Chapter 10

2801 Words
Graciana's Pov “Ma, ano bang ibig sabihin ni papa? ” tanong ko kay mama nakagigising lang. Ginugulo pa rin ako ng mga pangyayari kanina. Hindi ako bobo para hindi ma gets na pinagbabantaan ni papa si papa. Sa kilos at pananalita pa lamang niya ay alam ko nang may mali. Hindi umimik si papa at nakatingin sa wala saanman. “She needs to wake up Graciana. If she can't what should I do? Paano ko sasagutin ang ama mo kung itatanong niya kung bakit nawala sa kaniya ang anak niya?” ani niya na hindi nakatingin sa 'kin. Pinagmasdan lamang niya ang kisame at hindi na mulinh nagsalita. “Ma? Naguguluhan ako? Anong—paano mo sasagutin si papa? Ma may hindi ba ako alam?” hinawakan ko pa ang kamay nito nguti hindi man lang ako magawang lingunin. Anong ibig sabihin ni mama? Paanong magtatanong si papa nang tungkol kay Shangxin kung naroon nga siya kanina at kasama kami? Salubong ang kilay ko na ipinaling ang tingin kay mama. ‘May hindi ka ba sinasabi sa 'min mama?’ — Sa bawat oras, araw, gabi, linggo at buwan na lumilipas mas lalo akong kinakabahan sa hindi mo paggising. Wala ring araw na wala sa peligro ang buhay mo. “Tatapatin ko na kayo, kung hindi niya kayang lumabas sa sariling ilusyon at mapait na memorya niya. I'm sorry, Xinnie will die while she's sleeping. ” Napatakip si mama ng bibig niya sa narinig nito. Posibleng mamatay si Shangxin kahit natutulog lamang ito. Napapadalas na ang kakapusan ng paghinga niya at palagi na lamang siyang inililigtas sa bingit ng kamatayan. Palagi itong nagkokombulsyon at madalas na umiiyak. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang mawala ang kapatid ko. Napaka aga pa para kunin siya. “Siya lang ang makakapagpagaling sa sarili niya. I suggest to you that you should often talk to her. Tell her some happy story. Mas makakatulong sa kaniya 'yun.” “Kausapin niyo siya at kwentuhan ng mga bagay na makakapag-pagising sa kaniya.” “Estella, you need to be strong. Wag mong hayaang diktahan ka niya, don't let your guard down. Kahit anong oras ay makakaya niyang kunin ang buhay ng anak mo.” saad nito at nagpaalam na aalis na. Inalalayan ko si mama paupo sa gilid. Nakita ko ang takot sa mga mata nito, tahimik itong lumuluha habang ang dalawang kamay nasa bibig niya. “Masiyado na siyang pinahihirapan anong kasalanan ng kapatid mo para maranasan niya 'to.” “Ito ba ang bunga nang ginawa kong kasalanan dati? Kung ito ang karma ko ay parang sobra naman ata,” sabi ni mama at walang humpay na umiyak. Niyakap ko lang ito sa balikat. Umiiyak na rin ako sa gilid ni mama. Mula pagkabata ay saksi na ako sa paghihirap niya. Flashback ~ “Papa, aalis ka na naman?” tanong nito kay papa na may dalang bag. Hindi siya sinagot ni papa at nilagpasan lang siya. Makikita sa mata ni Shangxin ang sakit ngunit nanatili lang itong tahimik. Hindi siya nangulit pa. “Babalik pa ba si papa? Kasi kung hindi, ayos lang naman.” minsan niyang saad habang kumakain kami. Nagkatinginan kami ni mama at tahimik na nagpatuloy sa pagkain. “Nakita ko si papa kasama ang anak niya. I call him papa pero he just ignored me.” bungad nito habang papasok ng bahay. “Sabi niya hindi niya ako kilala at hindi niya raw ako anak. May kambal ba si papa at 'yung kambal niya ang natawag kong ama at hindi siya kaya indenial siya?” malamig na saad nito. Nakakatakot ang uri ng pananalita ni Shangxin nong oras na 'yun. Parang siya mismo sa sarili niya ikinakaila na hindi 'yun si papa. “Nakasalubong ko si papa, he said nasa account mo na ma ang pera.” tipid na wika nito at umakyat na. Mas lalong lumalala ang pagkamoody at pagiging malamig na pakikitungo niya. Hinayaan lang namin dahil akala namin normal lang. Ayaw din ni mama kausapin si Xinnie. Dahil mas lalo itong nagagalit kapag tungkol kay papa ang pag-uusapan. “Tanggap ko na hindi niya tayo uwian, pero seeing him with her beloved daughter and that—that ugly witch! I can't accept it ma. She even call me hampaslupa?” galit na wika nito. Mas lalo akong kinikilabutan sa mga araw na nagdaraan. Hindi ko na nakikita ang mga ngiti sa labi niya. Hindi ito ang Shangxin na masayahin. “Hindi ko alam kung bakit dinedy mo kami bilang pamilya mo! Oo! Hindi namin kasing yaman 'yung anak mo at babae mo! Pero pa! Pamilya mo din kami!” sa edad na sampung taon nasasabi na ni Shangxin ang ganitong bagay. Sampal ang inabot niya kay papa. Nasasaktan ako para sa kaniya pero ang mas nakakasakit sa 'kin ay ang hindi niya pagluha. Ang blangkong ekspresyon nito ang nagpapakaba sa 'kin. Ang mga galit at sakit na bumabalot sa katauhan niya ang nagpapasakit sa 'kin. “Alam mo 'yung masakit pa? Hindi itong sampal mo! Yung masakit para sa 'kin na display lang pala kami para sayo. Yung nag e-exist naman kami pero hindi mo kami makita.” “Hindi ako nasasaktan sa sampal mo pa. Mas nasasaktan ako na anak mo rin kami pero parang nakalimutan mo.” “Parang kinahihiya mo, na para bang narito ka lang kasi responsibilidad mo lang. Responsibilidad mo lang kaya obligado kang magpakita at magpakilalang bilang ama. Nasana ay hindi mo na lang ginawa kung napipilitan ka lang.” sapul na sapul si papa. Hindi ito nakaimik nang talikuran siya ni Shangxin. Ang mga mata nito at mahinang paglalakad patungong kwarto niya ang nagpapasikip ng dibdib ko. Mula nong araw na 'yun hindi ko na muling nakitang lumabas ng silid niya si Shangxin. Lalabas lang ito kung maliligo, papasok sa skwela o kaya kakain. Hindi mo rin ito maririnig na magsalita pa. Kung kakausapin mo man ay isang tanong isang sagot lang. Kapag darating si papa ay lalabas siya ng bahay o hindi kaya ay magkukulong sa kwarto niya. Nasa labing tatlong taon na siya ng magkaroon ng mga mahiwagang ngiting sa labi niya. Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng sulok ng labi ko. “Sabi ko naman sayo di ba kunin mo 'yung pusa!” sigaw niya sa binatang kaharap nito. Isa sa mga kapitbahat namin. “Damn that cat! Hindi nga pwede sayo hikain ka pa naman!” sabat naman ng binata. “Sinong hikain 'ha? Ang sabihin mo! Takot ka lang! Duwag!” Nakangiti kaming dalawa ni mama habang pinagmamasadan sila. Sa wakas ay nakangiti at nakikipag-usap na sa iba si Shangxin. “He's leaving.” ani niya habang kumakain kami. Napatigil kami ni mama sa pagsubo ng kanin. Nilingon namin siya at parang dinudurog ang puso ko ng makita ang luha sa mga mata niya. She's crying! “He—he will left me alone.” dagdag pa niya at umiiyak na kumain ng agahan. Labing walong taong gulang na siya. Kahit umalis ang lalaking naging dahilan nang mga ngiti nito ay hindi na siya bumalik sa dating malungkot at malamig na Shangxin. “Ate! I'm home! Bumili ako ng favorite nating siomai rice! Asaan si mama?” masayang sabi niya habang bitbit ang dalawang plastic. Masaya kami dahil masaya siya. Pero, hindi namin akalaing magbabalik siya sa dati. Magbabalik siya Shangxin na hindi nagsasalita. Mas malala pa kesa noon. “Eto ang inbitasyon ng kasal ng kapatid niyo. You should go. Lalo ka na Shangxin I'm sure naman matutuwa at makakakilala ka ng bagong kaibigan roon.” ani ni papa. Kung siguro ay ang dating Shangxin ito hindi nito tatanggapin ang alok ni papa. “Okay, pero ako ang pipili ng damit ko and hindi ako aalis ng hindi kasama si mama at ate.” hindi naman nagreklamo si papa at pinayagan kaming sumama. Pero umayaw si mama. “Ladies and gentleman let's welcome the soon to be husband and wife!” nangsambitin ang ngalan ng dalawa ay napawi ang ngiti sa mga labi ni Shangxin. Malamig ang mga mata nitong nakatutok sa dalawang taong masaya at magkahawak kamay. Tinawag ni papa ang pangalan namin ngunit mapakla lang itong ngumiti. Siniko ko siya para ipaalam na pinapaakyat kami sa stage. Inilahad ko ang palad ko sa kaniya nang tanggapin niya ito ay ramdam ko ang panlalamig nito. Mahigpit ko itong hinawakan at pinisil. Hindi siya tumitig sa 'kin at doon ako kinakabahan. Nakangiti lang ito habang marahang naglalakad. Pagka-uwi sa bahay ay patakbo itong umakyat. Rinig ang malakas na pagsarado ng pintuan sa kwarto kasunod ng pagkabasag ng mga gamit sa loob nito. Dali-dali kaming umakyat at kinatok siya sa pintuan. “Buksan mo ang pinto Shangxin!” sigaw ni Rafael sa kaniya. Hindi ito nagsalita at patuloy ang pagsisigaw habang umiiyak. Patuloy ang malakas na pagkabasag ng mga bagay sa loob ng kwarto niya. Ramdam sa bawat salpok ng gamit niya ang sakit na dinadamdam nito. “Shangxin open the door.” ani ni papa. Tumigil ang paglagabog sa loobg kwarto niya. Malakas itong sumigaw. “Ano pa bang gusto mo pa! Ano pa ba! Lahat na lang ba! Kahit kaisa-isang taong gusto ko kukunin mo pa!” sabi niya at muling narinig ang pagkabasag ng mga bagay. “Pa, tanggap ko na hindi mo ako mahalin bilang anak! Pero wag naman sana pati kasiyahan ko kukunin mo para sa pinakamamahal mong anak. Wag mo naman isampal pa sa 'kin pa kung gaano mo pinahahalagahan ang anak mo!” sigaw pa niya. Bakas sa boses nito ang panginginig. Ang pagmamakaawa kay papa. Ang paghihinagpis ang kalabisan na sakit. Mabilis na umakyat ang isang matangkad na binata. Halos liparin nito ang pagitan ng hagdan. “Let me talk to her.” sabi niya sa mababang tinig. “For what? Paano si Sam. Don't talk to her. I know Shangxin will understand.” mariinh sabi ni papa. Parang wala itong paki-alam sa kung ano mang mangyari kay Shangxin. Isang sampal ang iginawad ni mama kay papa. “Ayos sa 'kin ang maranasan ang lahat ng sakit pero si Shangxin? Hindi ko papayagang saktan mo siya!” “Sir, just let me talk to her.” Walang nagawa si papa at pumayag na rin. May dalang screw si Rafael at mga bara de cabra. Patuloy lang sa paghagulhol si Shangxin sa bawat salpok ng nababasag na bagay sa pader ay ramdam mo ang sakit na nararamdaman niya. Sa bawat pagkabasag at pagsigaw ay dito niya inilalabas ang sakit. “Xinne let's talk.” ani ng binata. Saglit na katahimikan ang namayani sauong paligid. Tanging pag-iyak lang ni Shangxin ang naririnig. “For what?” malamig niyang sabi sa pagitan ng pinto. Nanginginig nag boses nito habang pilit na nagsasalita. “Para sabihing hindi mo intensyon na nasaktan ako? Kasi if oo. Wag mo na ako kausapin. Dahil sasabihin mo pa lang alam ko na.” “Just let me talk to you.” “No—you don't want to talk to me. Para ka lang si papa, responsibilidad mo lang nakausapin ako kasi nasa ganito akong sitwasyon. Hindi maiimbsan ng pag-uusap lahat ng sakit na nararamdaman ko!” “Kasi hindi mo maiintindihan 'yung pakiramdam na masayang naghihintay—naghihintay sa wala.” “Hindi mo maiintindihan kung gaano ka sakit na maghintay sa pangako mo! Kung gaano ko pinanghahawakan 'yunh pangako mo!” “Pero habang naghihintay ako sayo—” tumigil ito at pumalahaw sa pag-iyak. “Habang naghihintay ako sa—sayo. Sa iba mo tinutupad 'yung pangako mo.” sabi niya at biglang may nabasag muli sa loob ng kwarto niya. “No—no. Noo. I'm too dumb! YOU—you just—didn't meant to say those words. It was just an empty promises! An empty promises that slowly killing me now!” napahagulhol na naman itong mulit. “Just open the door Shangxin!” then she open it. Natutop ko ang bibig ko nang makita siyang duguan ang kamay niya. Nanghina ang tuhod ni mama kaya inalalayan siya ni Rafael. Nakatulala lang ako at ang binatang nasa harap niya. Puno ng dugo ang puting gown nito, dumadaloy ang dugo sa magkabilang palad nito. Hindi ako makapagsalita dahil naiiyak ako ng sobra! Kita sa mga mata niya ang sakit at pait na nararamdaman niya. Kumikisap-kisap pa ang ilaw sa loob ng kwarto niya. Puro basag na salamin ang nasa sahig nito. Hawak niya pa ang basag na baso sa kanang kamay niya “Shangxin.. ” “Stop calling my name.” “I'm sorry.” “How could I wish that was me. Ako dapat 'yung nasa taas ng stage. Ako dapat 'yung nandoon kasama mo, masaya at magkahawak kamay.” patuloy sa pagdaloy ang mga luha sa pisnge nito. “Enough for this drama Shangxin. Your sister need this man so let him go.” nilingon niya si papa ng punong-puno ng sakit. “Puro na lang siya! Siya! Siya at siya! Papa!” mariin ang bawat pagbikas niya sa mga salitang sinisigaw niya. “PAPA! WALA BANG AKO SA BUHAY MO! WALA BANH SHANGXIN?! KAHIT MINSAN AKO NAMAN! PAPA! KAHIT ITO LANG!” “Xinnie...” tawag sa kaniya ng binata na umiiyak na rin. “Simula ngayon ayoko nang makita ka. Ayoko nang maalala ka. Ayoko nang babanggitin ng bibig mo ang pangalan ko!” “From now on! You are nothing but a nobody! Simula ngayon hindi kita kilala.” binitawan nito ang basag na baso. “Pinapangako sa sarili ko na kakalimutan kita at kapag dumating ang araw na maalala kita! Gagawa ako ng paraan para makalimutan ka ng paulit-ulit.” “Ayoko kitang maalala dahil sobrang sakit! Simula sa oras na ito, ikaw! Si papa! Kayong lahat kakalimutan ko na!” “Gusto ko nalang mawala kayong lahat dito!” umiiyak ito habang itinuro anh ulo niya. “At dito.” dagdag pa niya habang tinuro ang daliring duguan sa dibdib niya. “Hindi ko na kinakaya! Papa mababaliw na ako! Gusto kong saksakin ang sarili ko para matapos na 'to! Papa! Kahit paulit-ulit kitang tawaging papa? Ma-aapriciate mo ba?” “Sabi ko nga hindi! At kahit kailan man hindi mo gagawing ipagmalaki ako! Si mama! Si ate Gracia?!” nilingon niya ang binata. “Kahit kailan man! Ayoko na maalala ka. At kapag sinubukan mong ipaalala sa 'kin kung sino ka. Ako na mismo ang kikitil sa sarili kong buhay wag ka lang maalala.” “Nagsisisi ako ng sobra na nakilala kita. Ang tanga-tanga ko maniwala sa mga pangako para sa isang bata!” “Umalis na kayo ni papa. Hindi ko kayo kailangan.” dagdag pa niya na parang normal lang at walang iniindang hapdi sa sugat sa kamay niya. Nilingon niya si mama at nangilid ang luha nito. “Mama, I wanna sleep. Paki-ayos na lang kay Raf ang kwarto ko, sa kwarto mo lang ako.” nagkatinginan kaming lahat sa tinuran nito. Biglang nagbago ang ihip ng hangin at parang hindi niya nakikita ang ibang tao bukod sa 'min ni mama at Raf. End Of flashback ~ Walang pinag-kaiba ang sitwasyon mo noon sa ngayon. Still gumawa ka pa rin ng harang sa isip mo Xinnie. Ganoon ka ba nasasaktan at gusto mong matulog na lang? Gusto mong itulog na lang lahat ng sakit kagaya nang ginawa mo noon? “Miss. Graciana. Pinabibigay 'ho sa inyo ng lalaki sa labas.” sabi ng janitor. Paayos naman ng upo si mama at nagtatakang tiningnan ako. “Sino raw 'ho manong?” “Hindi ko alam ma'am. Sige 'ho una na ako.” ani nito at umalis na. Hinampas ni mama ang balikat ko. “Sino 'yan? May boyfriend ka na Graciana?” “Ma, wala 'ho. Uunahin ko pa ba ang paglalandi kesa sa kapatid ko?” Pinaningkitan lang ako nito ng mata. “E kanino galing 'yang happy meal mo?” “Malay ko?” “Kung hindi mo alam kung kanino galing iyan ay itanpon mo na lang. Baka malason o may gayuma 'yan!” “Ma, naman.” “So kilala mo talaga ang nagbigay ni'yan?” “Hindi nga 'ho!” “Kaya nga itapon mo!” “Fine! Kay Esmael galing.” “Kay Esmael? Yung engineer na may—” sumenyas ito may saltik sa ulo. “Oho.” “Mag-ingat ka sa mga engineer na 'yan. Magaling lang gumawa ng plano pero baka hindi rin matupad.” “Bitter mo ma.” Inismiran lang ako nito at nakikain ng pagkain ko. Ilang sandali pa ay may lumabas na doctor sa Icu. Nabitin ang pasubo ko ng chicken nuggets matiim ko itong tinitigan na puno ng kuryosidad. “Xinnie is awake.” sabi niya naikinatili ko. XINNIE IS AWAKE! SHE'S AWAKE!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD