bc

Temptation of the Heart

book_age18+
52
FOLLOW
1K
READ
dark
submissive
drama
twisted
bxg
gxg
serious
soldier
lonely
Neglected
like
intro-logo
Blurb

TAGALOG STORY. ONGOING

Second chances can also come with challenges and sacrifices. What will be his choice? Despite their opposing positions, they cannot deny the attraction they feel towards each other, leading them to question their loyalties and ultimately choose between love and duty; him as a soldier to serve the country and her as a Mafia queen who ruled the criminal underworld.

chap-preview
Free preview
Episode 1-Present Time: Cloud
"Cloud, nasa loob na ang lahat. Tayo na lang ang naiwan dito. Are you ready, mate?" Napatingin ako sa kasamahan ko. Magpapanggap kaming mga customer bago namin gawin ang entrapment operation. Isa itong bahay aliwan na pinamumugaran ng mga babaeng biktima ng karahasan kung tama ang naibigay sa aming impormasyon ng aming source. "Let's go!" Nagpatiuna na'ko sa kanya papunta sa entrance. Nagtagis ang bagang ko nang sa gate pa lang, hinarang na'ko ng apat na kalalakihan. "Here's my ticket." Mabilis kong nilabas ang maliit na kapirasong papel sa bulsa ko. "That's legit, don't look at me like that." Halos iduldol ko na ito sa kamay ng lalake nang kapkapan pa'ko nito sa katawan. "Pasensiya na, sir. Hindi po allowed ang anumang armas sa loob. Naniniguro lamang kami." Tumango ang security guard na gumawa nito sa'kin matapos akong kapkapan. "Clear." Matiim akong tinitigan ng kaharap ko bago nito hinablot sa kamay ko ang kapirasong papel na iyon. Naningkit ang mata ko nang padaanan nito ng scanner na hawak ang code sa papel na iyon. Apat na lalake ang bantay sa harap at halatang sanay sumabak sa bugbugan ang mga ito. Matitikas at malalaki ang katawan ng mga ito. Isang malaking bahay ang nakikita ko sa harap ko; animo mansyon ito sa paningin ko. Kahit sa'n ako tumingin, maraming bantay na tao sa bawat sulok ng lugar. Napakahigpit ng seguridad dito. Sa labas ang parking area kaya kailangan pa naming maglakad para makarating sa malaking gate. "Pasok na!" mariing sambit ng lalake sabay ngisi. "Enjoy, sir. Pasensiya na ho, mahigpit kami sa mga customer na pumapasok. For safety purposes lamang." Nagmasid muna ako nang tuluyang makapasok sa gate na iyon. Umagapay sa'kin ang kasama ko bago kami dumeretso sa isa pang malaking bulwagan. Bumulaga sa'min ang mga taong nakasuot ng pormal na mga kasuotan. Isang black tuxedo rin ang suot ko para maging presentable ako ngayong gabi. "I'll see you around, Cloud." Isang tapik ang ginawa nito sa likod ni Cloud bago tumalikod. Nasundan ko ng tingin ang kasama ko bago ko muling siniyasat ang kapaligiran. Nakapasok na rin ang iba kong team dito bilang mga customer. Kailangan namin ng matibay na ebidensya kaya kami nandito. Sa pananamit pa lang ng mga taong nandito, halata na sa mga ito ang yaman at kapangyarihang taglay. Nang dumaan ang isang waiter, mabilis kong kinuha ang isang baso ng alak sa tray na hawak nito. "Thank you." Nakangiti kong tiningnan ang waiter. "Cheers, mate." Tinaas ko ang hawak ko bago ito nasundan ng tingin nang mag-serve rin ito sa iba pang customers. Bawat taong makasalubong ko, nakangiti ko itong tinatanguan at binabati. Kalimitang mga lalake at iilan lamang ang may edad na babae ang nakikita ko. Mabagal kong sinisimsim ang alak habang iniikot ang tingin ko. Normal lang ang nakikita ko sa paligid. "Good evening, our beloved guests." Malakas na anunsyo na nagmumula sa mga speaker na nakapaikot sa malaking bulwagan. "The show will start anytime. Please proceed to our black room now." Black room? What is black room? Napatingin ako sa mga speaker at napagkit ang tingin ko sa camera-ng nakapaikot sa'min. Bawat galaw ng guests, monitored lahat. Nasagot ang katanungan ko nang isang lalake ang lumapit sa'kin, naka-black suit ito bago ako giniya sa isang malaking pinto. "Walk straight, sir." Yumukod muli ang staff pagkatapos nitong ibukas ang pinto bago ito tumayo sa gilid. "Sundan niyo lamang po ang arrow sa loob na makikita niyo." Isa itong pahabang pasilyo na may mapusyaw na ilaw nang buksan ng staff na nag-assist sa'kin. May ilaw ang arrow na sinasabi nito kaya sinundan ko na lang ito. Para akong pumapasok sa loob ng isang sinehan dahil sa mapusyaw na ilaw ng pasilyo. May mga guest din akong kasabayan sa paglalakad papasok sa loob. Habang binabagtas ko ang daan, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang mga inosenteng biktima na labag sa loob ang ganitong kalakaran, gusto ko silang iligtas. Mukhang bigating tao ang may hawak ng illegal na negosyong ito. Nang tuluyang makarating sa black room na tinatawag, namangha ako. Isang malaking entablado ang bumungad sa'kin at mga upuan ang nakikita ko. May mga nagse-serve na waiter sa bawat mesang okupado ng guest. "This way, sir." Isang naka-black suit na lalake na naman ang sumulpot bigla sa harap ko. Napaupo ako bigla kung sa'n ako giniya ng isang staff. Inikot ko ang paningin ko bago ko tinanguan ang ilang