chapter seventeen

2072 Words
Kahit si Naya ay hindi makapaniwala sa nangyari sa akin. I know she feel sad and redemption for me. Hindi ko lang sukat akalain na maski siya hindi niya ako hinusgahan. Tulad ng mga Hochengco, gagawa din daw siya ng paraan para mabigyan hustisya ang nangyari sa akin. "Pwedeng gamitin natin ang anak mo bilang isa sa mga ebidensya, Inez." sabi niya, nabanggit ko kasi na nabuntis ako ng rapist ko. "Ang tanging kailangan lang natin ay ang DNA ng bata pati na din ang DNA ng mga rapist para magmatch. Pero alam kong tatanggihan pa rin nila ang anak mo, unfortunately, tatanggapin pa rin iyon ng korte kung anuman ang magiging reaction at alibi ng mga ito, so be prepared." Inilapat ko ang aking mga labi at tumango. "Nakahanda ako sa anumang mangyayari, Naya." buong-loob kong tugon sa kaniya. She reached my hand. She hold it tight. "Hindi man halata pero galit na galit ako sa ginawa nila, Inez." matigas niyang pagkasambit ng mga salita na iyon. Muli akong tumango. "At saka, nahuli na din naman ang mga rapist mo. Ipanalangin nalang natin na pati ang pinsan mo na utak ng krimen na ito ay mahuli na din para ma-undergo na tayo sa trial. Sa oras na matanggap na ng korte ang kaso mo, papaldahan nila kayo ng suvpeona." dagdag pa niya. Hilaw akong ngumiti. "Maraming salamat sa tulong, Naya." Umiling siya. "Saka ka magpasalamat kapag nanalo tayo. Okay?" Pagkatapos namin mag-usap ni Naya ay sabay na kaming lumabas sa investigation room. Naghihintay din si Vlad sa paglabas namin. Dinaluhan niya kami. Nag-usap saglit sina Vlad at Naya tungkol sa kaso. Kung ano pang proseso na gagawin. Pagkatapos n'on ay nagpasalamat kami sa kaniya bago umalis sa law firm. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. "May gusto ka bang kainin bago tayo umuwi?" tanong niya habang papalabas na kami ng gusali. Tumingin ako sa kaniya saka binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. "Hm, sa totoo lang, hindi ko alam, Vlad. Hindi ko naman nararamdaman kung gutom na ba ako o busog pa. Siguro dahil sa natetense ako dahil sa kaso na isasampa natin sa kanila." Ramdam ko na mas humigpit ang pagkahawak niya sa akin. "Huwag mo munang isipin iyon. Sina Jaycelle na ang bahala para matunton nila ang pinsan mo. Malaki ang tiwala ng pamilya namin sa trabaho niya. Tatawag din naman siya kapag magandang resulta ang ipapagawa natin sa kaniya." dinampian niya ang maliit na halik ang likod ng aking palad. Inilapat ko ang mga labi ko. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. - Sa isang restaurant kami sa Tagaytay kami nagpasyang kumain ni Vlad. Agad din kaming dinaluhan ng crew para kunin ang order namin. Siya na ang pinaorder ko ng pagkain kasi wala naman akong alam kung ano ang mga pagkain dito. Habang kausap niya ang crew ay nakaupo lang kami at nakadungaw lang ako sa labas. Pinapakiramdam ko ang malamig na hangin na dumadapo sa aking balat. Kahit na may mga guest dito sa resto ay nakakarelax pa rin. Buhat na tumapak ulit ang mga paa ko sa Cavite ay gumaan ang pakiramdam ko sa hindi ko malaman na dahilan. Kanina bago man kami umalis ni Vlad sa mansyon nila ay tumawag ako kina Rahel at Vivi para makausap ito. Nagkakamustahan kami. Sinabi ko kay Rahel na kailangan ko ang mga psychological records ko. Pati ang buhok ni Vivi. Sinabi sa akin ni Rahel na ipapadala nalang niya sa isa sa mga tauhan niya iyon kaysa bumiyahe pa kami ng malayo. Nasabi ko din sa kaniya na tanggap na ako ng pamilya ni Vlad, ilang beses niyang sinasabi na masaya siya para sa akin. "Malalim na naman ang iniisip mo," bigla kong narinig ang boses ni Vlad na dahilan para mapukaw niya ang aking atensyon. Diretso siyang nakatitig sa akin. Masuyo niyang hinawakan ang isang kamay ko. "There's any problem, ganda?" Ngumiti ako. "May iniisip lang ako. Si Vivi, mabuti nalang nariyan si Rahel para bantayan siya." Tumango siya't napangiti na din. "Parang kailan lang." kumento niya. "Noong natamaan kita ng bola." I chuckled. "Aksidente ba talaga iyon?" ngumuso ako. Mahina siyang tumawa. "Swear to God, hindi ko sadya iyon." humupa ang tawanan, napalitan iyon na ang kaseryosohan sa pagitan naming dalawa. "Pero hindi ako nagsisisi sa nangyari, Inez. Kung hindi man kita natamaan noon, hindi kita makikilala. Parang balewala lang ang buhay ko kung hindi ka dumating sa buhay ko." Parang may humaplos sa aking puso sa binitawang mga salita ni Vlad. "Hindi ko alam kung bakit palagi akong tumatakbo papalayo sa tuwing nagkukrus ang mga landas natin, Vlad. Siguro, natatakot ako. Pero, narealize ko na, hindi pala tama iyon. Kung tatakbo man ako, wala mangyayari. Walang magbabago. Gusto ko nang baguhin ang lahat. Haharapin ko na ang mga kinakatakutan ko. Sasamahan na kita sa bawat laban na dadating sa atin." ako na ang humawak sa kaniya. "Wala na akong mahihiling pa buhat nang dumating ka sa buhay ko, Vlad." Sa buong buhay na magkasama kami ni Vlad, ito na yata ang pinakamatagal na oras na nagawa kong tumitig sa kaniya pabalik. Kung dati, palagi akong umiiwas sa kaniyang mga mata, ngayon, hindi na. Buong loob ko na nang tutugunan ang mga tingin niya simula ngayon. "Inez?!" Naputol nga lang dahil may tumawag sa akin. Pareho kaming tumingala nang makita namin ang isang pamilyar na babae na nasa gilid namin. Naka-office attire ito. Bakas sa mukha niya ang pagkagulantang nang makita niya ako. Kumunot ang noo ko. "Darleen?" bakas sa boses ko na hindi ako sigurado kung siya nga ang nasa harap ko. Lumapad ang ngiti niya. Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko. "Oo, ako nga. Oh my, ilang taon na pero buti nalang natatandaan mo pa ako. Hindi ako who you sa iyo! Kamusta ka na?" Tumayo ako't nagyakapan kaming dalawa. In all places, dito pa kami nagkatagpo ulit ni Darleen. Ang huling pag-uusap lang namin ay noong nasa Cebu palang kami. After n'on, wala na. Wala na akong balita sa kaniya dahil sa sunod-sunod na nangyari sa relasyon namin ni Vlad noon, pati na rin sa akin. Dahil sa ilang taon nang nagdaan ay malaki na din ang ipinagbago niya, pero ang ugali niya na pagiging cheerful niya, dala-dala pa rin niya. Kumalas din kami ng yakap. "Ayos lang ako. Ikaw ba?" sabi ko. Ngumuso siya. Ipinakit aniya ang kaniyang singsing sa amin. "Heto, happily married nal ako. May isang anak na din kami ng asawa ko. Andd.... We're expecting another baby this year. Hihi." bumaling siya kay Vlad na mas lalo lumapad ang kaniyang ngiti. "Hala! Hindi talaga kayo nabuwag? Wooow! Nakakatuwa naman, naalala ko pa noon, number one fan ninyo pa ako. Relationship goals kasi kayo." Nagkatinginan kaming dalawa ni Vlad. Pareho kaming napangiwi. Ibinalik ko ang tingin ko kay Darleen. "Maraming nangyari, eh. Bakit ka nga pala narito?" "Hmm, malapit lang kasi dito 'yung workplace ko. Dito ako maglalunch. Ayokong sumama sa mga kasamahan ko, mas gusto pa nila sa mas malayo pa kumain. Hmpp. Okay lang ba sa sumabay sa inyo?" "Sure, have a sit." si Vlad ang nagsalita. Sabay na kaming umupo. Itinaas niya ang kaniyang kamay para sabihin na sa mesa na namin dalhin ang kaniyang inorder. Lumipas pa ng ilang minuto ay dumating na ang mga pagkain na inorder namin. Panay daldal ni Darleen habang nakain. Habang nakatitig ako sa kaniya ay may napapansin akong bagay sa kaniyang leeg na dahilan para kumunot ang noo ko. "Darleen?" tawag ko sa kaniya. Natigilan siya't tumingin sa akin. "Hm? Bakit?" "Uhm, pupwede ko bang makita ang nasa leeg mo?" Binitawan niya ang hawak niyang kurbyerto at hinubad niya ang kwintas na nakasabit sa leeg. Umaawang ang bibig ko nang makita ko ang bagay na iyon. Nagkatinginan kaming dalawa ni Vlad. Maski siya ay hindi siya makapaniwala! "Pahiram ako, okay lang?" tanong ko. "Oh, sure." sabay abot niya sa akin ito. Tinaob ko ang pendant. Mas lalo nagpapatunay ang petsa na nakaukit. Petsa na nabili ang kuwintas na ito. Muli akong tumingin kay Darleen. "Puwede ba namin malaman kung papaano napunta sa iyo ito?" Maski siya ay napakunot ang kaniyang noo. "Sa pagkakaalala ko, five years ago may binili siyang van, then nang nabili niya iyon, syempre nilinis niya. Tapos, nakita niya ang kuwintas na iyan at binigay niya sa akin. Sa pagkakaalam ko, may napulot din siyang panyo at iilang gamot sa loob ng sasakyan, eh." Parang nanigas ako sa kinauupuan ko. H-hindi kaya... "Anong pangalan ng asawa mo, kung pwede ba namin malaman?" si Vlad na ang nagtanong. Ngumuso siya. "Gelo. Angelo Baquillo... Nabanggit din niya sa akin na kakilala mo daw siya, Inez." "Naitago ninyo ba ang panyo pati ang mga gamot na iyon?" muling tanong ni Vlad. "H-hindi ko lang alam kung naitapon ba ni Gelo iyon." "Nasa inyo pa ba ang van?" "N-nasa bahay lang..." alam kong naguguluhan na siya sa aming dalawa. "We need to finish our food. Pwede mo ba kaming samahan sa bahay ninyo, Darleen? We need to figure something." "Sure... Magpapaalam lang ako sa boss ko na uuwi ako ng maaga." - Pagkatapos namin kumain ay agad kaming bumalik sa sasakyan ni Vlad. Hinatid na din namin si Darleen sa gusali kung saan siya nagtatrabaho para makapagpaalam sa boss niya. Naipaliwanag namin sa kaniya na kailangan namin ang sasakyan na iyon para maging ebidensya. Sana ay hindi ako nagkamali ng akala. Kung ibang sasakyan iyon, hindi mapupunta kay Darleen ang kuwintas na na binigay sa akin ni Vlad. Papunta na kami dapat kami sa bahay nila nang biglang nagring ang cellphone ko. Nang silipin ko iyon ay kumunot ang noo ko dahil unknown number ang nakasulat biglang caller. Bakit biglang umiba ang pakiramdam ko dito? Nagbuntong-hininga ako bago ko sagutin ang tawag. "H-hello?" "Kamusta ka na, Inez?" isang pamilyar na boses ang nagsalita. "Oh... Sorry, nakalimutan kong magpakilala. Namiss mo ba ang pinsan mo?" Umaawang ang bibig ko't humigpit ang pagkahawak ko sa aking cellphone. Alam kong nagtataka na din si Vlad sa ikinikilos ko. "Zora," Biglang inihinto ni Vlad ang sasakyan sa gilid ng highway. Humarap siya sa akin. Pinapanood niya o binabasa niya ang sitwasyon ngayon. "A-anong kailangan mo?" "Kailangan ko?" saka tumawa siya ng malakas. "Kailangan ko lang naman ang buhay na kinuha mo sa akin noon. Siya na ang paborito ng mga magulang ko, eh. Hindi ba?" muli siyang tumawa, parang nababaliw na. "By the way, may gustong kumamusta sa iyo. You wanna hear it?" "MAMAAAAAAAA!" Doon ako nangimbal. "Vivi!" malakas kong tawag sa anak ko. "Anong ginawa mo sa anak ko, anak ko, Zora?! Huwag mong idamay ang anak ko! Ako ang harapin mo! Walang siyang kinalaman!" "Tanga, meron! Ang batang ito ngayon ang buhay mo, hindi ba? Pwes, kukunin ko din siya tulad ng pagkuha mo sa buhay ko noon! At, hindi lang ang buhay ng batang ito ang kukunin ko, pati na din ang babae mong kaibigan, ano ulit pangalan nito? Rahel?" Nanginginig ang mga kamay at kalamnan ko sa aking narinig. "Huwag mong idamay ang anak ko pati si Rahel, Zora. Please... Pag-usapa natin ito. Wala silang kinalaman..." "Pwes, kung gusto mong mabuhay pa ang mga hinayupak na ito, ikaw ang pumalit sa kanila. Kailangan ko din ng pera. Ten million pesos. Sa oras na mapatay kita, aalis ako at magtatagu-taguan kami ng mga pulis. Masaya iyon!" narinig ko na naman ang tawa niya na babaliw. "HUWAG, INEZ! HUWAG KANG PUMAYAG! HUWAG NA HUWAG KANG MAKIKIPAGKITA SA KANIYA—" "MANAHIMIK KA KUNG AYAW MONG PUTULIN KO ANG DILA MO ORA MISMO!" "NINANG!" "H-huwag, Zora... Huwag mo silang sasaktan..." nagmamakaawa na ako. "So, take it or leave it? Itetext ko sa iyo kung anong oras at saan tayo magkikita. Huwag na huwag kang magsasama ng pulis kung gusto mo pang mabuhay itong anak at kaibigan mo." pinutol na niya ang tawag. Nabitawan ko ang cellphone ko. Napasapo ang dalawang palad ko sa aking bibig. Hindi ko maitago ang kaba at takot sa akin. "W-what happend?" nag-alalang tanong ni Vlad. "Anong sabi ni Zora sa iyo?" Naiiyak na akong humarap sa kaniya. "Hawak niya ang anak ko... Pati si Rahel... Kung gusto ko daw mabuhay sila... Ako daw ang papalit." garagal kong sabi. Bigla niyang sinuntok ang manibela. Nilabas niya ang kaniyang cellphone pagkatapos ay idinikit niya iyon sa kaniyang tainga. "Kalous, call kuya Harris. Narito kami ngayon sa Tagaytay. Magkita nalang tayo sa bahay ko. You need to call Jaycelle as soon as possible, may nakita pa kaming ebidensya. Sasamahan siya ni Darleen papunta sa bahay nila. Okay." saka binaba na niya ang tawag. Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko. "Everything's gonna be alright, Inez." "Ano bang nangyayari?" naguguluhang tanong ni Darleen. Bumaling sa kaniya si Vlad. "Hihintayin natin ang mga pulis. Sila ang magiimbestiga sa van na tinutukoy mo. You should call your husband too, they need his testimonial as well." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD