chapter nineteen

2003 Words
Hindi pa rin ako naalis sa harap ng puntod ni Vivi na pinapaligiran ng mga bulaklak. Isa-isa na nagsialisan ang mga nakilibing. Si Vlad naman ay nasa likuran ko lang, naghihintay sa akin. Nanatili pa rin ang mga tingin ko doon. Parang kahapon lang noong iniluwal ko siya. Kahit noong una, hindi ko siya matanggap dahil nabuo siya sa isang pagkakamali pero habang tumatagal ay nawawala ang pagkamuhi ko at pinagpasyahan ko na papalakihin ko siya kahit ako na lang ang mag-isa. Kahit kinamumuhian ko ang kaniyang ama. Magiging kabalikataran ang pagiging trato ko sa kaniya. Lumuhod ako sa lupa. Hindi ko pa rin matanggap na wala ang anak ko. Na wala na siya sa akin. Ngayong ang unang araw na tuluyan na siyang nawala. Kinagat ko ang aking labi saka pumikit ng mariin. "Anak, sana maging masaya ka kapag nakasama mo na si papa God, hm? Alam kong magiging mabuti ang lagay mo d'yan dahil mabait ka. Hindi pasaway..." huminga ako ng malalim at tumingala sa kalangitan. 'Diyos ko, kahit na kinuha ninyo na sa akin si Vivi, kayo na po ang bahalang mag-alaga sa kaniya para sa akin...' Tumayo na ako't tinalikuran ko na ang puntod. Dinaluhan ako ni Vlad. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay hanggang sa nakarating na kami sa kaniyang sasakyan. Bago man kami umalis ay nagtanong siya kung gusto ko na daw umuwi pero tumanggi ako. Sinabi ko na dumaan muna kami sa dating eskuwelahan noong high school palang kami. Noong una ay nagtataka siya pero sa huli ay pumayag na din siya. Tahimik ang byahe namin habang papunta na kami sa unibersidad. Nakadungaw lang ako sa window pane ng sasakyan. May pagod man akong nararamdaman ay pilit kong ibalewala iyon. Kahit si Vlad ay tahimik lang, siguro napapakiramdaman niya ang pagdaramdaman ko sa lahat ng mga nangyari. Nang itinigil niya ang saskayan sa parking lot ay lumabas na kami mula sa sasakyan sabay kumapit ako sa kaniyang braso. Hapon na't mukhang wala masyadong estudyante. Siguro dahil sa uwian na ng mga ito. Hanggang sa dinala kami ng mga paa namin sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Lihim ko kinagat ang aking labi. Dito ang unang pagkakataon na nagkrus ang mga landas namin ni Vlad. Maraming alaala ang sumagi sa aking isipan. "Inez?" Pareho kaming napalingon ni Vlad. Tumambad sa amin ang isang pamilyar na babae. Kasing edad ko lang ito. Bakas sa mukha niya ang pagkamangha nang makita niya kami. "L-Lilah?" Lumapad ang ngiti niya't lumapit pa siya sa amin. Niyakap niya ako. "Kamusta ka na? Tagal mo nang hindi nagparamdam sa akin!" Isang pilit na ngiti ang binigay ko sa kaniya. "Maraming nangyari, eh. Siguro sa ibang araw nalang ako magkwento." tugon ko. "I-ikaw ba?" "Heto, coach na ako ngayon ng volleyball girls dito. Oh sige, may kailangan pa akong gawin—" "Nga pala, may praktis ba kayo ngayon?" bigla kong tanong. Umiling siya. "Tuwing MWF lang ang praktis ng mga varsity dito." "Hm, pwede bang makigamit muna dito? Matagal na kasi akong hindi makapaglaro... Susubukan ko lang kung marunong pa ba ako..." Ngumuso siya't tumango. May dinukot siya sa kaniyang bulsa at inabot niya iyon sa amin. Si Vlad ang tumanggap n'on. "Heto ang susi ng gym. Kapag tapos ka, iwan ninyo nalang iyan sa guard, ha?" Ngumiti ako. "Salamat, Lilah." "Wala iyon. May utang ka sa akin na kwento." Nagpaalam na din siya dahil mukhang nagmamadali. Huminga ako ng malalim at sabay kaming pumasok sa loob. Binuksan namin ang ilaw. Nasa isang sulok ang kart ng mga bola ng volleyball. Si Vlad na ang kumuha n'on. Hinubad ko ang aking mga sapatos. Itinaas ko ang mga mangas ng aking blouse at saka pinusod ko ang aking buhok. Nilapitan ko si Vlad. Pumuwesto ako sa linya kung saan ako magseserve. Gumulong ang bola papunta sa aking direksyon. Pinulot ko iyon. Huminga ako ng malalim. Hinagis ko paitaas ang bola at naghalf-run ako pagkatapos ay tumalon para mapalo ko ang bola. Sa labas ng kabilang court bumagsak ang bola. Hindi pa rin akalain na malakas pa rin akong pumalo. Ganoon pa rin ang ginawa ko sa mga nasunod na serve ko. Palakas nang palakas dahil sa lumalaking galit na nararamdaman ko sa aking sistema. Hindi ko na rin namalalayan na pinagpapawisan at nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga namumuong luha sa aking mga mata. Pagkapalo ko sa isang pang bola ay doon na marahas tumulo ang mga luha ko. Doon na rin ako nakaramdam ng panghihina. Umupo ako sa sahig. Rinig ko ang pagdalo sa akin ni Vlad at tumabi sa akin. "Inez..." nag-aalalang tawag niya sa akin. "Gusto kong magalit, Vlad. Gusto kong... gumanti dahil sa pagkamatay ni Vivi pero hindi ko magawa. Lalo na't wala na si Zora..." yumuko ako't pumikit ng mariin. Niyakap ko ang aking mga binti. Pakiramdam ko, pagod na ako. Pagod na pagod na dahil sa mga pagsubok na dumating sa buhay ko. Ang buong akala ko, may katapusan ang pagbibigay sa akin ng pagsubok peor mukhang nagkakamali ako. Nawawalan na ako ng lakas dahil sa mga nangyari. Noong nawala si Vivi, pakiramdam ko ay namatay na din ako. Parang wala na din akong rason para mabuhay pa. Ramdam ko ang palad niya na dumapo sa ulo ko't dahan-dahan niyang isinandal iyon sa kaniyang dibidb. "Kahit kailan, hindi sumagi sa isipan ko na magalit sa anak mo, Inez. Dahil sa mahal mo siya, mamahalin ko na din siya para sa iyo." pagkatapos ay mahina niyang tinapik ang aking balikat. "Kanina nag-iisip ako, ano ang mangyayari pagkatapos ng madiinan natin ang mga may sala. Sa oras na mabubulok na sila sa kulungan." huminga siya ng malalim. "Napag-usapan namin nina mama at papa, ipapadala ka muna namin sa Japan para mahilom ang sugat sa puso mo. They agreed because they care for you." Hiniwalay ko ang aking sarili sa kaniya. Gulat ko siyang tiningnan sa kaniyang mukha. "V-Vlad..." Mapait siyang ngumiti. Sunod naman niyang hinawakan ang aking kamay. Pinaglalaruan niya ang mga daliri ko. "Para sa akin kasi, hangga't narito ka pa sa Pilipinas, maalala mo lang ang mga masasakit na bagay, Inez. Nalaman ko din ang lahat kay Rahel ang mga pinagdaanan mo. Nagpasya din ako na doon mo na rin tapusin ang kolehiyo mo. Ako na rin ang nag-asikaso ng mga kailangan mo pagpunta mo doon. Pati ang mga papel mo, naasikaso ko na, ang kulang nalang ay ang pagpayag mo." Ngumiti ako sa kaniya. "Vlad," tawag ko sa kaniya. Bumaling siya sa akin. "Yes, ganda?" "Salamat," simple but full of meaning and feels when I said that word. "Maraming salamat." Lalo na't hindi ka sumuko. Hindi mo ako iniwan sa mga panahon na babagsak na ako. Nariyan ka lang at hindi mo ako hinahayaan na tuluyang lumapat ang mga palad ko sa lupa. Umiling siya't marahan niya akong niyakap muli. Tahimik siya pero alam kong nasasaktan din siya. Ginantihan ko siya ng yakap. "Basta ipangako mo lang sa akin na ako pa rin ang huli, Inez. Handa ako maghintay kahit sa huling hininga ko." I will, Vlad... - Hindi ako mag-isa ang lumaban hanggang korte. Halos lahat ng kamag-anakan ni Vlad, sina tito at tita na panay hingi pa rin nila ng tawad dahil sa ginawa ni Zora pero sinasabi ko na wala silang kasalanan. Labas na sila sa alitan namin ng anak nila, maski sina Rahel, Elene at Darleen ay sinasamahan ako. Ginagawa namin ang lahat para manalo kami sa kasong ito. Panghabambuhay na pagkabilanggo ang demand ni Naya bilang hatol sa mga lalaking gumahasa sa akin noon. Sa huli ay nakamit namin ang hustisya na matagal ko nang gustong abutin. Para na din kay Vivi ang laban kong ito. Parang nakamit ko na din ang katarungan para sa anak ko. Tumigil sa harap ko ang isang lalaki habang akay siya ng dalawang pulis. Bumaling siya sa akin na may pagsusumao sa kaniyang mukha. Pilit kong maging matatag sa kaniyang harap. Humakbang ako palapit sa kaniya. "Galit ako sa iyo. Sa inyo. Halos sumpain ko na kayo dahil sa ginawa ninyo sa akin. Pero kahit ganoon, nagawa ko parin magpasalamat dahil sa dalawang bagay. Una, nagawa kong maging matatag. At ang huli, binigyan mo ako ng anak na tulad ni Vivi. Binigyan mo ako rason para maging ina sa kaniya." Nakaawang ang kaniyang bibig. Parang maiiyak na siya. Muli naglakad ang mga pulis na naka-escort sa kaniya. Natangay siya. Hinatid ko lang sila ng tingin palabas ng court room. - Napasapo ako sa aking dibdib pagkatapos kong magsindi ng kandila sa puntod ni Vivi. Tinanggal ko ang mga tuyong dahon at mga tuyong bulaklak para mas lalo ko maaninag ang pangalan ng anak ko. Ngumiti ako't hinaplos iyon. "Anak, narito si mama..." sabi ko. Tatlong araw pagkatapos kong makamit nag katarungan ay ngayon na din ang araw ng alis ko papunta ng Japan para ipagpatuloy ang aking pag-aaral. "Aalis muna si mama, ha? Kailangan lang muna gumaling ni mama..." malumanay kong sambit. Ilang segundo ako hindi nakapagsalita. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Inaalala ko ang mga alaala na nabuo namin ni Vivi. Nagbuntong-hininga ako't dumilat. Ibinalik ko ang aking tingin sa puntod. "Sana bantayan mo si mama. Babalik ako, pangako iyan." Tumayo na ako't bumalik na sa sasakyan kung saan naghihintay si Vlad. Lumabas siya sa sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan na makapasok. Sinara niya ang pinto. Habang umiikot siya para makarating sa driver's seat, ako na ang nagsuot ng seatbelts. "Ready?" tanong niya sa akin nang nakaupo na siya sa driver's seat. Ngumiti akong bumaling sa kaniya.Tumango ako bilang tugon. Binuhay na niya ang makina at umalis na kami sa Memorial Park dito sa Dasmariñas,  Cavite. Siya na din ang maghahatid sa akin sa airport. - Up to the very last second nang tumigil na kami sa Departure Area ng NAIA. Mas humigpit ang pagkahawak ko sa kaniyang kamay. Nagkaharap kami. Parang pinipiga ang puso ko. May parte sa akin na ayaw kong umalis at manatili nalang ako sa tabi niya pero may parte din sa akin kailangan ko din itong gawin para sa sarili ko. Ilang beses na din ako kinukumbinsi ni Vlad na minsan ay maging madamot ako kung kinakailangan. Isipin ko nalang daw ay para na din kay Vivi itong pag-alis ko. Hindi ko man daw nakuha ang pangarap ng anak ko, kahit ako nalang daw ang gumawa para sa kaniya. Tahimik lang ako. "Vlad..." para akong maiiyak! Ngumiti siya sa akin. Mas inilapit pa niya nag kaniyang sarili sa akin. "Come on, ganda... Don't be like that." ikinulong ng kaniyang mga palad ang mukha ko. "I'll see you soon and I can come and visit." masuyo niyang sambit. Inilapat ko ang aking mga labi para hindi na ako tuluyang mapaiyak sa harap niya. Ngumiti ulit siya't niyakap niya ako ng mahigpit. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Kusa kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang labi sa akin. Dumapo ang isang palad ko sa kaniyang batok upang mas maramdaman ko pa siya. Nang kumalas na ang mga labi namin idinikit niya ang kaniyang noo sa akin pagkatapos ay dinampian niya ako ng halik sa noo. "I will wait for you, Vlad." sabi ko. "I promise." halos namamaos siya nang sambitin niya iyon. Nagbuntong-hininga ako't inabot niya sa akin ang maleta. Nag-umpisa na akong maglakad palayo sa kaniya habang hatak-hatak ko ang maleta. Lumingon pa ako sa kaniya. Hindi ako kumaway. Ayokong isipin na pagpapaalam ko ito sa kaniya. Instead, I just wanna say see you. Kita ko pa ang pagkindat niya sa akin na mas lalo lumapad ang ngiti ko. Humakbang ako sa escalator. Nang nasa taas na ako ay doon ako nagpahabol ng sulyap kay Vlad bago ako tuluyang makaalis. Kakayanin ko ang lahat. Ayokong mabalewala ang lahat ng pinaghirapan ni Vlad sa akin. Alam kong ayaw niya akong makulong sa isang madilim na kahon at habambuhay lang ako naroon. Gusto niyang madiskobre ko pa ang mundo. Nasa likod ko lang siya at handa siyang umalalay sa akin at tutulungan niya ako sa pagbangon ulit. Tama siya, isasama ko din si Vivi sa pagtupad sa mga pangarap ko. Nang maiayos ko na ang mga gamit ko, komportable akong umupo sa tabi ng bintana. Magandang spot na rin ito habang nasa byahe ako papuntang Japan. Ilang oras lang naman ang byahe. Para sa inyo ito, Vlad... Vivi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD