Chapter 5

3059 Words
‘I never expected that, being ignore by someone, might lead you to love her even more.’ - Stranger2021 •Shangxin's Pov• Isang linggo na ang lumipas, nalalapit na ang paglilipat namin sa bagong tindahan. Dahil sisirain na ito para sa proyekto ng gobyerno. ‘Road widening ’ Tinatamad na bihunat ko ang mga karton palabas ng tindahan. Nananakit na ang bewang ko at likod sa kakabuhat. Hindi naman ako makareklamo. Sino naman kasing aasahan ni mama? Ako lang naman, wala si Rafael si ate Gracia naman nasa bayan para ayusin ang papeles nito. “Ilagay mo na 'yan sa tricycle ng tito mo.” utos ni mama. Nakangusong binuhat ko ulit ang karton patungo sa tricycle. ‘Nakakayamot magbuhat-buhat dito uy!’ Nakasimangot lang akong naglakad at hindi tiningnan ang daanan. “Paano ba naman kasi, may mga sumisitsit sayo kapag lumingon ka.” “Shangxin!” Napahinto ako sa paglalakad at ibinaling ang tingin sa tumawag sa pangalan ko. ‘Ano na naman ang ginagawa ng mga 'to dito?’ ‘Malamang kakausapin ang mama mo, tungkol sa tindahan niyo.’ Nakita ko itong nakatayo sa may tindahan. Pasimple akong umirap. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Inilagay ko agad ang karton sa tricycle at pinagpag ang damit ko. Nakasimangot akong naglakad pabalik sa tindahan. ‘Walang katapusang paliwanag ata ang pinag-uusapan nila.’ Nakangiting kumaway si Esmael sa 'kin. Natatawa naman ang mga construction worker sa ginagawa ni Esmael na pagtawag sa pangalan ko. Napailing naman si Jordan at piningot naman siya ni Michael. Napapansin siguro nitong naiirita na ako. Nang makalapit ako ay agad akong sinalubong ni Esmael. ‘Hindi talaga marunong makitamdam ang isang 'to. Feeling close palagi.’ “Hi, Shangxin. Good noon.” nakangiting bati nito. Tipid na ngiti lang ang isinagot mo rito at tinanguan ko na lang siya. Nakasunod naman sa kaniya sila Jordan, Michael at Sheng. Habang kausap naman ni mama si Kyle at Bipolar. ‘Ang dalawang bruho.’ Lumingon sa 'kin si Kyle at kumaway na nakangiti ito sa 'kin. Tinitigan ko lang siya nang walang reaksyon. Bahagya itong natawa kaya napalingon naman si bipolar sa gawi ko mabilis na napaiwas ako nang tingin. “Alam mo ba 'yung painting mo nasira!” wika ni Esmael. Nagpantig ang tenga ko at sumama ang timpla ng mukha ko nang marinig ko 'yun. Nilingon ko kung sino ang walang hiyang kumuha n'on. . Matalim na tingin ang ipinukol ko sa kaniya. ‘Bwest ka. Kinuha mo lang ba 'yung painting ko para sirain. Kung mukha mo kaya 'yung sirain ko! Urghh! ’ Titig na titig ako sa kaniya. Naramdaman siguro nitong nakatingin ako kaya nakakuno't ang noo nitong tinitigan ako pabalik. Inirapan ko siya at ibinalik ang atensyon kay Esmael. “Gusto ko nang magpahanda ng kape at tinapay,” natatawang sabi ni Michael. “Ako na ang bahala sa bulaklak at bisita.” dagdag pa ni Esmael. “Ano na ang bahalang mag-bigay ng speech para sa libing.” segunda ni Jordan. “I'll donate my matres.” “Wow, sosyalin si inchik. Hindi pwedeng banig na lang?” “Hindi ako katulad mo na kuripot. At wala kaming banig Alejandro.” “Whatever. Paki ng earth sa corny mong banat. ” “Here we go again,” bulong ni Michael. “Bakit kasi ang corny madalas ni Sheng. Saan ba 'yan pinaglihi? Sa mais?” “Kalalaki mong tao Esmael. Ang daldal mo. I can't imagine how Kyle and Jay—” sumenyas ito na gigilitan ang leeg. “ripped your neck later!” si Jordan. “Edi, mag gilitan kami ng leeg. Marami pa silang rice nakakainin.” “Ang ingay mo Esmael.” ani ko rito. Naririndi ako sa usapan nilang walang patutunguhan. Sumenyas naman itong nagzi-zipper ng bibig. Huminga ako nang malalim bago nagsalitang muli. “Bakit nasira ang painting ko, aber! ” sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig ng hinayupak. Napaka walang hiya! Souvenir daw! Tapos sinira! Bumwelo naman si Esmael bago ito napalinga-linga sa paligid. Sinulyapan niya pa ang dalawa na kausapin pa rin si mama. “Kasi pagkarating sa bahay pina—” hindi nito naituloy ang sasabihin niya ng hilain siya ni Sheng at Jordan patalikod. Nakatakip naman ang bibig nito gamit ang kamay ni Michael. Habang kinakaladkad naman siya ng dalawa palayo sa direskyon ko. Nakahawak ang mga ito sa magkabilang braso niya habang nagpupumiglas siya para makawala. Pinagtitinginan kami ng mga construction worker. Ganun na rin ang mga motoristang napapadaan. Napatawa ako ng hindi oras sa kakulitan ng apat. Nawala agad ang ngiti ko nang makitang papalapit sila mama sa direskyon ko. Napabaling ako ng tingin nang maramdaman ang presensya ng dalawang taong gusto kong hambalusin. ‘Malamang ay may kinalaman ang dalawang ito sa pagkasira n'on. Hindi naman sila lilingunin ni Esmael kung walang kinalaman ang isa pang damuho.’ Nahigit ko ang hininga ko ng magtama ang tingin namin ni bipolar. Ipinako ko ang paningin ko kay Kyle at sinubukang kalmahin ang sarili ko. Ambilis nang t***k ng puso ko dahil sa uri nang tingin ni bipolar. Bumuka ang bibig ni Kyle para magpaliwanag. Akmang magsasalita ito pero inunahan ko siya. “Kung sisirain mo lang pala. Sana hindi mo na kinuha. May pa souvenir ka pang nalalaman!” ani ko at tumalikod na. Bahala sila sa buhay nila. - Marahas kong isinubo ang isang kutsarang kanin sa bibig ko. Naiinis akong isipin na ang painting ko ay sinira lang ni Kyle. “Bwest. May pa souvenir pang nalalaman. Sisirain lang pala?” bulong ko at sumubong muli ng kanin. “Bakit niya pa kasi kinuha 'yun?” tanong ko pa ulit sa sarili ko. “Pinagbuntungan ba nila nang inis 'yung painting ko kaya nasira?” “Malay mo naman hindi niya sinasadya?” ani ni mama habang nag-aayos ng paninda. “Kung hindi niya sinadya bakit nasira?” sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip nang mga posibilidad na kung bakit nasira. Nakatingin lang ako sa kawalan. Kung hindi sinadya paanong nasira? bulong ko ulit sa sarili ko. Napasubo uli't ako ng kanin. Kain lang ako nang kain habang nag-iisip ng dahilan. Binitawan ko ang kanin at naiiritang tumili. “Urgh! Bwest. Good mood ako nong kinuha niya 'yun! Good mood din ako nong nag painting ako ma!” naiinis kong wika at padabog na inilapag ang malukong sa malapit na lamesa. “Shangxin, alam mong bawal kang magalit. Mag paint ka na lang uli't pumunta kang dagat. Magpasama ka kay Rafael o kay Ysa. ” Nakahalukipkip ako habang nakasimangot na sumandal sa bangko. Tinititigan ko ang pagkain ko, wala sa sariling inirapan ko ito. “Nawalan na ako nang ganang kumain, per the first time.” Dahil wala si Ysa, at busy si Rafael. Edi ako na lang mag-isa ang aalis. Naligo muna ako bago umalis. Dala ko 'yung canvas at iba pang materials na kailangan ko. Nagsuot lang ako ng leggings at malaking T-shirt. Nagsapatos na lang ako, sa totoo lang kasi hindi ako marunong maglakad kapag naka tsinelas. Nauuna pa kasi sa 'kin 'yung tsinelas ko or madalas natatapilok ako. “Ma alis na ako!” “Wag mag papagabi!” bilin nito sa 'kin. Tinanguang ko lang siya at masayang lumabas ng tindahan . Nilakad ko lang ang dagat mula sa bahay. Malapit lang naman at sa shortcut ako dumaan. May nadadaanan akong mga nag jo-jogging. Nakatingin sila sa 'kin. “Baka iniisip nilang basurera ako dahil sa bitbit ko? ” ‘Paki-alam ko naman sa inyo.’ Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Napahinto ako nang may bumusina sa likuran ko at sinigawan pa ako. “Shangxin!” hulaan niyo kung sino 'yung sumigaw. Walang iba kundi si Esmael. Nilingon ko na lang ito at kinawayan. Good mood na ako ngayon. Wag ko lang makita si Kyle na sumira nang painting ko. At wag ko lang din masulyapan ang lalaking bipolar. “Sakay na!” saad niya habang nakangiti, umiling lang ako rito at sumenyas na sa dagat ako pupunta. “Bawal maligo uy! Hanggang June 30!” mahina ang pagpapatakbo ng sasakyan nila para makasabay sa paglalakad ko. Sinilip ko ang Driver. Si Sheng ang nagda-drive. Wala ata si bipolar. “Hindi naman ako maliligo. Mag pa-paint lang ako doon.” saad ko rito at diretsyong tumingin sa daan. “Sheng hurry up!” Automatic na napabaling ang tingin ko sa kotse nila. ‘Ayaw naman nito mabackstab. Agad agad na r'yan na.’ Kung sasakay ako at and'yan si bipolar ay wag na lang! Napasimangot ako ng wala sa oras. Bakit ba wala akong mapayapang araw? Bakit walang araw akong hindi nakikita itong lalaking 'to! Napakamot na lang ng ulo si Esmael dahil sa utos ng damuho. “Sure kang ayaw mong sumakay 'ha? ” pangungulit nito. Umiling lang ako ulit at nagpatuloy sa paglakad. “Sheng.” may pagbabantang ani nito. ‘Kahit kailan talaga napakabossy.’ wala sa sariling saad ko. Maging ako ay nagulat sa sinabi ko. ‘Bossy? Kailang ka pa niya inutusan? At nautusan? ‘Nong pinaligo ka niya siguro dahil nahulog ka sa kanal?’ “Esmael gusto mong maglakad na lang?” Umirap na lang ako at isinalpak ang earphone sa tenga ko. May sinasabi pa sa 'kin si Esmael pero hindi ko na ito marinig. Namalayan ko na lang na nakalagpas na ang sasakyan nila. Hindi ko rin napansin na malapit na pala ako sa gate patungong dagat. “Sa wakas nakarating din!” Binaba ko muna ang bag ko at nag-inat. Sinipat ko ang orasan ko. Maaga pa naman. “Alas tres pa lang pala.” Ipinikit ko ang mata ko at nilanghap ang sariwang hangin sa karagatan. Inamoy ko pa ang buong paligid. Masayang idinilat ko ang mata ko at tinanaw ang magandang karagatan. Lumingon ako sa mga naglalakad. Kunti lang pala ang tao rito. “Good para maka paint ako ng maayos.” Malapad ang ngiti ko habang inaayos ang gamit ko. Umupo ako sa buhangin. Itinali ko ang buhok ko into messy bun. Naka frog sit ako habang iniisip kun ano ang i-papaint ko. Napasulyap ako sa dalawang taong magkahawak-kamay sa kanan ko. ‘Watching the sun set while holding your beloved partner hands.’ Sinimulan kong icombine ang orange, yellow, crimson red at white sa canvas. Ang black naman para sa imahe ng dalawang tao. Hindi ko namalayan ang oras. Sinipat ko uli't ang orasan. Nasa alas kwatro imedya na pala . Need ko na uminom ng gamor at kailangan ko na ring umuwi dahil magdidilim na. Wala pa namang streetlight sa bagong daanan. Nagmamadali kong iniligpit ang mga gamit ko. Medyo madilim na ng kaunti dahil makulimlim na. “Masiado ata akong nawili kaka paint!” saad ko sa sarili ko. Binuhat ko na ang bag ko at nagsimulang maglakad palabas ng dagat. Nasa gate na ako nang may dalawang lalaking matamang nakatitig sa 'kin. Isinawalang bahala ko ito. “Hi miss.” bati nito. Hindi ko ito pinansin at mahigpit lang ang pagkakakapit ko sa strap ng bag ko. Super bilis nang heartbeat ko at hindi ko ito makontrol. “Gusto mo ihatid ka na namin sa bahay niyo. ” saad ng isa na bakas sa tinig nito ang kaaliwan. Hindi pa rin ako sumagot patuloy lang ako sa paglalakad. Namamanhid ang mga daliri ko sa kaba gayun rin ang mga labi ko. “Calm down. Calm down Shangxin.” “Don't panic.” Nagulat ako nang marahas na hinablot ang braso ko. Napatili ako sa gulat. Nanlamig ang buo 'kong katawan sa posibleng mangyari. Namamanhid at nanlalamig ang mga palad ko't daliri. Pati na rin ang ulo ko ay namamahid na. Mariin akong napapikit bago sumigaw. Kinakapos ako sa paghinga dahil sa kaba at takot ko. “Bitawan niyo ako!” sigaw ko. Nagbabakasaling may makarinig. “Sana'y may makarinig!”sigaw ng isip ko. “My border lock down kaya impossibleng may makarinig sayo. Walang taong lumalabas ngayon . Bukod sayo— ” tumingin ito sa kasama niya habang nakangit. “at sa 'min.” dugtong pa nito. Mas lalo akong nanlamig at hindi ako makapagsalita. “Shangxin calm down! ” kastigo ko sa sarili ko. Nanginginig ako sa takot at kaba. Parang nangyari na 'to dati. Parang nangyari na 'to dati. Pa ulit ulit na bulong ng isip ko na nangyari na 'to dati. Masaganang dumaloy ang luha ko habang namamanhid ang mga daliri ko. “Shh. Wala pa kaming ginagawa umiiyak ka na.” Hinila ako nito sa may masukal na lugar. Parang papel akong napasunod sa paghila nito. Hindi ako makaimik o makapanlaban dahil nanginginig ako sa takot. Namamanhid ang mga daliri ko. Tanging pagluha ng mata ko lang ang narardaman ko at ang mariing pagkakahawak ng mga ito sa braso ko. Napapikit ako ng maramdamang gumapang ang kamay nito sa dibdib ko. Inihiga ako nito sa malamig na buhangin. Ramdam ko ang malamig na hangin na dumarampi sa balat ko. Hindi ko akalaing sasapitin ko ang ganitong bagay. “Mama.” tawag ko sa kaniya kahit impossible na marinig nito. I just closed my eyes and let there filthy hands run over my body. “God help me please.” Nanalangin lang ako habang binababoy nang mga ito ang katawan ko. “Sheng Hurry up.” ani ng tinig sa isip ko. Napamulat ako ng mata at sumigaw. “Tulong-tulungan niyo ako!” sigaw ko. Sana nandito ka pa. Please! Pagmamakaawa ng isip ko. Sana nadito ka pa! Narinig ko ang pagtawa ng dalawang lalaking nasa harap ko. Wala na itong pantaas. Mapupungay ang matang tinitigan ako ng mga ito. Nagsimulang mamanhid na naman ang kamay ko sa takot. “Shangxin. In count of 3 run.” ani ng isang batang lalaki sa isip ko. Naluluha akong iwinaksi ang braso ko. Ramdam ko ang pagdiin ng mga daliri nito sa balikat ko. Nakataas ang dalawa kong kamay sa ulunan ko. Nagpumiglas ako ng hubarin nito ang damit ko. ‘No! Lord please no!’ “Tulong!” muling sigaw ko. Naaninag ko ang kadiliman ng langit sa oras na 'to. Naiiyak akong pinasadahan nang tingin ang dalawang lalaki sa harap ko. Nawawalan na ako nang pag-asa. “Can someone. Someone help me please.” Sinimupan nitong halikan ang leeg ko patungo sa balikat ko. Tumataas ang balahibo ko sa ginawang kababuyan ng lalaking ito. ‘Papa god! Please. Please help me. ’ Nahihilo na ako at ang paghinga ko ay bumibigat na, kinakapos na ako sa hangin buhat nang pag-iyak ko. “Stop! Plea—please stop!” humagolhol na ako sa mga oras na iyon. Hindi pa hubad ang katawan ko pero pakiramdam ko ay wala na akong kahit isang saplot dahil sa paggapang ng mga palad nito sa katawan ko. “I'm begging you, please stop!” “Who's there?!” Isang baritonong boses ang umalingaw-ngaw sa buong paligid. Nabuhayan ako ng pag-asa. Nataranta naman ang mga lalaki at dali-dali akong binuhat patungong dagat. Hindi ako makagalaw sa mga oras na iyon. Basta na lamang nila akong hinila sa malalim na parte ng dagat. Naaninag ko ang mga flashlights at iilan sa mga taong naglalakad mula sa malayo. “Please help me.” gusto kong sumigaw! Wala akong lakas na sumigaw dahil sa pamamanhid ng katawan ko. Naramdaman ko ang malamig na tubig na lumamon sa katawan ko. Mabilis na nagsitakbo ang dalawang lalaki palayo sa dagat. Naiiyak na ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko magalaw ang mga kamay ko maging ang mga paa ko. “Katapusan ko na ba?” “Shangxin!” rinig kong sigaw ni Esmael. “They here!” ani ko pero huli na. Nakakainom na ako ng tubig. Nilalamon na ako ng tubig. “I'm here.” - - - “As far as I remember, your not allowed to go out little woman. How could you swim over th—” Tinapik siya ni Jordan kaya napatigil ito sa pagsasalita. He yelled at me. I could see through his eyes that he was really upset. Nanubig na ang mata ko at nagsisimulang nang humikbi. Paano niya ako nasisigiwan sa ganitong sitwasyon. Alam miya ba ang nangyari sa 'kin. Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi umiimik. Paano ako iimik? Paano ko sa sabihin ang nangyari? “Let's go. Her mother is already here. Tumayo ka na jan. ” malamig na ani ni Kyle. Niyakap ko na lang ang tuhod ko at marahang umiyak. Nakakaramdam pa ako ng hilo. Magpapasalamat ba ako na nailigtas nila ako agad bago malunod? “Shh. Shangxin, stop crying.” rinig kong saad ni Esmael. Inilagay nito ang jacket sa likuran ko. Mas lalo lang akong naiyak. Pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Nauubusan na ako ng hangin sa mahina kong pag-iyak. Marahan akong napamulat habang nandidilim ang paningin ko. ‘Hindi ko akalaing mangyayaring 'to!’ Ramdam ko pa rin ang haplos ng dalawang lalaki sa katawan ko kaya mas lalo akong napa-iyak. Ang mariin nitong paghawak sa braso, ang paghaplos nito sa balat ko! Nandidiri ako. “Stop crying Shangxin, please calm down. Huwag mong hayaang makita ka nilang mag collapse dito.” Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Hindi pwedeng makita nilang mahimatay ako dito. Ayoko! Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nakayukyok ang ulo sa tuhod ko. Hindi na talaga ako makahinga, namamanhid na naman ang mga daliri ko. Senyales na aatakihin na ako ng sakit ko. Parang hindi ko na mabalanse ang katawan ko. Hindi ako pwedeng mahimatay rito. Nakikipagtalo ako sa sarili ko sa sitwasyong ito. Hindi ko alam ang dapat gawin. Paano ako makakaalis rito. Gusto ko nang umalis rito! Ilang saglit pa. Naramdaman ko ang mainit na brasong bumuhat sakin. Marahang akong napaangat nang tingin. Hindi ito nakatingin sa'kin. Diretsyo lamang itong naglakad habang buhat-buhat ako. Namumugto ang mata kong tinitigan siya. Pakiramdam ko ay ligtas ako. Pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa. Gumaan ang paghinga ko hanggang unti-unting bumigat ang talukap ng mata ko. Gusto kong matulog na. Bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko ang sinabi niya. “I've told you. Stay away from him. He already own by someone. He will only hurt you. Could you please listen to me. ” saad niya bago tuluyang mandilim ang paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD