Kyle's Pov
Tahimik lang akong naka-upo sa may veranda ng apartment naming anim. Mula nong nakatagpo namin si Shangxin ay gumulo na ang sitwasyon. Simula pa lang ito nang gulo.
“Bakit mo ginawa 'yun?” si Sheng. Isinara nito ang pinto at naglakad palapit sa'kin. Itinukod nito ang dalawang kamay sa hamba ng veranda. Madilim ang mukha nito habang nakatanaw sa malawak na palayan.
“To protect her.” tipid kong sagot sa kaniya. 'Yun lang kasi ang alam kong paraan para mailigtas siya.
“Really? Wala kang hidden agenda?” sarcastic na tanong niya. Ngitian ko lang ito at muling ibinalik ang paningin sa malawak na palayan.
“I have. Pero nangingibabaw ang kagustuhan kong mailigtas siya.”
Umigting ang panga nito at mariing ikinuyom ang palad.
“Sa anong paraan mo siya na iligtas? Sa pagpadala sa kaniya sa hospital? O sa pagduldol sa kaniya sa bingit ng kamatayan?” mahina pero mariin ang bawat salitang sinabi nito.
“Gusto niyo siyang iligtas, pero sa ginagawa niyo. Mas lalo niyong pinapahamak ang kapatid ko.”
“Mas maganda sigurong pareho niyo siyang layuan. Ayoko nang mauulit 'to Kyle.”
“Wag mo sanang kalimutan na pina-alalahan kita, kahit barkada kita hindi kita sasantuhin kapag may nangyaring masama pa sa kapatid ko.” sabi niya at tuluyan nang naglakad palayo.
Bipolar's Pov~
It's been 3 weeks since you laid down to that bed. 8 year's kitang hindi nakita. Walong taon, and now that I've found you. Nasa higaan ka naman, tahimik na nakapikit at mahimbing na natutulog.
“Please, wake up.” tanging hiling ko sa oras na ito. Magising ka lang, hindi na ako mag-aabalang magpakita o kausapin ka pa.
Natiis ko nga ang walong taong pangungulila sayo. Walong taong paghahanap sayo, ngayon pa kaya? Sobrang gusto kitang makita't mahanap, little did I know. Mas safe ka pala kung hindi kita nahanap. Mas tahimik ang buhay mo kung hindi tayo nagtagpo pang muli.
Itinikom ko ang bibig ko at napatingala sa kisame. Even though we've seen each other again, still— we can't be together. Baka nga hindi tayo ang para sa isa't isa.
Inayos ko ang mask at black cap ko bago umalis. Sa huling pagkakataon ay sumulyap ako sayo. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Pakiramdam ko ay may sumusunod sa 'kin. Naglakad ako palayo sa ICU. Lumiko ako sa kanang bahagi ng ward. At lumiko pa ako muli upang masiguro kung may sumusunod ba sa 'kin. Nilingon ko ang likuran ko ngunit may biglang humila sa 'kin at ipinasok ako sa isang silid. Nakaitim rin ito ng cap at nakamask. Pinihit ko ang kamay nito sa likuran at akmang susuntukin ko na sana ito nang tanggalin niya ang mask.
“You should disguise yourself we'll. Mapapahamak sayo si Shangxin! Damn! You're so stubborn!” anas nito.
Binitawan ko naman siya at tinanggal ko rin ang mask at cap ko.
“Ikaw ba 'yung kanina pang sumusunod sa 'kin Kyle?”
“Yes, but I'm not the only one who's following you.” sabi niya at hinubad ang black jacket nito. “Let's change our clothes.” sinunod niyang hinubad ang pantalon nito at T-shirt.
Nag swap kami ng damit Kyle. Suot ko na ang damit niya na dinoblehan ng PPE bago ako lumabas. Nagpanggap akong isa sa mga frontliner ng hospital. Napansin ko ang lalaking nakasunod kay Kyle pasimple itong nagtatago at nagkukunwaring nag ccp kapag humihinto si Kyle. Pahahakbangin nito ng ilang hakbang si Kyle bago magpatutuloy sa paglalakad.
Mariin kong ikinuyom ang palad ko. Bantay sarado talaga ako, mukhang mapapadalas na ata ang hindi ko pagdalaw sayo. Dumiretsyo ako sa kinaroroonan ng silid ni Shangxin. Mula sa malayo ay tanaw ko babaeng naka-upo sa hallway habang nakasandal ang ulo nito sa pader. Nakapikit ang mata nito at bakas ang pagod sa mukha niya. I'm sorry tita. Akala ko ay mababago ko ang kapalaran namin pero bigo pa din ako. Hindi ko natupad ang pinangako ko sayo.
Maglalakad sana ako palapit sa kinaroroonan nang mama ni Shangxin nang magring ang cp ko.
Si Kyle~ lumayo ako saglit para sagutin ang tawag niya.
“Where are you? If you are still in the hosptial! Umalis ka na jan!” humahangos na ani nito.
“Why? What happen?”
“Papunta na jan ang papa ni Shangxin kasama si Sam!” nataranta ako nang marinig ko ang sinabi niya. Kumaripas ako nang takbo palabas ng hospital.
“Wag kang dadaan sa parking lot! Sheng will pick you up sa labas ng hospital!” dagdag pa nito. Sinunod ko nalang ang sinabi niya. Mabilis kong tinahak ang pasilyo palabas ng hospital.
Sa hindi ka layuan ay may humintong sasakyan at bumusina.
“We're here!” kumaway sa 'kin si Jordan nakamask ito at hoody.
“Ang tigas ng Ulo mo Magnus. Sinabi ko na layuan mo ang kapatid ko. Ipapahamak mo lang siya. Anong mahirap intindihin dun?!” iritadong saad sa 'kin ni Sheng. Nanatili lang itong madilim ang mukha habang nagdadrive. Hindi na ako nagtangkang sumagot pa dahil baka magbugbugan kami sa loob ng kotse niya. Tahimik lang kami buong byahe.
Kinuha ni Jordan ang isang papel at nagsulat.
“May pa disguise ka pang nalalaman, still she can fckin find you man. Check your necklace.”
Nakakunot ang noo ko habang binabasa ang isinulat nito. Magsasalita na sana ako nang magsulat ito ulit.
“May maliit na chips sa necklace mo, kung saan nalalaman niya kung nasaan ka at naririnig lahat ng sasabihin mo. Your fckin wife is kinda badass! She's really crazy!”
Naiiritang kinuha ko ang ballpen at papel. “Should I throw it?” hinablot naman ni Jordan ang ballpen at papel.
“Edi nakahalata ang baliw mong asawa na alam mo na!”
“What should we do? ”
Para kaming mga siraulo na nagsusulatan sa kapiraso ng papel. Huminto si Sheng dahil traffic. Nang makarating kami sa bahay ay nakita kong ginagamot ni Michael si Kyle. Marami itong pasa sa mukha at maga ang kabilang mata nito.
“What happened to you Kyle?” bungad kong tanong sa kaniya. Sumenyas itong 'wag ako magsalita. Nagtataka man ay hindi na ako nagsalita pa.
Kinalabit ako ni Jordan at inabot nito ang papel.
“Tanggalin mo ang kwintas mo at ilagay muna sa kwarto mo.” Inagaw mi Sheng ang papel at nagsulat.
“Can I kill your wife now?” ayan ang nakasulat sa papel na ikinatawa ko na lang. ‘As if you can?’
Samantha is getting worse. Hindi ko na siya makilala, sa bawat araw na lumilipas she's unreadable. Hinubad ko nga ang necklace at bumama na ng hagdan.
“You only have 10 minutes bago mo ulit suotin 'yun.” nakapikit na sabi ni Kyle. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi ng mga ito. Gets kona may chips ang necklace. Ang hindi ko maintindihan ang sampung minutong palugit ni Kyle.
“Sit down and shut the fck up! You listen to me Magnus. Jor—Michael. The timer.” ani niya kay Michael.
“Una, sampung minuto mo lang ihihiwalay ang kwintas sayo. Dahil sigurado akong masisira ang ulo ng asawa mo kapag hindi niya narinig ang boses mo o hindi gumagalaw ang radar niya.”
“Pangalawa you—” tinuro niya ako “And me, mag di-dusguise incase gusto mong bumisita kay Shangxin. I'll wear the necklace para hindi ka masundan ng baliw mong fiancé . Hindi nakita pipigilang puntahan siya as long as susunod ka sa 'kin.” dagdag pa niya. Nagsalubong ang kilay sa pag-utos niya ng mga kung anu-ano.
“Pangatlo you should act normal! At iwasang mabanggit ang kung ano mang bagay patungkol kay Shangxin at sa chips”
“Pang-apat may utang ka sa 'kin, ang sakit nang suntok ni Sheng sa pakikipagsabwatan ko sayo!”
“Last but not the least. You should give me Shangxin incase you marry Sam. Una palang alam mo sa sarili mong akin siya right?” mariin kong ikinuyom ang mga palad ko at umalis na. Hindi ko kayang makitang hawak ni Kyle si Shangxin. Pero hindi kakayanin kung makikitang mapapahamak si Shangxin ng dahil sa 'kin.
“Hindi niyo pag-aari ang kapatid ko.Period!” rinig ko sabi ni Sheng bago ako umakyat ng hagdan.