kasamahan ko nang magtama ang paningin namin. Nakapwesto na rin ang mga ito sa kabilang mesa. Inabot pa ng halos thirty minutes bago lumabas ang isang lalake sa stage. Hindi ko na napansin ito dahil sa pagkilatis ko sa buong paligid. Isang malamyos na tugtog ang pumailinlang at ilang sandali pa, binaha ng liwanag ang buong paligid. Palakpakan at hiyawan ang pumalit nang unti-unti gumalaw ang malaking itim na kurtina sa entablado. Natutok ang mata ko sa mga babaeng lumabas sa entablado pero napatda ako. Akala ko nang una, namalikmata lang ako pero ang mukha nito, hinding-hindi ko makalimutan. Hindi ako makapaniwala! Nakasuot ang mga ito ng gowns na pinaresan ng red high-heeled shoes. Sa isang tao lamang napokus ang mata ko—sa aking ex-wife. Nagtama ang mga mata namin pero walang reaksyon mula rito. The woman's charm is captivating. She still has the charming beauty I once adored five years ago. "V-Vianna." Hindi na lumabas sa bibig ko ito nang sambitin ko ang pangalan niya. "W-what are y-you doing here?" Umigting ang panga ko nang titigan ko muli ang babae pero hindi na ito nakatingin sa'kin. Nasa harap lamang ako pero bakit ganito? Mukhang hindi ako nakikilala ng babae. Limang taon na ang lumipas, nakalimutan na ba nito ang mukha ko? "Good evening, everyone! Our dear guests, we're happy to see you again on this lovely night with these lovely ladies." Nakalahad ang kamay ng emcee sa mga dilag na nasa likod nito. "Pick any number you like and please ask our staff for assistance. Enjoy every moment with the lady you picked. The night is young, and our goal is to make you enjoy your time with our services." "Cloud." Napalingon ako sa isang kasamahan ko nang umupo ito sa tabi ko. Muling natutok ang tingin ko sa babae dahil ayokong mawala ito sa paningin ko. Ano ang ginagawa ng babae sa ganitong lugar? Napansin ko rin ang numerong nakakabit sa gown nito—no. 13. "Cloud, you need to pick someone, I guess." Napatingin din ang lalake sa tinitingnan ni Cloud. "Mukhang may natitipuhan ka na. If you want some privacy and pleasure, they have private rooms here for every customer. That's how it works here." Nangunot ang noo ko nang marinig ko ito sa kasamahan ko habang hindi ko hinihiwalayan ng tingin ang number 13. "I w-want her." Nakaramdam ako ng inis sa sinabi nito. "Mate, ask someone to bring that woman to me, p-please." "But the price, dude, so expensive." Nakaramdam ako ng galit nang marinig ito. Alam ko na ang kalakaran na ganito pero ang makita ang babae na isa sa mga ito, parang gusto ko itong hilahin pababa. "I d-don't care how much expensive that woman is. I'll pay!" Nawala na ang kasama ko at nang bumalik ito, may kasama na itong isang staff. Napasunod ang mata ko sa machine na pinatong ng staff sa harap ko. "Card or cash, sir?" Walang kangiti-ngiti ang lalake nang yumukod ito. Inilapit pa nito lalo ang payment machine kay Cloud. "Payment first, then number 13 will be yours. I will accompany you to the private room after your payment. You can have her for 50 thousand pesos only for 1 hour. Do whatever you want with her once the timer starts." Isang oras kasama ang babae? Ganito ang presyo ng mga bayarang babae sa lugar na ito? Hindi ko mabilang ang mga babaeng nakatayo sa entablado. Nagsimula na ring mamili ang nagkakagulong customers sa mga nakahilera. I'm starting to become restless knowing that the woman is in danger. "Card!" mariin kong sambit bago ko nilabas ang wallet ko sa bulsa. Nagkatinginan kami ng isang kasama ko bago ako nito tinanguan. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng galit sa sarili ko. "I want that Vianna now!" Parang gusto kong akyatin ang stage pero pinigil ko ang sarili ko. "Excuse me, sir?" Wari'y nalito ang staff nang ilapit nito lalo sa kaharap ang payment machine. "There's no Vianna here. Please enter your pin so we can proceed with our transaction." Nang magawa ito ng kaharap, mabilis din nitong binalik ang card sa lalake. "Your receipt." "I want her now!" Gigil kong hinablot ang resibo na inabot nito. Gusto kong sigawan ang babae pero agad akong tinapik ng kasama ko para pakalmahin ako. Nakaturo na ang hintuturo ko sa babae. "Bring that number 13 in front of me, please." Nakangiting yumuko ang staff. "Of course, sir. I will introduce no.13 to you any moment." Tumalikod na ito at umakyat ng entablado para sunduin ang napiling numero ko. Habang papalapit nang papalapit ang babae, nagsimula nang maglabasan ang samut-saring katanungan sa isip ko. Kimi itong ngumiti nang tuluyang huminto sa harap ko. "Via—" "Meet Kring, sir. Kring rarely agrees to such intimate moments with the guest. You're lucky," mabilis na sabat ng staff. "We have rules here that you need to follow. First, the timer was set for 1 hour. Once you heard the buzzer, it means you need to stop anything you're doing with her. Lastly, ang anumang personal na pagkakakilanlan niya, you must not ask her. We protect our employee's privacy."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook