puno ng putik na tuta. “Anong ginagawa mo jan? Ang cute mo pa man din.” kausap ko rito at pilit inaabot. At dahil masakit ang tuhod ko ay hindi ako gaanong makagalaw para itiklop ito. Pero dahil ang cute ng tuta bahala na. Sinubukan ko itong abutin ng malapit ko nang maabot ay biglang may malakas na tahol ang umalingawngaw sa tahimik na paligid. Nagulat ako at nataranta. Sa pagkataranta ko ay bigla akong nadulas. Tumilapon ang cellphone ko at dire-diretsyo akong nalublob sa kanal. “Great, just great! Nasubsob na ako kanina, nahulog pa sa kanal. Good morning Shangxin!” inis kong kausap sa sarili ko. Pinunasan ko ang putik sa mukha ko. Natatawang liningon ko ang aso. Nakatiningin lang ito sa'kin, kinarga ko naman ito at pinunasan din ang mukha niya gamit ang aking palad. “Pareho na tayong amoy kanal at puno ng putik!” “Trix! Where are you!” sigaw ng baritonong boses. Kung hindi ako nagkakamali ay boses 'yun ng antipatikong engineer! “Amo mo 'yun? Tss. Itapon kaya kita uli't?” biro ko rito na ikinatahol nito. “Trix!” sigaw muli ng binata at tumama ang liwanag ng flashlights sa pagmumukha ko. “Ano ba! Ang silaw 'ha!” reklamo ko rito. “What are you doing there?” natatawang wika nito. Inabot nito ang palad niya sa 'kin.Tinitigan ko lang ito at parang tangang nakatulala. Nang hindi ko abutin ang kamay niya ay hinawakan niya ako sa braso at inangat mula sa kanal. Hindi nito alintala ang masangsang na amoy na bumabalot sa 'kin. “Wala bang kanal sa inyo?” ani nito na natatawa pa. May halong pang-aasar ang tono ng pananalita niya. Hindi ako makasagot dahil ang buong sistema ko ay nakafocus sa kamay niyang naka hawak sa braso ko. Nakangiti pa ang mga mata nito. “Earth to you little mittens!” gulat nito sa 'kin. Nang manlaki ang mata ko sa gulat ay tumawa pa ito. Mas lalo lang akong natulala sa kaniya. “Does your brain is still working? Baka napasukan na ng tubig kanal 'yan ha.” Hindi pa rin ako sumasagot nanatiling nakatingin lang ako sa kaniya. Natatawa nitong hinila ako at nagpatianod na lang ako sa paghila niya. ‘Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Shangxin? ’ ani ko sa sarili habang naglalakad kami. Nasa harap na kami ng isang malaking apartment ng napahinto ito. Napabaling ito sa'kin at ako naman ay napaatras. “Can you text your Mother to get you some clothes? Hindi naman atang ka-aya-ayang maglakad ka sa labas na puro putik.” Now ko lang narealize, na ang cellphone ko ay tumilapon pala sa kanal nang nagulat ako sa tahol ng isang aso. “Tumilapon 'yung cellphone ko nang abutin ko itong aso mo. ” napaiwas ako ng tingin dahil baka isipin nito ay nagwa-gwapuhan ako sa kaniya. May kinuha ito sa bulsa niya at inilahad sa 'kin “Then used my phone.” Tumingala ako rito at nakangiti itong nakatingin sa'kin. Agad akong nagbaba ng tingin. ‘Bakit ka ba ngumiti 'ha? ’ “Uuwi, na lang siguro ako. Baka kasi anong isipin ni mama kapag tinext ko siya gamit ang number mo.” “Let her, gusto mo bang pagtawanan ka sa daan. ” “Ako na ang magtetext sa mama mo. Just give me her number. ” Wala na nga akong nagawa at ibinigay ko rin. Pagkatapos nilang mag-usap ay naiiling itong nakatingin sa cellphone niya. “Your mother is so weird.” nakangiti ito habang inilalagay ang cellphone niya sa bulsa. Naglakad na ito sa may gate at binuksan. Lumingon ito sa'kin. “Pasok ka. ” ani niya. Nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko ay hinila niya na ako papasok. “Ammm? Can you wash yourself muna sa labas before you enter my house?" Tumango naman ako ng ma gets ang gusto nitong sabihin. ‘Sino ba naman ang gustong papasukin ang amoy kanal na tao sa loob ng bahay aber? ’ “Wait for me here. ” tumango lang ako bilang sagot. Buhat buhat ko pa din ang aso niya. Hindi naman ito nagrereklamo at parang kuntento pa nga ito sa pagbuhat ko sa kaniya. Nakita ko ang isang balde sa may gripo. “Paliguan kaya muna kita? Kaso masiado pang maaga.” “Hey? ” rinig kong saad niya. Nilingon ko siya, may dala itong mga kurtina at sipit. Kumunot ang noo ka sa mga dala niya. “Alam kong babanlawan mo lang ang mga putik sa katawan mo. But, your still a woman. So I'll bring some of my spare curtain. ” Napakurap-kurap lang ako dahil hindi ko magets ang gusto ko niyang sabihin. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya . Inilagay niya sa magkabilang sampayan ang mga dala niyang kurtina at isinipit ito. Alam niyo 'yung itsura ng fitting room sa maliit na boutique? “Done. Go wash yourself, then took a bath later.” “Pakibaba na si Trix, para makapagbanlaw ka at makaligo.” Nag-aalangan akong pumasok sa loob ng kurtina. Nang makapasok ako ay bahagya akong napangiti. Nakaipit ang dulo ng kurtina sa bato at may baldeng may waterhost dito. Sinimulan ko nang mag banlaw. Mabilis kong inalis ang mga putik sa ulo ko at ibang parte ng katawan ko. “Are you done? ” muling tanong niya. “Oo. ” sagot ko sa kaniya. “Here.” Nagulat ako ng biglang lumitaw ang kamay nito sa kurtina. May inabot siyang basket na may tuwalya sa loob. Inilagay ko ang tuwalya sa balikat ko at lumabas na. “Let's go, and ito 'yung dala ng mama mo.” nakita ko pang sumilay ang mumunting ngiti nito sa labi niya. Nang tinangnan ko ang nakasukbit sa balikat nito ay halos tumakbo ako. “Bagpack? Ano ba akala niya lalayas na ako. ” Nagkibit-balikat lang ito at naunang maglakad. “Uuwi na ako. Masiado na kitang na aabala.” Napahinto ito sa paglalakad at matalim akong tinignan. Napalunok ako sa uri ng titig niya. ‘Sabi ko nga susunod na.’ “Go inside, ayokong magka-utang na loob.” Sumunod na lang ako sa kaniya. Nasa may pintuan na ako ng huminto ito. May hinalungkat siya sa cabinet. Rinig ko ang kaluskos ng plastic. Inilabas niya ang isang supot ng plastic. “Wear this. ” ani niya at pumasok na. Nang buksan ko plastic nakita kong tsinelas iyon na pang bahay. “Come in. ” malamig na wika niya ng hindi ako sumunod sa kaniya. “Go upstairs, maligo ka. Magluluto lang ako.” Napaawang ang bibig ko. ‘Bahay ko ba ito at malaya mo akong pinagagala rine ha? ’ “Ah? Saan banda ang banyo.” tanong ko sa kaniya. Hindi na ito sumagot at umakyat na. “Tss. Follow me.” naiiritang ani nito. ‘E sa ugali kong hindi ako basta-basta papasok ng pamamahay ng iba kung walang permiso.’ “This is my room. Feel free to used anything inside the bathroom.” Napatango naman ako sa kaniya. Lumabas na ito ng silid pero bumalik rin agad na dala ang backpack ko. “I'll send you home after eating breakfast.” ‘Nahulog lang ako sa kanal, may free bath at free breakfast pa. Kung ganito ka swerte ang mahulog sa kanal. Ay ihulog niyo na lang ako palagi lord! ’ Pumasok na ako ng banyo at agad na naligo. Napanganga ako sa kalinisan ng banyo ng lalaking ito. Ang manly ng amoy. Sa pag-uusisa ko ng gamit niya ay isa ang nakatawag pansin sa paningin ko. Kalalaking tao nag co-conditioner? “Maligo ka na nga lang Shangxin!” kastigo ko sa sarili ko. Nang matapos akong maligo ay agad ko ring binanlawan ang mga damit ko. Nahihiya pa ako ng may iilan pang putik ang nagkalat sa sahig. Kaya nilinisan ko pa ito habang naliligo. Medyo mahapdi ring ng kaunti ang mga gasgas ko. Ngayon ko lang ininda ang hapdi ng malinisan na ang katawan ko. “Are you done?” naiinip na tanong nito. “May plastic bag ka ba? ” tanong ko sa kaniya. Ilalagay ko lang naman 'yung basa 'kong damit. Lumabas ako ng pintuan. Nakasandal ito sa pader ng kwarto niya. Ilang milya ang layo sa banyo, nakahalukipkip ito at nakatingin sa'kin. Suot ko 'yung pinadala ni mama na black oversized T-shirt. Gusto ko sanang mag short, pero dahil nasa bahay ako ng hindi ko kilalang lalaki ay nag leggings na lang ako. “Anong gagawin mo sa plastic?” tanong niya na napalunok at napaiwas ng tingin. “May ilalagay lang.” “Wag mong sabihing balak mo pang iuwi yung sabon ko sa cr? ” seryosong tanong nito. Halos umakyat ang dugo ko sa ulo sa sinabi niya. ‘Kung hindi mo lang to pamamahay baka hinambalos na kita!’ “Ilalagay ko 'yung basa 'kong damit! Feeling nito!” Nakangiting naglakad ito patungong walk-in closet niya. “Walang plastic bag dito. D'yan mo na lang ilagay.” inabot nito sa 'kin ang isang paper bag. Gusto kong ibalibag ang lalaking ito. “Edi, mababasa din 'yan! ” “Silly! Asan ang damit mo i-dryer ko.” “No thanks! Isasalpak ko na lang sa bag ko! ” “Ikaw ang bahala.” Magsasalita pa sana ako nang may narinig akong parang nag babangayan sa baba. Tumingin ako sa kaharap ko at ganun din siya. “Engineer gwapo-gwapo! Hinahanap ka ni Engineer Hangin-hangin!” sigaw ng isang lalaki sabay halakhak. “May.. may bisita ka? pa.. paano ako lalabas?” natataranta kong wika sa kaniya. Pero itong kaharap ko ay wala lang. Parang chill pa. Nasapo ko ang ulo ko sa sitwasyon ko ngayon. “Sa pinto, I think doon ka dumaan kanina right? ” “Engineer? Sinong kausap mo d'yan?” Mas lalo pa akong kinabahan nang marinig ang paakyat na yabag ng mga ito. “Hoy! Anong gagawin natin!” niyugyog ko pa ang braso nito dahil sa kaba. Mahina namang natawa ito sa 'kin. “Don't be nervous. Sa sabihin ko na lang na ginapang mo ko. And I can resist! ” ani nito sabay tawa. Sinadya niya pang lakasan ang pagsasalita niya. Pinandilatan ko naman siya ng mata na lalo niya pang ikinatawa. ‘Ang pahamak naman ng lalaking ito!’ Kinurot ko siya sa tagiliran dahil sa inis. “Aray!” hiyaw nito. “Hindi ako nakikipagbiruan sayo!” bulong ko sa kaniya na ikinatawa niya na naman. “Fine, I'll stop laughing. But, please don't do it again.” “Mr. Gwapo-gwapo? Sinong kausap mo jan? Mukhang nagsasaya or nasisiyahan mga pre!” “Ano na?” pangungulit ko sa kaniya. “Kumalma ka muna, don't worry mababait naman sila. And co-engineer ko rin. ” “Co-engineer? aypot—” magmumura sana ako ng sinamaan ako nito ng tingin. “Potakte.” patuloy ko sinasabi ko. “Lalabas tayo, hindi ka pwedeng magtago dahil wala ka namang ginawang masama. And besides, I'll explain it to them later. Para di nila ma misinterpret.” “So, okay kana?” Tipid akong ngumiti at tumango. Binuksan niya ang pintuan at nagsi-subsob ang limang adonis sa harapan niya. Alanganing ngumiti ang isa sa kanila at nag peace sign. “Woaah.” saad ng maputing lalaki. “Hi, I'm Jordan. Engineer Jordan.” inilahad nito ang kamay niya, nasa likuran ako ng lalaking ito kaya hindi ko maabkot ang kamay ni Jordan. Tinapik na lang ng isang lalaki ang kamay nito at nagpakilala rin sa'kin. “Engineer Michael.” ngumiti lang ito at parang na nawalan ng dugo ng mapadako ang tingin sa lalaking nakapagitna sa'kin at sa kanila. “Mukhang my naistorbo tayong chukca—” hindi na naituloy pa ng isa ang sasabihin nito ng tabunan ni Michael ang bibig nito at ibinaba na ng hagdan. Naiiling na sumunod ang tatlong lalaki sa dalawa. “Am. Uuwi na ako.” Nilingon lang ako nito at hinila pababa ng hagdan. Dumiretsyo kami ng kusina. Andoon ang limang Engineer, nakatingin lang sila sa 'min. Pinaupo ako nito at nilagyan ng kanin at bacon. Nag-aalangan akong galawin ang kubyertos sa lamesa. “Eat and I'll send you home.” “Baby J. Can you send me home too.” kantyaw ng isa sa mga engineer. Tinawanan naman ng apat ito, masama siyang tinignan ng binata. “Are you tired of living Esmael?” “Kinda baby J.” “Lumayas ka sa harap ko bago kita saksakin.” saad nitong muli. Hindi ako makakain dahil nawiwili ako sa kanilang anim. “What's your name?” wika ng isang chinito. “Shangxin.” ani ko rito at ngumiti. “Hoy, inchik. Baka gusto mo bumalik sa bansa niyo. Kitang pagmamay-ari na ng iba. Ahh sipain kita palabas ng pilipinas.” Tumawa naman sila maliban sa chinito at sa lalaking bipolar. “Shut up Esmael. I'm just curious. She's familiar.” “Ex mo?” “Tang na ka Esmael. Wala ngang pinapatos na babae 'yang si Sheng. ” anas ni Jordan. “What do you mean by familliar?” sa wakas at nagsalita rin. “She's look like the future mother of my child.” “Pusang gala? Napakacorny ng banat mo. At dahil jan may 1 year kang warranty sa St. Peter. Gwapong parang natutulog lang.” Natawa na lang ako sa kakulitan ng mga 'to. “Busog ka na ba? Iuuwi na kita.” malamig niyang saad na matalim ang titig sa isa mga kasama ng lima ng niyang co-engineer. Si Jordan matangkad, maputi Gwapo. Si Michael maputi at hind gaanong katangkaran. Si Esmael joker maputi rin at gwapo din naman. Si Sheng tahimik, chinito maputi at matangkad rin. Ang isa, kung tahimik si Sheng, mas tahimik ito. Kanina pa sila ng nagtatagisan ng masasamang tingin nitong katabi. Nang tumango ako bilang sagot sa anong niya na busog ako ay hinila na niya ako sa kamay. ‘Busog na ako sa kakulitan niya, babawi na langt ako sa bahay.’ “Let's go. ” ani nito. Tumayo na ako at nag-wave sa kanila. Nagwave back naman ang tatlo habang ang dalawa ay nakatitig lang sa 'kin. “Yung bag ko nasa taas pa?” “I'll get it. Stay here. And don't talk to them.” Kinilabutan naman ako sa sinabi niya kaya na estatwa ako sa kinatatayuan ko. Umakyat na siya ng hagdanan. Sinundan ko na lang siya ng tingin. Napalingon ako ng makaramdan ng presensya ng isang lalaki. Napaatras ako ng kunti. Matalim itong nakatitig sa 'kin. Inilapit nito ang bunganga niya sa tainga ko. “Stay away from him. Sooner or later he will only hurt you.” bulong nito sa. 'kin. “Hoy! hoy! Kyle! Ano 'yan.” sigaw ni Esmael. Inilayo niya ang mukha niya sa 'kin. Eksakto namang pababa ng hagdan ang lalaki. Nagtatagis ang panga nito ng makita ang posisyon naming dalawa. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi ng lalaki. Hindi ako nakagalaw ng ilapat nito ang kaniyang labi sa labi ko. “Ooopss.” saad nito at naglakad palayo. Mabilis na bumaba ng hagdan ang lalaki at sinuntok si Kyle. ‘Ano ba kasing pangalan nitong bipolar na ito!’ Nakatulala lang ako sa nangyayari sa paligid. “What do you think you are doing Kyle?!” sigaw nito. Hinawakan na siya ni Jordan at Sheng. Habang si Michael at Esmael naman ang nasa pagitan nilang dalawa. “Ha? Ask yourself. What do you think you are doing?” pinunasan nito ang dugo sa kaniyang labi. Hindi ito gumanti sa suntok ni Bipolar. “Tama na 'yan. Mamaya na kayo mag-usap. Ako na ang maghahatid kay Shangxin.” Si Sheng. Nakatingin lang ako sa kanilang anim. Hindi ako maka-imik. “Ako na.” mariing saad nito at iwinaksi ang braso sa pagkakahawak sa kaniya. Hinila na ako nito palabas. Pareho kaming napahinto nang magsalitang muli si Kyle. “Mas makabubuti na si Sheng ang maghatid sa kaniya. Do you think she can leave this house without being hurt? Think twice, I know you'll know what I'm talking about. I'm just concern to your fcking girl. For Pete's sake. Wag mo nang idamay ang iba sa problemang hindi mo pa maresulba!” Napabitaw ito sa braso ko, napatingin ako sa kanilang lahat. Ang gulo ng isip ko. Ano bang nangyayari? Nahulog lang naman ako sa kanal kanina? Bakit? ganito na? Tinapik na ni Sheng balikat nito. Inakay siya papasok nila Esmael, Jordan at Michael. “Don't worry. They are fine. Let's go.” Sumunod na lang ako sa kaniya. Sumulyap pa ako sa may pintuan bago kami makalayo. Nakita ko ang pag-akbay sa kaniya ni Kyle. “Sakay na.” Nang maihatid ako ni Sheng ay nagpaalam na agad itong umalis. Kinawayan ko lang siya at nagpasalamat. Pagkarating ko sa bahay ay dumiretsyo ako sa kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama. Masiadong nakakapagod ang araw na ito. ‘Sa isang iglap, nagbago agad ang ihip ng hanging, ano kayang meroon kay Kyle at kay Bipolar?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD