UNA

515 Words
SA AKING PILING Umupo ako sa puting buhangin habang ang mga paa ko ay kinikiliti ng malambing na hampas ng alon ng dagat. Dinantay ko ang mga kamay ko sa buhangin, sa likuran ko habang tinatanaw kung paano halikan ng araw ang hangganan ng dagat. Umukit sa labi ko ang ngiting may ginhawa at nilasap ang hanging may bitbit na lamig. Sana n'andito ka. "N'andito na ako." Ipinulupot mo ang mga braso mo sa leeg ko at idinikit ang mainit mong pisngi sa kanang pisngi ko. Hindi ko maiwasang matawa kaya napatingin ka sa akin habang ang mga mata mong kakulay ng kape ay napuno ng pagtataka. Ang mga matang iyon ang dahilan kung bakit nahulog ako sa'yo na higit pa sa inakala ko. "Anong problema mo?" Inis na tanong mo sa akin at umarko ang kanang kilay mo. "Ayaw mo ata akong makita---" Hinawakan ko ang mga kamay mong nagsisilbing lock sa yakap mo, "Sobrang saya ko." Humarap ako sa'yo ga'yon din ang pagbitaw mo sa yakap mo. Bakas ang pagkatulala sa mga mata mo kaya napangiti ako. Ngiting galing sa puso ko. "Bakit ngayon lang ako natuto? Bakit hindi pa noon? Puro rejection ang natanggap mo sa akin noon pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin napapagod." Bigla na lamang kumawala ang butil ng luha sa mata ko pero sinalo mo iyon gamit ang hinlalaki mo, "Kung noon pa man inappreciate ko na ang lahat ng efforts at sakripisyo mo, e 'di sana matagal na tayong magkasama, mas lubos kitang naiintindihan, nabigyan pa kita ng madaming oras para makasama ka ng matagal." Hinawakan mo ang pisngi ko at hinaplos ko ang kamay mo. Kahit na nanghihina at namumutla, ramdam ko pa rin ang init ng pagmamahal mo. Bakit kasi namimili pa ako noon kung mayroon namang nakahanda? " 'Di ba nga ang sabi ko sa'yo? Lalaban ako. Hindi lang para sa akin, para sa ating dalawa." Nakangiti mong paalala sa akin, "Makakapaghintay ka pa ba kahit mabilis na tumatakbo ang oras?" Mabilis akong tumango at tila gripong rumaragasa sa magkabila kong pisngi ang luha ko. Tila hinahati ang puso ko at nawawalan na ako ng lakas. Masakit. Sobrang sakit pero maghihintay ako kahit sobrang tagal pa. "Mamahalin mo pa rin ba ako kahit napag iwanan na ako ng lahat?" Panibagong tanong na nagpasubok sa akin na kaharapin ang tingin mong naghihintay. "Gaano man kahirap ang hahamukin ko, ikaw at ikaw pa rin. Kahit madaming taon na ang lumipas, ikaw lang ang tinitibok ng puso ko." Sagot ko sa pagitan ng paghikbi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod mong ginawa. Natikman ko ang tamis ng labi mo sa malambing na paraan. Muli mong ginising ang puso ko. Muli mong ipinaramdam sa akin ang tunay mong pagmamahal. "Hindi mo kailangang umiyak. Lalaban ako dahil naniniwala ka sa akin. Lalaban ako kahit mahirap ang pagdadaanan ko. Lalaban ako dahil kailangan kong umuwi, diyan sa puso mo." Tumigil nga sa pag iyak ang mga mata ko pero ngayon, puso ko naman ang umiiyak. Umiiyak dahil sa saya, dahil alam kong babalikan mo pa ako. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa maganda mong mukha at iginawad ang labi ko sa malambot mong labi. Muli nating pinagsaluhan ang halik na nagmamarka kung ano nga ba tayo. Mahal kita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD