“Kumusta ang bakasyon mo sa future son-in-law 'ko? ” agad na tanong ni mama nang makababa ako ng hagdan.
‘Anong son-in-law? Nagdedeliryo ka na naman ba mama?’
Diretsyo lang akong bumaba ng hagdanan at tahimik na naglakad patungong kusina.
Hindi ako umimik, lutang ang isipan ko sa nangyari kanina. Hanggang ngayon ay wala akong maintindihan.
Hindi ko makuha kung anong pinupunto ni Kyle. ‘Speaking of Kyle. ’
Nararamdaman ko pa rin ang labi ni Kyle sa labi ko. Napahawak ako sa labi ko at tulala na kumuha ng isang baso ng tubig.
“Shangxin! Ang tubig! Lampasuhan mo 'yan!” rinig kong sigaw ni mama pero hindi ko pinakinggan. Nakahawak pa rin ang kaliwang kamay ko sa labi ko at nagbabalik ang pilyong ngiti ni Kyle sa isip ko, pati na rin ang unti-unting paglapit ng labi nito sa labi ko. Mariin akong napapikit at umiling.
“Ano bang iniisip mo Shangxin!” kastigo ko sa sarili ko.
Natauhan lang ako nang may mabigat na kamay na humampas sa likuran ko.
Napabitaw ako sa labi ko at iniwas ang mga tingin ko kay mama.
“Bingi ka ba? Balak mo bang gawing bathtub ang sahig natin!” saad nito.
“Ano bang nangyari at pinahatiran pa talaga ng damit 'yan ni engineer?” tanong nang kararating lang na si Rafael.
“Mas mabuting itanong mo jan sa pinsan mo. ” saad naman ni ate Gracia habang kumakain ng cupnoodles.
“Mas mabuting si Sheng ang maghatid sa kaniya. Do you think she can leave this house without being hurt? Think twice, I know you already knew what I'm talking about. I'm just concern to your fcking girl. For Pete's sake. Wag mo nang idamay ang iba sa problema na hindi mo ma maresulba! ”
Napailing na lang ako ng muli kong narinig ang boses ni Kyle sa utak ko.
‘This is not good Shangxin!’
“Hoy! Kanina ka pa namin kinakausap! ” sigaw ni mama na nasa gilid ko pa rin pala.
“Bakit ba?” tanong ko rito na ikinangiwi ni mama.
“Simula nang dumating ka para kang tulig. Ano bang nangyari at tumawag pa si engineer? Natapunan ka ba niya ng kape sa damit? Natapunan ng juice?” eksayradang tanong ni mama.
“Kanonood mo 'yan ma ng c-drama.” saad ko at tinalikuran siya. Inilapag ko ang baso sa lababo pagkatapos ko itong gamitin.
Nakangiting tinignan ako ni mama at tumataas baba pa ang kilay.
Inirapan ko lang ito at naglakad palabas ng kusina. Umupo ako sa tabi ni ate Gracia at pinilit manood ng tv.
“Ang ganda naman ng kissing scene sa Love Is Sweet! Perfect!” biglang saad ni ate Gracia.
Napatutok ako sa tv at nasamid ng tumabi si mama sa 'kin. Gusto ko mag focus sa pinanonood ko pero mukha ni Kyle ang nakikita ko sa bidang lalaki. Lalo na nang clinose-up ang mapupulang labi nito. Mariin akong napalunok at napa-iwas nang tingin.
“Wag mong sabihing naghalikan sila! ” sigaw ni mama.
“Hindi no!” agap kong sagot na napatayo pa. Nagulat naman si ate Gracia at mama nang tumayo ako. Gayun din si Rafael na kasalukuyang nagdra-drawing. Nakatingin lang sila sa 'kin.
"Ang weird mo? Ano bang nangyayari sayo?” tanong ni ate Gracia.
“Wag mong sabihing naghalikan kayo ni Engineer?” nakangiwing ani ni Rafael sabay tawa.
Napatakip naman ang oa kong nanay sa bibig niya at nagtitili. Natatawa naman si Ate Gracia kay mama dahil parang teenager itong nagtitili.
