Shangxin's Pov~
“Please wake up. You need to wake up Shangxin.” mahina ang tinig nito habang umiiyak. Rinig ko ang hikbi nito. Gusto kong igalaw ang mga kamay ko pero hindi ko ito magalaw. Parang nakatali ito at may mabigat na nakadagan sa akin.
“Kahit hindi na kita ulit makita. Kahit hindi mo na ako maalala. Basta ligtas ka basta masaya ka. I'm willing to set you free my mitten.” tinig ito ng isang lalaki.
“Mitten? Parang narinig ko na 'yan dati.”
“Do you still remember the time that we promise to see each other again? Kahit ikaw na ang bumali sa pangakong 'yun basta ligtas ka lang. Basta gumising ka lang.” rinig ko ang bawat hikbi nito. ‘Sino ka?’ at anong pangako? Gusto kong tanungin ito. Pero hindi ko maibuka ang nanunuyong labi ko. Naririnig ko siya pero hindi ko siya makita.
“5 month's from now. You'll never see me again. I'll getting married. And it really hurt's a lot Xinnie.”
“Ikaw 'yung babaeng pinapangarap kong dalhin sa harap ng altar.”
“I didn't imagine myself being with her while hearing this line. We announce you husband and wife.”
“As long as your safe and sound my mitten. I'll do everything.”
“Everything that I've promised to you. I'm really sorry hindi ko na matutupad.”
Nanikip ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Para akong sinasakal. Nagsimulang manubig ang mga mata ko ngunit wala akong maramdaman. Mababali ako sa kadilimang bumabalot sa buong paligid. Bakit hindi ko mamulat ang mata! Bakit ang dilim! Asaan ka! Nasaan ako?! Sino ka! Gusto kong maaninag ang mukha mo! May parte sa puso ko na gusto kang makita at maalala! Gusto kitang maalala!
“My litttle mitten! Stop hiding!”
Isang boses ng batang lalaki ang naririnig ko. Pilit kong inaanianag ang mukha nito.
“Little mitten hurry up!”
Naluluhang inilibot ko ang paningin sa madilim na lugar na ito. Sino ka! Sino ka!
“Little mitten! From now on I will be your big puppy! No one is allowed to bully you!”
“Magnus! You two! Let's go home!”
“In count of 3 run!”
“Hide now our princess!”
“Don't go out unless we say so!”
Sino ka please. Sino ka.
“No—no! Damn Shangxin!” rinig kong sigaw nito. Bakit ang sakit! Ba—bakit parang ang sakit! Wala akong maintindihan! Sumisikdo ang sakit sa dibdib ko. Gusto kong iliyad ang katawan ko sa sakit. Nalilito ako! Ang sakit ng ulo at dibdib ko. Parang puputok ang ulo ko sa sakit!
“You may go out now sir.”
1 2 3 clear!
Nang marinig ko ang salitang clear. Doon na ako nilamon ng kadiliman.
Graciana's Pov
“Sino raw ang pumasok sa loob ng room niya bago mag 50/50 si Shangxin.” usisa ni Esmael. Napakapit lang ako sa kaniya habang walang humpay na umiiyak. Muntik nang mawala sa 'min si Shangxin.
“Nakablack cap daw po sir at Jacket.” anas ng security.
“Nagpapasok kayo Sa ICU ng hindi niyo sinisiguro ang seguridad ng nasa loob!” sigaw naman ni Rafael. Hinawakan ni Esmael ang braso ni Rafa nang kwelyuhan nito ang guard.
“Raf.” saway ni Esmael sa kaniya. Kumalma naman ito at pabalik-balik na naglakad. Hindi ito mapakali habang nag-aagaw buhay ang kapatid ko sa loob. ‘Please save her.’
“Ligtas na siya.” bungad ng doctor sa 'min.
“Bantayan niyo nang maayos si Xinnie. Kahit icheck man natin ang footage ng cctv. Paniguradong wala tayong mahahagilap na ibidensya. Ibayong pag-iingat at pagbabantay lang ang kailangan niyong gawin.”
“May gusto talagang maglaho si Xinnie sa mundo. Bakit hindi mo na kasi siya lapitan Estella? Hinihintay ka lang niyang magsabi,” dagdag pa nito. Nanatiling tahimik si mama at hindi umimik. Hindi ko magawang magtanong dahil baka—baka hindi ko magustuhan ang kasagutan sa kuryosidad ko.
“Una na ako.” paalam ni Doc. Nagmamadaling naglakad si Nurse Angel sa likuran ni Doc Shiela.
Napalingon kami sa pinagtitinginan ng mga hospital staff. Naririnig ko ang mga malalabong bulungan ng mga ito.
“Good morning Mr.Lim,” bati ng nurse sa paparating na lalaki. Ngiti lang ang isinagot nang ginoo at nagpatuloy sa paglalakad. Masama lang siyang tinitigan ni Rafa nang makalapit ito sa direksyon namin. Hindi ko ito binati at ganun rin siya. Tahimik itong pinagmamasadan ang mahimbing na natutulog na si Xinnie. Sumilay ang ngiti nito sa labi niya. Napakurap-kurap ako baka nagkakamali lang ako sa nakita ko. Paanong ngingiti si papa e nasa bingit na ng kamatayan ang anak niya?
“Anong ginagawa mo dito Natan?” tanong ni mama sa malamig na tinig. Nakataas ang sulok ng labi niya nang lingunin niya si mama. Pinasok nito ang dalawang kamay sa bulsa niya at humarap kay mama. Inilapit niya ang mukha kay mama at nanunuyang ngitian si mama.
“I've warned you several times Estella. Hindi ka pa nadadala?” makahulugang ani nito kay mama. Napabaling ang ulo ko kay Rafa. Tumiim ang panga nito kaya agad kong sinenyasan si Esmael na pigilan si Raf.
Lumapit pa si papa kay mama at may ibinulong. Nakita ko ang paninigas ng katawan ni mama nang maghiwalay ang nagkalapit nilang katawan.
“And besides pinahihirapan mo lang ang anak mo. Don't let your guard down Estella. Baka sa isang iglap,” pinatunog nito ang daliri niya habang nakangisi.
“Boom. Wala na.” sabi ni papa na mahina pang tumawa. Kinilabutan ako, si papa ba talaga ito?
Pinagmasdan ko si mama na huminga ng malalim bago nag-angat nang tingin kay papa. Isang malakas na sampal ang dumapo sa nakangising mukha nito. Napawi ang ngisi ni papa at hinawakan nito ang pisnge niyang sinampal ni mama. Muling sumilay ang nakakakilabot nitong ngisi.
“Don't you ever lay your finger at my daughters!”
“I won't, but my men will.” papa said with a wide grin on his face.
Nangatog ang tuhod at nanghihina na napakapit sa braso ni Esmael. Parang demonyo ang kaharap namin ngayon. Malayo na siya sa dati kong ama. Ang layo niya na sa amang kinalakhan namin.
Mas lalo pang humigpit ang pagkapit ko sa braso ni Esmael dahil sa mga ngisi nitong hindi mapawi. Pinagmasdan ko si Rafa tahimik lang siyang nakatitig kay papa. Ilang saglit pa umiigting ang panga nitong naglakad patungo kay papa. Akmang susugurin niya ito nang harangan siya ng body guard nito. Hinawi ni Esmael ang kamay ko at sumenyas na daluhan si mama. Umatras siya sa may likuran ko. Hindi ko na lang siya pinansin dahil nakikita ko ang panginginig ni mama. Nang magkalapit kami niyakap ko ito nang mahigpit.
Abala ako sa pagpapakalma kay mama. Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lamang bumulagta si papa. Nakita ko ang bulto ng lalaki na nakatayo sa harapan ni papa at mariing nakakuyom ang mga palad. Hawak nito si papa ng mariin at kwinelyuhan.
Tinutukan siya ng baril ng limang body guard ni papa. Ngunit hindi makikitaan ng kahit anong takot si Esmael. Parang hindi niya alintana ang armas na nakatutok sa ulo niya.
“Aren't you scared?” ani ni papa. Muli niya itong sinuntok, rinig ang malakas na pagkasa ng baril sa paligid.
“Bakit ako matatakot kung galing na ako sa impyerno?” walang emosyong saad ni Esmael.
“Then, it's my pleasure to send you back home. Say Hi to Brother Satan for me.” nakangising saad ni papa.
Namilog ang mata ko at sumigaw na sa takot.
“Esmael! Stop it! Pa-papa! Don't hurt him!” sigaw ko rito ngunit parang wala siyang narirnig. Hindi niya ako naririnig. Nakangisi lang si papa. Kahit dumudugo ang labi nito ay nagawa pa niyang ngumisi. Hindi siya binitawan ni Esmael kahit isang kalabit lang ng gatilyo ay puputok na ang bungo niya.
“One punch, one life.” tanging saad ni papa at nanginig na binitawan na siya agad ni Esmael. Nanginginig akong tumakbo sa kaniya. Hinila ko siya palayo kay papa.
“Scared? Huwag muna, malayo pa naman sila. Tiktak. Tiktak Esmael.”
Unti-unting ikinuyom nito ang palad at mabilis na tumakbo palabas ng hospital.
“Estella. Think about it. 24 hours. I'll give you 24 hours. Or you'll loose everything.” sabi ni papa at tuluyan nang umalis. Napaluhod na lang si mama sa sahig. Nakatulalang tumitig sa kawalan. Inalalayan siya ni Rafa patayo. Napasandal naman ako sa pader habang hindi maprocess ng utak ko ang mga nanyayari.
“What did papa say to mama? Bakit parang may mangyayaring hindi maganda.”
“Your sister needs to wake up now!” napaigtad ako sa magsigaw ni mama. Naghihisterikal na ito.
“Mama calm down.” ani ko at sinubukan siyang yakapin. Iwinasiwas lang niya ang kamay niya at nagsisigaw.
“She need to wake up now! Your sister need to wake up now!”
Naiiyak ako habang sinusubukang hawakan si mama. May mga nurse na nahumawak sa kaniya at pilit pinakakalma. Dumating ang kumareng doctor ni mama at si Nurse Angel. Sumenyas itong need ni mama turukan ng pampatulog. Tumango lang ako bilang sagot.
“She need to wake Graciana. Please wake up now Shangxin!” sabi ni mama bago tuluyang mawalan ng malay. Niyakap na lang ako ni Rafa habang umiiyak. Ano bang nangyayari?