Nagising nalang ako nang matagpuan ko ang sarili ko sa kama. Nag-iisa. Wala si Vivi, na tingin ko ay hinatid na siya ng isa sa mga staff ng beach resort na pumasok na sa eskuwelahan. Napasapo ako sa aking noo, dapat ako na ang gumawa n'on. Hindi bale, babawi nalang ako. Ako nalang ang susundo sa kaniya. Bumaba ang tingin ko sa aking kamay. Kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko ang singsing na nakakabit sa aking palasingsingan.
Biglang may kumatok sa pinto. Buntong-hininga kong hinawi ang comforter na nasa katawan ko. Umalis ako sa kama at dinaluhan ang pinto para buksan iyon. Napasinghap ako nang tumambad sa akin ang bulto ng isang lalaki. Matamis siyang nakangiti, ang mas hindi ko inaasahan ay may hawak siyang bouquet!
"Good morning, ganda." masuyo niyang bati sa akin.
Napasapo ako sa aking dibdib. "G-good morning din..." iyan ang tang masasabi ko.
Inabot niya sa akin ang hawak niyang mga bulaklak. "Para sa iyo."
Hilaw akong ngumiti, tinanggap ang mga iyon. "S-salamat..." kumunot ng bahagya ang noo ko. "A-ano palang sadya mo?"
Bago man niya ako sagutin ay hinawi niya ang mga takas kong buhok. Isinabit niya iyon sa aking tainga. "Gusto ko lang bisitahin ang fiancee ko. By the way, naihatid ko na din si Vivi sa school niya."
"G-ganoon ba?"
"Yes, ganda. Hm, pwede ka ba ngayon? I mean, gusto sana kitang dalhin sa bayan. Ichecheck ko 'yung set up sa bagong branch ng resto ko dito..."
Pinagdilatan ko siya. "Ibig sabihin, may dahilan ka talaga kung bakit ka narito sa Balanga?" hindi ko mapigilang itanong.
Tumango siya na hindi mawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Yeah, and accidentally ko nakita ang anak mo. Siya ang kusang lumapit sa akin ng araw na iyon. So... Okay lang ba? Kung hindi pwede, some other time, maybe."
"Pwede naman ako." kusang lumabas ang mga salita na iyon sa aking bibig.
-
Nakahawak lang ako sa shouder bag ko nang nakapasok na kami sa lugar kung saan ang magiging restaurant niya. Hindi ko akalain na high class pala ang negosyo niya! Mula palang sa mga pader, mga furnitures, kahit ang mga kagamitan sa kitchen, pangsosyal. Parang hindi lang basta-basta kakain dito.
Kung sabagay, malayo na ang narating ni Vlad kaya deserved na niya ang ganito klaseng restaurant. May dalawang babae at dalawang lalaki ang naririto, abala sa pag-aayos ng magiging restaurant na ito. Nang naramdaman nila ang presensya namin, ay binati nila kami. Ipinakilala din ako ni Vlad sa kanila bilang fiancee na medyo awkward pa ako. Nahihiya.
"Okay na daw ang kitchen, ganda." sabay hawak niya sa aking kamay. "Ipagluluto kita." marahan niya akong hinatak papunta sa Kusina.
Kusang sumunod nalang ang katawan ko sa kaniyang gugustuhin.
-
Napakapanglumbaba lang ako habang pinapanood ko lang siyang nagluluto. Kahit na nakatalikod ito, ay hindi ko maiwasang mapangiti. Sumagi sa aking isipan ang mga alaala noong unang beses niya akong dinala sa bahay nila sa Tagaytay at ipinagluto niya ako ng pagkain na ipanlalaban niya Culinary Contest noon.
Nang matapos na siya sa pagluluto ay inilapag niya ang plato sa kitchen table. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang pagkain. Ang ganda! Parang fountain! Parang ayaw ko tuloy kainin dahil sa ganda. Ibang iba sa huling nakita kong pagkain na ginagawa ni Vlad!
"This is mango egg with toasted brioche." sabi niya saka sumandal sa mesa sa harap ko. "Taste it."
Inilapat ko ang aking mga labi at tumango. Unang tikim ko palang ay hindi ko akalain na ganito pala siya kasarap! Balanse ang alat at tamis sa recipe na ito! Nakakatuwa! "Mas sumarap ang pagluluto mo, Vlad." sabi ko sa kaniya. Kita ko na natigilan siya sa sinabi ko. "Masaya ako para sa iyo kasi naabot mo na ang mga pangarap mo."
Inabot niya ang isang kamay ko. "Every moment spent with you is a like a beautiful dream come true, Inez."
Muli ko inilapat ang mga labi ko. Pinipigilan ko ang sarili kong maiyak o ano man.
"Marami pa akong pangarap na gusto kong matupad, ganda. Magagawa ko iyon sa oras na asawa na kita."
-
Walang tigil ang pagbilis ng tubok ng aking puso habang papalapit na kami sa mismong bahay nina Vlad dito sa Cavite. Ibig sabihin, hindi lang sa Tagaytay ang bahay nila. Dito daw mismo sa Cavite. Ilang araw pa siyang nanatili sa Bataan dahil sa pag-aasikaso na rin niya. Pero babalik siya doon para sa unang araw araw niya sa pre-opening ng restaurant niya. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa sa mga gusali na nadadaanan namin. Mas dumami ang mga ito noong huling makita ko ang lugar na ito. I feel I was in a foreign land once again. Sa loob ng sampung taon ay ngayon lang ulit ako napadpad dito. Ang daming alaala ang sumagi sa isipan ko ng mga oras na ito.
Hindi namin kasama ngayon si Vivi dahil may pasok ito sa eskuwelahan. Nakahinga ako ng maluwag dahil naiitindihan ng anak ko na hindi muna namin siya pupwedeng isama lalo na't confidential ang sadya namin ni Vladimir. Si Rahel na din mismo ang nagsabi na siya na ang bahala kay Vivi habang wala kami sa Bataan. Ilang beses na din ako pinapalalahan ni Vlad na huwag daw ako matakot. Hindi daw niya ako iiwan. Sabay daw namin haharapin ang pamilya niya, lalo na ang kaniyang ina na si Madame Idette. Lumipas man ang maraming taon ay hindi pa rin nawawala ang takot at kaba ko sa kaniya.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. It looks like a ancestral house. Bakas doon na ilang taon man ang nagdaan ay matatag pa rin itong nakatayo. Maraming puno't mga halaman na nakapaligid sa bahay na ito. Pansin ko rin ang iilang sasakyan na nakapark sa gilid na dahilan para mapalunok ako. Ibig sabihin, hindi lang kami ni Vlad ang haharap sa kaniyang ina, maski ang iilang kamag-anakan niya? Parang dumoble ang kaba at takot ko. Mas ikinatatakot ko sa oras na makaharap ko na si Madame Idette.
"We're here," anunsyo ni Vlad nang patayin na niya ang makina ng kaniyang sasakyan. Bumaling siya sa akin at ngumiti. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. Pinapanood ko kung papaano niyang dampian iyon ng isang halik. "Hinding hindi na mauulit ang nangyari, Inez. Pangako iyan."
Hindi man ako makapagsalita, sa halip ay tumango lang ako bilang tugon. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga para maibsan ang mga negatibo kong nararamdaman at mukhang mabisa naman.
Unang bumaba si Vlad, habang hinihintay siya ay kinalas ko na ang seatbelts hanggang sa tagumpay niya akong napagbuksan ng pinto. Nilahad niya ang isa niyang palad sa akin. Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin iyon. Inaalalayan niya akong makababa. Siya din ang nagsara ng pinto. Marahang dumapo ang isang palad niya sa bewang ko, hindi ko na pinansin iyon dahil sa loob-loob ko ay pakiramdam ko ay secured ako kapag si Vlad ang kasama ko. Ilang araw man siyang nanatili sa beach resort ni Rahel ay muli niyang nahuli ang aking loob. Parang bumabalik ulit kami sa dati. Kung ano ang meron sa amin noon. Kung anong klaseng pag-ibig ang namamagitan sa amin.
Nang pagbuksan kami ng pinto ay dalawang babae ang sumalubong sa amin na tingin ko ay mga kasambahay sila base na din sa uniporme na suot nila. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang mga kagamitan dito sa loob ng malaking bahay na ito. Maraming mga paintings, mga plorera na may lamang mga bulaklak, pati na din grandfather's clock ay meron din sila. Hindi na ako magtataka.
"Nasa receiving area po sila, sir Vlad." wika ng babaeng may edad na nang sinalubong niya kami.
Ngumiti si Vlad. "Salamat po." pagkatapos ay iginiya niya ako na lumapit kami sa malaking pinto na nasa malapit na sa amin. Lihim ko kinagat ang aking labi habang dahan-dahan nang binubuksan ni Vlad ang pinto. Tumambad sa aming harap ang mga tao na nasa loob ng naturang receiving area.
Kumalabog ang puso ko nang makita ko na nakuha namin ang mga atensyon nila. Ang mga pinsan niya, ang mga tiyuhin at mga tiyahin niya... Lalo ang mga magulang niya! May isang matanda pa na nakaupo sa gitna ng silid na ito na tingin ko ay lola ng magpipinsan, nasa tabi niya ang isang babae na parang kasing edad lang namin na yakap-yakap ang isang folder. Nagtama ang tingin namin ni Madame Idette. Tulad ng inaasahan ko ay bumuhay ang takot sa aking sistema.
"Vladimir!" nakangiting salubong sa amin ng isang babaeng kasing edad lang yata ni Madame Idette, hindi ako nagkakamali, dahil sa hitsura palang niya, chinese din ito! "You are Inez, right? It's wonderful to meet you, iha. I'm Caelia Ho, Archie and Fae's mother." bumaling siya kay Vlad. "So... Why did you call us, iho?"
Ramdam ko ang mahigpit na hawak ni Vlad sa aking kamay. "Because this is urgent." biglang sumeryoso ang boses ni Vlad nang sagutin niya ang tanong ng kaniyang tiyahin. "Gusto kong magsampa ng kaso. At ngayon, galit na galit na ako."
Bakas sa mukha nila ang pagtataka. "W-what do you mean, Vlad?" isang lalaki ang natanong. Lumapit sa amin si Fae. Binulong niya sa akin na ito ang ama ni Finlay, si Kyros Ho!
"I hate my mother for meddling my relationship with Inez a long time ago!" kita ko ang paglilisik ng mga mata niya nang tingnan niya ang kaniyang ina.
"Idette?" tawag ng matandang babae sa nanay ni Vlad. "What's goin' on here? Care to explain?"
Bago man nagsalita si Madame Idette ay inilapag niya ang hawak niyang glasswine sa cofee table at tumayo. "Why should I? Mga bata pa kayo, alam kong marami pa kayong mga pangarap sa buhay. Nasabi ko ang mga bagay na iyon ay para maging focus kayo pareho sa mga pangarap ninyo. Lalo na sa iyo, Ms. Cabangon. Yes, I'm harsh but when it comes for my son's future, I won't hesitate to intrude in your relationship. And yes, ginawa ko ang lahat para mawala siya sa buhay ng anak—"
Binitawan ako ni Vlad at humakbang siya sa kanila. "Oo! At dahil sa iyo, napahamak si Inez!" biglang bulyaw ni Vlad sa sarili niyang ina.
Natigilan si Madame Idette. Sinuway naman ni Mr. Damien Ho si Vlad. "Wala kang karapatan na sigawan mo ang nanay mo, Vladimir." maawtoridad nitong sabi.
"Kahit na ginahasa na ang pinakamamahal ko, wala lang dapat, ganoon ba?! Pwes, hinding hindi ko gagawin iyon!"
Natigilan silang lahat. Lalo na si Madame Idette. Napayuko ako. Ramdam ko ang pagpiga sa aking puso. Kinagat ko ang aking labi para hindi maiyak sa harap nila. Pilit kong maging matatag sa harap nila. Pero may malakas na tunog ang nakakuha ng atensyon ko. Napasinghap ako nang makita kong napaupo na sa sahig si Madame Idette habang sapong-sapo niya ang kaniyang pisngi. Nasa harap niya mismo si Madame Caelia na galit na galit ang mukha!
"Mama!" tawag sa kaniya Archie saka inawat nila ito.
"How dare you, Idette!" sigaw ni Madame Caelia. "Papaano mo nagagawa ito sa anak mo? Papaano mong nagagawan saktan sila? Lalo na si Inez?!"
Tumayo si Madame Idette at hinarap niya ito. "Ina ka rin, hindi ba, Caelia? Anong gagawin mo kapag ikaw nasa lugar ko? Ginagawa ko lang ang bagay na iyon para maabot ni Vladimir ang mga pangarap niya—"
"Forgiveness is not a right way to heal and give her justice, Idette! Kung may anak kang babae at nangyari sa kaniya na tulad sa mapapangasawa ni Vlad, anong gagawin mo, ha?! Wala lang?! Thank you lang sa mga hayop na iyon?!" galit na galit na sambit ni Madame Caelia, ang ina ng magkapatid na Archie at Fae.
"Wala na akong kinalaman doon! Hindi ko pakana ang malagay siya sa sitwasyon na iyon! Ang huling ginawa ko lang ay binili ko ang lupa ng bahay nila!"
"Jaycelle." matigas na tawag ni Vlad sa babae na katabi lang ng lola nila.
Humakbang ang babaeng tinatawag niyang Jaycelle. Ang yakap-yakap nitong folder ay inabot niya kay Vlad. "Iyan ang resulta ng imbestigasyon na pinapagawa mo sa akin, Vlad." seryosong sabi nito. "Hindi lang isa ang gumahasa kay Inez... Marami sila. Apat na lalaki. Gang rape ang nangyari sa kaniya."
Napasapo ng bibig ang mga tiyahin ni Vlad, including Madame Idette. "Oh my goodness!" bulalas niya. Bumaling siya sa akin na parang maiiyak na.
"Nahanap na din namin ang tatlong witness at hawak na namin isa sa mga kasamahan ng mga humalay sa kaniya." dagdag pa niya.
Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko sa aking narinig. Nakuha na nila ang isa?
"May binanggit ang hawak naming suspek kung sino ang nasa likod ng panggagahasa at kasalukuyan pa namin ito pinaghahanap. Nasa watch list na din namin siya," seryoso siyang bumaling sa akin. "Ang pinsan mo, si Zora Ramos."
Parang nagkabuhol-buhol ang utak ko nang marinig ko ang pangalan ng pinsan ko. Napabagsak ako sa sahig. Agad ako dinaluhan ni Vlad. Hindi ko mapigilang mapaluha sa harap nila. Mas matindi pa sa inaasahan ko nang malaman ko na sarili ko pang kamag-anak ang naglagay sa akin sa kapamahakan.
"W-walanghiya... Walanghiya siya..." hagulhol kong sambit. Pinagsusuntok ko ang dibdib ko dahil sa sakit at bigat sa aking puso. Inaalalayan nila akong makatayo.
"Keiran, call Atty. Nayana Alvez, siya ang kukunin nating attorney para humawak sa kaso ng fiancee ni Vlad." rinig kong sabi ng lola nila. "Vlad, dalhin mo muna siya sa kuwarto para mahimasmasan siya."