Chapter 11

2035 Words
Shangxin's Pov~ “We announce you husband and wife.” the moment I heard those words. Memories keep flashing on my mind. “Ladies and gentleman. Let's welcome our soon to be husband and wife.” nakita ko ang sarili ko na mapait na nakagiti sa dalawang taong masayang-masaya sa gitna ng stage. Puno nang pagmamahal ang mga ngiting nakapaskil sa mga labi nila. Nagtatagis ang ngipin sa habang nagbabalik tanaw sa mga pangakong binitawan mo. I was 13 years old that time when he promised me to see each other again and I will be his girl. But when the time comes. You already engaged to someone. Gusto kong matawa nang malakas na malakas. Sino ba naman kasing tanga ang maniniwala sa pangakong walang kasiguraduhan? Syempre ako. And the most worst thing binigyan pa akong invitation to witness this fuckn engagement? Nice! Just nice! “We are so glad that you are all here to witnessed the most awaited wedding of my lovely daughter,” nakangiting sabi niya habang tutok ang mata sa 'kin. Kung maaari lang umakyat ng entablado at dukutin ang mata nito ay ginawa ko. Bahagya pa akong natawa sa tinuran ng lalaking nagsasalita sa mikropono. “Napakasayang tignan ang future son-in-law ko kasama ang pinakamamahal kong anak.” Ang saya at proud niya sa anak niya. Sana ay ganoon din siya sa 'min ni ate! Hinawi ko ang mahaba 'konh buhok sa likod. “My beloved daughters is here too. Shangxin and Graciana come here.” nakatitig lang ako rito. Sumenyas itong umakyat ako. ‘How dare you papa.’ anas ko habang matalim na tumitig sa kaniya. Siniko ako ni ate habang nakalahad ang kamay niya. Taos puso kong ipinatong ang aking palad. Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago papa. Hanggang kailan mo ipamumukha sa 'kin na wala nag mas mahalaga pa sa impaktita mong anak. Tipid lang akong napangiti at mahinang naglakad patungo sa direksyon niyo. Nakatitig ka lang sa 'kin na may hindi maipaliwanag na ekspresyon. ‘Natatandaan mo pa ba ako?’ o ‘Natatandaan mo pa banh may naghihintay sayo?’ Pinakilala ako ni papa sa lahat ng tao sa paligid. Ang iilan sa kanila ay namanghang tinitigan ako habang ang iba ay bumubulong-bulong pa. Ngiti lang ang isinukli ko sa lahat ng papuri at katanugnan nila. Kahit deep inside gusto ko nang masuka. “Shangxin is so very gorgeous. Kamukhang-kamukha ni Estella.” “Graciana is so beautiful too kamukha rin ni Estella, I wonder bakit naghiwalay sila ni Jonathan.” Napabuntong-hininga na lang ako sa bulungan nila. Kung pwede kong sagutin sila na of course! My papa didn't love mama at all! Napilitan lang siya pero nagkaroon pa ng dalawang anak kahit napipilitang pakisamahan si mama. “Can we talk.” napalingon naman ako sa nagsalita. Pilit na ngiti ang iginawad ko dito. Inikot-ikot ko sa kamay ko ang basong may laman ng wine. Marahan ang paangat ng mata ko mula sa pagkakatitig ko sa baso patungo sa mukha niya. Nakangisi akong tumingin sa kaniya. “Hey? Mr. Stranger? Hmnm? What's your name again?” ibinuka nito ang bibig niya ngunit wala na akong marinig pa. “1, 2, 3 clear!” rinig ko ang bawat pagsilit ng makinang nakakabit sa 'kin. “1,2 3 clear! ” nakita ko ang paglandas ng luha ko. Nasaan ako? Kasunod na na imahe ay mga palad kong walang humpay na dumudugo. “Please! Let me forget you!” sigaw ko at hinagis ang picture frame. “Again! Pinili na naman ni papang pasayahin ang anak niya! What about me?!” inihagis ko ang lampshade. “Alam kong nangako ako sa sayo 5 years ago. But, I'm sorry something happen. Unexpected natagpuan ko si Sam.” inaaninag ko ang mukha nito. Sino siya? Sino ka! “Shut up. Hindi ko gustong marinig pa ang susunod mong sasabihin. If you choose her go ahead! Anong pang laban ko sa empty promises mo?” “I know napaka lame ng reason. Pero I've waited for you. Baka—baka nga para sayo lame 'yun. Napakababaw. Pero saan napakalaking bagay 'yun.” “Umasa ako kasi ikaw 'yung taong nagbalik ng ngiti ko.” “Don't worry I'm fine.” “I'm sorry Xinnie. I'm happy with Sam.” Please gisingin niyo ako kung panaginip lang 'to! Ayoko na rito! Ginalaw ko ang mga kamay ko! Hindi ko makita ang sarili kong kamay! Parang awa niyo na ilabas niyo ako rito! “Open your eyes” “If you can hear me blink twice.” rinig kong ani ng nasa paligid. Naririnig ko ito ngunit puro maliwanag lang ang nakikita ko. “She's half awake.” “It's a good sign. Pwede na natin siyang ilipat sa private room.” Gracia's Pov “Pwede na po ba siyang maglakad-lakad doc kahit tulala lang siya?” tanong ko sa doctor. Gising naman siya pero hindi lang nagsasalita, titingnan ka lang niya at hindi kakausapin. “She can, pero antabayan niyo lamang siya dahil anytime maaari siyang magwala o maghesterikal. Baka biglang may maalala siya at hindi niya makontrol ang sarili.” Tango lang ang isinagot ko sa doctor. Hinaplos ko ang pisnge ni Shangxin na mabilis niyang inalis. Nagkatinginan kami ng doctor sa inasal nito. Madalas ay tulala lang ito at hindi gumagalaw. “Why did she do that?” tanong ko sa doctor. Tinutukoy ko ay pagpiksi nito ng kamay ko. “Maybe she remember something na eksakto sa paghawak mo sa pisnge niya.” “Nananaginip si Shangxin nang gising?” namamanghang tanong ko. She just nodded at me. “Hindi pa gaanong gumagana ang utak niya mahina pa ang process ng mga bagay-bagay kaya mistulang puppet pa ang kapatid mo. Sa case ni Shangxin, need niya talaga ng mapayapang lugar na hindi siya mastress na makakapagpa-trigger ng karamdaman niya.” “Aalis na ako, madami pa akong pasyenteng aasikasuhin. Hangga't narito kayo sa hospital,” tumigil ito sa pagsasalita at hinawakan ang kamay ko. “Hangga't maaari ay huwag mong wawalain ang paningin mo sa kapatid mo. Usisain mo ang mga gamot na dinadala rito, maging mga pagkain ay huwag mo basta-bastang ibibigay sa kapatid mo.” saad nito bago umalis. Naguguluhan man ay hindi na ako nagtanong. Ayoko rin naman na may malaman tapos hindi ko magustuhan. Dalawang linggo pa ang lumipas bago magsimulang maging maayos ang lagay niya. Nagreresponse na si Xinnie ng kusa. Bumabalik na siya sa normal. “Sayy ahh.” ani ko at inumang ang kutsara sa bibig nito. “Masarap?” tumango naman ito. Napangiti na lang ako sa pagtango nito. ‘Magpagaling ka mabuti Xinnie.’ “Can I come in?” napalingon ako sa nakadungaw sa pintuan. Napaling rin ang tingin ni Shangxin sa tinititigan ko. “Pwede ba siyang pumasok Xinnie? Kilala siya ni Ate don't worry,” tumango naman ito kaya sinenyasan ko si Esmael na pumasok. Inilapag nito ang mga plastic na dala sa lamesa. “Sinabi ni tita na paborito niya 'to.” saad niya at inilabas ang siomai rice. Nagliwanag ang mukha ni Xinnie at nilingon ako. Parang humihingi ito ng permiso kung pwede ba siyang kumain. “Sige, basta kunti lang 'ha!” nakangiti kong sabi. Bumaba ako sa higaan at kinuha sa plastic ang box ng siomai. Inabot ko ito sa kaniya. “Salamat ate!” Napatigil ako at nanigas sa kinatatayuan ko. Napakurap-kurap pa ako at nilingon si Esmael. Nakatulala lang ito at nakatitig kay Xinnie. “Did I hear—/tama ba ang dinig ko?” halos sabay pa kaming nagsalita at nagtitigan. Sabay rin naming naipaling ang tingin kay Shangxin na masayang nilalantakan ang Siomai rice. Yayakapin ko sana ang kapatid ko nang pigilan ako ni Esmael. Umiling ito at hinila ako palayo. “Hayaan mo muna ang kapatid mo. Baka kapag kinulit mo o gulatin siya ay mag-trigger ang sakit niya.” sabi niya sa 'kin sa seryosong tinig. “Siraulo ka ba? Sa tingin mo gugulatin ko ang kapatid ko?” hininaan ko ang boses ko habang kinakausap si Esmael. Baka kasi marinig i Xinnie. Pinitik nito ang noo ko at tumawa. “Tanga mo Graciana 'ha. Slow amputek! Ikaw pag niyakap kita bigla hindi ka ba magugulat?” tanong nito. Napaiwas ako nang tingin at nauutal na sinagot siya. “A—anong co—connect 'non?” Inilapit nito ang mukha niya na ikinagulat ko. Kinindatan niya pa ako habang ilang puldaga lang ang layo ng mukha namin. “Now, tell me hindi ka ba nagulat?” namamaos niyang tanong sa 'kin. Nagsitaasan ang balahibo ko sa uri ng boses nito. Itinukod nito ang kamay niya sa pader na nasa likuran ko. “A—ahem!” Napatuwid ako nang tayo kaya aksidenteng na lapat ang labi namin. Rinih ko ang pagtititili ni mama. Agad kong itinulak si Esmael. “Ma—ma? Ka—kani—kanina pa kayo?” na nagiinit na. Nag-iinit ang pisnge. Madilim ang tingin ni Rafa sa 'kin. Napaiwas na lang ako nang tingin sa kahihiyan. “Oo, kanina pa kami. Kung hindi lang tinabunan ni tita ang bibig ko ay baka nasigawan ko kayo.” nayayamot nitong ani. “Kj mo naman pamangkin, ayaw mo 'non? Baka malaking tulong sa pinsan mo ang live kissing scene nila Esmael!” nanunuyang wika ni mama. Nahilamos ko na lang ang mga palad sa mukha ko at nagmamartyang lumabas ng kwarto. Esmael's Pov Sinundan ko si Graciana palabas. Nagmamadali itong naglakad habang nakayuko. Palihim ko siyang sinundan hanggang sa makabunggo nito ang isang doctor. Napatigil ako at sumandal sa pinakamalapit na poste. “Ayos ka lang miss?” “Ye—yeah. Thank you,” sumilip ako sa pagitan ng poste. Kita ko ang nakayukong si Graciana. “Okay, Una na ako.” paalam nito. Kita ko ang pagpaling nang tingin nito sa 'kin habang may nakakalokong ngisi. Matalim ko lang siyang tinitigan. Inimuwestra nito sa 'kin ang relo niyo na tila sinasabing wala na akong oras. Mas lalong nagbaga ang mga mata ko alam ko ang ginagawa ko at ang dapat 'kong gawin. Umalis na ako sa pinagtataguan ko at sinundang muli si Graciana. “Gracia! Sandali!” ani ko rito. Huminto naman siya at masama akong tinitigan. “Bakit?” “Sabay na tayong mag-lunch tara.” sabi ko sabay hawak ng kamay niya. Hindi na siya umapila at nagpatianod na lang. “You should eat this,” inalok ko sa kaniya ang kinilaw na abahong. Isang uri ng shell kung saan ibinabad ito ng hilaw sa sukang niyog which is “Tuba” in bisaya. Nakangiwi niya itong sinubo pero kalaunan ay napangiti rin. “Gag* ang sarap! Saan mo naman nalaman 'tong pagkain na ito ha?” nilantakan niya ang isang boteng lapad na abahong. “Alam mo 'yung nagtitinda na may dalang balde? Bumili ako isang beses sa kaniya. Pinilit pa nga naming ipainom kay Jett 'yung sukang pinagbabaran ng abahong. Kaso amputek! May allergy pala sa suka! ” “Ang sabihin mo sa abahong siya allergy hindi sa suka. Utak mo talaga Esmael e!” Ngumiti lang ako habang pinagmamasadan siya. “Kung pwede lang kita makasama habang buhay. Kung pwede lang.” Napalingon ako sa likuran ni Graciana. Nakita ko ang nakangising mukha niya, tinuring kita kaibigan. Pero bakit? Bakit... Inangat nito ang kaniyang itim ballcap. Inimuwestra niya ang orasan. ‘Your time is running.’ ani niya na nakangisi. Tumayo na ito at kumaway sa 'kin. Nagtagis ang panga ko sa sobrang inis. Sandali akong napatigil at tinitigan si Graciana. Me-memoryahin ko lahat ng sulok at anggulo mo. Dadalhin ko ang alala mo, ang alala natin kahit saan man ako ma paroon. ‘Kung alam kong ko lang na sandaling oras lang tayo magkakasama. Hindi na sana ako pumasok sa buhay mo.’ “Tulala ka jan? May problema ba?” nakakunot noong saad nito. Umiling lang ako at ngumiti. Hinaplos ko ang malambot niyang pisnge. “Wala ang ganda-ganda mo kasi!” biro ko at iniwas ang tingin. Ayokong makita niya ang luhang nagbabadyang tumulo. ‘Kung magkakaroon ako ng pagkakataong makita ka at makasama. Lulubusin ko na.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD