Chapter 1
Rena
"takbo!" malakas na hiyaw ko sa kaibigan
kung si Madison, nakita ako sa di kalayuan
ang dalawang pulis na humahanting sa
amin. hindi kami Naka suot ng costume
ngayon kaya kitang Kita ang mga mukha
namin Lalo na at mataas pa ang araw.
namumukhaan na kami ng mga kapulisan,
lalo na at suki kami sa Iba't ibang prisento.
Iba na naman kasi itong lugar na tinapak
naming magkakaibigan. mag iisang linggo
pala kami dito sa maynila. Pero wala
namang nakuhang mga ibedensiya dahil sa
professional na kami sa mga ganitong
gawin. Kung may pag aaral lang sa
ganitong gawain tiyak mag Magda c*m
laude pa kaming dalawa ng kaibigan ko.
kumaripas kami ng takbo at humalo sa
madaming Tao, araw ngayon ng lingo kaya,
puno ng Tao dahil malapit lang kami sa may
simbahan.
Yumuko ako at patingin tingin sa paligid At
Nagtago. hindi ko namalayan na may Naka
tayo palang isang lalaki kaya nabunggo ko
ito. 'Grabe ang tigas ng katawan' . Kumapit
ako dito para hindi ako matumba, Saktong
lumingon ako dito. Nanlaki Mata ko sa
Subrang lapit ng aming mukha. Kumalabog
ng husto ang dibdib ko habang Hindi
malagalaw. Para na dikit ang mga paa ko sa
semento at hindi makaalis. Nakahawak din
ito sa baywang ko at sinusuportahan para
hindi kami parihong bumagsak. Ilang
sandali akong napatitig dito, siguro tulo na
ang Laway ko.
Napatitig ako sa mapupula nitong labi
kasing kulay ng cherry. Tumaas ang tingin
ko sa matangos nitong ilong. Tapos ang
pantay nitong makakapal na kilay.
Hanggang sa napadapo ang mga Mata ko
sa mga Mata niya. Bahagya pa akong na
mula ng makita nitong kung saan saan
tumitingin sa parte ng mukha niya.
"staring is bad sweetie." Sabi nito nagulat
na lang ako ng idiin ang katawan ko dito.
Wala itong nakuhang sagot mula sa akin.
nagulat na lang ako ng nakawan ako nito
ng halik. Galit akong tumingin dito.
"y-you stole my first kiss!" inis na Sabi ko
dito at hindi makapaniwala sa ginawa nito.
Pero ngumisi lang ito sa akin. 'Ah nakawan
pala ang gusto mo ah' agad kung
tinadyakan ang kanyang paa at hindi pa ako
nakuntinto ay iniangat ko ang aking tuhod,
Saktong nasapo ang kanyang kaibigan.
" bullseye. "mahinang bulong ko dito saka
kinuha ang dala nitong maliit na bag. Sabay
takbo. Iniwan ko itong namimilipit sa sakit.
" siguraduhin mo lang na hindi kita makikita,
You will pay for this! " sigaw nito at
namumula parin ang mukha habang hawak
ang alaga nito.
"I love you too sweetheart!" balik sigaw ko
dito. At malawak na ngumiti mula sa
malayo pero natatanaw parin ako nito.
Saglit itong natigilan. Tumalikod na lang
ako at tumakbo. Hindi man lang ito nag
tawag ng tutulong sa kanya, hinayaan lang
niyang makuha ko ang bag niya, siguradong
Siguro walang importante sa loob. O
sadyang Inuna pa nito ang basag nitong
dragon balls At Nakalimutan na nitong mag
tawag ng tulong.
Dumiritsyo ako sa ilalim ng tulay, kung saan
ang maliit na kubo namin. Na gawa sa tagpi
tagping kahoy at kawayan. Na pinatungan
ng malalaking balat ng malaking payong
para Hindi kami lamigin tuwing Gabi.
Tanging kandila lang ang ginagamit namin
para mag ibigay ng kunting liwanag sa
maliit na kubo. Syempre original Yung
Bubung namin kasi simintado. palagi nga
lumilindol sa amin kapag May ten wheelers
truck ang dumaan. Kasi nasa ilalim kami
Ng tulay. Na sanay na Rin kami dito sa loob
ng isang linggo namin dito.
Naabutan ko si Madison at malaki ang ngiti.
Siguro ay may nabiktima Rin ito, bago
dumating dito. Pinakita niya ang kanyang
kamay na may pitaka. At exited din akong
Pinakita ang dala kung maliit na bagpack.
"grabe, nakakatakot Yung may ari ng wallet
na ito Rena, at ang hot niya at lumabas pa
ito sa mustang na sasakyan. Madaming
alahas at mamahaling relo, pero sapat na
sa akin ang wallet na ito. Muntikan pa
akong Naabutan. Buti nalang uto uto kaya
nakatakas ako. Tignan mo ang kapal."
pabida nitong Saad.
"biniksan mo na?" takang tanong ko dito.
Palagi kasi kaming sabay binibuksan Yung
mga Ninakaw namin.
"hindi pa kanina pa kasi ako nag aantay sa
iyo eh." exited Na Sabi nito. Kaya Pinakita
ko din Yung backpack na nakuha ko sa
gwapong may ari. Kaso ninakawan pa ako
ng halik. Kinuwento ko din ang nangyari
kanina bago ko nakuha itong bag.
"ang swerte Natin ngayon Rena. Pariho
tayong nakabingwit. Ikaw na unang mag
bukas tapos sunod ako." exited na Turan
nito. Kaya na e excite din akong tumango.
Bumungad sa akin ang makakapal na
lilibuhing Pera. Parang bagong labas pa ng
bangko napatingin ako sa kanya at pariho
kaming nanlalaki ang mga Mata.
" bilangin na Natin? "Sabi Ko dito at
nanginginig ang kamay ko sa hawak kung
kumpol kumpol na Pera, tagal na panahon
naming nagnanakaw ang ngayon lang ako
Naka kita ng ganitong kalaking halaga. Sino
yun at anong trabaho niya, paano pag
balikan ako noon. tumayo si Madison at
Naglakad palapit sa pintuan na Sera at
inisarado ang mga bintana at pintuan sa
maliit naming tahanan matapos manlalaki
ang Mata nito sa nakita. Tapos ay bumalik sa pag upo. Nanginginig din ang kamay nito
habang Hawak ang Pera.
"four hundred ninety-nine, five hundred. "
bilang ko sa Pera at pinatong sa ibabaw ng
packbag. Grabi five hundred thousands
pesos ang laman ng bag ng lalaking yun.
Tingnan ko pa ang ibang parte ng bag at
may nakita akong isang red velvet box.
Ganon na lang ang panlalaki ng Mata ko ng
Bumungad sa akin ang light pink diamond
ring. Iniangat ko ito at kita ko pa itong
kumikinang. Nagkatinginan kami ni
Madison.
"wow ang ganda niyan Rena, at ang daming
Pera Pwede kanang mag bagong buhay. At
mag nenegusyo para hindi kana ulit mag
hihirap." Sabi nito Tama nga kailangan hindi
ko sayangin itong Ninakaw ko sa mga
walang kwentang bagay. Kailangan nag
nenegusyo ako. At itong singsing
nagandahan ako sa singsing na ito kaya
hindi ko to sasangla. Siguro mag po
propose ang lalaking yun sa Nobya niya
kaya tinago niya ang singsing. Tinitigan ko
pa ito at isinukat sa palasingsingan ko.
Agad akong napasinghap ng magkasya iyon
sa Kamay ko, parang binili para sa akin.
Minsan lang ang ganitong kulay ng diamond
Palagi ko kasing nakikita ay Yung white
glass na kulay.
"Oo nga gagamitin Natin ang Pera para mag
babagong buhay na tayo, mag tatayo tayo
ng negusyo." Sabi Ko dito at piniligilan ang
pag luha. Kahit galing sa masama ang
perang ito ay hindi ko din ito ibabalik sa
masama. Palalaguin ko ang Pera ng
lalaking yun, at kapag nag cross ulit ang
landas namin ay maibabalik ko iyong Pera
niya kasama ang singsing. Pero isusuot ko
muna ito iisipin ko na lang na nag proposed
sa akin ang lalaking yun. Ikakasal kami pag
nag kita ulit kami Gaya ng Sinabi niya.
Napabaling ang tingin ko Kay Madison. Na
nakatulala. Ng may naalala ako dito.
Ibinalik ko ang lahat sa bag. At saka
bumaling Kay Madison.
"O ikaw naman tignan Natin kung Ilan ang
laman ng wallet na yan." Sabi Ko dito.
Tumango ito at exited na biniksan.
Kaso Nawala ang ngiti ko ng makita ang
laman ng wallet. Gusto kung mag lumpasay
ng tawa. Kaso piniligilan ko lang at baka,
magalit sa akin si Madison. Natulad ko ay
nawala Rin ang ngiti sa mukha nito.
" p*****g lalaking yun! Nagpakahirap akong
tumakbo para makatakas sa kanya tapos
one hundred pesos lang ang laman ng pitaka niya! Wag lang ulit magpapa kita sa
akin dahil nanakawin ko Yung itlog niyang
gold. "inis na Sabi nito. Tumawa akong ng
malakas sa Sinabi nito. One hundred pesos lang kasi ang laman ng pitaka. Ang nag
bibigay lang na kakapalan ay ang
madaming resibo ng tubig at kuryente.
"mag babagong buhay na tayo Madison,
pupunta tayo sa ibang lugar, at
magpapatayo tayo ng negosyo. Gagamitin
Natin ang perang ito sa Magandang
paraan." Sabi Ko Kay Madison. Tumango ito
At yumakap sa akin ng umiiyak.
"Sana lang friend hindi mamamatay Tao
Yung lalaking ninakawan mo." Sabi ni
Madison habang kayakap ko.
"babalikan daw niya ako eh, magpapa kasal
Nga kami nauna na nga itong singsing."
Sabi Ko at sabay kaming humalakhak.
Naisipan namin na mag impaki ng gamit
dahil ngayon mismo kami aalis sa lugar na
ito.
Baka babalikan nga ako nito, pero Wag
Sana ngayon, ipupuhunan ko muna itong
Pera niya.