Chapter 23

1817 Words
“ANAK, Mom and I will be home a bit late. Go and eat your dinner, okay?” bilin ni Hiraya sa anak. “Okay po, ‘Dy.” “Ayos ka lang ba diyan?” “Opo. Maglalaro lang ako ng console mamaya.” “Wow, the new one?” “Yup.” “Great. Give me your feedback later,” sabi pa ni Hiraya. “’Dy, sigurado naman ako na maganda ‘to. Ikaw gumawa nito eh,” pagmamalaking sagot ng anak. Bahagya siyang sumulyap kay Sam saka proud na ngumisi. Natatawa habang napapailing na lang ito sa kanya. “That’s my boy. But don’t play too much, baka katayin ako ng Mommy mo.” “Opo.” “Anak, tawag ka lang kung may kailangan ka,” sabad ni Sam. “Yes, ‘My.” Matapos kausapin ay agad pinindot ni Sam ang end call button at hinawakan ang phone niya. “Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong pa nito. “Basta, surprise nga eh.” Tahimik ulit na nagmamaneho si Hiraya nang biglang may maalala. “Love, curious lang, have you ever thought of opening an investigation about the case of your dad?” “What do you mean?” “Ibig kong sabihin, pa-imbestigahan natin ang nangyari noon. I had a talk with Dad this morning, somehow, napunta sa family n’yo ang usapan namin. Noon pa man daw ay nagtataka na siya kung paano naubos nang ganoon ang pera n’yo. I mean, he’s close with your dad and he knows how your dad handles money. Dahil kung hindi siya responsable, hindi lalaki ng ganoon ang RJ Shipping Lines. And he also thinks the gambling scandal about him is exaggerated. Kinuwento rin ni Dad na minsan na silang nag-casino na magkasama at responsable daw siya at hindi lagi all in. He feels like someone just made up that story to kick him out of the company.” Sumulyap siya dito nang mabilis itong pumihit paharap sa kanya. “Talaga? Sinabi ni Dad ‘yon?” “Oo. If you want it investigated, tutulungan ka daw niya. Gagamit siya ng koneksiyon para malaman ang totoo. Matagal na daw niya dapat io-open sa’yo ang tungkol doon pero bigla ka na daw nawala noon.” Narinig niya itong huminga ng malalim. “Sige. Kung puwede naman pala imbestigahan. Isa sa pangarap ko noon pa mula ng nangyari iyon ay ang malinis ang pangalan ng pamilya namin. Kahit huwag na lang ang pera, nasanay na ako sa wala basta ang importante makaraos. I just want to bring back the lost dignity of my father.” Kinuha niya ang kamay nito sabay halik sa likod niyon. “Don’t worry, sasabihin ko kay daddy.” “Ako na ang tatawag sa kanya bukas para magpasalamat na rin.” “Sure.” Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa destinasyon nila. Sa Hotel Santillan. “Ano bang ginagawa natin dito?” nagtatakang tanong nito. Nang maiparada ang kotse sa harap ng entrance lobby ay pilyo siyang ngumisi. “Magsho-short time,” biro niya. Inambaan siya ng suntok kaya agad siyang umatras sabay harang ng dalawang kamay. “Joke lang!” tumatawang pang sabi niya. “Hindi nga?” “Hindi, basta. Nasa taas ang surprise ko sa’yo.” Pagbaba ay binigay na niya sa valet driver ang susi ng kotse niya. “Good evening, Sir Hiraya.” Ngumiti siya dito at tinapik pa ito sa balikat. Magkahawak kamay silang pumasok sa loob hanggang makarating sa pina-reserba niyang maliit na function room. Bago buksan ang pinto ay narinig na nila mula doon sa labas ang maraming boses na nag-uusap. “Are you ready?” tanong pa niya dito. Nagtataka man pero tumango na rin ito. “Don’t come in yet until I say so.” “Okay.” Pagbukas niya ng pinto ay halos sabay-sabay naglingunan sa kanya ang mga nasa loob. Ang mga naroon ay ang kumpleto barkada nila noong college. “Hiraya! Finally, dumating ka na! Ikaw na lang ang kulang,” sabi pa ni Naomi, ang isa sa college friend at batchmate niya. Naroon na rin sa loob si Alvin, Michael at Himig na pawang alam ang kanyang plano. “Nope. Bukod sa akin may kulang pa sa atin,” sagot niya. Nagkunutan ang noo sa pagtataka ang mga ito at nagtinginan. Doon niya hinila ang kamay ni Sam. Gulat na gulat na napalingon ito sa kanya. Habang ang mga kaibigan naman nila ay nagtinginan din sa gulat. Wala halos nakapag-react sa mga ito sa sobrang shocked. “Love!” she exclaimed. He looked at her and smiled. “They missed you. Mahigpit nilang bilin sa akin na kapag nagkita tayo ulit ay sabihin ko sa kanila.” “Samantha?” hindi makapaniwalang sabi ng mga ito. Emosyonal na humarap si Sam sa mga kaibigan nila. “Hi guys,” bati nito. Doon pa lang nagsigawan ang mga ito sa tuwa at tumakbo palapit saka sinugod ng mahigpit na yakap si Sam. Ang huling lumapit ay ang bestfriend ni Sam noong college na si Naomi na umiiyak ng husto. “Nakakainis ka! Saan ka ba nagpuntang babae ka?! Bigla ka na lang nawala” emosyonal at may halong pagtatampong tanong nito. “Sorry na!” parang bata na sagot ni Sam habang umiiyak din. Matapos iyon ay mahigpit na nagyakap ang dalawa ng matagal. “Huy, tama na ‘yan nakakahawa na kayong dalawa,” saway ng isa pa sa kaibigan nilang babae. “Guys, tara na, let’s eat!” yaya na sa kanila ni Himig. “WHAT?!” gulat na gulat at sabay-sabay na reaksiyon ng mga ito matapos niyang ihayag ang tungkol kay Hari. “Your kidding?” “I’m not,” natatawang sagot ni Sam. “You have a fourteen-year-old son and Aya is the dad?!” ulit pa ni Naomi sa sinabi niya. “Uy ah, disclaimer, she didn’t tell me about it. Nalaman ko lang din weeks after we meet again,” sabad ni Hiraya. “Teka, paano… paano nangyari ‘yon?” tanong pa ng isa nilang tropa. “Anong paano nangyari? Paano nangyari nabuo ang bata? Gusto mo kuwento ko?” pabirong sabad ni Alvin. “Gago! Apakababoy mo!” Nagtawanan silang magkakaibigan. Habang patuloy na kumakain ng dinner ay salitan sila ni Hiraya na ikuwento ang nangyari sa kanya sa nakalipas na labinlimang taon na nawala siya. Marami sa mga ito ang hindi makapaniwala. “It’s hard to even think about it, Sam.” “I know, but it’s something that I cannot control. Things happen, ang importante naka-survive kami.” “Gusto kong makita ang anak n’yo,” sabi pa ni Naomi. Kinuha ni Hiraya ang phone at pinakita ang wallpaper nito. Walang iba kung hindi ang family picture nila. “Jusko, Aya! Ang lakas ng kamandag mo! Wala man lang tinira kay Sam,” biro pa ng mga ito. “Siyempre, Santillan eh!” sagot nito sabay high-five sa kakambal. “Pero teka, paano ang custody ng anak n’yo?” tanong ulit ni Naomi. Napakunot noo siya pagkatapos ay natawa silang dalawa ni Hiraya maging si Himig, Alvin at Michael. “Ano bang custody? Eh nagkabalikan ‘yang dalawa,” sabi ni Michael. Natigilan ang mga ito at tila pinroseso pa ng utak ang sinabi nito. “Wait… you… you got back together? Really?” They looked at each other and smiled. Pagkatapos ay tinaas ni Hiraya ang kamay niya. “We’re getting married soon.” Tinapik ni Naomi ang mesa habang nagpulasan ang mga kaibigan nila. “Sabi na eh!” “Sabi sa inyo, na-fake news tayo nitong dalawa na ‘to noon! Nagka-developan ‘to ayaw lang umamin!” Nagtawanan sila sa naging reaksyon ng mga ito. “Hey, we didn’t know, okay? Kailan ko lang din nalaman na minahal niya ako, and ganoon din ako, kailan ko lang sinabi,” paglilinaw ni Sam. “So, all these years? Grabe kayo…” “But that’s the beauty of what happened, right? Kaya noong magkita kami ulit. Hindi ko na pinakawalan,” sabi pa ni Hiraya. Naomi sighed and smiled at them. “At least, sa haba ng taon at sa dami ng mga nangyari, at the end of the day, kayo pa rin at happy kayo.” “Thank you. I’m happy to see you all again. Ang totoo, hindi ko rin alam na kayo ang pupuntahan namin. Hindi sinabi sa akin ni Hiraya, gaya n’yo na-surprise din ako. At sorry kung matagal akong nawala nang walang pasabi.” “You’re forgiven. Ngayon nakita ka namin na maayos ang kalagayan,” nakangiting sagot ni Naomi. “HARI?” tawag ni Sam sa anak pag-akyat nila ng second floor. Mayamaya ay bumukas ang pinto ng kuwarto nito. Agad lumapit sa kanila ang anak saka nagmano at humalik sa pisngi. Pasado alas-diyes nan ang makauwi sila galing sa dinner kasama ang kanilang mga college friends. “Kumain ka na ng dinner?” tanong ni Hiraya. “Opo, kanina pagkatapos natin mag-usap. Kasabay ko po sila Nanay,” sagot nito. “Pasensya na anak, ginabi kami. Ang tagal namin hindi nagkita ng mga friends namin. Hinahanap ka nga nila, gusto ka nilang makilala.” Ngumiti ito. “Eh di sa susunod po sasama ako.” “Oh, pasalubong namin kapag nagutom ka,” sabi pa ni Hiraya sabay abot ng paper bag na may laman burger at fries. “Wow, thank you po!” masayang bulalas nito. “Sige na, doon ka na sa kuwarto mo. Huwag kang matutulog ng busog ah,” pahabol na bilin pa ni Sam sa anak. Matapos iyon ay pumasok na sila sa loob ng kuwarto. Agad binaba ni Sam ang mga gamit at naghubad ng sapatos. Pagkatapos ay sunod naman niyang hinubad at ang suot na pang-itaas. Nasa walk-in closet na siya nang bigla siyang yakapin ni Hiraya. “Happy?” nakangiting tanong nito. “Super,” sagot niya. “Thank you so much, love. Sobrang saya ko na nakita ko ulit sila. Aaminin ko, hindi sumagi sa isip ko na makipagkita sa kanila. It’s not that I forgot about them, maybe it’s not my priority right now. Lagi mo na lang akong sinosorpresa. Lagi mong naiisip ang mga dapat kong gawin in advance. Minsan nagugulat na lang ako dahil nakapagplano ka na.” Hinalikan siya nito sa noo. “Siyempre, dahil gusto ko lagi kitang nakikitang masaya. Ngayon nandito na ako, gusto ko na makapag-relax ka at wala nang iisipin. Panahon na para ikaw naman ang alagaan at ako naman ang gumabay kay Hari. Tapos na ang parte ng buhay mo na puro hirap at lungkot ang kasama mo.” Huminga siya ng malalim sabay yakap ng mahigpit sa nobyo. “What did I ever do to deserve a man like you?” Isang marahan tawa ang narinig lang niya dito pagkatapos ay gumanti ng yakap na mas mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD