ISAY's P.O.V
Magdadalawang araw na akong pagala-gala sa lansangan ng Maynila. Oo, hindi totoo na sumama ako sa Tita ko dahil wala na naman akong kamag-anak, kung meron man ay hindi nila ako kilala at hindi ko din sila kilala.
May nadaanan akong karinderia na lalong nagpakalam ng aking sikmura. Lumapit ako at sininghot nalang ang amoy ng mga ulam doon.
"Ate, pwede po bang maki-inom?" Sabi ko sa tindera at malugod naman nya akong binigyan ng baso.
Nilaklak ko ang tubig at nagpakabusog nalang dito.
"Salamat Ate." Nilapag ko na yung baso at muling naglakad sa mausok at magulong kalsada.
Masakit na ang aking mga paa sa matagal na paglalakad pero mas masakit padin ang puso kong nangungulila kay Sampaguita. Sa bawat simbahan na nadaraanan ko'y sya palagi ang pumapasok sa isip ko. Gustuhin ko man na ibaon sa limot ang lahat tulad ng gusto nya ay alam kong isang suntok yun sa buwan, dahil ang buong sistema ko ay sya lang ang nilalaman.
Nadapa ako, hindi magawa pang humakbang ng aking mga paa. At tila sinisingil na yata ako ng langit dahil bago pa man ako makatayo ulit ay bumuhos ang malakas na ulan. Nagtakbuhan ang mga tao para sumilong, nagsisakayan na sa jeep at kanya-kanyang bukas ng payong.
Ako? Naiwan akong mag-isa sa gitna ng kalsada. Malugod na tinatanggap ang gutom, masakit na katawan at lamig ng ulan upang mahugasan ang aking mga kasalanan.
Inabot na muli ako ng gabi sa lansangan. Kinaladkad ko ang mga paa ko hanggang sa may nasilungan din akong isang maliit na establisyimento na may nakapaskil.
"WANTED: WAITRESS
(Stay-in / With Pleasing Personality)
Please inquire inside."
Tila nagkaroon ako ng pag-asa kaya agad-agad akong naghanap ng public restroom para ayusin ang sarili ko.
Binalikan ko na ang lugar kung saan nangangailangan sila ng waitress. Duon ko lang natitigan ng maigi na isa pala itong beer house. Pero ano pa bang pagpipilian ko? Wala.
Isang hingang malalim at itinulak ko na ang pinto patungo sa bagong buhay na malayong-malayo na kay Sampaguita.
* * *
JASMINE's P.O.V
I can't believe that it's so easy for her to leave me just like that, na parang wala akong halaga sakanya. Its been three months since Isay left us but here I am, lumuluha parin sa tuwing naaalala ko sya.
Pinagtanong ko na sya sa mga schoolmates namin pero ni isa sa kanila ay walang nakakaalam kung saan ang address ng Tita ni Isay sa Cebu. Hindi na namin sya ma-contact ni Mama dahil nagdeactivate na sya sa f*******: at nagpalit nadin sya ng phone number. Tuluyan na talaga nya kaming inalis sa buhay nya.
Ramdam ko din ang labis na lungkot ni Mama simula ng umalis si Isay. Pinapakita nya sa akin na okay lang siya, na masasanay din daw kami na wala si Isay pero minsan naririnig ko sya sa kwarto nyang umiiyak.
"Hangad ko ang kaligayahan nyong mag-ina."
Naririnig ko sa utak ko ang boses nya sa sulat nyang iyon. Pero paano pa kami magiging maligaya kung wala na sya?
Paano Isay? Paano?!
"Dagat ka ba?" Putol ni Rocel sa pagmumuni-muni ko.
"Oo, kasi ang lalim ng iniisip ko! Nice, ang bago ng banat mo." Sabi ko sakanya.
Nasa rooftop kami, ang paboritong tambayan namin ni Rocel tuwing lunch break. Si Rocel ay kaklase kong lesbian din. Hindi sya short hair pero halatang-halata sakanyang kilos ang pagiging tibo. Sya lang sa mga kaibigan ko ang nakakaalam ng tungkol sa amin ni Isay.
"Eh bakit nga kasi nag e-emote ka nanaman dyan!" Ginulo ni Rocel ang buhok ko.
"No, I'm not." Tanggi ko na nakatitig lang sa bughaw na alapaap.
"Psh. Nooo, I'm not!" Panggagaya nya sakin sa baby talk na accent. "Tangina Pre, ako pa ba lolokohin mo? Alam mo kalimutan mo na yan si Isay!"
"That's easy for you to say Pare." Sabi ko.
"Kaya ayoko ng commitment eh. Magho-hold on ka tapos iiwan ka lang din pala." Ani Rocel.
"Kaya ikaw nalang ang nang-iiwan?" Tiningnan ko sya at nag alis naman sya ng tingin sakin.
Kilala sa campus namin si Rocel na player ng basketball sa womens varsity at player din ng mga puso. Wala syang sineseryosong babae pero lapit padin ng lapit ang mga babae sakanya. Siguro madami talagang mga taong gusto lang din makipaglokohan at ayaw ng seryosohan para hindi nalang masaktan? Ah ewan!
"Ako nang-iiwan?! Psh! Paano ako mang-iiwan kung never ko naman silang naging girlfriend? Haha!" Sarkastikong sagot ni Rocel.
"Hay pre, ewan ko sayo." Napailing nalang ako.
"Kung nang-iiwan ako, edi sana wala ako ngayon sa harapan mo." Aniya na parang biglang sumeryoso ang tono.
"Haha! Syempre hindi mo naman ako babae. Tara na nga!" Sabi ko at bumalik na kami sa klase.
Uwian.
Ngayon nalang ulit kami nagkasabay na maglakad pauwi nitong si Rocel, kasi ng maging kami ni Isay ay nahihiya na syang sumabay sa amin pauwi.
"You know what pre na-miss ko 'to." Wika ko kay Rocel at ngumiti ako ng bahagya.
"Alin? Itong pag-uwi natin ng sabay o ako?" Kumindat pa sya.
"Eww~ Kilabutan ka nga." Sabay tulak ng pabiro sa braso nya.
Tawanan.
Hindi ko akalain na pinaikot ko ang mundo ko kay Isay noong maging kami at nakalimutan ko ang mga kaibigan kong katulad ni Rocel.
*beep
Tiningnan ni Rocel ang phone nya.
"Uyy, si Hunter nagtext. Nag aayang. . ." Hindi na nya natapos pa ang sasabihin nya.
"Uminom?" Sabi ko.
"Haha, alam mo naman yun. Ginagawang tubig ang alak." Ani Rocel.
"Pupunta ka ba?" Tanong ko sakanya.
"Hindi, kung pipigilin mo ako?" Pa-cute na sabi ni Rocel.
Alam na alam ni Rocel na ayaw ko sa alak at ayaw kong umiinom sya pero minsan hindi ko sya mapigil kaya nakakapanibago na sya na ang nagpapapigil ngayon.
"Hah. Are you serious Rocelyn?" Wika ko.
"Tangina naman neto oh, alam na ngang ang baho ng pangalan ko binuo pa! 'Yaw ko na nga! Makikipag-inuman nalang ako kina Hunter!" Kunwaring tumalikod at lalakad na palayo.
Natawa ako sa arte nya kasi halatang nagbibiro lang sya. Biglang balik sya nung makita nyang 'di ko sya pipigilan.
"Tangina di manlang ako sinundan!" Aniya na nakabalik na sa tabi ko.
"Haha! Bakit chix ka ba? Si Isay ka ba para sundan ko?" Biro ko sakanya.
"Awts. . ." Umarte syang masakit ang puso.
"Geh na, go text Hunter na you can't come." Sabi ko.
"Yun oh! Na-miss ko talaga yang ginaganyan mo ako eh." Aniya habang nagta-type na ng reply kay Hunter.
"Roz." Tinawag ko sya.
"Hm?" Aniya.
"Pwede bang mag sleepover ka samin tonight? Sabado naman bukas eh. I just need someone to talk to." Pakiusap ko sakanya.
She smile at me and tap my shoulder. "Tangina pre, syempre naman. Ikaw pa ba!"
Sa bahay.
"Good Evening po." Magalang na pagbati ni Rocel kay Mama.
"Wow ang bait, parang totoo ah." Sabi ko.
"Totoo! Nang beri beri light." Sagot ni Rocel.
Natawa naman si Mama. Kilala na nya si Rocel pero ngayon lang ulit nya ito nakita. Sanay na si Mama na nag i-sleepover dito si Rocel. Dati pa nga akala ni Mama na kami dahil sa sobrang close talaga namin.
"Sya sige na't pumasok na kayo. Puro kayo kalokohan." Ani Mama.
Nakasunod sakin si Rocel ng marinig kong may sinabi sakanya si Mama.
"Rocel iha, Salamat."
"Po?" Ani Rocel.
Nilingon ko sila. "Tara na." At pumasok na kami ng kwarto.