Hindi ko magawang maging kalmado kahit na nakarating na kami ni Vlad sa mansyon ng mga Hochengco. May lumapit na isa sa mga katulong. Sinabi nito na may bisita daw ako. Mukhang mag-asawa at kasalukuyan na itong naghihintay sa veranda. Hindi ako nagdalawang-isip na puntahan ko ang sinasabi na dalawang tao na bisita ko daw. Nakasunod lang sa akin si Vlad.
At hindi nga ako nagkamali. Pareho silang nakatalikod sa amin. Lumingon lang sila nang maramdaman nila ang presensya ko. Taranta silang tumayo at lumapit sa amin. Agad ko sinunggaban ng mahigpit na yakap si tita kasabay na bumuhos ang aking mga luha. Pumikit ako ng mariin. Naroon ang pagkasabik na makita ulit siya. Sabik na makita ang tinuturing kong pangalawang ina.
"Nabalitaan namin ang nangyari sa iyo, Inez..." basag ang boses ni tita. Ginantihan din niya ako ng mahigpit na yakap. "Sorry... Sorry kung wala ako sa tabi mo ng ilang taon... Na hinayaan lang kitang pasan mo ang mga ito, anak..."
Ako na ang kumalas ng yakap mula sa kaniya. "Kinuha ni Zora... Ang anak at ang kaibigan ko..." sige pa rin ang pagtangis ko. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko, tita... Hindi ko alam kung papaano ko sila ililigtas sa kamay niya..."
Pumikit siya ng mariin. "Kahit ako nalang ang papalit sa pwesto mo, anak. Gagawin ko." hinawi niya ang takas kong buhok saka isinabit niya iyon sa aking tainga.
Sa gilid ng aking mata, kita ko na paglapit ni Vlad sa amin. "Gagawan po natin ng paraan para mabawi namin ang anak ni Inez at ang kaibigan niya. Maya-maya ay dadating na ang iba ko pang pinsan para magsagawa ng plano."
Bumaling sa kaniya sina tito at tita. Hinawakan ni tita ang mga kamay niya. "Alam kong malaki ang naging kasalanan ng anak ko sa inyo. Bilang magulang niya, ako na mismo ang humihingi ng patawad sa inyo... Pareho kami ng asawa ko, alam namin na marami din kaming pagkukulang sa kaniya... Pero pinag-usapan na din namin na.... Handa na kami sa anuman ang magiging kaparusahan ni Zora..."
Seryosong tumango si Vlad. "Maraming salamat po," huminga siya ng malalim. "Pupwede kayong manatili muna kayo dito sa mansyon hangga't gusto ninyo. Para makapagpahinga na din kayo."
Pinunasan ni tita ang mga takas niyang luha saka umiling. "Ang balak sana namin ng asawa ko ay doon nalang kami sa dati naming bahay kami mananatili ngayon hanggang sa malaman namin ang magiging hatol ng batas sa anak ko." habang si tito ay hinihimas ang likod ni tita.
-
Pagkaalis nina tita, ay sabay nang nagsidatingan ang magpipinsang Hochengco. May mga kasama din silang mga babae na napag-alaman ko mula kay Fae na mga kapatid pala ni Keiran ang dalawang babae sa ama. Kahit ang mga magulang nito ay isa-isa na din nagsidatingan.
Natanggap ko na din ang mensahe mula kay Zora. Magkikita kami sa isang abandonadong gusali sa Trece Martires. Itinuro sa akin ng magpipinsan na sumang-ayon nalang ako sa mga gugustuhin ng pinsan ko. Inabot na din nila sa akin ang malaking bag na naglalaman ng pera na kailangan nito.
Para daw hindi mahalata na nakasunod lang sa akin ang mga pulis ay magtatricycle nalang ako dahil kapag kasama ko pa si Vlad sa tagpuan namin ay paniguradong mapapahamak ang anak ko at si Rahel.
-
Alas diyes ng gabi ang usapan namin ni Zora. Nagbayad ako sa tricylce driver bago ako bumaba. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga pagkatapos ay nagpakawala na ako ng hakbang patungo sa abandonadong gusali kung saan ko makikita ang pinsan ko. Napapaligiran ito ng mga nagtataasang mga damo na dahilan para hindi masyadong maaninag ang lumang gusali. Panay kabog ng aking dibdib dahil sa pinaghalong kaba at takot pero pilit ko iyon nilalabanan. Dalawang buhay ang nakasalalay sa paghaharap namin ni Zora ngayong gabi. Kailangan ay hindi niya mahalata na hindi ako nag-iisa dito.
Nang makapasok na ako sa loob ay rinig ko ang pag-iyak ng aking anak. Napasapo ako sa aking bibig nang tumambad sa akin na parehong nakatayo sina Rahel at Vivi. Nasa likuran nila si Zora na may hawak ng baril.
"Zora!" naiiyak kong tawag sa kaniya.
Lalapit pa sana ako na walang sabi na itinutok niya sa akin ang baril na dahilan para matigilan ako. "Hep! Lumagpas ka lang sa linya na iyan, sinasabi ko sa iyo, huling gabi mo na ngayon." umatras ako nang dalawa. "Mabuti at nakarating ka din, sa wakas! Alam mo bang kanina pa ako nababagot sa kakahintay?! Muntikan ko na nga pasabugin ang bungo ng mga ito!"
"H-huwag..." saka hinubad ko ang back pack. "Tulad ng pinag-usapan natin. Nasa loob ng bag na ito ang hinihingi mong pera." pagkatapos ay dahan-dahan kong inilapag ang bag sa sahig. "H-huwag mo silang sasaktan... Nakikiusap ako sa iyo."
I saw her smirked. "Ibang klase ka talaga, ano, Inez? Galing ba sa boyfriend mo ang pera na iyan, hindi ba? Talagang nakabingwit ka ng mayaman eh wala ka namang kwenta!"
"Sabihin mo... Ano ba ang dahilan mo kung bakit... Ginawa mo ang bagay na iyon, Zora? A-ang akala ko ba..."
"Akala mo, ano?! Mabait ako sa iyo?! Ha! Papaano kasi, dumating ka lang sa bahay, naging epal ka na! Ikaw ang bukambibig nina mama at papa! Talagang ikinumpara pa ako sa iyo! Alam mo kung ano pa ang nakakabuwisit sa iyo? Pati trabaho ko, papakialaman mo pa! Masyado kang pakialamera!"
Umiling-iling ako. "Ginawa ko lang 'yon dahil pinsan kita! Mahalaga ka sa akin... Maniwala ka..."
"Tigilan mo ako sa kadramahan mo, Inez, ha? Nakakasuya ka. Leche." sabi niya saka kinamot niya ang kaniyang tainga. Iginala niya ang kaniyang tingin. "Mukhang tumupad ka naman sa usapan. Dalhin mo ang bag na iyan at ipasok mo sa kotse! Bilisan mo!"
Ginawa ko ang iniutos niya. Nilagay ko ang bag na naglalaman ng pera sa backseat ng sasakyan. Inutos niya na bumalik ako kung saan ako nakatayo kanina. Snunod ko din. Una niyang pinakawalan si Rahel. Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik. Ako din ang unang kumalas. Lumuhod ako sa sahig na nakikiusap na pati ang anak ko ay pakawalan na din.
Itinulak ni Zora si Vivi para umusad na ito. Tumakbo papunta sa direksyon ko ang anak kahit na pareho kaming naluluha. "Mamaaaaaaa!"
Inangat ko ang mga kamay ko para salubungin siya ng yakap pero biglang nagpaputok ng baril si Zora. Tumigil si Vivi. Napasapo ako sa aking bibig nang makita ko ang bala na tumagos iyon sa dibdib ng anak ko hanggang sa bumagsak ito.
"Akala mo, hahayaan kitang maging masaya, Inez? Hinding hindi ako makakapayag, sinasabi ko sa iyo!"
Nakarinig pa kami ng isa pang putok ng baril na alam kong galing iyon sa shotgun ni Harris dahil isa itong sundalo. Sunod naman bumagsak si Zora sabay sa pagbitaw sa hawak nitong baril.
Agad naming dinaluhan ni Rahel si Vivi. "Anak... anak..." nanginginig ang mga kamay ko hanggang sa dumapo ang mga palad ko sa katawan ng kaniyang katawan. Mas lalo bumuhos ang mga luha ko nang makita ko na umagos ang dugo mula sa kaniyang bibig. Niyakap ko agad ang anak ko. Mahigpit ko siyang niyakap. Muli ko tiningnan ang kaniyang mukha. Umiiling-iling ako. Kahit na nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha ay wala akong pakialam. "Vivi, anak... Gumising ka... Huwag mong iwan si mama... Please... Hindi kakayanin ni mama kapag nawala ka... Anak... Please..." mariin kong ipinikit ang aking mga mata. "AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!"
"Inez, Inez!" rinig kong boses ni Vlad.
Tumingala ako sa kaniya. "Vlad, ang anak ko!"
Mas lumapit pa siya sa amin saka binuhat niya ito. Tumakbo kami palabas ng gusali na ito ay saktong dumating na din ang ambulasya at mga pulis. Agad romesponde ang mga medic. Nilagay nila sa stretcher si Vivi saka ipinasok na sa ambulasya. Ang ibang pinsan pa ni Vlad ay dinaluhan si Rahel para asikasuhin ito. Wala na akong pakialam pa sa paligid ko, ang mas inaalala ko ngayon ay ang anak ko. Mahigpit akong nakakahawak sa kamay niya. "Vivi, don't dare to leave me. Kumapit ka lang, anak." pakiusap ko.
Ramdam ko ang mainit na palad ni Vlad na hinahagod ang likod ko. I know he just wanted to comfort me.
-
Nang umabot na kami sa Ospital ay hinarang na kami ng mga nurse to step out a little from Emergency Room. Ipinadikit ko ang mga palad ko't idinikit ko iyon sa aking bibig. Nag-uumpisa na naman akong maiyak dahil sa kalagayan ng anak ko. Marahan akong niyakap ni Vlad.
"Hindi ko alam ang gagawin ko, Vlad. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ang mga bagay na ito..." hagulhol kong sabi. "Tanggap ko na nang lahat pero... Huwag naman sana kunin sa akin ang anak ko... Hindi ko alam ang gagawin ko na pati siya kunin sa akin... Tama nang kinuha sa akin ang mga magulang ko..." isinandal ko ang aking noo sa kaniyang dibdib.
"Everything's gonna be alright, Inez. May awa ang Diyos."
Nasa labas na kami ng Operating Room. Kailangan operahan ang anak ko. Ilang ulit na akong nagdadasal na sana malagpasan ni Vivi ang operasyo. Na sana lumaban pa siya. Hindi ako mapakali. Ayaw kong bumalik sa mansyon. Hindi ako panatag doon.
Napatingin nalang ako sa gilid ko na tumabi pala sa akin si Rahel. Kahit siya ay hindi siya makapaniwala sa nangyari. Tulad ko, ay balisa din siya.
"Habang narito ka sa Cavite, may sinabi sa akin si Vivi." panimula niya. Bumaling siya sa akin. "Gusto niyang maging masaya ka, Inez. Alam na din daw niya na first love mo si Vlad... Wala lang akong ideya kung saan niya nalaman iyon pero... Nakikita daw niya kung papaano ka ngumiti nang muli nagkrus ang mga landas ninyo ni Vlad. Kahit na ganoon daw, masayang masaya daw siya... Kasi, kahit na hindi daw siya anak ni Vlad, naranasan daw niya kung papaano magkaroon ng ama." yumuko siya't umiiyak na. "Sorry, Inez... Sorry kung hindi ko naprotektahan ang anak mo..."
Pumikit ako ng mariin saka tumingala. Isinandal ko ang aking ulo sa pader. Naninikip ang dibdib ko sa mga narinig ko. Hindi lang ako ang nasasaktan sa sitwasyon namin. Maski ang anak ko, nararanasan din niya ang hirap.
Naputol ang pag-uusap namin nang nagbukas ang pinto. Agad kaming tumayo. Dinaluhan ko ang doktor. Hinawakan ko ito sa magkabilang braso. "A-anong lagay ng anak ko? Maayos na ba siya? Ligtas na ba siya?" sunod-sunod kong tanong.
Isang malungkot na ngiti ang iginawad niya sa amin. "Ginawa na namin ang lahat para mailigtas siya. Unfortunately, she's dead on arrival, Misis..." lakas-loob niyang anunsyo sa amin.
Lumakas ang iyak ni Rahel. Parang tumigil ang nasa paligid ko nang marinig ko iyon. Pakiramdam ko ay nabasag ang puso ko nang wala sa oras. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko ang lahat.
Sabihin ninyo, panaginip lang ito...
Nanghihina kong binitawan ang doktor. Umalis na ito sa harap namin. Dahil din sa sobrang panghihina, bumagsak ako sa sahig. Pilit ako inaalalayan ng mga kasama ko.
"H-hindi... Hindi totoo iyan... Malakas ang anak ko... Matibay si Vivi..." mahina kong saad.
Nang naiayos na nila ang katawan ni Vivi ay hinayaan na nila akong makapasok sa morgue hanggang nasa harap ko na ang katawan niya na may nakatalukbong na puting tela. Kahit nanginginig ang kamay ko ay sinikap kong hawiin ang tela. Tumambad sa akin ang malamig na bangkay niya. Hindi ako nagdalawang-isip na hinawakan ko ang kamay nito saka dinampian iyon ng halik.
"Ang daya mo naman, anak... Bakit mo naman iniwan si mama?" basag ang boses ko nang sambitin ko iyon. "Hindi ba, nangako tayo? Na walang iwanan?" idinikit ko ang noo ko sa kaniyang sentido. "Marami tayong pangarap... Pangarap mo pa noon, gusto mong maging magaling sa math... Kahit hirap na hirap na si mama, kakayanin ko para makuha iyon tapos kapag kapag malaki ka na... Sasamahan kitang mamili ng wedding gown mo kapag ikakasal ka na..." huminto ako ng ilang segundo dahil parang hindi ako makahinga sa mga oras na ito. "Anak, hindi ko kaya... Hindi ko pa kaya... Mahal na mahal kita, anak... Alam mo naman iyon, hindi ba?" bumigay na nag mga tuhod ko't bumagsak na naman sa sahig. Doon ay mas lumakas ang iyak ko. Pinagsusuntok ko ang dibdib ko dahil sa sakit. Gusto kong saktan ang sarili ko.
I'm a failure mother! I wasn't able to protect my own child...
Ramdam ko nalang na may yumakap sa aking mula sa likuran. Alam kong siya iyon.
"I'm so sorry, Inez... Kung mas maaga pa ang dating namin, nagawa kong iligtas ang anak mo..." humihikbi niyang sambit. "Para hindi ka masaktan nang ganito... Mas nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganito..."
Hindi ko magawang sumagot. Mas nangingibabaw ang sakit at pighati sa puso ko.