Chapter 25

2216 Words
HINDI mawala ang pag-aalala ni Hiraya para kay Sam. Nagising na ito kanina pero kinailangan itong bigyan ng pampakalma hanggang sa tuluyan makatulog ulit matapos magkamalay at naghihisterikal rin ito. Habang paulit-ulit na sinasabi na ‘nariyan siya… may kukuha sa kanya’. Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa rin nakakaalam sa totoong nangyari kay Sam. Nang mawalan ito ng malay ay agad niyang sinugod ito sa pinakamalapit na hospital kung saan din nagtatrabaho bilang Doctor ang bayaw na si Carlo na asawa ni Yumi. Ayon mismo kay Carlo na tumingin kay Sam. Wala naman daw itong senyales na may sakit ito sa puso. Ang hinala nito ay panic attack ang nangyari kay Sam. “Wala ba siyang nababanggit sa’yo na nangyari noon sa kanya?” tanong pa ni Carlo. Nag-isip nang mabuti si Hiraya. Hanggang sa maalala niya ang mga peklat sa likod nito. “Carlo, tulungan mo akong itagilid siya,” sabi pa ni Hiraya. Pinagtulungan nilang itagilid ito saka inangat ang damit nitong suot. Tumambad sa kanila ang ilang peklat nito doon. He remembers asking her about it few months ago. Pero ang sinagot lang noon ni Sam ay hindi pa handa itong sabihin sa kanya ang totoo. “Wait, I’ll call another doctor, para masiguro ko na tama ang hinala ko,” sabi pa nito saka saglit na lumabas ng silid. Nang mga sandaling iyon ay siya lang ang naroon sa hospital room. Bukod kay Carlo ay wala pang nakakaalam nang nangyari kay Sam. Saglit lang siyang naghintay nang bumalik si Carlo at kasama ang isa pang doctor. Muli nilang pinakita dito ang likod ni Sam. Matapos nitong masusing tignan iyon. “It’s a sign of physical trauma,” sabi nito. Natulala siya at napatayo. “I knew it,” wika ni Carlo. “Physical trauma? Are you sure?” hindi makapaniwalang tanong niya. “This marks is probably around two to three years old,” sabi pa nito. “You really mean she went through physical abuse?” “After she showed symptoms of panic attack, and now this? It’s confirmed she’s going through an anxiety disorder, or maybe a lot worst, maybe post traumatic stress disorder, depende sa magiging resulta kapag na-examine na siya ng husto,” sagot ng doctor. “Wala bang nababanggit sa’yo si Sam na nangyari sa kanya noon?” tanong pa ni Carlo. Umiling siya. “Wala pa. But I once asked her about those marks on her back. Ang sabi lang niya hindi pa siya handang sabihin sa akin.” Bumuntong-hininga ang doctor. “Sa ngayon ang kailangan muna natin gawin ay hintayin siyang magising at kumalma.” “Puwede ko ba siyang tanungin sa nangyari?” “Yeah, you can do that. Pero kapag ayaw pa niyang magsalita, hayaan na muna natin siya. It can affect or trigger her more if we forced her to speak. Kailangan magkaroon siyang willingness na sabihin ang totoong nangyari. But continue to encourage in a way that she will not feel that you’re forcing her.” Tumango-tango siya. “Thank you, Doc.” Nang umalis ito at maiwan sila ni Carlo ay tinapik siya nito sa balikat. “Everything will be okay, pare.” “Salamat.” “Kapag nagising na siya at kalmado na, puwede mo na siyang ilabas.” “Okay.” Nang tuluyan silang maiwan doon sa kuwarto ay kinuha niya ang kamay nito at mahigpit iyon hinawakan. “Just what on earth happened to you in the past?” puno ng pag-aalalang tanong niya. Mayamaya ay binitiwan niya ito at lumabas ng silid pagkatapos ay may dinaial na numero. “Hello, Ikah.” “Oh, Kuya. Napatawag ka.” “Sorry sa abala, pero may kilala ka bang magaling na private investigator?” “Oo naman. Para saan?” tanong nito. “Refer me to one, I want to know what happened to Sam during the last three years.” “Ha? Bakit naman?” “I’ll explain to you later. Just first, connect me to one.” “S-Sige, akong bahala.” “HOW do you feel now?” tanong ni Hiraya sa kanya matapos siyang alalayan sa paghiga sa kama nila. “I’m okay now,” nakangiti ngunit nanghihina pa rin sagot niya. Naupo si Hiraya sa gilid ng kama at maingat na hinaplos ang gilid ng kanyang labi. Hanggang ngayon ay medyo masakit pa rin iyon. “Puwede