“Hey… Ayan ka na naman sa pag-iisip mo. I was just joking you know,” untag ni Antonio sa kanya sabay hawak sa kamay niyang nakapatong sa may mesa. May himig pag-aalala ang tinig nito. “I know… may naalala lang ako,” malungkot na sabi ni Candice. “But anyway,” aniya sa pinasiglang tinig, “I will just looked around here para mawala ang mga iniisip ko.” “Well… I can tour you around kung gusto mo,” nakangiting saad naman ni Antonio. “Antonio, can we talked?” ang narinig nilang wika ng ma-awtoridad na tinig mula sa kanilang likuran. Sabay silang napabaling ni Antonio doon. Nakatayo sa gitna ng hardin si Sebastian habang ang mga mata nito ay nakatingin sa magkapatong nilang mga kamay ni Antonio. Bigla siyang kinabahan. Agad niyang binawi ang sariling palad sa pagkakahawak ni Antonio. Par

