Sa Guest Room ako hinatid ni Vlad, nakasunod lang ang iilang pinsan niya sa amin. Pagdating namin sa mismong loob ng silid ay pinaupo muna nila ako sa gilid ng malapad na kama na ito. Bakas sa mga mukha nila ang kalungkutan at awa para sa akin. Pinaghalong balisa at naguguluhan ang nararamdaman ko. Maraming katanungan ang tumatakbo sa isipan ko. Gusto kong tanungin si Zora kung bakit nagawa niya ang bagay na iyon sa gayon ay maganda naman ang ipinapakita ko sa kaniya? Nagawa ko lang naman makialam sa kaniya dahil maling landas ang tinatahak niya. Nililigtas ko lang siya sa kapahamakan.
"Natawagan ko na si Naya, bukas na bukas din ay pupunta siya dito para makausap niya si Inez." rinig kong seryosong sabi ni Keiran kay Vlad.
"Thanks, cous."
"Don't mention it. Ang importante ngayon ay makuha natin ang hustisya sa nangyari."
"Gagawa pa rin kami ng paraan para makatulong, Vlad, Inez." si Kalous naman ang nagsalita. "Papunta na si Harris dito, pati na din si Vaughn."
"We will used our connections to track her, cous." segunda pa ni Archie.
Naputol ang pag-iisip ko nang may isang kamay na marahang humawak sa akin. Nang maiangat ko ang aking tingin ay mukha ni Fae ang tumambad sa akin. Isang ngiti ang iginawad niya sa akin pero naroon pa rin ang awa at kalungkutan sa kaniyang mga mata. "Hindi kami titigil hangga't hindi namin natagpuan ang mga hayop na iyon, lalo na ang pinsan mo."
Tango lang ang naging tugon ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Gusto ko man magpasalamat sa malaking tulong na inaalok nila sa akin, hindi ko magawang isaboses iyon. Ang importante lang sa akin ngayon ay kailangan kong makita nang harap-harapan si Zora. Gusto kong malaman ang side niya. Kung bakit nagawa niya sa akin ang bagay na iyon? Kung ano ba ang nagawa ko at kailangan pa niyang iabot sa punto na iyon.
Nalaman din nila tungkol kay Vivi. Hindi ko inaasahan na dadaluhin ako ng magpipinsan ay yayakapin nila ako, including Jaycelle. Rinig ko ang paghikbi nila ni Fae. Alam kong mas lalo nadagdagan ang awa na naramdaman nila para sa akin. Pero ang mas hindi ko pa aakalain na sasabihin nila na tanggap pa rin nila ako sa pamilyang ito. Kahit na isa na akong disgrasyadang babae. Doon ay muli ako napaiyak. Bakit sobrang bait ng mga ito? Bakit hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa akin?
"Kailangan mo nang magpahinga muna, Inez." malumanay na sambit ni Fae. "Hahatiran ka nalang namin ng pagkain dito, ha? O kaya sumabay ka na sa amin kumain ng dinner."
Hilaw akong ngumiti. "Kahit dito nalang ako kumain, Fae. Nakakahiya—"
"Inez, ikaw na ang babaeng papakasalan ng pinsan namin. Huwag kang mahiya dahil magiging parte ka din ng pamilyang ito. Sooner or later. Alright?"
Kahit papaano ay napangiti ako. "Salamat, Fae."
Isa-isa na nagpaalam ang magpipinsan. Ang tanging naiwan nalang ay si Vlad. Siya na ang nagsara ng pinto at humarap sa akin. Dinaluhan niya ako't marahan niyang hinawakan ang aking kamay. Hinalikan niya iyon. Pinapanood ko siya sa kaniyang ginagawa.
"Maraming salamat sa tulong mo, Vlad..." sa wakas ay nagawa kong sabihin sa kaniya iyon.
"Kapag problema mo, problema ko na din, Inez." hinawi niya ang takas kong buhok saka isinabit niya iyon sa aking tainga. Pinagmamasdan niya ang aking mukha. Bumaba ang tingin niya sa aking leeg. Kita ko ang pagkunot ng noo niya. "Where's the necklace?" malumanay niyang tanong sa akin.
Natigilan ako. Kinapa ko ang aking leeg. Nakalimutan ko na binigyan pala niya ako ng kuwintas noong nasa Cebu kami. Regalo daw niya sa akin iyon at palatandaan iyon na girlfriend na niya ako ng mga panahon na iyon. Kung hindi ako nagkakamali, chinese character ang nakaukit doon. Ang sabi lang sa akin ni Vlad noon, Ai ang nakasulat doon na ibig sabihin ay love. Pero kahit lumipas na ng sampung taon, ay tanda ko pa rin ang hitsura n'on. "Naiwala ko yata, Vlad." yumuko ako. "S-sorry..."
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Mas hinigpitan niya ang pagkahawak niya sa akin. "Hindi bale, ang mahalaga ngayon, narito ka na sa tabi ko." ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko. Inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin at dinampian niya ng halik ang noo ko. "Lagi mong tatandaan, hinding hindi ako magsasawa na ipapaalala sa iyo na mahal na mahal kita. Tanggap ko lahat ang sa iyo, Inez."
Muli ay parang may humaplos sa aking puso nang marinig ko ang mga huling sinabi niya. Minsan ay napapaisip na ako. Kung hindi ba ako tumakbo at tumatakas sa kaniya ng mga panahon na iyon, masaya pa rin kaya kami? Kung nagawa ko rin ba siyang ipaglaban noon, magiging maayos kaya ang relasyon namin?
Kusang umangat ang isang kamay ko ay marahan na dumapo ang palad ko sa kaniyang pisngi. Nagawa ko nang tumitig sa kaniya nang diretso sa kaniyang mga mata. "Mahal na mahal din kita, Vlad. Kahit kailan, hinding hindi ka nabura sa puso't isipan ko. Ikaw pa rin, Vlad. Sorry sa lahat..."
Umiling siya. "Nakaraan na iyon, ang importante ay ang ngayon, ganda."
Napangiti ako. "Ugali mo na talagang tawagin ako ng ganyan."
He chuckled. "Basta pagdating sa iyo, wala akong kinalimutan."
-
Pagsapit ng tanghalian ay mismong si Madame Eufemia ang nagpatawag sa akin para bumaba ako't sasabay daw sa kanila magdinner. Hindi mabura ang hiya ko sa harap nila. Nanumbalik sa akin ang panliliit sa aking sarili. Lalo na't nakita ko sa mesa ang chopsticks na kahit kailan ay hindi ako marunong gumamit ng mga iyon.
"Manang," boses ni Vlad iyon. "Padala ng dalawang kutsara at dalawang tinidor. Iyon nalang ang gagamitin namin ni Inez."
Mabilis akong bumaling sa kaniya dahil sa pagkagulat. Parang naulit lang noong kumakain kami sa isang chinese resto.
Aalis sana si Manang biglang nagsalita si Madame Fiorella, ang nanay ni Finlay. "Damihin mo na ang kuha, manang. Ganoon din ang mga gagamitin namin."
"E-eh... Sige po."
Wala pang talong minuto ay bumali na si Manang, lumapit sa kaniya ang dalawa pang kasambahay, then they replaced the chopsticks to spoon and fork. Hindi ko inaasahan na gagawin ng mga tiyuhin at mga tiyahin ni Vlad! Iyon nga talaga ang ginamit nila habang nasa hapag kami.
Tahimik man kami kumakain ay pansin ko ang panay sulyap sa akin ni Madame Idette, dahil diyan ay nagiging concious ako. Tinuwid ko ang aking upo. I feel stiff! Parang lahat ng galaw ko ay may mga matang nakatingin. Pero kinakaya ko pa naman.
Pagkatapos namin kumain ay nagprisinta akong magligpit ng pinagkainan pero tumanggi sila, lalo na ang mga kasambahay. Baka pagalitan daw sila pero nagpumilit ako. Kahit si Vlad ay sinasabi na huwag na daw dahil bisita ako pero sa huli ay pumayag na din siya. Binilin lang niya sa akin na dumiretso nalang daw ako sa Guest Room at doon ay pupuntahan niya ako. Mag-uusap-usap lang daw sila ng mga pinsan niya.
Kasama ko ang mga kasambahay dito sa kusina . Nakikipagkwentuhan sila sa akin at hindi rin nila ako hinusgahan. Sobrang swerte ko daw dahil mabait talaga ang mga Hochengco, sadyang istrikta lang daw si Madame Idette, lalo na si si Madame Eufemia pagdating sa mga apo niya. Nagtataka nga daw sila dahil hindi lumabas ang pagiging dragon ng lola ng magpipinsan sa akin.
Tumigil lang sila sa pagdadaldal nang may papasok dito sa Kusina. Si Madame Idette! Ginapangan na naman ako ng kaba. Tumigil ako sa aking ginagawa at humarap sa kaniya. Tarantang binati ng mga kasambahay ang bagong dating na ginang.
"M-madame..." tanging nasambit ko.
Seryoso siyang bumaling sa mga kasambahay. "Iwan ninyo muna kami." utos niya sa mga ito.
Nag-aalalang tumingin sa akin ang mga kasambahay bago man nila ako iwan dito. Inilapat ko ang mga labi ko't yumuko. Hindi ko kayang tumingin nang diretso sa mga mata ni Madame Idette. Hinahanda ko ang aking sarili sa anumang mga negatibong bagay na ibabato niya sa akin.
"I wanna talk to you, Ms. Cabangon." pormal niyang sabi. Dinaluhan niya ang bakanteng upuan dito sa kusina. Hinali niya iyon at umupo. "Have a sit."
Kusang gumalaw ang mga paa ko. Dinaluhan ko din ang isa pang upuan at umupo doon. Nasa kandungan ko ang mga kamay ko. Panay kabog ng aking dibdib dahil sa kaba. Hindi ko pa rin magawang tumingin sa kaniya.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "To be honest, hindi ko alam kung saan ako magsisimula para kausapin ka ng ganito." tumahimik siya ng ilang segundo. "I wanna say sorry for what I've done in past ten years. Nagawa ko lang iyon dahil sa pagmamahal ko sa anak ko. Sorry kung masama na agad ang tingin ko sa iyo noon, ang akala ko kasi, magiging harang ka para matupad ng anak ko ang mga pangarap niya."
Tumingin ako sa kaniya na hindi makapaniwala. Sa buong buhay ko, hindi ko inaasahan na hihingi ng tawad si Madame Idette sa akin! "Madame..." hindi ko alam kung ano na ang susunod kong sasbaihin.
"Sorry din kung... Dahil sa ginawa ko, napahamak ka..." her voice cracked. Yumuko siya. Pero kita ko na may iilang butil ng luha ang pumapatak sa kaniyang kandungan. "I'm sorry... Alam kong hindi pa sapat ang paghingi ko ng kapatawaran para makabawi sa mga masamang ipinakita ko sa iyo. Hindi ko akalain na... Ako ang magiging dahilan para mas lalo magalit sa akin ang anak ko... Alam ko... Hinding hindi niya ako mapapatawad..."
Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili ko ng maiyak pero sa mga sinabi niya, parang pinipiga ang puso ko. Dahil tulad niya ay isa na din akong ina. Kaya naiitindihan ko na siya kung bakit nagawa niya ang bagay na iyon.
Nagulat ako sa susunod niyang ginawa, bigla siyang lumuhod sa harap ko! Mahigpit siyang humawak sa aking mga kamay. "Patawarin mo ako, iha... Patawarin mo ako kung umabot sa ganito ang lahat..." hagulhol niyang sabi.
Umiling ako. Kusa nang kumawala ang mga iilang butil ng luha, marahas umagos ang mga iyon sa aking pisngi. "Pinapatawad ko na po kayo..." garagal kong sabi. "Pinapatawad ko na po kayo kasi nanay kayo ni Vlad... Nanay kayo ng pinakamamahal ko."
Bigla niya akong niyakap. Niyakap ko din siya pabalik. "Sabihin mo lang iha kung ano pa ang dapat kong gawin para makabawi sa iyo... Gagawin ko... Kahit hingiin mo pa ang blessings ko para maging asawa ka ni Vlad, ibibigay ko..." kumalas siya ng yakap sa akin. Dumapo ang kaniyang mainit na palad sa aking pisngi. "May nagsabi sa akin, maaga ka daw naulila sa mga magulang mo... Kahit ako nalang ang nanay mo, papayag ako..."
Natigilan ako. "Madame..."
Ngumiti siya kahit naiiyak pa rin. "Simula ngayon, tawagin mo na akong mama, hm?" hinawi niya ang mga takas kong buhok at hinaplos niya ang buhok ko. "Okay lang ba?"
Kusa akong tumango. Ang takot at kaba na tumatakbo sa aking sistema, agad iyon napalitan ng saya. Hindi ko akalain na mangyayari ito.
"M-mama..."
"Yes?"
"T-tatapusin ko lang po 'yung paghugas ng p-pinagkainan."
Saglit siya natigilan pero sa huli ay natawa siya. "Alright. After that, you should take some rest, hm?"
Tumango ako na may nakaukit na ngiti sa aking mga labi.
-
Hindi mabura sa aking mukha ang ngiti habang pabalik na ako ng Guest Room. Umaapaw na kasiyahan ang nasa puso ko ngayon. Una, ang pagtulong sa akin ng pamilya ni Vlad. Lalo na ang pag-uusap namin ni Madame Idette. Good terms na kaming dalawa. Ang sarap pala sa pakiramdam ang ganito.
Pinihit ko ang pinto ng guest room. Tumambad sa akin si Vlad na naabutan kong napatayo mula sa pagkaupo niya sa gilid ng kama dahil sa nakita niya ako. "Vlad..."
"Ganda," nakangiting tawag niya sa akin.
Mas lalo lumapad ang ngiti ko. Lumapit ako sa kaniya at binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap na alam kong ipagtataka niya.
"Anong problema, ganda? Inaway ka na naman ba ni mama?" nag-aalalang tanong niya.
Tumingala ko sa kaniya pero nanatili pa rin akong nakayakap sa kaniya. Umiling ako. "Nag-usap na kaming dalawa."
Naniningkit ang mga mata niya kasabay na pagkunot ng kaniyang noo. Alam kong mas lalo siya nagtataka. "Anong sinabi ni mama sa iyo?"
"Okay na kami, Vlad. Masaya ako kasi tanggap na niya ako."
Dahil sa ibinalita ko ay napangiti siya. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. "Finally," aniya. "I love you, ganda."
"I love you too, Vlad."
-
[ VLAD ]
Hinahaplos ko ang buhok ni Inez habang mahimbing na itong natutulog. Nakatalikod siya sa akin. Nagbabantay lang ako sa kaniya. Napangiti ako nang malaman ko na ayos na sila ni mama. Kailangan pang umabot ng maraming taon bago man niya matanggap na si Inez talaga ang mahal ko.
Huminga ako ng malalim saka nagvibrate ang cellphone ko na nakapatong lang sa mesa na nasa tabi lang ng kama. Maingat akong gumalaw baka kasi mababaw ang tulog ni ganda at baka magising ko siya nang wala sa oras. Kinuha ko ang cellphone. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Suther. Umiba ang ekspresyon ng mukha ko nang mabasa ko ang nilalaman n'on. Humigpit ang pagkahawak ko sa cellphone. Bumaling ako kay Inez kahit na nakatalikod ito sa akin.
Kahit sa pag-alis ko sa kama ay maingat pa rin ako. Umikot ako sa kabilang gilid para masilayan ang mukha ng pinakamamahal ko. "I'll be back, Inez." ngumiti ako't hinalikan ko ang kaniyang noo at likod ng kaniyang palad. Pagkatapos ay lumabas ako sa kuwarto.
Mukhang tulog na din ang mga tao dito sa mansyon. Dumiretso ako sa garahe at sumakay sa aking sasakyan. Binuhay ko ang makina at umusad na hanggang sa tuluyan na akong nakaalis.
-
Somewhere in General Trias ang usapan namin ng mga pinsan ko para magkikita-kita. Tinigil ko ang sasakyan sa entrance ng abandonadong pabrika. Binili ni papa ito para sa bagong pabrika na gagawin pero hindi niya muna iginalaw ito. Just in case lang naman.
Isinara ko ang pinto ng aking sasakyan at naglakad na patungo sa loob ng pabrika. Pagkapasok ko palang ay iyak at pagmamakaawa na ang sumalubong sa akin. Umigting ang panga ko dahil doon. Bumuhay na naman ang galit sa akin. Muli ako nagpakawala ng mga hakbang hanggang sa palakas ng palakas ang boses na naririnig ko. Tumigil ako sa pinto ng silid kung saan pinanggalingan ng boses. Huminga ako ng malalim kasa pinihit iyon.
Tanging hanging light lang ang nagsisilbing ilaw dito sa loob ng silid na ito. Nakatapat ang ilaw sa tatlong lalaki na pare-parehong nakaupo sa mga silya. Parehong silang may piring at may busal ang mga bibig. Pawisan na din sila dahil sa ilaw na nakatutok sa kanila. Samantalang ang mga pinsan ko ay nasa gilid lang, hinihintay nila ang pagdating ko.
"Sigurado ba kayong ito na ang mga gago?" mariin kong tanong sa kanila.
"Yeah, sila nga. Nabalitaan namin na bumalik sila dito sa Cavite, five years ago. Galing sa pagtago."
Isang malademonyong ngisi ang sumilay sa aking mga labi. Nilapitan ko ang tatlo. Pinagmamasdan ko silang mabuti. Nilalaro-laro ko pa ang aking labi sa pamamagitan ng aking hintuturo kong daliri.
"Si-si-sino ka-ka-yo? Pakawalan n-ninyo kami..." sabi ng nasa gitna.
Walang sabi na sinapak ko siya sa mukha. Tumaob siya't dumaing. Nataranta ang mga kasamahan niya.
"Hindi kita papakawalan hangga't hindi kita mapapatay, tang ina ka!" susugurin ko sana siya nang biglang humarang si Finlay.
"Alam kong galit ka, pero isipin mo, kapag napatay mo din ang siraulong iyan, makakasuhan ka din. Ang importante ngayon, nasa kamay na natin ang mga ito. Mas mapapadali ang trabaho natin." matigas niyang bulong sa akin. "You want justice for her, right? Then it should be. Huwag mong dungisan ang mga kamay mo."
Pumikit ako ng mariin at tumingala. Nagkawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Nilapitan ko naman ang nasa kanan. "Sabihin ninyo, nasaan si Zora Ramos?" kahit na pinapakalma ko na ang sarili ko, hindi maalis ang galit ko. "Kung gusto mo pang makalabas ng buhay dito."
"H-hindi namin alam... Binayaran niya lang kami para galawin namin si Inez!" mabilis niyang sagot pero naroon pa rin ang takot niya. "D-dalawang beses lang namin siya nakita at nakilala..."
Tulad ng una ay binigyan ko din ng sapak. Pagilid siyang natumba. Dumaing siya at nag-iiyak. Huli kong nilapitan ang natira nilang kasamahan. "Magkano ibinayad ng babaeng iyon sa inyo?" nanggagalaiti kong tanong.
"T-twenty thousand..." nanginginig niyang sagot.
I scoffed. "Sa oras na malaman kong nagsinungaling ka, wala pa rin silbi iyan dahil marami kaming hawak na ebidensya laban sa inyo. Lalo na't may mga witness kami." yumuko ako. "Kahit na gagastos ako ng malaking halaga, masisiguro ko lang na makukulong kayo. Dahil hawak na namin ang kapatid mo, nakakulong ito ngayon. Ikinanta niya kung sino ang mga kasama niya sa panghahalay kay Inez Cabangon. Make a choice, are you going to deny it or are you going to confess?"
Umiyak siya ulit. "A-a-aamin na kami..."
Tumayo ako ng tuwid at humalukipkip. "Si Zora Ramos nalang ang kailangan na mahuli." seryoso kong sabi kasabay na tinapunan ko ng matalim na tingin ang tatlong lalaki. "Dalhin ninyo na ito sa pulisya at makuhaan sila ng testamonya ng mga pulis. Siguraduhin nilang hindi sila magsisinungaling kahit dumating man sa korte."
Kaunting hintay nalang, Inez. Makukuha din natin ang hustisya na gustong gusto mong makamit. Lahat gagawin ko para sa iyo...