Mabilis na dinaluhan ni Candice si Sebastian ng makita itong napapikit. “Are you alright? Sumasakit pa ba ang ulo mo?” ang nag-aalalang tanong niya dito kasabay ng pagdampi ng palad niya sa braso nito. Tila naman biglang napaso si Sebastian doon at kaagad na pinalis ang kamay niya. Nagtaka si Candice. Salubong ang mga kilay na tinitigan niya ito. “What’s wrong?” tanong niya. Kagabi lang eh ayaw nitong bitawan ang kamay niya, tapos ngayon para siyang may nakakahawang sakit kung ituring nito. Huminga ng malalim si Sebastian. “I’m fine,” ang maikling sagot nito at tumayo. “We’re going downstairs. Sumunod ka na lang para sabay-sabay na tayong makapag-agahan,” ang walang emosyong sabi pa nito pagkatapos ay kinarga na si Bella. Nagpupuyos ang kaloobang sinundan ni Candice ng masama