“Kaya ba nagpahatid ka ng damit mo? Nabasa ba ng kape ang damit mo? Nagsimula kayong nagtitigan tapos nag— Naghalikan!!” ani nito at tumili ulit. Mariin akong napapikit at palagay ko ay namumula ang mukha ko dahil sa hiya sa pinagsasabi ni mama.
“Ma! Pwede ba hindi kasi ganun yun! ” sigaw ko rito. Napahalakhak na lang si Rafael dahil sa pinagsasabi ni mama.
“E ano nga kasi?! Pero naghalikan talaga kayo?” pangungulit nito sa 'kin.
Nasapo ko ang noo ko at parang mapuputol ang litid ko sa leeg dahil sa ka-abnormalan ng nanay ko.
“Ma, makinig ka,” nakapameywang na ako habang naiinis sa nakangiti nitong labi. Parang mapupunit na ang labi nito sa kakangiti.
“Nahulog ako sa kanal kaya tinawagan ka niya na dalhan ako ng damit. Kasi nahu—” hindi ko natapos ang sa sabihin ko ng tumili ulit si mama. Narinig ko naman ang halakhak ng dalawa. Sinamaan ko nang tingin si Rafael at Ate Gracia. Nagpsipag iwas na lang nangtingin ang mga ito pero pinigilan ang pagtawa.
“Manahimik ka muna ma, pwede? Pwedeng patapusin mo muna ako?” sumenyas ito ng okay. Kaya napabuntong-hininga nalang ako.
“Nahulog kasi 'yung aso niya sa—”
“Pero nagkiss kayo?” putol nito ulit sa sasabihin ko. Gusto ko nang hampasin si mama dahil sa kakulitan niya. Mas lalo pa akong nainis nang marinig ko ang munting hagikhikan ng dalawa.
“Bahala ka nga kayo jan!" naiinis na umakyat ako ng hagdan at iniwan sila. ‘Suko na ako! Jusko mama!’
“Nak, pero nagkiss kayo?” pahabol pa na sigaw ni mama . Narinig ko naman ang halakhak ng dalawa. Naiinis na dinungaw ko ito sa hagdan at sinigawan. Napatigil ang dalawa sa sigaw ko.
“Oo, pero hindi siya ang humalik sa'kin!” sigaw ko at umakyat na sa taas.
—
Ikinaumagahan, maaga kaming nagbukas ng tindahan. Namalengke si mama kaya ako lang ang magbabantay mag-isa sa tindahan. Wala rin si Ate Gracia dahil may interview ito. Wala rin si Rafael dahil may project itong tinatapos.
“Hay, buhay. Good morning self.” bati ko sa sarili ko at napabugtong-hininga.
“So? How's your sleep?”
“Maayos naman. Nakatulog ako nang mahimbing after mo akong ihatid sa kwarto.”
Napalingon ako sa nag-uusap na dumaan. Nakasunod lang ang mata ko habang nagtatawanan sila. Hindi ko maiwasang magtaka, parang kahapon lang ay magkasama tayo at hindi naman ganiyan ang mga ngiti mo. ‘Close ba kayo para magtaka ka d'yan. Kahapon lang kayo nagkasama. Remember?’
“Feeling close ka naman Shangxin e!” bulong ko sa sarili ko.
Napapikit na lang ako at idinilat muli ang mata ko. Tumayo ako at napagdesisyunang kunin ang painting materials ko. Mag pe-paint na lang ako kesa mag-isip ng kung anu-ano.
Nang makuha ko na ang mga gagamitin ko ay lumabas na ako. Inayos ko lang ang stand ng canva ko pati na rin ang paint at paint brush ko.
“Mag pe-paint na lang ako habang wala pang bumibili.” bulong ko at ibinababa ang mask ko. Kinagat ko ang dulo ng hawakan ng brush at nag-isip.
Biglang pumasok sa isip ko ang masungit na hitsura ng isang lalaki. Masaya itong nakangiti habang kausap ang isang babae.
“Urghh! Ibang Image's please!” ani ko at ipinukpok sa ulo ko ang maliit na brush.
Mariin akong napapikit at ang imahe naman ng dalawang tao ang nakita ko. Hawak nito ang braso ng babae at nasa gitna sila ng madilim na kalsada. Ang babae ay may hawak na maliit na aso at nakatulalang nakatitig sa lalaki.
Napamulat akong bigla ng maalala ang pagkaghulog ko sa kanal.
“Ano ba kasing iniisip ko!” naiinis kong bulong at umupo na lang. Ibinalik ko ang mask ko at nakatitig lang sa canva. Huminga ako bago ko tinitigan ang pintura sa may lamesa.
“Bahala na.” ani ko at pinaghalo ang puti at dilaw. Sunod ay ang kulay violet at white.
Nagdrawing ako ng kamay na nakahawak sa isa pang kamay. Napangiti ako habang nagpe-paint. Kulay violet, blue, white ang highlight ng mga daliri. Habang ang background ay light yellow na may black.
Masaya ko itong pinagmasdan at nag-inat. Nakatutulong talaga pangtanggal sa' kin ang pagpipinta.
“Pabili, pabili po. Tao po.” parang batang tawag ng bumibili. Napairap naman ako ng mamukhaan kung sino ang bumibili. Sa boses pa lang nito alam kong si Esmael siya.
Pumasok ako ng tindahan para pagbilhan siya.
“Uy, Ms.Kanal?” ani nito. Tinaasan ko siya ng kilay na ikinatawa lang ng mokong. ‘Siguro ay kinuwento ni bipolar ang pagkahulog ko sa kanal!’
“Bibili ka o hindi?” masungit ko na sabi dito at tinaggal ang gloves.
“Easy Ms. Kanal. Pabiling nyebeng oso. Sampung piso,” nakakunot ang noo ko sa pinagsasabi ng isang ito. Napaka-abno talaga kahit kailan.
“Gusto mo pukpokin kita ng garapon?”
Napakamot naman ito ng ulo at tinuro ang snowbear. Naiinis kong binigay ang snowbear nito at sinuklian ng tig 25 centavos. Napangiwi naman ito pero tinanggap pa rin.
Lumabas na ako ng tindahan para kunin ang artwork ko.
“Did you paint this?” tanong sa 'kin matangkad na lalaki. Maputi ito at gwapo. Iniisip ko kung ano nga ba ang pangalan nito. Michael o Jordan ?
“Jordan, sayo 'tong painting?” impora niya na sa 'kin. Napabaling ako ng tingin sa isa pang lalaki na naka-white hard hat. Sinisipsip nito ang dala niyang soft drinks.
“Bawal umupo dito. Sa kabilang tindahan ka bumili. Doon ka makiupo.” parang batang ani ni Esmael. Natatawang kinaltukan siya ni Michael.
“I have no time for your stupidity. Alejandro.”
“Ey! Asaran lang, walang tawagan ng surename! Aba Escuba! Hindi nga kita tinatawag sa surename mo!” anas ni Esmael na ikinatawa naman ni Jordan.
“Escovar! Hindi Escuba! Bigwasan kita jan!”
“Whatever Escuba. Uy, Ms. Kanal. Makiki-upo kami dito 'ha!”
“What the hck? Anong Ms. Kanal. Shangling name n'yan!”
‘Shangling? Tama ba ang pagkarinig ko? Shangxin ang name ko hindi Shangling! Baka nabubungol lang ako.’
“Mga bobo, Shangxin. Nakakahiya naman kayo. Sana hindi ko na lang kayo naging barkada.” natatawang saad ni Jordan.
Nilingon naman siya ng dalawa at sinamaan nang tingin.
“Barkada ka ba namin?” sabay na ani ng dalawa.
Nakakawili talaga silang magbabarkada. I wonder kung ganiyan silang anim magkulitan. Si Bipolar, Sheng, at si Kyle same vibes. silang tatlo 'yung seryoso sa anim. ‘I think? Base na din sa mga kinikilos nila at sa mga na-obserbahan ko noong isang araw.’
Naiiling akong iniligpit ang iba 'kong gamit. Bakit kasi prinoproblema ko ang barkadahan nila.
“So, that's your painting?” muling tanong ni Jordan. Tumango lang ako at pinasok sa loob ang iba kong gamit. Inayos ko ang pagkasalan-san sa tukador ng tindahan. Nagulat ako ng biglang nasa likuran ko na si Esmael. Muntik ko pa siyang mahampas ng set ng paint.
“Bakit na sa loob ka ng tindahan namin 'ha?” takang tanong ko sa kaniya. Hindi ako nito pinansin, busy lang ito sa pagpipili ng mga chichirya.
“Hoy, Esmael. Nakakahiya ka talaga. Bakit nand'yan ka na sa loob?” si Michael.
“Kasi, wala ako sa labas?” pilosopong ani niya at patuloy lang sa pagpili ng mga paninda. Hindi ko na lang siya pinansin. Pumasok na lang ako sa maliit na kusina sa tindahan at naghugas ng kamay. Itinapon ko rin ang gloves ko na ginamit kanina sa pagpinta.
“Shangxin, iiwan ko lang dito 'yung bayad sa may cabinet.” sigaw nito sa 'kin. ‘Feeling close 'ha.’
“Okay,” tipid na sagot ko dahil wala naman akong maisip na sasabihin pa.
Paglabas ko ng kusina ay nabungaran ko natahimik na sila. ‘Baka umalis na?’
Nagkibit-balikat lang ako at napabaling sa binayad ni Esmael. Nagsalubong ang kilay ko ng mapadako sa perang nakapatong sa cabinet. Isang daan? ‘Worth one-hundred pesos talaga ang binili 'non?’
Akmang kukunin ko ang pera ng marinig ko tinig ng isang lalaki.
“What are you doing here?” malamig na saad ng isang baritonong boses. Kilalang-kilala ko kung kaninong boses 'iyon.
“Merienda, ano pa bang dapat na ginagawa sa tindahan. Mr—”
“Shut up Alejandro,” mariing sabi nito. Narinig ko ang pagtawa ni Esmael, palagay ko kaya sila natahimik dahil and'yan ang kj na bipolar.
“Maraming aayusin sa site. Let's go.”
“Ahhh. Kakaupo lang namin, alis again. Why so fast naman.” pag-iinarte ng mokong. Inaasahan kong tatawa ang kasama niya pero nanatili itong tahimik.
“Fine,” tanging saad nito. Tapos tahimik na naman.
“Okay, I'll zip ma mouth!” dagdag pa niya na ikinakunot na ng noo ko. Ano bang nangyayari sa labas? Hindi ko naman magawang sumilip. Andoon si bipolar, ayaw ko siyang makita.
“Shangxin!” sigaw nito. Napasapo na lang ako sa noo ko. ‘Ayaw 'ko ngang lumabas Esmael! Pisteha sa imo uy!’
“Esmael!” may awtoridad na anas nito. Napalunok muna ako bago humakbang papuntang pinto.
“What? 'yung sukli ko kukunin ko lang,”sagot pa niya.
“Magkano ba? One-hundred 'yung binayad mo. Magkano 'yung kinuha mo. ” ani ko at tumalikod para suklian siya at para na rin hindi ko makita ang pagmumukha ni bipolar.
“10 na snowbear, Milkman na dalawa. 'Yun lang.” ani niya. Kumuha ako ng fifty na buo, isang twenty at inabot ito sa kaniya.
“Thank you.” sabi niya at una nang naglakad. Napahinto ito at tumingin sa lima na nasa likuran niya at hindi pa nagsisimulang humakbang.
“Oh? What are you doing there?”sabi niya na ginaya pa ang boses ni bipolar. Hindi ko tuloy mapigilang matawa. Tumigil din ako bigla ng may masamang tingin na nakatitig sa 'kin. Naglakad na ito ng tapikin siya ni Sheng.
“Bye, Shangxin!” sabi nang kumakaway na si Jordan at Michael. Kumaway rin ako pabalik. Ang huling naglakad ay si Kyle. Nakatingin ito sa painting ko. Napatingin ako rito at nang mag-angat siya ng tingin nakangiti itong tumitig sa 'kin.
“I'll take this as a souvenir,” napamaang ako ng bitbitin niya ang painting ko. Magrereklamo sana ako kaso naglakad ito palayo habang bitbit ang painting ko. Nakatalikod pa itong kumaway sa'kin. Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwalang may nakasalamuha akong wierdo.
‘What a bunch of weirdos ! Urghh!’