HINDI nagawang pigilan ni Hiraya ang sarili na maiyak nang marinig ang tunog ng dalawang heartbeat sa tiyan ni Sam. Nang malaman niya noon na may anak na siyang fourteen years old. Hindi siya makapaniwala noong una. Hindi niya lubos maisip kung paano siya nakabuo ng isang bata. Now that he’s looking at the ultrasound monitor and hearing their heartbeats. It feels so surreal to have two lives growing inside her from him. Nagkatinginan silang dalawa ni Hari. Umakbay siya sa anak at hinapit ito palapit sa kanya. Gaya niya ay excited na rin ito sa mga magiging kapatid nito. “There are your babies,” masayang sabi ng doctor. Emosyonal na nagkatinginan sila ni Sam. Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan sa likod. “Doc, kumusta naman po ‘yong babies?” tanong pa niya. “You don’t have to

