ELIJAH'S POV
"I said I don't want to!" Sigaw ni Macy mula sa loob ng kanyang kwarto. Napabuntong hininga ako saka kumatok ulit.
"Macy, will you please stop acting like a baby?" mahinahon kong pakiusap sa kanya.
"I am not. I can handle myself, you and lolo can go with her. I'll stay here!" pagmamatigas niya. Ito ang mahirap sa kapatid ko na to. Mahirap makumbinsi sa oras na hindi mo pinangunahan ng paliwanag.
"Macy! Ano ba?! Wag naman ngayon." Siguro naman pwede akong mainis. Kuya naman ako, di'ba?
"Ano?" biglang bumukas pinto at ngayon ay nakatayo na siya s harap ko. "Anong wag naman ngayon kuya? What do you mean?!"
"Napaka-isip bata mo. You think you act like an adult but no, it's very childish. Akala mo ba tama ang inasal mo kanina sa Harap ni Generous? Akala mo ba tama na sumuway sa mas nakakatanda sayo? What lolo says, you and I should follow."
"Ayun. Generous na naman. It's her! Because of her you and lolo are acting weird. Ano bang meron sa babae na 'yon?! Kakakilala mo lang dun diba? Isang buwan?"
"Stop." I said. She's getting on my nerves.
"Why should I?! I'm your family here, not her. Ako ba ang mali dito?!"
"Yes." Natigil kami sa pagtatalo ng biglang may nagsalita sa likuran. Nasa kalagitnaan na ng Hagdanan si lolo at dirediretsong umaakyat. Hindi na naman niya dala ang tungkd niya.
"Lolo?!" Angal pa ng kapatid. Tinignan niya si lolo na para bang tinatanong niya ng 'pati ba naman ikaw?'
"If I told you to pack your things, pack your things." at yun ang ikinagulat namin parehas. Tumayo ang balahibo ko sa di ko malamang dahilan.
Mula pa kanina ganito na makipag-usap sa amin si lolo. Hindi na siya malambing makipag-usap. His voice is full of authority and very manly. Ako lang ba o talagang may pagbabago sa paraan ng pagsasalita at boses niya? Para akong kumakausap ng taong may mataas na katungkulan.
"I'll do it, Lo. Sorry." sabi ko kay lolo. "We'll be downstairs in 20 minutes." pagkatapos ay hinila ko si Macy papasok ng kwarto niya.
Agad kong sinimulan ang paglalagay ng mga gamit sa backpack niya. Naka-upo lang siya sa kama. Marahil nagulat siya sa inasal ng lolo. Maiintndihan ko kung nagulat siya pero alam kong maiintindihan niya ang lahat sa mga susunod na araw. Maging ako, iniisip ko kung anong mangyayari pagbalik namin doon. Hindi ko akalaing babalik ako sa lugar na iyon ng ganito kabilis.
"Halika na." Sabi ko saka binitbit ang bag niya. Tahimik at tulala lang siyang sumunod hanggang sa baba. Nadatnan namin doon si Lolo sa may pintuan, nakapamulsa nanaman at nakatanaw sa labas ng kalsada.
"Are you two ready?" sabi ni Generous mula sa likuran namin. Bago pa man ako makalingon ay nasa tabi na namin siya.
"TSS."
"Yes, we can go now." Sagot ko.
Nauna nang maglakad palayo si lolo. Sumunod lang kami ni Macy at nasa likuran namin si Generous. Walang umiimik sa amin. Hindi ko tuloy alam kung kailangan ko ba magbukas ng mapaguusapan o wag na lang ako magsalita.
Nang makatawid kami ng kalsada ay agad na pumara ng bus ang lolo. Ito yung bus na may signage na papunta sa kabilang probinsya. Naunang sumakay si Macy at ako. Nakasunod saamin si Generous at piakahuling umakyat ng bus si lolo. Mabuti nalang at may bakanteng upuan sa likuran lang ng driver. Doon na huminto si lolo, sa likuran naman niya kami naupo ni Macy tapos sa likuran naman namin ang prinsesa. Napakunot noo ako kung bakit kanina pa hindi umiimik si lolo at si Generous gayong kilala naman nila ang isa't isa. Ultimong sa upuan ay naghiwalay pa sila, pang dalawang tao naman ang mga upuan na inokupa nila ngayon.
Wala pang 30 minutes ay pumara si lolo. Bumaba kami kanina kung saan kami nanggaling ni Generous. Mukhang doon ulit kami dadaan. Pagbabang pagbaba namin ay hinintay lang naming makaalis ang bus saka kami pumasok sa kakahuyan. Masiyadong ng hapon kaya napansin ko ang pagmamadali ni Lolo. Hindi mo aakalaing ang kilos niya ay as mabilis kumpara sa kilos ng binatang tulad ko. Malayong malayo sa lolo namin na palaging may tungkod.
Mediyo nakakakabagal kami ni Macy dahil bukod sa nakasimangot ay halatang sinasadya niyang bagalan ang paglalakad. Laking gulat ko nalang ng biglang may makapal na baging ang pumulupot sa tiyan niya at umangat siya mula sa madahong lupa. I ran as fast as I could pull her down but it was too late. Nagtitili na siya at nagsisigaw.
"OH MY GOD!!! Kuya! Lolo!"
"You don't need to do that!" biglang suway ni Lolo sa Prinsesa. Hindi siya nito pinansin at saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Put me down! Put me down freak!"
"Stay still, Macy!" sigaw sa kanya ni lolo. Hindi parin umiimik si Generous.
"No! No! Ano to lolo? Anong ginagawa ng babaeng iyan sa akin?! Put me down!"
"I said stay still. You'll fall if you don't." Matigas na pagkakasabi ni lolo. Pero nagtitili parin si Macy. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung patatahimikin ko ba ang kapatid ko dahil natatakot ako sa makapangyarihang nilalang kasama namin o kailangan kong makiuasap na ibaba ang kapatid ko. Di pa nga ako nakakapagdecide ay nagyaya na ang prinsesa na lumakad muli.
"Let's go. It'll be dark soon." sabi niya lang saka mabilis na humakbang. Napabuntong hininga nalang si lolo at sumunod. Napansin ko na tumahinik ang kapatid ko. Pagtingala ko ay nakita na pilit niyang inaalis ang nakadikit na dahon sa bibig niya. Napailing nalang ako.
Pagsapit ng dilim ay saka namin narating ang minarkahan na lugar kanina ni Generous. Naupo si lolo sa isang malaking ugat. Tinabihan ko siya habang si Generous ay may kung anong binibigkas at ikinukumpas ang kamay. Since, hindi ko naman maintindihan nanahimik nalang akong habang ang kapatid ko ay nanatiling nakasabit sa isang puno. Nakatulog na ito sa sobrang pagod dahil hindi siya tumutigil sa pagkukumahog kanina lang.
"Lo, paano ang koprahanan? Tsaka hindi ba ako hinanap ng boss ko?" Tanong ko kay lolo habang nagpapahinga.
"We'll leave everything there." Yun lang ang sinabi niya. So ang nasa isip ko ay bahala na.
Paano yung bahay namin? Yung koprahan ni lolo. Yung koprahan na iyon ay hindi ko pa napuntahan, hindi niya kami pinapupunta roon at tanging siya lang ang nagpupunta. Yun ang sinasabi niyang maliit na negosyo kaya kami nakakapag-aral. Since wala naman kami gaanong kakilala sa baryo na yun ay wala naman sigurong magtataka kung bakit kami nawala. Kaya lang, hindi ko parin maiwasang mag-isip. Paano yung mga katrabaho ko? Yung boss ko. Paniguradong hinahanap na nila ako kung isang buwan nga talaga akong nawala.
"Let's go?" Napatingin kami kay Generous na tapos na sa ginagawa. Portal ba tawag dun? Yun ang ginawa niya kanina.
"That was fast." Comment ni Lolo. Nagsawalang kibo naman si Generous kaya hindi na rin ako umimik. Nakakatakot sila parehas. Baka hindi rin nila ako sagutin o kaya ay mababara ako ng walang sa oras. I mean hindi naman talaga nambabara ng sadya itong si Generous, pero kapag kinakausap kasi siya siya lagi ang lumalabas na matalino.
Ibinaba niya ang kapatid ko sa isang kumpas lang ng kamay niya. Tulog parin ito kaya isinakay ko na lang siya sa likuran ko habang si Lolo ay kinuha ang backpack niya. Magkakasunod kaming pumasok sa portal. Nakakalula parin kahit naranasan ko na to. Mabuti na lang tulog itong kapatid ko. Baka kung ano pa maging reaksiyon niya pero mukhang magugulat siya sa oras na gumising siya tapos nasa ibang lugar na siya.
Nang makalabas kami ng portal ay ang kweba kanina ang bumungad sa amin. Ito daw kasi ang tamang daanana papunta at palabas ng dalawang mundo. Kaya pala hinabol nila ako noon kasi sa kung saan lang ako nanggaling.
Wala na ang mga kawal na naiwan namin dito kanina. Paano kami ngayon babalik sa palasyo na iyon? Nakaakay nga kami dun sa karwaheng lumilipad tapos mediyo matagal kami sa himpapawid.
"This world changed a lot." Usal ni Lolo nang makalabas kami ng kweba. Hindi niya naiwasang ikutin ng paningin ang buong lugar. Lahat ng maaabot ng kanyang paningin. Maging ako ay namamangha parin. Makapigil hninga ang kagandahan ng lugar na ito.
"Maybe It's not the world that changed." Makahulugang sagot ng Prinsesa nang hindi tinitignan si Lolo. Napaharap si lolo sa gilid ng talo kaya nakita ko mukha niya. Hindi ko nakuha ang gutsong sabihin ni Generous ngunit nakita kong nawala ang liwanag sa mukha ni lolo. Kumunot ng kaunti ang noo niya saka naging blanko. "You'll catch up soon enough." Parehas silang nakatayo sa bunganga ng kweba. Ako ay nanatiling nasa likuran nilang dalawang at pasan pasan ang kapatid ko.
"I hope so."
"Naguusap kayo pero hindi naman nagtitinginan." Antok na antok na singit ng kapatid ko. Nagulat ako kaya nilingon ko siya.
"Macy." Tawag ko sana para suwayin peron nakapikit parin ang kanyang mga mata. Tinignan ko siya ng maiigi pero tulog na tulog parin. Nakangiwi akong napatingin kay lolo at Generous, parehas na matalim ang tingin nila sa amin. Ngumiti nalang ako. Nagkatinginan naman sila at sabay din na nagiwas ng tingin.
Ang awkward nito. Matanda na lolo ko tapos napakaganda at bata ng prinsesa. Hindi pa ako nakakita ng ganitong love team sa teleserye noon. Ano to MMK?
"So, Where are we heading now?" pagtatanong ni Lolo.
"To Aither."
"Paano?!" napalakas ang pagkakatanong ko kaya napatingin sila sa akin. "I mean, lumipad kasi kami dito kanina. I mean yung mga kabayong may pakpak ang lumipad tapos nakasakay kami sa karwahe. Hehe." paliwanag ko.
"We're going to walk." diretsong sabi ng Prinsesa. Napalunok ako. Pagod na ko tapos ang bigat bigat pa nitong damulag na pasan ko. Natunugan niya siguro na pinag-aalangan ko ang bigat ni Macy tinignan niya ito. "Wake her up."
"It's okay. I'll carry her." Lumapit si lolo sa akin at akmang kukunin niya si Macy sa akin.
"Wake her up or I'll toss her in the water." Nakakatakot siya. Bakit nung kanina nung sinamahan niya 'ko hindi naman siya nakakatakot. Natatawa pa nga siya sa mga kwento ko tapos napakabait niya. Ganun ba kalala ang ugali ng kapatid ko para kainisan niya?
"What for?"
"So that she can walk. Elijah's tired, can't you see?"
"That is why I'm going to take her."
"Wake her."
"Give her to me."
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Parehong nagmamatigas at pareho silang nakakatakot. Nakailang lunok na nga ako dito. Hindi ba sila makaramdam?
Ibibigay ko na sana si Macy kay lolo ng bigla nalang akong nakaramdam ng tubig sa leeg ko. Umuulan ba? Di ko alam kung saan nanggaling ang tubig na nasa ibabaw ng ulo ko ngayon, nakalutang ito sa ere at babagsak na. She is not joking! For Pete's sake!
"NO, NO, NO!" sabay naming pigil ni lolo. Pero huli na ang lahat.
MACY'S POV
Nagising ako ng makaramdam ng lamig sa ulo ko. Yung malamig na 'yon dumadaloy sa batok ko tapos sa likod ko. Feeling ko basa ang damit ko. Unti unti ako na pa dilat at nagunat ng braso kaya napatingala na din ako. Nawala ang antok ko makita ko ang tubig na nakalutang sa ibabaw ng ulo ko mismo!
What the hell is this?
"OH MY GOD!!"
Sa sobrang pagkagulat ko ay nakalimutan kong nakapasan pala ako kay kuya. Umatras ako at nasa isip ko ay ang tumakbo pero sa kasamaang palad ay nahulog ako sa lupa. At sa akin bumagsak lahat ng tubig na iyon.
"AAARRGGGHHHH!!!" maktol ko. Kumawagkawag ang paa ko sa lupa dahil sa sobrang inis.
Basang basa ako tapos nagiging putikan pa ang kinauupuan kong lupa dahil sa tubig. Bakit ba nangyayari ang mga wirdong bagay na to? Tinignan ko si lolo na nakahawak sa noo niya at dismayado at ang kuya kong nakangiwi at mukhang naawa sa itsura ko. At higit sa lahat ang babaeng yon na nakatingin sa akin. Nakatingin lang siya. As in tingin lang.
I remember how I struggled earlier before I fell asleep. Yung weird na baging na gumagalaw kanina.
"YOU!" duro ko sa babaeng yon. "You did this, didn't you? I know you did all of these weird this."
"And?" kita mo na! Siya nga! Siya lang naman ang hindi namin kilala dito eh.
"Anong and?" magsorry ka hoy!
''At?" napakuyon ako ng mga kamao. Sobrang inis na inis na inis talaga ako sa babaeng ito. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. GRR!!
"Hindi ka man lang magsosorry?"
"Why should I?" Ano?! Ano daw !?
"I'm sorry?" Tanong ko. Nabingi ako dun ah. Bakit raw siya magsosory?
"Accepted." walang kagatol-gatol na sabi niya. Napasinghal na ko. Nauubos ang pasensiya ko sa kanya. Siya lang ang bukod tanging babae na nakakapagmaldita ng ganito sa akin ha.
"Ang kapal talaga. Hoy! Hindi ako nagsosorry sa'yo. Mahina ba ang common sense mo para hindi magets ang ibig kong sabihin."
"Macy!" Tinignan ko lang si lolo. Ako pa ngayon ang masama?
"I'm stating a fact. I thought you're sorry for being a burden to your brother, to your grandfather and to me."
"Generous, that's enough!"
"Now you're talking, Zee."
"Yes! And I'm asking you to stop. You should stop."
"You're commanding."
"And what's wrong with that? Mas matanda siya sa atin kaya sumunod ka."
"Tumahimik ka na, Macy." Halos hindi bumuka ang mga labi ni kuya at magkalapat ang mga ngipin niya ng sabihin iyon sa kin.
Tinignan lang ako nung Generous. Nakaangat ang sulok ng kanyang labi kaya lalo akong nainis.
"Okay, I'm sorry." Biglang sabi ni lolo. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kamay niya.
"I'm sorry. I should have asked politely, Your Highness." Pinagkadiin-diinan ni lolo ang pag kakasabi niya ng 'Your Higness'. Nakakainis, ano siya may dugong bughaw?
Napairap na lang ako saka napatingin sa paligid.
"OH.MY.GOD."
Sa sobrang inis ko ay hindi ko napansin ang lugar kung nasaan ako ngayon. Breathtaking and amazing. Lahat na magagandang salita para i-describe ang lugar na ito ay sabihin niyo na pero napapanganga na lang talaga ako. Para akong biglang namangha, nawala ang inis ko at sobrang excitement ang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko ay nasa loob akong fairy tale.
Oh my god talaga. Ako ba si Alice at nasa wonderland ako?
Hindi ko pinansin sila kuya at si lolo. Kampihan nila yung babaeng yon, basta ang mahalaga nasa paradise ako. Madilim na nga eh pero sobrang ganda parin. Maliwanag yung lugar dahil sa mga umiilaw na halaman. Tapos yung tubig sa water falls ay umiilaw. I mean sa tingin ko may mga glitters yung tubig tapos sobrang pantay na pantay yung pagkakahati ng mga kulay. Since nasa gilid naman ako ay lumapit ako sa may tubig. Sumalok ako ng tubig gamit ang kamay ko tapos tinikman ko iyon. Ang tamis ! Wahhhhh ang sarap.
Uhaw na uhaw pa naman ako kaya uminom pa ako ng uminom.
"Macy, Halika na. Lalakad na tayo." tawag sa akin ni kuya.
"Oo!" sagot ko bago sumunod. Nauuna na silang maglakad kaya mediyo binilisan ko ang lakad ko. Dala-dala na ni kuya yung backpack ko. Nauuna si Generous freak sa paglalakad tapos nakasunod si lolo. Ako yung pinaka huli. Patalon talon ako na sumusunod sa kanila. Good vibes lang dapat, ang ganda ganda ng paligid eh.
Huminto kami sa may bangin. Puro tubig na yung nasa baba at sobrang taas ng kinalalagyan namin, kapag tinanaw mo yung kabila ay yun na yung mahalaman at mapunong lugar. Nagliliwanag naman yung mga ugat ng mga puno na nasa paanan ng bangin sa kabila. Hindi naman mukhang nakakatakot ang kabila kaya lang napakalayo ng distansiya. Paano kami tatawid diyan? Mukhang tatawid kami ng apat na highway na may apat na linya sa kalasada.
"So how do we cross this cliff?" mataray kong tanong.
"I'll toss you to the other side." rinig kong bulong nung freak naming kasama. Psh.
"I'll toss you myself." my god Macy. Tumahimik ka na kasi, bakaka mamaya kung ano pang gawin sayo niyan.
"Pft." tinaasan ko siya ng kilay. Siya lang ang nakatingin sa akin tapos para siyang matatawa anytime. Tinaasan ko lalo ang kilay ko para mas mukhang mataray. Hindi niya inirapan pero tumingin na lang ulit siya sa unahan.
"I can't fly." malamang lolo. Bakit ka naman lilipad eh wala ka namang pakpak. Tsk.
"Paano nga natin tatawirin ito?" napapaisip na tanong ni kuya sa sarili niya. Di na ko sumagot, Nangangati kasi yung likod ko tsaka likod ng ulo ko. Bahala na sila maghanap ng solusyon diyan.
"Just walk." nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang yun. She's crazy. How can we walk? Ano yun invisible yung lalakaran. Baliw.
"Let's go." sabi ni lolo.
"LO!?" bulalas namin ni kuya.
"Just walk." ulit ni lolo sa sinabi ni Generous freak.
"No! I'm not going to trust her. I'll die."
"I'm losing my patience, young lady." napalunok ko ng sabihin iyon ni lolo ng walang lingunan.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni kuya. Bakit ba para sa kanila ako lagi ang mali dito? Bakit ba sila tiwalang tiwala sa kanya.
Nagsimula na silang humakbang. May nabubuong daanan habang humahakbang si Generous freak sa ere. Napanganga ako. Anong klaseng tao ba siya at kung anu-ano ang kayang niyang gawing. She's very strange and powerful. She's different. A freak.
"I didn't know that you can do this stuffs now." Compliment ni lolo sa kanya. Psh!
"You don't know much about me since what happened." Apakayabang! So siya pala may gawa nito? Hmp!
Nagkakaroon ng railings sa magkabilang gilid pero mababa lang at nagkakaroon ng malalambot na parang ulap sa dinaraanan namin. Unti-unti iyong nabubuo hanggang sa kabilang dulo. Amazing! Not her. The place. Nang nasa kalahati na kami ay lumingon ako sa pinanggalingan namin, naglalaho rin ang daanan paunti-unti. Habang naglalakad ay nakaramdam nanaman ako ng pangangati. Kamot ako ng kamot sa likod ko, sa likod ng tenga at sa ulo ko. Nakikiliti ang ilong ko.
Kanina pa to ah.
Nagsimula na ring mangati ang mga braso at likod ng palad ko. Naiinis na ako sa sobrang kati. Tinignan ko ang mga kamay ko, feeling ko kumakapal ang palad ko tapos lumiliit ang mga daliri ko. Tinignan kong mabuti ang mga iyon, malabo ba mata ko o namamalik mata lang ako? Apat lang ang daliri ko tapos ang tutulis ng mga kukuko. Pag tingin ko sa likod ng palad ko ay di ko napigilang mapasigaw.
"WAAAAHHH!!!" sigaw habang napapaiyak.
"Ano na naman, Macy?" tanong ni kuya at saka ako nilingon. "A-ano yan?"
ELIJAH'S POV
"Kuya....." tawag niya sa akin habang umiiyak. Hindi ako makapanila kaya hindi ako agad nakaimik.
"Anong nangyayari sa kanya?" Lumapit ako sa prinsesa. Hindi niya ako pinansin, nilagpasan niya lang ako saka lumapit kay Macy.
"Ikaw! Oo tama. Ikaw na naman ba ang may gawa nito sa akin!?" galit na galit na namang tugon ng kapatid ko ng makalapit ang prinsesa. Oo nga, baka dahil napikon siya sa kapatid ko.
"I'm sorry but, Isn't it too childish. Alam ko na kayang mong gawin lahat pero wag mo naman sana gantihan ang kapatid kong ganito." Maayos na pakiusap ko sa kanya. Tinignan niya lang ako sandali. Siya pa ang galit ngayon?!
"Sobra ka na! Porket alam mong hindi kita magagantihan ng magic magic na yan gagawin mo sakin to!" galit na sigaw ng kapatid ko. Naawa ako sa itsura niya. Sobrang kapal ng mga balahibong nasa buong katawan niya. Nakashorts lang siya ang t-shirt kaya kitang-kita agad ang mga balahibo sa hita at braso niya, mayroon din sa mukha niya tapos nagiging matulis ang kanyang tenga. Normal naman na mediyo matulis ang tenga nila Generous at ng ibang mga taga-rito pero yung sa kapatid ko sobrang tulis at mahaba. Kulay brown ang mga balahibo parang sa oso.
"Did you do something?" Tanong ni Generous. Lalapit na sana ako kasi kapatid ko yon. Sana ako na lang yung ginantihan niya diba?
"Stay here." hinila ni lolo ang balikat ko kaya napahinto ako. Malakas siya sa normal na tao, nagulat nga ako kasi feeling ko binitbit niya ako paunta sa likod niya.
"Lo, what about Macy?"
Hindi na ako sinagot ni Lolo.
"What did you do?"
"Ano? Wala akong ginagawa. Ikaw ang may gawa nito!?"
Napahakbang ulit ako ng bigla niyang hawakan ng mahigpit ang braso ni Macy. Naunahan ako ni lolo at nahawakan niya sa balikat ang Prinsesa.
"How can I help you if you will not talk?"
"Calm down."
"My patience is not unlimited. I'm losing it." Makahulugan niyang sabi kay lolo habang nakatingin dito.
"Wala nga akong ginawa." sabay bawi niya sa kanyang braso. Umatras siya ng umatras ng may takot sa kanyang mga mata. Sa sobrang pag-atras niya sa gilid ay di ko inasahang titimbawang siya. "AAAHH!"
"Macy!" sigaw ko sabay takbo ko papunta sa gilid upang tanawin siya na dirediretsong nahuhulong pababa. Dinig na dinig ko parin ang boses niya.
May dumaan sa gilid ko, hndi o alam kung sino hanggang sa tumalon siya pababa.
"Come here, young man." tawag ni lolo. Paano si Macy?
Paikot ikot ako sa pwesto ko. Nakuha niya kaya si Macy?
Bakit ba sobrang kalmado lang ni lolo sa mga kababalaghang nangyayari? Samantalang ako, lalo na si Macy ay hindi naman sanay sa mga ganitong bagay.
"Are you okay?" tinignan ko ang kinausap ni lolo. Nasa himapapawid si Macy at ang Prinsesa. Ibinaba niya si Macy na bigla nalang napasalampak sa tulay na kinatatayuan namin, bakas parin ang takot niya dahil nanginginig pa siya. Nilapitan siya ni lolo at tingnan kung nasaktan ba o hindi.
"Macy, ano okay ka lang ba?" niyugyog ko siya para matauhan. Nakatulala lang siyang tumango.
"Look here." tawag atensiyon ni Generous. Napatingin kami lahat sa kanya. Tumayo ang lolo at namulsa. Inalalayan ko namang tumayo ang nangangatog ko pang kapatid. "We need to be at the palace before sunrise. Now, if anyone will be a burden..." Nilingon niya si Macy. "..... I'd rather go home alone. If you don't trust me....." Napalunok ako ng mapunta sa akin ang tingin niya. Ako? "......then I'll let you die here. I'm not going to save you like what I did just now."
Napayuko tuloy ako. Feeling ko tuloy hindi tama na pinagdudahan ko siya. Siya na nga 'tong tumulong.
"K-kung hindi ikaw, eh bakit ako nagkaganito?" Mautal-utal na tanong ni Macy habang nagtatago sa likuran ko.
"Just tell her whatever you did earlier." Pakiusap na sa kanya ni lolo. Lalong sumimangot ang kapatid ko at nagpapapadyak sa inis.
"Lolo, wala nga. Basta mula nang magising ako inaaway na niya ako. Binasa niya kaya ako ng tubig pagkatapos inaway niya ko tapos kinampihan niyo naman siya tapos naglakad lakad ako pagkatapos nauhaw ako at ininom ko yung tubig doon...." Itinuro niya ang waterfalls na pinagigitnaan ang kweba. "....ang tamis nga eh."
"You did what?"
"Ano ba uulitin ko nanaman?"
"'About the waterfalls."
"Uminom nga ako kasi nauhaw ako."
"Idiot." bulong ni Generous at problemadong problemadong sapo ang kanyang noo.
"Bakit? W-wag mo sabihing..."
"Yes, the water can turn you into a beast." walang kagatol-gatol at diretsong sagot ng prinsesa. "Let's go. Carry on because this place is not hundred percent safe."
"A-ano? Teka paano ako?"
"We'll figure it out later. Let's go."
"Kuya?" tinignan niya ako na para bang kailangan niya ng tulong. Hindi naman ako ang makakatulong sa kanya kaya wala rin naman akong magagawa.
"Elijah." Tawag ni lolo.
"Sumunod na lang tayo hmm?" sabi ko habang ginugulo ang buhok. Tumango na lang. Inakbayan ko siya para bumilis ang lakad niya at makasunod agad kami kila lolo.
Napakabilis maglakad ng dalawang iyon. Mabuti at nakakasabay si lolo sa bagsik ng lakad ng prinsesa. Pero kami ni Macy ay halatang napapagod na kakalakad. Hanggang sa makatawid kami sa kabila. Nawala ang tulay nang makatawid na kami. Kakapasok lang namin sa kakahuyan at hindi pa kami gaanong nakakalayo nang huminto sandali si Generous.
"We'll stay here for tonight."
Seryoso ba siya? Dito? Well, hindi naman ganun kadilim dahil nagliliwanag naman ang mga halaman sa paligid at maraming mga lumilipad lipad na umiilaw na maliliit na nilalang, hindi alitaptap ha, basta nilalang. Feeling ako si jake sa Avatar eh. Sobrang tahimik lang dito kaya hindi ako gaanong komportable. Parang anytime ay may hahablot na lang sayo bigla.
"Safe man lang ba dito?" Bulong ng kapatid ko. Mukhang sa sarili lang niya dapat iyon itatanong pero nangyaring narinig ko. Hinarap ko siya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. Tumingala naman siya akin dahil mas matangkad ako ng bahagya.
"Tignan mo si lolo." Inginuso ko si lolo na nakasandal sa isang puno at nakapamulsa. Nakatingin siya kay Generous na siya namang abala sa ginagawa, ikinukumpas nito ang kamay kaya yung mga sanga-sanga na nasa lupa na at mga baging ay gumagalaw. Nagkakaroon ng bakod ang paligid. Parang naglalagay niya ng harang kung hanggang saan lang kami pwedeng pumunta. "Hindi mo ba napapansin kung gaano kapanatag ang loob niya? Kung alam naman niyang mapapahamak tayo hindi naman niya tayo isasama rito diba?"
"Hindi, baka tinakot lang siya ng freak na yan eh."
"Nope. Lolo trusts her. I think we should trust her, she saved you. Right?"
"Basta hindi parin ako kumbinsidong mabuti siyang tao." umirap siya saka naghanap ng mauupuan. Napailing nalang ako sa katigasan ng ulo niya.
Naghalungkat ako sa backpack na dala ko at saka kumuha ng dalawang kumot doon. Nakita kong tumalon ng mataas si Generous, sa isang iglap ay nakaupo na siya sa unang sanga ng puno. Nakasandal siya don habang nakapikit. Nakaunat ang isang tuhod at ang isa pa ay nakatupi para patungan ng braso niya. Aaalukin ko sana siya ng kumot kaya lang nagdalawang isip ako. Inilatag ko nalang iyon sa ibaba ng mismong puno na kinauupuan niya at doon ko pinaupo si lolo.
Naglatag naman ako ng isa pang kumot sa katapat lang para sa amin ni Macy.
Napansin kong tumayo si lolo at saka umalis. Naupo nalang ako sa tabi ni Macy na nakahiga at nakaunana sa backpack niya. Tahimk lang kaming tatlo. Gabing gabi na at sobrang tahimik ng paligid, saan ba pupunta yun si lolo? Gusto ko sanang sumunod kaya lang baka pag iniwan ko itong kapatid ko ay kung ano nanaman ang lumabas sa bibig nito at awayin niya ang prinsesa. Baka hindi na talaga niya tulungan ang kapatid kong makabalik sa dati.
Mukhang tulog si Generous kaya minabuti kong tumahimik na lang din pero magkakalahating oras na yata ay hindi parin bumabalik si lolo. Iniisip ko sanang sundan pero hindi ko nga alam kung saan nagpunta. Nakatulog naman na itong mga kasama ko.
Napapapikit na ako sa sobrang antok ng makarinig ako ng mga kaluskos. Dahan dahan akong tumayo para hindi magising si Macy, saka ko sinundan ang ingay. Maingat kong inihahakbang ang mga paa ko hanggang sa marating ko ang pinanggagalingan ng mga kaluskos na iyon. Nakita ko si lolo na nakatalikod at nakaupo sa may ilog o batis? Tumataas baba ang balikat at nakayuko lang.
"Lo?" tawag ko sa kanya. Hindi muna ako lumapit para siguruhin na si lolo nga ang tinatawag ko.
Nagpunas siya ng mukha bag humarap sa akin.
"Mm?" Usal niya lang. Para bang hindi pa siya handang umimik pero napilitan dahil halatang garalgal pa ang boses niya.
"Okay ka lang ba?" Ewan ko pero parang pakiramdam ko ay kailangan kng itanong iyon kay lolo. Tumayo ako sa likuran niya at akmang uupo sana sa tabi niya.
"I'm alright. You're still awake, are you feeling unsafe?"
"Not really. Nag-aalala lang po ako kung saan kayo nagpunta."
Napalingon ako bigla sa likod ng makarinig ako ng mabilis na mga yabag ng tao. Kinabahan ako ng kaunti pero nakuha agad ni lolo ang atensiyon ko.
"I'll be back shortly. Go back and look after your sister."
"Okay." sinunod ko nalang siya. Nilingon ko pa siya bago tuluyang umalis. Napalingon lingon ako sa paligid, wala namang tao. Wala na rin ang mga yabag.
Pagbalik ko naman ay nadatnanan kong tulog si Macy at nasa taas parin ng puno si Generous.