Maagang bumangon si Gwen kinabukasan. Habang naglalagay ng bulaklak sa malalaking vase ng mansion, hindi niya maiwasang mapangiti nang makitang papalapit si Marco, isa sa mga driver ni JV.
“Good morning, Gwen,” bati nito, may kasamang tipid na ngiti. “Ang aga mo. Hindi ba masyado kang nagpupuyat sa paglilinis?”
Napangiti rin si Gwen. “Sanay na ako. Besides, mas gusto kong maaga matapos.”
Tumawa si Marco, halatang natutuwa sa pagiging simple ni Gwen. “Alam mo, hindi ka tulad ng ibang maid dito. Parang may aura ka na hindi ko ma-explain.”
Bago pa makasagot si Gwen, naramdaman niya ang bigat ng isang presensya sa likuran niya. Mabilis siyang napalingon—si JV, nakatayo, nakasuksok ang kamay sa bulsa ng slacks niya, malamig ang titig na nakapako sa kanilang dalawa.
“Marco.” Mababang boses. Mapanganib. “Why are you talking to my maid during work hours?”
Napalunok si Marco, agad na yumuko. “S-Sir, nag-good morning lang po ako—”
“Out.”
Isang salita lang, pero parang dumagundong sa buong hallway.
Nagkatinginan sina Marco at Gwen, pero wala nang nagawa ang driver kundi tumalikod at mabilis na lumayo.
Naiwan si Gwen, kinabahan. “Sir, hindi naman niya—”
JV’s eyes snapped to her, matalim, parang binabaon siya ng tingin. Lumapit siya nang dahan-dahan, hanggang mapaatras si Gwen at maramdaman ang malamig na pader sa likod niya.
“Do you enjoy his attention?” bulong nito, halos nakadikit ang labi sa tenga niya.
Nanginginig ang boses ni Gwen. “N-no, sir. He’s just being friendly.”
JV slammed his hand against the wall, trapping her. “Friendly?” Umiling siya, ang mga mata nagliliyab. “I don’t like it when other men look at what’s mine.”
Napakagat-labi si Gwen, pilit na nagpigil ng sagot. Mine? Paano naging akin?
Pero bago pa siya makapagsalita, yumuko si JV at tinitigan ang labi niya. Ramdam ni Gwen ang mabilis na t***k ng puso niya. Sa isang iglap, halos dumikit ang labi nito sa kanya, pero bigla itong umatras, na parang pinipigilan ang sarili.
“You’re dangerous, little maid,” bulong niya, malamig pero puno ng init. “You make me want things I shouldn’t.”
Pagkatapos, tumalikod si JV at iniwan siyang halos nanginginig sa kinatatayuan.
That Night
Habang nakahiga si Gwen sa maliit niyang silid sa servants’ quarters, hindi niya maiwasang hawakan ang dibdib niya, kung saan naroon pa rin ang t***k na dulot ni JV.
He’s possessive… He’s dangerous… But why does my heart keep wanting more?