One year later. Spring. "Arigatou gozaimasu!" masigla kong sabi nang nakalabas na ang costumer dito sa restaurant. Huminga ako ng malalim at bumalik ako sa ginagawa kong paglilinis ng mga mesa. Part time ko ang pagseservice crew dito. Mabuti nalang ay pinay ang amo ko dito at nakapag-asawa siya ng hapon. Pareho naman silang mabait sa akin, anak na din kung ituring nila sa akin. Ginagawa ko lang din ito para hindi ako mabagot sa condo unit na kinuha pa ni Vlad para hindi na daw ako mahirapan lalo na't malapit lang iyon sa Unibersidad na pinapasukan ko dito sa Tokyo. Si Vlad ang nagpapaaral sa akin. Lahat ng gagastusin ko ay siya ang gumagastos. Pinapadalhan niya ako ng pera para sa tuition hanggang sa pang-araw-araw kong gastusin. Ginagawa ko ang lahat para mapabuti ang pag-aaral ko. Para