mo na bang sabihin sa akin ang nangyari kanina?” tanong nito. Sinubukan niyang ibuka ang bibig. Gusto na niyang sabihin ang tungkol kay Jason at ang mga ginawa nito sa kanilang mag-ina. Pero ayaw lumabas ng mga salita sa kanyang bibig, isipin pa lang Sam ang nakaraan ay parang kakapusin na siya ng hininga. “Gusto kong i-kuwento sa’yo. Gustong-gusto kong sabihin sa’yo ang totoo, kahit na hindi ko alam kung matatanggap mo pa ako pagkatapos mo malaman ang lahat. Pero hindi ko pa kaya, dahil sinisimulan ko pa lang siyang isipin o balikan, inaatake na ako ng sobrang takot. Pakiramdam ko nandiyan lang siya sa paligid ko. Handa akong kunin,” lumuluhang sagot niya. Marahas na bumuntong-hininga si Hiraya at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. She can see the frustration in his eyes. “Then, just answer my questions with a yes and no, is that okay?” tanong nito. Marahan siyang tumango. “Did someone come and tried to kidnap you?” Tumango si Sam. “Iyong mga marka sa likod mo, mayroon bang nanakit sa’yo noon?” Lalong naging emosyonal ito at tumango ulit. “Is it your ex?” tanong pa ulit ni Hiraya. Huminga siya ng malalim. “Not exactly.” “God,” he sighed harshly, then pull her closer and tightly wrapped her in his arms. “Calm down. Shhh… I will not let anyone take you away from me. As long as I’m here.” Umiyak ito sa mga bisig niya. “I just want you to know that I’m always ready to listen to you. Handa akong intindihin ka. Hindi mo kailangan matakot na sabihin sa akin ang totoo. Kung may kakampi ka dito, ako ‘yon. Kaming dalawa ng anak natin. When you feel comfortable enough, you can tell me anytime, okay?” Tumango si Sam habang patuloy pa rin sa pag-iyak. “I’m sorry for giving you this kind of trouble. I’m sorry for not being able to speak about it. Huwag mong sasabihin kay Hari ang tungkol dito at siguraduhin mo na ligtas siya palagi.” “Shhh… it’s okay. I’ll take care of everything.” HINDI na siya pinapasok pa ni Hiraya kinabukasan. Pasalamat na rin siya at weekend na ng mga sumunod na araw. Nagkaroon siya ng pagkakataon para manatili lang sa bahay at nakapagpahinga. Hindi rin umalis si Hiraya buong weekend. They all stayed in the house and had some family time. Nakita ni Sam ang effort ng nobyo para bumalik ang sigla niya. Nag-swimming silang mag-anak. Tinuruan siya ng kanyang mag-ama na gamitin ang game console. For the first in a while ay nakapagluto siya ulit at natuwa dahil nasarapan ang dalawa sa niluto niya. Hindi lang iyon, nag-bake din siya ng paboritong blueberry cheesecake ni Hiraya, salamat sa tulong ni Yumi. Ngayon. Unang araw ng linggo. Balik trabaho na si Sam. Mahigpit siyang pinagbawalan ni Hiraya na lumabas ng building nang nag-iisa. Kailangan ay may kasama siya o kaya ay ito mismo ang kasama niyang lalabas. Pagpasok kaninang umaga ay agad siyang kinumusta ng mga kaibigan. Kinuwento niya ang lahat pati ang naging pag-uusap nila ni Hiraya. Nagpahayag ang mga ito ng pag-aalala, kasabay niyon ay masaya rin ang mga kaibigan dahil ligtas siya. Dahil sa nangyari ay inabala ni Sam ang sarili sa trabaho. Ang mga trabaho niyang naiwan noong Huwebes ay agad niyang tinapos. Nasa gitna siya ng ginagawa nang biglang bumukas ang pribadong opisina niya. “Hello, Miss Manager? Can I ask you out for lunch?” Napangiti si Sam sabay angat ng tingin. Bumungad sa kanya ang nakasilip na ulo ni Hiraya. “Is my boss flirting with me?” pabirong tanong niya. Tuluyan itong pumasok at naupo sa bandang gilid ng mesa niya sa kanyang harapan. “Puwede ka bang landiin dito?” Natawa siya. “Nope. Transparent ang walls, baka magkalat tayo dito,” sagot niya. Umurong ito at mas lumapit pa sa kanya kaya halos nasa tapat na niya mismo saka tumungo. “Maybe I can kiss you, right? After all, this is my company. I will kiss my wife wherever at whenever I want.” She bit her lower lip and accept his kiss. Marahan siyang tumugon at binigyan din ito ng masuyong halik. “Nauna ang dessert,” sabi pa nito nang lumayo sa kanya. Marahan siyang natawa. “Where are we going to eat?” tanong niya. “Doon na lang sa pantry sa taas, para may privacy.” “You should’ve just called me, nagpagod ka pa sa pagbaba dito.” “Tinatawagan kaya kita pero hindi mo sinasagot. Nag-alala ako kaya bumaba na ako.” Agad niyang kinuha ang phone na nasa gilid lang niya. Sa dami ng kanyang ginagawa ay hindi na niya napansin iyon. Pagbukas ng phone ay saka niya lang napansin na naka-silent mode iyon. “Sorry, naka-silent pala,” aniya. “That’s okay. Let’s go,” yaya sa kanya ni Hiraya. “Five minutes, matatapos na ako sa ginagawa ko para wala akong pending,” hiling niya. “Okay.” Matapos i-save ay binaba niya ang screen ng laptop bago kinuha ang phone at wallet saka sila sabay na lumabas ng office. Sam has become a lot calmer now. Matapos ang pagkukrus ng landas nilang dalawa ni Jason ay hindi na nasundan pa iyon, at nawa’y hindi na sila magkita pa. “DAD, ingatan mo ‘tong anak ko ha?” bilin pa ni Hiraya sa ama bago umalis ito pabalik ng Zambales kasama si Hari. “Itong batang ‘to, huwag mong alalahanin ang anak mo! Kayo nga magkakapatid pito kayo pero napalaki ko kayo maayos eh. Ito pang apo ko,” sagot ni Don Armando. “Naku dad, ‘wag mo nang pansinin ‘to. Mamimiss lang n’yan si Hari, first time nilang magkakalayo ng ilang araw eh,” natatawang sagot niya. “Bye ‘My. Bye ‘Dy,” paalam ni Hari sa kanila saka humalik pa sa pisngi nila. “Bye, have fun! Huwag masyadong pasaway kay Lolo ha?” bilin pa niya. “Opo.” “Bye, ‘nak. Pare, ingat sa pagmamaneho ha?” sabi pa ni Hiraya sabay baling sa driver ng ama. “Yes Boss.” Umakbay sa kanya si Hiraya habang tinatanaw nilang palayo ang kotse. Nang tuluyan na iyon makalabas ng bakuran ay sabay silang pumasok ng bahay. It’s a long weekend. Thursday pa lang ay wala na silang pasok sa opisina gayundin si Hari sa school. Kaya naman sinama ito ng Lolo nit ossa Zambales, pumayag na rin sila para makapag-bonding naman ang dalawa. “Kumusta ‘yong details sa kasal natin?” tanong pa ni Hiraya. “Nakausap ko na si Lia, konti na lang ang kulang. Iyong final fitting na lang ng gown ko saka mga abay pati na rin ang suit mo.” “Konting panahon na lang, magiging opisyal ka nang Mrs. Santillan.” “I can’t wait,” sagot niya. Bigla itong huminto sa paglalakad sa gitna mismo ng sala pagkatapos ay lumingon sa paligid. “Wala ka bang napapansin?” tanong pa nito. Kumunot ang noo niya saka lumingon din. “Ah, bukod sa tahimik wala na.” “Exactly! Tahimik! Ibig sabihin walang tao. Tayo lang dahil nagsiuwian sa kanila ang mga kasama natin sa bahay pati si Manang,” sagot nito. “Oo nga, eh ano ngayon?” Pilyo itong ngumisi. “Ibig sabihin solo natin ang bahay.” Humagalpak siya ng tawa nang makuha ang ibig nitong sabihin. Pagkatapos ay biglang napatili ng malakas si Sam nang buhatin siya nito at isampay sa balikat na para bang sako siya ng bigas. “Hiraya, ibaba mo ako! Baka mahulog tayo!” natatawang saway niya. “Huwag kang magulo, mahuhulog nga tayo kapag naglikot ka diyan!” Dinala siya nito sa na-renovate nang master’s bedroom at ngayon ay opisyal na nilang silid pagkatapos ay binagsak sa ibabaw ng kama. Parehong humihingal na tumitig sila sa isa’t isa. “You’re all mine until Saturday. Walang kasambahay. Walang Hari. Just you and me,” sabi pa nito pagkatapos ay kinubabawan siya. “Gagawa na tayo ng kapatid ni Hari.” Yumakap siya sa leeg nito at hinaplos ito sa pisngi. “Ready ka na?” tanong pa niya. “Yes, I’m excited. Gusto ko nang makita kang buntis, maalagaan ka. Gusto ko na nasa tabi mo ako kapag nanganak ka. Lahat ng mga hindi ko nagawa para kay Hari noon. Gusto kong maranasan ngayon. I want to experience the feeling of what it’s like if your wife is pregnant.” She smiled at him. “Anong gusto mong baby? Girl? Or you want another boy?” tanong niya. “I want a girl this time, and I want her to look like her mom. Beautiful and smart,” sagot nito. Sam pulls his head closer and gave him a passionate kiss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD