
Parker Eliseo Salvatierro is inlove with Serene, but Serene is inlove with his cousin, Ford. Matalik na magkaibigan ang tatlo, ngunit may lihim na pagtingin si Serene kay Ford mula pa pagkabata. Well, not really a secret. Dahil balak ng kaniyang mga magulang na ipakasal ito rito. Kung hindi lamang nangyari ang isang aksidente, hindi sana aalis si Ford sa Espanya. Pero tila umaayon ang tadhana kay Parker. Call him thief for he will steal her heart, slowly but surely, at sa bawat araw na lilipas ay hindi mamamalayan ni Serene na iba na ang tinitibok ng kaniyang puso.
He will make her fall for him. Aangkinin niya nang buong-buo si Serene at wala siyang ititira sa kahit kaninong lalaki. She is his obsession—isang pag-ibig na handa siyang isugal ang lahat para maipanalo. Kasehodang nakawin niya ang puso nito mula sa kaniyang pinsan.
Ngunit sa pag-ibig na galing sa agaw at obsesyon, makakapagpatawad nga kaya si Serene pagdating ng panahon kung mahal niya na rin si Parker?

