Chapter 12

3177 Words
Shangxin's Pov~ Inuwi na ako nila mama sa bahay. Sa oras na naimulat ko ang mata ko ng araw na 'yun. Wala akong ibang maramdaman kundi poot at galit. Poot dahil sa nga memoryang nasaksihan ko at galit sa taong nasaloob ng memoryang iyon. “Shangxin!” sigaw ng isang lalaki. Inaalala ko kung sino siya. Palagay ko ay nakita ko na at kilala ko siya. Hinalughog ko lahat ng ala-ala ko sa isip ko ngunit wala talaga akong maalala tungkol sa lalaking ito. Napansin siguro nito ate ang pakakunot ng noo ko kaya siniko niya ang lalaki. “Esmael, maybe hindi ka niya naaalala kaya huwag mo nang kulitin.” saway ni Ate sa lalaking kararating lang. Umakbay naman ito kay ate habang malapad ang ngiti. Nandidiri ako sa titigan nilang dalawa. Para silang—basta hindi kl maipaliwanag. ‘Ilang araw ba akong tulog at hindi ko alam na may nubyo na ito?’ “Boyfriend mo? Bakit hindi ko alam? Ilang araw ba akong tulog at hindi ko alam na nagkanubyo ka na?” nayayamot kong sabi kay ate na ikinatulala lang niya. “Let me correct you Shangxin. Hindi araw, kundi buwan kang nakahilata sa higaan mo. Daig mo pa si Sleeping beauty kung makatulog sa hospital.” sabi niya sa 'kin.Hinampas naman siya ni ate at pinandilatan ng mata. “Buwan? Ganun ako katagal natulog? Sana ay ginising mo ako ate. Paniguradong hindi ako papayag na mapunta ka sa isang abnormal— ” pinasadahan ko ito nang tingin bago nagsimulang magsalita. “may shariring sa utak at hindi normal na nilalang.” Humalakhak naman si Ate sa sinabi ko. Nakasimangot na tumitig sa 'kin ang lalaki pero inirapan ko lang siya. “Grabe ka naman makalait, kung tutuusin ako pa ang lugi rito! Nakawan ba naman ako ng halik ng ate mo!” napalingon ako at hindi makapaniwalang nilingon si Ate Graciana. “Manahimik ka Esmael! Kung anu-anong pinagsasabi nito.” depensa ni Ate. Inasar lang siya ng lalaki at hinapit ang bewang nito. Napangiwi na lang ako at parang maduduwal sa lagkit nang tinginan nila. “Please find a room. Nakakadiri kayo!” pinilit siyang tinulak ni ate pero pinagduldulan lang niya ang katawan niya. Sa hindi malamang dahilan ay komportable ako kay Esmael. Mukhang mabait naman ito at magkasundo sila ni Ate. I'm happy for them. “Pupunta raw sila Jordan dito mamaya. Mag iinuman!” “Liquor banned bro. Baka mahuli tayo sampung libo lang naman ang multa.” sabat ni Rafael na nakakarating lang. May suot pa itong hard hat sa ulo. “Huwag kang mag-alala pre. Ako ang magbabayad ng pyansa mo!” ani nito at humalakhak pa. Napaka-abno naman ng napiling mahalin ni Ate Gracia! Pero teka? Bakit parang close rin sila ni Rafael. “Kilala mo 'tong ligaw na aso na nubyo ni ate?” sabi ko at nagpalipat-lipat nang tingin kay Rafa at Esmael. Baka magkasundo sila kasi magkahawig ang name nito. Rafael at Esmael. Medyo magkahawig rin sila. “Shangxin, ilang buwan ka nga kasing tulog kaya outdated ka wag mo nang piliting makarelate masasaktan ka lang.” sabat niya na ikinatahimik ko. Parang may bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya. “Shangxin? Ayos ka lang?” nag-alalang sabi ni Ate. Tumango lang ako at nagpaalam na-aakyat. Hindi ko gusto ang biglang pagsama nh pakiramdam ko. Nang makapasok ako sa kwarto ay napapikit ako. Nakita ko ang sarili ko na duguan. Nakasalpak sa sahig habang nakayuko. Nakaputi akong damit na may bahid ng sarili kong dugo. Napailing ako at muling iminulat ang mata. Baka sa kanonood ko 'to ng drama. Nahiga ako sa kama at tumingala sa kisame. Tahimik lang akong nakipagtitigan rito. Blangko ang isip ko na para bang wala akong gustong ibang gawin kundi matulog ulit. Hinintay ko na lamang na dalawin ako ng antok. Pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay sarili ko lang ang nakikita ko. Kailangan ko na bang harapin ang mga ala-alang ayoko nang maalala? Napakapit ako ng mahigpit sa kumot. Kinakabahan man ay ipinikit kong muli ang mata ko. Sa pagpikit ko ay bumigat agad ang pakiramdam ko. Nakita ko ang isang masayahing bata, nakikipaglaro sa ama nitong hindi siya pinapansin. Nakaupo ang isa pang batang babae sa binti ng papa niya. Malapad ang ngiti ng ama niya habang inaayos ang buhok ng isang batang babae na tumabok sa mukha nito. Ang isang batang babae ay pilit kinukuha ang atensyon niya. Pinandilatan lang siya ng ama at muling bumalik ang ngiti ng bumaling ang tingin sa isang bata. Nanikip ang dibdib ko sa sandaling malungkot na tumitig ang batang babae sa mag-amang katabi niya. Malungkot ngunit hindi umiyak. Hindi lumuha hindi katulad ng ibang bata na kapag hindi nabigyan ng atensyon ay papalahaw sa pag-iyak. Sinubukan kong lapitan ito para yakapin. Ramdam ko ang lungkot nito. Ngunit bigla itong naglaho. Sa paghakbang kong muli ay nakita ko ang isang batang babae. Itinulak siya ng isa pang batang babae na sa unang tingin ay kamukhang-kamukha niya. “Bakit mo ko tinulak?” tanong nito. Nanlilisik ang mata ng isa pangbata bago siya nito sagutin. “You're stealing my papa again. Stay away from my papa.” tumayo siya hindi pinansin ang batang babae. “Shangxin! Samantha!” sigaw ng papa nila. Nang marinig ng isang bata ang sigaw ng papa nito ay pumalahaw ito sa pag-iyak. Nang mapagtanto ko ang memoryang iyon. Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang batang babae ay ako. Inshort nakikita ko ang sarili ko. Binaluktot ko ang sarili ko at tahimik na umiyak. Yung gusto mo lang mahalin ka kahit kunti lang? Kahit tira-tira lang? Kung pwede lang magmaka-awang. “Pa? Mahalin mo naman ako. Tawagin mo lang akong anak kahit isang beses lang. Kahit isa lang!” Kahit isang yakap lang mula sa isang ama. Kahit isang sulyap lang. Kahit isang “Anak, mahal kita.” pero wala. Kailan ko pa maririnig ang mga salitang 'yan mula sayo papa. Kailan pa. Esmael's Pov “Saan ka pupunta Alejandro at bihis na bihis tayo?” nginitian ko lang ito. Pupuntahan ko ang future wife ko kaya dapat magpapogi ako. “Sa Girlfriend ko.” sabi ko na ikinaawang ng bibig nila. Napakamot na lang akong ulo. Hindi ko talaga mapigilang dumaldal kapag tinatanong ako. “Wait? Did I've heard it wrong?” tanong ni Jordan na hindi makapaniwala. “I think I should clean my ear 10 times,” segunda naman ni Michael. Natatawang tumingin sa 'kin si Sheng at binato ako ng inihaw na baboy. “Tang na Sheng! Madudumihan mo ang damit ko!” reklamo ko at umiwas uli ng batuhin ako ng inihaw na baboy. “You ashol! You've courting my sister behind my back!” galit na sigaw nito. Nakalimutan kong secret brother pala nila Graciana to. “I'm sorry kuya Sheng!” pang-aasar ko pa sa kaniya. Tinitigan naman kami nila Jordan na hindi makarelate sa pinag-uusapan namin ni Sheng. “Wait! It's too impossible if si Shangxin ang nililigawan mo? Mas lalong hindi ako maniniwalang si Graciana ang naging nubya mo! I'll cut one of my finger if you do!” anas ni Jordan. “Kyle bring me the knife.” natatawang sabi ni Jett. Hindi makapaniwalang nilingon ako ni Jordan na nakaawang pa rin ang bibig. “So you did? Ginayuma mo?” “Gag*!” “Deal is a deal Jordan,” nagbabantang sani ni Jett. “Nagbibiro lang ako kanina. Hindi kayo mabiro?” kinakabahang sabi nito at umatras nakataas pa ang dalawang kamay niya. Umiling lang si Jett at nakangising tinitigan si Michael at Sheng. “Get him.” “Hoy! Jett! Gag* biro lang!” “Give me some reason to spare you?” “I'll damn! Fine! Libre ko kayo tang na!” “Ayown! Okay na Jettro patawarin na natin siya!” “Alis na ako.” sabi ko at naglakad na palabas. “Wait for us fcker!” sigaw ni Sheng. Nilingon ko naman ito at pinakyuhan. “Us daw! Magbibihis na ako!” “I won't go with you. I'm staying here.” ani ni Jett. “You should.” wika ni Sheng sabay senyas ng kwintas nito. “Anong meron sa kwintas ni Jett? Type mo Sheng?” Naiinis na binato ako ni Kyle. Iniwasan ko naman ito at tinanong ng mahina. “What did I do?” “Fckr!” saad niya na walang boses na lumalabas “Fckr? Ako?” sabi ko pa. Binato na rin ako ni Jordan at Michael. “Ilayo niyo sa 'kin 'yan. Makakapatay ako ng hindi oras.” “Anong ginawa ko?” “Shut up Alejandro. Mapuputulan ako ng ugat sayo!” Napakamot na lang ako ng ulo at hindi na nagsalita. Hinintay ko na lang silang matapos magbihis. “May Border lockdown. Kaniya-kaniyang kotse tayo?” tanong ko sa kanila. “At saan mo balak iparking ang mga kotse natin aber?” kinaltukan pa ako ni Jordan. Sa bagay saan nga namin ipaparking ang kotse namin e wala namang parking lot ang bahay nila Shangxin. “Jordan at ako, Ikaw at Si Kyle.” saad ko kay Michael. Hindi naman kasi papayag si Sheng na may kasama siya sa kotse niya. Pwera na lang kung emergency. Pamatay kasi kung mag drive. Para kang ihahatid sa huling himlayan. “Alejandro, can you zip your mouth later? Baka madulas ka at may masabi kila Shangxin.” “Madaldal lang ako pero alam ko limitasyon ko. ”ani ko at ikina thumbs up niya lang. Graciana's Pov “Okay na ba ang lamesa?” hindi magkanda ugaga si mama sa pag-aayos ng bahay. Akala mo ay mamamanhikan na si Esmael. E mag-iinuman lang naman sila. “Tita, hindi 'ho dinner date ang pinunta nila. Inuman ho.” saad naman ni Raf. Hindi niya kami pinansin. Busy siya sa kakabilang ng kutsara, tinidor at plato kung sakto na ba. Naiiling na lang kami na Rafa at hindi na siya kinontra pa. “Sinu-sino ba ang pupunta?” “Jordan, Esmael, Michael, Kyle at Sheng ma.” sabi ko sa kaniya. Napatigil ito sa pagbibilang ng kutsara. “Ano kamo ang pangalan nila?” “Jordan, Esmael, Michael at Sheng ma. Bakit?” “Anong apelyido nong Sheng?” tanong ng mama niya. “Hindi ko 'ho alam ma. Itatanong ko na lang kay E—” “Mas mabuting wag mo ng itanong.” putol ni sa sasabihin ko. Nawe-weirduhan man ay tumango na lang ako kay mama. “Nandito na sila!” sigaw ni Rafa. Dali-dali akong lumabas sa kusina para salubungin si Esmael. Nakangiti akong nakatayo sa hamba ng pintuan. Malapad ang ngiti ni Esmael habang naglalakad papalapit sa 'kin. Idinipa nito ang ang magkabilang kamay na hudyat na gusto niya nang yakap. “Disgusting.” nakangiwing saad ni Rafa. Inirapan ko lang ito at naglakad palapit kay Esmael. Nagmagkalapit na kami at handa ko na siyang yakapin. Bigla na lamang siyang hinila ni Sheng sa tenga. “No hugging Alejandro.” sabi niya at piningot si Esmael. “Tukneneng Sheng! Masakit!” reklamo nito. Tinawanan ko na lang sila at pinapasok na sa bahay. “Ma andito na sila.” Tahimik lang si mama habang sinusuri lahat ng bisita. “Hi, tita!” bati ni Jordan. Tipid lang na ngumiti si maa sa kaniya. “Sorry ma'am. We don't bring something for you.” wika naman ni Sheng. Dahan-dahang lumapit si mama kay Sheng at hinaplos ang mukha nito. “Ma.. Ma?” alanganing tawag ko sa kaniya. “Ang laki mo na.” mahinang saad ni mama. Hindi ko gaanong sigurado kung tama ang pagkakarinig ko. Napaiwas naman nang tingin si Sheng kay mama. “Ma, bakit ang ingay niyo?” inaantok na ani ni Shangxin sa taas. Napaatras bigla si mama at nilingon si Shangxin. “May bisita tayo.” “Balik lang ako sa taas.” saad nito at sinarado ang pinto. “Pagpasensyahan niyo na si Shangxin.” “Ayos lang ho.” “O siya. Halina muna kayo sa kusina at kumain.” Shangxin's Pov~ ‘Nagugutom na ako.’ bulong ko sa sarili ko. Ayoko naman kasing bumamaba dahil may mga bisita si ate na hindi ako pamilyar. Parang nakita ko na sila pero hindi ko maalala kunh saan. “Shangxin, I'll bring your dinner,” nagliwanag ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Rafa. Lalo na nang sabihin nito na may dala siyang pagkain. Daig ko pa ang kidlat sa bilis nang takbuhin ko ang pagitan ng higaan at pintuan. Malapad ang ngiti ko nang buksan ko ang pinto. “Good eve.” bungad sa 'kin ng lalaking nasa likuran ni Rafa. Tinaasan ko lang siya ng kilay at kinuha kay Rafa ang tray ng pagkain. Agad kong sinaraduhan ang pinto nang makuha ko ang tray. Rafael's Pov “Rafa, pakidalhan ng pagkain ang pinsan mo sakwarto niya.” sabi ni Tita Estella. “Can I with you Raf?” tanong nang kararating lang na lalaki. I just shrugged and nodded at him. “Does Xinnie remember anything?” “I hope she won't remember you. Can you still recall the day she cursed you to death?” “I do and I won't forget that day. She merely killed herself.” “YOU are the one who killed her oldself.” pagtatama ko sa sinabi niya. Natahimik naman ito habang nakasunod sa 'king naglalakad. “Shangxin I brought your dinner,” sinenyasan kong katukin niya ang pintuan. Kinatok niya naman ito na may pag-aalinlangan. Inuluwa ng pintuan ang isang babaeng may malapad na ngiti. “Good eve.” hindi napigilang sabi ni Jett. Napawi ang ngiti sa labi ni Shangxin at mabilis na kinuha ang tray. Malakas ang pagsarado ng pinto kaya nagkatitigan na lang kami ni Jett. “What did I do?” I just laughed at him. Tinapik ko ang likod niya at bumulong. “Even though she can't remember you, she really cursed you to death!” Pagkababa namin mula sa silid ni Shangxin ay nag-umpisa na kaming mag-inuman. “Kapag nahuli tayo si Jordan ang bahala mag pyansa.” biro ni Esmael. “Mas gusto ko na lang putulin ang daliri ko kesa igastos sa katulad mo ang allowance ko.” “You heard it? Can I borrow your knife Rafa?” natatawang sabi ni Jett. “Sabi ko nga papayag na akong gumastos.” Pansin ko ang iwasan ni Kyle at Jordan. Kapag iaabot kay Jordan ang baso sinusulyapa siya ni Kyle at ganoon rin Jordan. “May problema ba kayong dalawa 'ha?” nilingon si Jordan at Kyle. Pareho silang nag-iwasan nang tingin . “Yeah may LQ sila. Hayaan mo suntukan lang katapat ng mga 'yan at magkakaayos na,” sabat namani Esmael. “If galit sa 'kin ang isang tao. I don't mind it. I have my own life why should I bother them?” inikot-ikot pa nito ang baso sa kamay niya. Nagtagis ang panga ni Jordan at ikinuyom ang palad nito. “Baka gusto niyong makatikim ng mag-asawang sapak sa 'kin? Baka nalilimutan niyong wala tayo sa teritoryo natin. Behave yourself.” kalmadong wika ni Sheng at inisang lagok ang alak na nasa baso niya. “Alam mo kasi Sheng, hindi ako galit,” panimula nito. Lumunok pa ito dahil parang may nagbabara sa lalamunan niya. Pinikit-pikit niya pa ang mapupungay na mata. Parang napupuwing ito na hindi namin maintindihan. “Jordan lasing ka na ba pre?” tumatawang wika ni Michael at inakbayan ito. Sumenyas si Jett na hayaan si Jordan. Mukhang ay pinagdadaaanan ito. “Hindi ako galit. Naiinis lang ako, Imagine makita mo ulit 'yung pinagdaanan ng taong mahal mo, makikita mo sa—sa katauhan ng iba? What will you do? You don't understand my pain Kyle,” natahimik kaming lahat nang magsimulang magsalita si Jordan. Parang bigla nagbago ang ihip ng hangin. Ang kaninang biruan nila at tawanan ay naging isang tahimik at mabigat na pakiramdam. “You—you don't know how much it hurts! How much it fckn hurts when you saw your mother dying in Front of you!” halos kaming lahat ay nagkatinginan ng sandaling pumalahaw na umiyak si Jordan. Niyakap siya ni Esmael. Parang batang naiwan mag-isa si Jordan. “I saw how her blood scattered all over the floor,” pagpapatuloy niya habang umiiyak. Nanatili kaming tahimik at hindi umiimik. Napahilamos ng kamay ang bawat isa sa 'min. Maging ako ay nadadala sa pag-iyak ni Jordan. His in pain. We can feel it. Sobrang bigat. “The moment she say I love you so much so—son. I wanted to killed myself too!” “Nong oras na hinahalay si mama sa harapan ko. Wala akong magawa kundi tignan siya, makinig sa bawat daing ni mama!” “It's really—really hurts to be alone! I real—really missed my mom!” iyak ito nang iyak. Niyayakap lang siya ni Esmael. Hindi ito matahimik sa kakaiyak. “Happy 21 years in heaven mom. It's been a year mommy. I know your happy.” ani pa ni nito at umiyak ng malakas. Nagulat kami ng mabasag ni tita ang baso. Nang lingunin ko ito parang nanigas siya sa kinatatayuan niya. “Ma? Wha—what happen? Hayss ako na ang maglilinis niyan,” humihikbing saad ni Graciana. Marahil ay nadala ito sa pag-iyak ni Jordan. Aminado na kahit ako ay nadala sa pag-iyak nito. “Maaa! I'm missed your hugs! O we'll I'm an engineer now! I hope your proud of me! Maaaa! Please come back! I don't want to be alone anymore!” sigaw pa nito habang umiiyak. Lumapit na si Michael kay Jordan at niyakap ito. “Jord, we're here!” ani ni Michael at umiyak na rin. Sumunod si Jett at Sheng. Nag group hugs sila except kay Kyle. Pinalingan ko siya nang tingin, nakaiwas siya nang tingin sa lima. Parang pinipigil nito ang sarili. Hinila ko ito patungo sa lima. Nagpatianod lang siya. Siguro ay wala itong lakas na tumayo at harapin si Jordan. “I'm sorry Jord. I'm sorry,” tanging ani nito ng makalapit kami. Hinila siya ni Jordan at niyakap. “Please, Kyle. Gawin mo ang tama. I know you are a good person. I'm really hoping that you will change your mind.” “Brother's forever?” ani nito nang maghiwalay sila sa pagyakap. Nag fist bomb ito. “Brother's forever,” lumuluhang ani ni Kyle. “Brother's Forever!” si Esmael, Sheng at Michael. Napangiti na lang ako sa uri ng pagkakaibigan nila. Nilingon nila ako, napataas ako ng kilay. “What?” maang kong tanon. Nagtinginan silang lahat at limingon sa 'kin pabalik. “Brother's?” tanong nila na nakatutok ang kamao. Napangisi ako at mahinang sinuntok ang mga kamo nila. “Brother's.” mahina kong ani. Nagtawanan naman kami at nagsipagpunas ng luha. ‘I hope this friendship will be last forever.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD