JASMINE's P.O.V
Tumutugtog ang all time favorite band ni Rocel na Linkin Park sa phone nya habang nagkukwentuhan kami. Naka-indian sit sya sa dating kama ni Isay at ako naman ay nakaupo din sa aking kama habang kami ay humihigop ng malamig na milo at kumakain ng chichiryang tig pi-piso na pompoms.
"Ang sarap siguro sa pakiramdam na kahit wala ka na, patuloy ka parin mabubuhay sa pamamagitan ng mga kantang ginawa mo." Ani Rocel patungkol sa patay ng lead vocalist ng Linkin Park.
"Kapag patay na ako, wala na. Kasi wala naman akong mga kanta o obrang maiiwan dito sa mundo." Bigla ko nalang nasambit.
Binato ako ng pompoms ni Rocel sabay katok ng tatlong beses sa wooden bedside table na napapagitnaan ng dalawang kama.
"Gagi, ang morbid mo. Patay agad?! Eh hindi pa nga nagiging tayo!" At hinawi nya ang bangs nya.
"Ano yun?" Tanong ko, dahil hindi ko alam kung tama ba yung pagkakarinig ko sa huling sinabi nya.
"Sabi ko ang morbid mo! Patay agad?! Eh hindi pa nga tayo nakaka-gradweyt!" Ulit nya.
Bigla kong naalala si Isay, gustong-gusto nyang maka-graduate. Makakapag-aral kaya sya dun sa Cebu? Ita-trato kaya sya ng maayos nung Tita nya dun? Naaalala pa kaya niya kami ni Mama?
Ang dami kong mga tanong na mukhang hindi mabibigyang kasagutan pa.
"Pre, huy!"
"Ha?" Nagulat ako sa pagtawag ni Rocel, hawak nya yung pitchel ng Milo na ubos na.
"Tangina lutang ka nanaman! Sabi ko kung gusto mo ba ulit ng Milo para madami na titimplahin ko?" Ani Rocel.
"Ah, Oo sige." Sagot ko sakanya at lumabas na sya sa kwarto, saktong nakasalubong nya si Mama.
"Oh, feel at home ah. Madaming ice sa freezer." Ani Mama kay Rocel.
"Thanks Tita." Pakunwaring nahihiyang sagot ni Rocel.
"Ma, 'di mo na kailangan pagsabihan yan. Look, sinuot pati tsinelas at T-shirt ko haha!" Pambubuking ko.
"Namo ka." Mouthing ni Rocel sakin kaya lalo akong natawa.
Tumawa din si Mama pero batid ko parin sa mga mata nya ang lungkot na pinipilit nitong tinatago.
Pagbalik ni Rocel ay puno na ulit ng cold Milo ang pitchel.
"Hindi nga tayo malalasing sa pait ng alak, malalasing naman tayo sa tamis ng Milo." Wika ni Rocel na sinalinan ang baso naming dalawa na nakapatong sa bedside table.
Nagulat ako ng sa kama ko na sya umupo at tinabihan ako. Ipinatong nya ang ulo nya sa balikat ko habang kumakain sya ng pompoms. Dati na syang ganito sakin, pero ngayon parang biglang ang awkward ng dating. Siguro kasi mas nasanay akong si Isay ang gumagawa ng mga ganitong gestures sakin? Ah ewan!
"Bigat naman ng ulo mo pre." Ginalaw ko ang balikat ko kung saan sya nakahilig para alisin nya ulo nya.
"Syempre madaming laman 'to." Turo nya sa ulo nyang hindi parin natitinag na nakapatong sa balikat ko.
"Wow. Ano naman laman nyan?" Sabi ko matapos humigop ng milo.
Inalis nya din sa wakas ang ulo nya pero inilapit naman nya ang mukha nya sa mukha ko, dahilan para matigilan ako
"Gusto mo ba talaga malaman kung anong laman nito?" Tanong ni Rocel na sa ibang tono, yung way ng pagsasalita nya sa mga chix nya.
Napatitig ako sa labi nya at napalunok. Unti-unti na nyang nilalapit ang mukha nya sa mukha ko! Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko at pagbilis ng pintig ng puso ko sa hindi malamang dahilan.
Fvck! Napamura ako sa isip ko.
Tinulak ko sya. "Alam ko na l-laman nyan!" Medyo nabubulol kong sabi kay Rocel.
Natawa syang parang sira at humiga nalang sa tabi ko na unan ang hita ko. Ganito na naman kami dati pa pero bakit parang ang wirdo na ng dating sakin?
"Ano na? Akala ko ba you need someone to talk to? Lunod na ako sa Milo wala ka padin kinukwento dyan." Aniya.
Nawala ang kakaibang nararamdaman ko kay Rocel ng muling pumasok si Isay sa isip ko dahil sa sinabi nya. Bigla nalang akong napa-buntong hininga at lumingon sa kanan kung saan hindi makikita ni Rocel ang mukha ko kahit naka-unan sa hita ko.
"Ang dami ko lang kasing mga tanong pare." Panimula ko.
"Kung okay lang kaya siya dun? Kung kumakain ba siya ng tama. Kung naaalala pa kaya nya kami? Kung bakit ganun nalang nya kami kadaling. . ." Nabasag na ang tinig ko. "kadaling iniwan."
Nagbadya na ang mga luha sa mata ko kaya tumingala nalang ako para pigilan ang pagtulo nito.
"Fvck talaga oh! Kelan ba 'to mauubos!" Bulalas ko.
"Ang panahon lang ang nakakaalam nyan pre. Dadating din yung panahon na may papalit na iba dyan sa puso mo. Yung taong kahit magunaw man ang mundo, hinding hindi ka iiwan." Ani Rocel.
Lalo akong napahagulgol sa sinabi niya, dahil akala ko nuon si Isay ang taong kailanman ay hindi ako magagawang iwanan. Bumangon si Rocel sa pagkakahiga at inabutan ako ng pamunas sa luha ko.
"Salamat." Agad ko 'yung pinunas sa mata at pisngi ko ng may naamoy akong di kaaya-aya.
Pagmulat ko ay medyas pala ng loko ang ibinigay saking pamunas.
"ROCELYYYYN!" Sabay bato sakanya ng medyas nya. Tawa ng tawa naman ang loko dahil nakailag siya.
Tawanan.
Alas dos pasado na, patay na ang ilaw namin, tanging ilaw lang ng poste at buwan sa labas ang nagsisilbing liwanag namin sa kwarto. Nakahiga na kaming pareho, si Rocel sa kama ni Isay na sa palagay ko ay tulog na.
Kinuha ko ang phone ko at tiningnan na baka sakaling activated na ang sss ni Isay, pero wala padin.
Buntong hininga.
"Matulog ka na, di ka na mahal 'nun." Nagulat ako ng magsalita si Rocel.
"Gising ka pa pala?" Wika ko.
"Ay hinde, tulog ako." Sarkastiko nyang sabi na tumagilid paharap sa kama ko na nakapamewang pa.
"Sa tingin mo?" Tanong ko na tumagilid din ng higa paharap sakanya. Nagkusot ako ng mata na tila dinadalaw na ng antok.
"Ha?" Ani Rocel.
"Sa tingin mo, hindi na ako mahal ni Isay?" Pagkumpleto ko sa tanong sabay hikab.
Nagulat ako ng lumipat sa kama ko si Rocel.
"Sikip! Bumalik ka nga dun sa kama mo." Taboy ko sakanya.
"Ayoko nga." Ani Rocel na ang sarap na ng higa sa likod ko.
Humarap ako sakanya at nakita ang mukha nyang tinatamaan ng liwanag ng buwan.
Ngumiti siya at hinawi ang buhok ko sa mukha.
"Ang ganda mo pala sa malapitan." Ani Rocel sabay kagat ng labi.
Na-estatwa ako sa sinabi niyang iyon at halos malaglag ang puso ko.
Unti-unti syang lumapit hanggang sa ramdam ko na ang mainit nyang hininga sa labi ko. Ngayon ko lang sya napagmasdan ng ganito kalapit, ang mukha niyang maganda at pogi din.
"Mahal na kita, noon pa." Aniya.
Bago pa ako makasagot ay inangkin na nya ang labi ko.
Rocel. . .