Sa huli ay wala na akong magawa kungdi paunlakan ang gusto niya. Na sasamahan niya kami sa bayan. Noong una ay hindi makapaniwala si Rahel na pumayag ako sa wakas na makasama kay Vlad kahit sa labag man sa kalooban ko. Napapansin ko din kasi ang pagiging close nitong nina Vlad at Vivi, kanina nga ay pinagkamalan pa silang mag-ama. Marami din nagsasabi na mas kamukha ko daw si Vivi which is thankful naman ako.
Hindi naman mabigat ang mga dala namin. Kakaunti pa nga ito. Dahil sa malapit na ang pyesta ay kailangan kong ipadala sa susuplayan ko ang mga gawa ko. Dagdag kita na din ito kung sakali. Kukunin ko din ang pagkakataon na ito.
"Sure kang ito na lahat?" paninigurado ni Vlad nang ilagay niya sa compartment ng sasakyan ang isang kahon ng mga finished product ko. "Wala ka na bang naiwan, ganda?"
Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. "W-wala na..." agad ako umiwas ng tingin.
"Alright, ganda." sinara na niya ang compartment. Medyo nagulat lang ako nang bigla niyang pinulupot ang kaniyang braso sa aking bewang. Rinig ko pa ang pagsipol ni Rahel sa kaniyang nakasaksihan! Jusko, nakakahiya! "Namiss kong gawin sa iyo ito." bulong pa niya.
Hindi na ako nagkumento pa o makipag-argumento pa sa kaniya. Ang tanging magawa ko lang ay tumikhim at tahimik sumakay. Nagsuot na ako ng seatbelts. Si Vivi naman ay nasa backseat. Mismong si Vlad ang nagsuot ng seatbelts para sa kaniya bago man ito tuluyang makaupo sa driver's seat. Binuhay na niya ang makina ng sasakyan bago kami tuluyang nakaalis ng beach resort.
"Tito Vlad?" tawag ni Vivi sa kaniya habang nasa byahe kami.
"Yes, little angel?"
"Nakita ko po na hinawakan mo si mama sa waist niya. Friends po kayo?" bigla niyang tanong na dahilan para masamid ako ng sarili kong laway!
Rinig ko ang mahinang tawa ni Vlad. Palihim ko siyang sinulyapan. Lihim ko kinagat ang aking labi. Ano naman isasagot ng isang ito sa anak ko? "Hm, pwedeng sabihin natin na more than friends pa kami ng mama mo, little angel." kampante niyang sagot na ikinalaki ang mga mata ko. Walang sabi na mahina kong pinalo ang kaniyang braso. "What, ganda? Totoo naman, ah."
"More than friends?" takang tanong pa ng anak ko! "Papaano po 'yon?"
Ako na sana sasagot nang muling sinagot ni Vlad ang tanong nito. "Dadating na sa point na ikakasal na kami." saka tumawa ulit.
"Vlad! Ano ba 'yang mga sinasagot mo sa anak ko!" suway ko sa kaniya.
"Bakit ganda po ang tawag mo kay mama, tito Vlad? Ayaw mo po ba ang pangalan niyang Inez?" sunod niyang tanong.
"Because she's amazingly beautiful, little angel. Telling that she's worth it."
Hindi ko alam kung bakit parang natameme naman ako sa pinagsasabi ng lalaking ito. Gustuhin ko man siyang suwayin ulit pero naunahan ako bigla ng pagbilis ng pintig ng aking puso. Idinako ko nalang ang aking tingin sa bintana, kungwari busy ako sa pagsasight-seeing. After all these years, he never failed to take my breath away! Palagi siyang may baon na banat o kung anuman!
-
Una namin pinuntahan ang nag-order sa akin. Habang ako ang nakikipag-usap sa costumer ay si Vlad ang nagbabantay muna kay Vivi. Malaki pa rin ang tiwala ko kay Vlad na maalagaan niya ang anak ko kahit ilang minuto lang ako napalingat. Hindi ko lang din inaasahan na pagkakamalan pang asawa ko si Vlad kahit hindi naman. Pansin ko din ang ilang kababaihan na panay tsismis nila sa kasama ko! Hay, iba talaga ang kamandag ng isang ito. Papaano pa kaya kung kasama pa niya ang mga pinsan niya? Eh di sabog na?
Sunod namin pinuntahan ang simbahan. Nagdasal lang kami upang magpasalamat. But suddenly, si Vlad naman ang nag-aya sa amin na magsindi ng mga kandila. Pinagbigyan ko naman. Tig tatlong kandila ang kinuha namin. Si Vivi ay gusto din niyang magtirik ng kandila. Pinagbigyan ko din.
Pagkatapos magtirik ng mga kandila si Vlad ay kita ko na pumikit siya. Nagtataka ako sa kaniyang inakto. "Salamat po, dahil binigyan ninyo pa ako ng pagkakataon na matagpuan ko ulit siya." bigla niyang sabi.
Umaawang ang bibig ko sa aking narinig. A-anong...
"Sana pagbigyan ninyo ulit ako sa susunod kong hihilingin..." dumilat siya at bumaling sa akin na gamit ang mapupungay niyang mga mata. "Na pakasalan siya."
Simple at malinaw na mga salita iyon pero iba ang epekto sa akin ng mga iyon. Bakit bigla ako nakaramdam ako ng kirot sa parte ng aking puso? Ramdam ko din ang panunuyo ng aking lalamunan. Agad ko binawi ang aking tingin mula sa kaniya, instead, sa ibang direksyon ko nalang itinuon ang aking tingin.
I don't deserve you, Vlad...
-
Pareho kaming nakaupo ni Vlad sa bench ng parke. Pinapanood lang namin si Vivi na masayang nakikipaglaro sa ibang bata. Marami din namang tao sa paligid dahil linggo ngayon. It's family day. HIndi ko magawang magsalita kahit nasa tabi ko siya ngayon. Ewan ko ba, bakit sa tuwing magtatagpo ang mga landas namin, hindi man lang siya naiilang sa akin. Hindi yata uso sa kaniya ang salitang awkward.
"Naalala mo pa ba si Flare?" bigla niyang tanong. Tumingin ako sa kaniya. "May balak na siyang magpropose kay Elene."
Umawang ang bibig ko sa balitang iyon. Hindi ko inaasahan iyon. Ang isang fangirl na tulad ni Elene ay makakatuluyan pa niya ang idol niya! "That was... Unexpected. Sana pumayag si Elene sa proposal ni Flare para sa kaniya. Kamusta na pala sina Naya at pinsan mong si Keiran?"
Mapait siyang ngumiti. "Nagkahiwalay noong una, pero nagkabalikan din. Naya is already a lawyer." sa akin naman siya tumingin. "Gusto ka nang makilala ni baba. Pati na din sina tito at tita."
Yumuko ako at mapait din akong ngumiti. "Imposible ang gusto mo, Vlad." sabi ko. Nakatitig sa lupa. "Hindi ako pupwedeng makipagkilala sa kanila na may sabit. I'm a single mom. Hindi rin ako tapos ng college kaya wala rin saysay."
"Nasaan ba ang lalaking iyon, Inez?" biglang sumeryoso ang boses niya.
Natigilan ako. Lihim ko kinagat ang aking labi para pigilan ang sarili ko na magsabi sa kaniya. Hindi niya pupwedeng malaman kung ano ang nakaraan ko. Alam kong masasaktan siya kung ano ang ugat nito. Naiitindihan ko naman ang gustong mangyari ni Madame Idette, ang layuan ko ang anak niya dahil masyado pa kaming mga bata noon. Na ang isang tulad ni Vlad ay malayo pa ang mararating. Na marami pa siyang kailangan gawin. Na magiging sagabal lang ako sa mga plano niya.
"Hindi mo na kailangan malaman pa, Vlad." malamig kong tugon at tumayo na. Inaaya ko na si Vivi na umuwi na.
-
Nakabalik kami sa resort. Buhat-buhat ni Vlad si Vivi dahil nakatulog ito sa byahe gawa nang napagod ito at sa pakikipaglaro kanina. Pinapanood ko kung papaano marahan hiniga ni Vlad ang anak ko sa malapad na kama ng hotel room na pinapaokupa sa amin ni Rahel. Pagkatapos ay hindi ko muna siya pinaalis. Sa mini bar ng kuwarto na ito kami napadpad.
"May red wine dito. Inom ka muna." nakangiting alok ko sa kaniya.
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Alam kong nagtataka siya. Hindi ko initindi iyon. Tahimik lang ako habang nagsasalin ng alak sa dalawang kopita. Inabot ko sa kaniya ang isa. Umupo na din ako sa high stool.
Huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "Kamusta ka na pala, Vlad?" panimula ko. Wala kasi akong maisip na maitatopic namin ngayon. Mabuti na siguro ang ganito.
"Okay na ako ngayon, dahil natagpuan na kita."
Mapait akong ngumiti. "So... Napursue mo 'yung pangarap mong makakuha ng gastronomy?" sunod kong tanong.
Inilapat niya ang kaniyang mga labi at tumango. "Yeah, natapos ko siya ng two years." he answered. "Inez, anong nangyari sa iyo? Sa loob ng sampung taon, papaano ka napunta sa ganito?"
Bago ko man sagutin ang tanong niya, nilagok ko ang alak. Inubos ko iyon. Malakas kong ipinatong ang kopita sa bar counter at tumayo. Kinagat ko ang aking labi kasabay na pumikit ako ng mariin dahil nagfaflashback na naman ang bangungot sa buhay ko. "Noong hinatid mo ako sa bahay ng araw na iyon, iyon din ang umpisa ng bangungot ko, Vlad." may hinanakit kong sambit. Nilabas ko ang hawak kong cutter. Nanginginig ang mga kamay ko. Idinikit ko ang talim ng cutter sa aking pulso.
"I-Inez!" mariin niyang tawag sa akin na natataranta.
Humarap ako sa kaniya. "Vlad..." I paused for a seconds. "Oo, anak ko si Vivi... Bunga siya ng pagiging disgrasyada ko..."
"W-what..."
"I'm a victim... I'm a rape victim..." doon na umagos ang mga luha ko.
Nabitawan niya ang hawak niyang glasswine at bumagsak iyon sa sahig. Doon ako unang nakita ang pagtulo ng luha ni Vlad nang aminin ko sa kaniya ang totoo. Mas lalo ako napahagulhol. Alam kong nasaktan ko siya ng husto. "Kung napapansin mo, panay iwas ko sa iyo... Kasi alam kong pandidirihan mo ako, Vlad. Natatakot ako na marinig ko mula sa iyo na marumi na akong babae... Na umiba ang tingin mo sa akin... Biktima ako. Gusto ko man lumaban pero... Pero... Wala akong lakas at sapat na ebidensya... May malay nga ako, pero... Hindi ko matukoy kung sino sila..."
Umalis siya mula sa kinauupuan niyang high stool. Ang buong akala ko ay aalis na siya na galit sa akin. Na iiwan na niya ako ngunit nagkamali ako. Humakbang siya palapit sa akin. He caught me off guard, nagawa niyang bawiin ang cutter pagkatapos tinapon niya iyon sa sahig. Ang mas hindi ko inaasahan ay sinunggaban niya ako ng isang mahigpit na yakap. Rinig ko ang hikbi niya na pakiramdam ko ay may napunit sa parte ng aking pagkatao. Nagdadalawang-isip ako kung tutugunan ko ba ang yakap niyang ito.
"I want to help you, babe. Makakamit natin ang hustisya para sa iyo." humihikbi niyang sabi.
"Vlad..." wala akong madugtungan na salita dahil sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya ito.
Kumalas siya ng yakap sa akin. He cupped my face and he lookded straight into my eyes. "Kung iniisip mo na nandidiri ako sa iyo dahil hindi ako nakauna, pwes, nagkakamali ka. Hindi iyon ang habol ko sa iyo. Mas binibigyan mo pa ako ng dahilan para mas lalo kita mahalin, Inez. Anong sabi ko sa iyo? Hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo. I love everything about you. Malaki ang pagmamahal ko sa iyo tulad ng pagrespeto ko sa iyo." he leaned his forehead into mine. "Alam ko kung ano ang mas ikinagagalit ko? Dahil ang tinuturing kong prinsesa, binaboy lang ng iba."
Muli ako napahikbi sa mga sinabi niya.
"Alam ko na din kung bakit mo ako iniwan pagkauwi natin mula Cebu, Inez. Dahil ba kay mama, hindi ba?"
Tumango ako bilang sagot. "I'm sorry, Vlad... I'm sorry..."
He plant a kiss on my forehead. Muli nagtama ang mga tingin namin. Umiling siya. "Wala kang kasalanan, Inez. I won't judge you. Mas mabigat ang pinagdaanan mo. Sa totoo lang, galit na ako sa sarili ko, sinisisi ko na ang sarili ko kung bakit napabayaan kita." sunod naman niyang dinampian ng halik ang kamay ko. "Ngayong nakita na ulit kita, hinding hindi na ako papayag na mawala ka nang tuluyan sa paningin ko, Inez. Pakasalan mo ako. Mahalin mo lang ako ng pabalik at ako nang bahala sa lahat. Wala na akong pakialam kung magagalit man si mama. Huwag kang mag-alala, tanggap ko din ang anak mo. Simula ngayon, ako na ang kikilalanin niyang tatay."
Napasapo ako sa aking bibig. "Ilang beses na kitang iniwan, Vlad. Bakit? Bakit hindi mo ako magawang kamuhian?"
Hinawi niya ang mga takas kong buhok. "Yes, you left me in pain, all of my efforts goes in vain. It doesn't matter now, I am too much inlove with you, Inez. Let's start again. I promise to myself that you'll be my first and last woman in my life."
Hindi ko magawang magsalita. Nanatili pa rin akong naiyak.
Saglit niya akong binitawan dahil may dinukot siya mula sa kaniyang bulsa. Isang maliit na kahon. Binuksan niya iyon. Isang diamond ring ang laman! "Be my wife, Inez. I don't care about your nightmare. Loving you is not a mistake. Always remember, I'm just right here. Kakampi mo ako. I love you."