Chapter 1 - Desisyong Lumaya
Galit na galit si Shan Marie sa kanyang kuya at ama nito na naging mahilig sa sabong. Sa pagkalulong ng mga ito naisangla ang kanilang lupain sa nagngangalang Romano Dikoto, isang Intsik na nagmamay-ari ng malaking negosyo sa kanilang bayan.
Sa kasamaang palad tilang balak ng ama nitong ipagkanulo sya biyudong Intsik kapalit ng kanilang lupain.
Sa inis at galit ni Shan lumayas siya sa Asingan at nagpunta sa lungsod. Ang iniisip nito kailangan nyang iwasan ang pamilya pansamantala dahil sa sama ng loob sa mga ito lalo na sa kanyang ama. “Maganda ka anak, tiyak magugustuhan ka ni Romano”ang pabalik balik na salita ng ama sa huling gabi ng kanyang planong pag-alis. Magulo man ang isip pero buo na ang kanyang loob kailangan niya mapakatatag para sa kanyang sarili. Kahit ang kanyang Mama hindi siya nagpaalam dito.
“Ninang kailangan ko po ang tulong mo, narito po ako ngayon sa bus station sa Maynila, lumayas po ako sa amin” tawag nito sa telepono sa ninang Lorna niya.
“Nakung bata ka bakit mu ginawa yan, mapapagalitan ka tuloy ng Papa mo”, nag-alalang sagot naman ng Ninang nito sa kabilang linya.
Isang oras siyang naghintay sa bus station bago ito sinundo ng Ninang Lorna niya. Malayo pa ito kita na ang kunot noo ito pagkakita ng malaking bag na dala ng inaanak.
“Susmaryosep na bata ka, hindi kita tuloy nakilala, ang liit mo pa nung nagbakasyon ako sa probinsya, tapos ngayon sobrang tangkad mo na at kay gandang bata.”Halika na at maihatid kita sa bahay ko”ani nito.
Sumakay sila ng taxi habang ikinuwento ang totoong dahilan ng pagpunta nito sa magulong lungsod na ito. Napailing lang ang ninang habang nakikinig dito.
“Anak, pagpasensyahan mo na ang bahay na tinutuluyan ko dahil ito lang ang makayanan ko. Isang beses lang naman sa isang linggo ako dito umuuwi dahil stay-in ako sa amo ko.” paliwanag nito habang pinagbuksan ang pintuan ng maliit niyang bahay.
“Ok lang po yan ninang, pansamantala lang po ako rito habang naghahanap ako ng trabaho” sagot naman nito.
“Business Administration ang natapos ko, mag-isang taon nang tambay sa amin dahil gusto ko munang magpahinga pansamantala bago maghanap ng trabaho. Pasado din ako sa Civil Service examination ninang, balak ko nga dito na lang maghanap ng mapapasukan, para hindi naman ako maging pabigat sayo”.
“Marami yan anak, tiyak ko matatanggap ka, sino ba naman ang hihindi sa inaanak ko na sobrang ganda na matalino pa!” nakangiting saad
Pagkatapos nitong nagpahinga, nagisingan niya ang kanyang Ninang na nagluluto ng pagkain na pakanta kanta. Tilang walang problema sa buhay, sana ganyan din siya walang iniisip na problema. Tumandang dalaga lang ito sa paninilbihan sa pamilya ng kanyang amo. Siya pa nga dati ang nagpapadala ng pera sa Mama ni Shan para pambayad ng tuition fee, nung panahong walang kita ang Papa nito sa palayan.
“Namili na ako ng kakalilanganin mo dito habang wala ako, baka sa susunod na araw pa ako makakauwi. “Kaya ikaw huwag ka lumabas doon sa labasan maraming tambay diyan, baka mapag tripan ka nila, mahirap na. Iisipin mo wala kang kasama dito ngayon” paalala nito habang inihanda ang hapag kainan.
“Ninang bakit kailangan agad babalik ka agad don? hindi ba pwedeng sa susunod na araw na lang para maturuan o maikot man lang sa lugar na ito para hindi naman akong magmukhang tanga dito. Di ba sabi ko sayo maghahanap nga ako ng trabaho, hindi magmukmok lang dito, “sabi ko
O sya! Nanalo ka na, tatawagan ko na lamang si Sir Tony na hindi ako makabalik sa malaking bahay, gagabayan muna kita para hindi ka maligaw man lang.”at napangiti.
Sa loob ng tatlong araw halos araw araw siyang iniikot at ipinasyal sa iba’t-ibang sulok ng lungsod para daw pag ito na lang mag-isa alam na nito kung saan siya sasakay at bababa man lang. Iniisa isa nitong itinuturo ang mga naglalakihang gusali na dapat nitong gawing landmark para hindi lang maligaw.
Isang umaga nagpaalam na si Ninang na kailangan na niyang bumalik sa trabaho nito dahil tawag daw ng tawag si sir Tony nito.
Äraw ng lunes ng mapaalam si Ninang Lorna para bumalik sa trabaho.
“Änak iwan kita ng pera dahil baka sa Sabado pa ng umaga ang uwi ko, may mga pangangailangan mo na rin akong nabili para kahit wala ako hindi mo na kailangang lumabas pa. Habilin ko sayo huwag ka basta bastang magpapasok ng tao maliban sa akin. Tatawaga mo ako kung kakailanganin.” Mahabang habilin nito sa akin.
“Öpo huwag po kayong mag-alala, I can handle myself Ninang! Hahayaan mo babawi ako sayo pag may trabaho na po ako,”at niyakap ko ito.
Dalawang araw siyang nanunuod ng TV halos lahat na yata ng channel palipat lipat na lang. Bagot na bagot na siya rito mas lalo lang niya maalala ang nangyari sa probinsya pag ganito. Nag sumunod na araw napilitan siyang lumabas mag-isa kahit may kaba ngunit pinilit nitong sanayin ang sarili na kumilos mag-isa. Maghahanap siya ng trabaho na mapapasukan. Sa pamamagitan ng kanyang cellphone nag scroll siya sa internet sa maaring mga kompanyang na mapag-aaplayan.
Ngunit kung malas nga naman ang kapalaran mu tatlong araw na siyang paikot ikot sa lungsod para maghanap ng trabaho pero parang madalang talaga. Paulit ulit syang nagbabasa sa classified ads pero wala ring nag reply sa kanyang mga email sa mga ito. Ngayon lang niya napagtanto na mahirap pala maghanap ng trabaho kung wala kang kakilala o koneksyon man lang na maaring tumulong sayo.
Biyernes nang tumawag ang ninang at ibinalitang hindi sya makauwi dahil pupuntahan daw ang mga amo nito at kailangan niyang sumama sa mga ito.
“Ök lang po ako dito Ninang, huwag po kayong mag-alala sa akin naikot ko na nga ang buong lungsod eh! Pabirong sabi nito.
“Hindi iyan ang ibig ko sabihin sa pagtawag ko sayo, tinawagan kita dahil dadalhin kita sa pupuntahan namin, naipagpaalam na kita kay sir dahil sinabi kong wala kang kasama diyan at pumayag din sya na isama kita. Basta ang gawin mo lang tulungan mo lang ako sa kusina. Kaya ngayon pa lang maghanda ka na at dadaanan kita diyan mamamaya.”
Nagdala siya ng ilang damit para sigurado. Ang sabi lang sa kanya medyo malayong biyahe daw. Madaling araw siya dinaanan ng sasakyan at nakita nito ang ninang niya na lumabas at pumasok muna sa bahay.
“Nakabihis ka na ba at makaalis na tayo, kailangan nating mauna doon bago dumating pa ang mga bisita mamamaya.” At kinuha ang dala kung maliit na bag.
Nagkukuwentuhan sila sa loob ng sasakyan habang bumibiyahe halos lahat pina-uusapan ang gagawin nila mamamaya. Isang birthday party pala ang gaganapin dun batay sa takbo ng usapan.
“Tiyak magustuhan mo dun anak sa Tagaytay, malapit iyon sa dagat!”ang ninang na nilingon ito dahil sobra nitong tahimik sa buong paglalakbay.
Älam mo Lorna napakagandang bata itong inaanak mo,ba’t mo ba iniwang mag-isa iyan, nakatutulog ka ba niyan dun sa malaking bahay,”ani ng isang naka unipormeng kasama nila.
“Iyan nga ipinapapaalam ko na kay sir Tony kahapon na isama ko na lang sya sa lakad natin.”sagot ni ninang na nakatingin sa dito.
“Siyempre lakas mo kay sir, diyan ka na nga tumandang dalaga sa kanila eh!
Pagdating ng Tagaytay, diretso ang kanilang sasakyan sa isang Villa Ramirez, yan ang pangalan na nabasa niya sa b****a pinasukan ng sasakyan kanina. Tabing dagat ito kaya manghang mangha si Shan sa tanawing nakikita.
Tinanong pa niya ang mga ito kung maaaring lumangoy sa nanghihikayat na tubig.
“Siyempre pagkatapos mamamaya ng trabaho pwede ka nang lumusong diyan.”sagot naman ng mga ito na nakangiti.
Diretso sila sa isang quarters sa likod ng resthouse na iyon. May kalakihan din ang bahay at may malawak na lawn na napapaligiran ng nagtataasang pines at niyog. Pagkatapos nilang ilagay ang mga gamit diretso na sila sa kusina para maghanda.
“Lahat na kakailanganin mamamaya kailangan maihanda na natin, pagdating ng pagkain nga ihahatid dito ng catering services tayo na ang nag-aayos non,”ang sabi ng ninang nito sa mga kasamahan.
“Ninang sino ba ang may birthday na sobrang galante ang handaan”, dala ng curiosity na tanong.
“Kay Makie Ann ang bunsong anak ni Sir Tony, hahayaan mo makikita mo rin siya mamamaya pag party mamamayang gabi,” sagot nito.
“Huwag na po hindi ko namang balak pa na magpakilala sa kanila nakakahiya po! Dito na lang ako sa kusina, basta may pagkain Ok na ako nun,”pabirong sagot.
Halos lahat abala sa handaan, set-up sa lawn ng mga tables at pagkain. Maging ang ninang nito ay hindi mapakali at utos ng utos sa mga kasamahan nitong katulong.
Malakas ang tugtugan sa labas tiyak niyang naroroon na ang mga bisita dahil maingay ang dala ito kahit may musika pa. Napasilip siya at nakikita nito ang mga eleganteng suot ng mga dumadalo dito. Panay mga kaedad lang niya ang naroroon. Gusto man niya lumabas para masubok ang ganitong okasyon pero pinigilan siya ng hiya.