PANIBAGONG LANDAS
DIREK KYLER
Sumilay na sa labi ko ang isang ngiti. Ngiting sigurado sa magiging resulta ng alahat ng pinaghirapan. Resulta ng lahat ng sakripisyo, puyat at pagod. Ayan na!
Itinaas ko ang kanang kamay ko sa ere habang hinihintay ang pagpatak ng luha ni Mhina. 'Yang luha niya ang magpapatunay na tapos na. Malapit na naming makamit ang bunga ng lahat ng 'to.
"Kahit kailan, hinding-hindi ka mabubura sa ala-ala ko. Paalam, Ginoo." May bahid ng sakit ang bawat salitang iniwan niya sa lalaking mahimbing na natutulog sa puting higaan at tuluyang kumawala sa kaniyang pisngi ang kanina pa naming hinihintay.
"And... Cut!" Singit ko agad at kasabay n'on ay ang pagbagsak ng kanang kamay ko. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko! Sa wakas, ayos na rin!
Nagsipalakpakan ang mga staff na nasa likuran ko na may kasama pang hiyawan nang matapos ang huling shoot para sa upcoming movie na ako mismo ang nag alaga. Sino nga ba ako? Ako lang naman si Direk Kyler!
Dala ng tuwa, tumayo ako, "CONGRATULATIONS, TEAM!" Malakas na bati ko at mas lalong lumapad ang ngiti ko.
Sinalubong naman ako ng mahigpit na yakap nina Mhina, Merald at Josef: mga main cast ng movie. Niyakap ko naman sila pabalik. Nagulat pa ako nang sinunggab din ako ng yakap ng mga kateam ko. Nag uumapaw naman sa tuwa ang puso ko ngayon at napatalon pa ako sa tuwa. OA? Ganiyan talaga kapag nagsuccess ka sa gusto mong makamit.
"SALAMAT, DIREK!" Sabay-sabay na bati nila kaya napahalakhak ako. Sinabayan nila ako sa paghalakhak at tuluyang nabalot ng saya ang studio dahil sa resulta ng paghihirap namin.
"Tiba-tiba na ba tayo, Direk?" Nangungumbinsing tanong ni Paul, isa sa mga camera man.
Napahalakhak ulit kami habang inaakbayan siya ng iba pa naming kasamahan. Talaga libre ang habol ng batang 'to, 'e no? Kaya lalong lumalaki.
"Saka na kapag success na tayo sa editing!" Tugon ko na nagpanguso sa kaniya. Nakakagigil talaga ang batang 'to. Sarap bigwasan! Pero seryoso, mukha siyang si Po ng Kung Fu Panda.
Nagthumb up ako sa mga editors at gayon din sila sa akin. Konting tiis pa, Direk, makakaraos ka rin!
"Congrats, Nayely."
Nagsitindigan ang mga balahibo ko sa katawan nang pumasok sa tainga ko ang swabeng bulong na iyon. Lumakas ang t***k ng puso ko at bumilis. Agad akong napalingon sa likuran ko at tila nagningning ang mga mata ko dahil sa bumungad sa akin. Nandito talaga siya!
"Bimpong!" Sigaw ko sa pagmumukha niya at napatalon pa nang yakapin ko siya nang mahigpit. Hindi ko inexpect 'to!
"Seryoso, Nayely? Bimpong pa rin hanggang ngayon?" Napapahiyang tanong niya habang nilulunod ako sa yakap niya. Namiss ko talaga ang ungas na'to.
Namulaklak naman sa paligid namin ang samu't saring panunukso galing sa team. Paniguradong kilig na kilig na naman ang ungas dahil sa amin. Pasensya na mga kaibigan. Magkaibigan lang talaga kami ni Bimpong.
"Nayely, ayos ka lang?"
Napakurap ako nang ilang beses saka tumingin sa kaniya. Sa ekspresyon ng mukha niya, mukhang mauubusan na siya ng hininga. Mabilis akong kumalas sa yakap at nag alala.
"Sorry, Bimpong. Namiss kasi kita nang sobra kaya napahigpit ang yakap ko." Nakangiwi kong pagdadahilan. Ano namang klasing dahilan 'to? Hindi ako ganito.
Nanlaki ang mga mata niya at namula ang mga tainga niya pati pisngi, "Wow. Hindi ko inexpect ang ganiyang salita sa'yo." Gulat na sabi niya saka umiwas ng tingin.
"Hanggang ngayon, napakashowy mo pa rin." Natatawang pagbaling ko sa usapan saka binatukan siya.
Napuno naman ng tukso ang buong studio. Kulang na lang magbugbugan sila dahil sa reaksyon nila.
"Direk, kayo na lang kaya ni Director Mave? Tutal pareho kayong single." Kinindatan ako ni Niña, isa sa mga staff.
"May chemistry kayo, Direk. Sayang naman kung hindi magwork out."
"Maganda ang team work kaya malamang greatest couple kayo!"
Nangasim naman ang mukha ko kaya natawa sila. Hanggang ngayon, ipinagtutulakan pa rin nila ako. Alam naman nila ang gusto ko sa buhay.
Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi nila dahil tinakloban ni Bimpong ang mga tainga ko. Nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kaniya pero siya, nakangiting kinakausap ang mga taong nasa paligid namin na nagpangisay sa kanila saka naghampasan sa katabi. Ano na namang pinagsasabi ng ungas na'to?
Inis kong tinanggal ang mga kamay niya at naghalukipkip, "Pinapahiya mo ba ako? Baka gusto mong ipahiya kita lalo dito?" Pang iinsulto ko pero tumawa lang siya.
"Tara na nga. May reunion pa tayong pupuntahan." Natatawang palusot niya saka hinila ang parteng batok ng damit ko palabas ng studio.
Pinapasok niya ako sa bagong model ng itim na kotse niya at pinaupo sa passenger seat. Umupo naman siya sa driver seat saka pinaharurot ang sasakyan.
"Ahm... Magpapalit ka pa ba ng damit?" Alinlangang tanong niya at hindi magawang tumingin sa akin.
Nainis ako sa tanong niya kaya piningot ko ang tainga niya. Napasigaw naman siya sa sakit habang pilit na hinahampas ang kamay ko. Kaya naman pala umuwi ng Pilipinas para maliitin ako!
"Iniinsulto mo ba ako, Maverick Buenavista?! Alam mo naman ganito ako manamit, 'di ba?! Tapos tatanungin mo ako ng ganiyan! Baka gusto mong matigok ngayon?!" Gigil na sigaw ko sa tainga niya kaya napapapikit siya. Basag ang eardrums nito sa akin.
Ang ayaw ko talaga sa lahat, pinipintasan ang paraan ng pananamit ko.
"Tingnan mo nga ang suot mo." Mahinahon na sabi niya.
Binitawan ko siya saka inexamine ang suot ko. Wala namang masama a? Nakapaloob sa unbuttoned checkered polo ko ang plain gray t-shirt. Tinernuhan ito ng blue jeans at black and white sneakers. Tanging black wrist watch ang accessories ko sa katawan. Normal ang suot ko.
"Pinapaalala ko lang sa'yo, Direk Kyler na reunion ng buong section natin ang pupuntahan natin. For sure, pagandahan at pasexy-han ang mga babae d'on, e ikaw? Mukhang kontento ka na ata sa suot mo." Kalmadong sabi niya saka pinaliko ang sasakyan sa kaliwa.
"Bakit? Fashion show ba ang pupuntahan natin?! Tsaka wala naman akong pake kung puro uso sila ngayon! Wala akong pake kung magpakita sila ng cleavage o ng pakwan! Wala akong pake kung ilantad nila ang mga ooh so sexy body nila!" Sabat ko with actions pa. Ganito talaga ako kapag nagpapaliwanag, sa paraan na'to feel ko talaga ang sariling ako. "Ang maghalaga, dala ko ang sarili ko. Kung sino at ano ako. Kung paano nila ako nakilala at nakasundo."
Hindi naman importante ang pagbabago at pagmamalaki sa bahagi ng pagkatao.
"Ikaw nga bihis na bihis. Pustahan, manlalandi ka lang d'on buong magdamag! Baka nga mamaya, may iuwi ka na sa bahay mo!" Nakangising pagmamayabang ko na nagpapihit sa kaniya sa preno.
Muntikan pang sumubsob sa ang mukha ko sa unahan. Mabuti na lang at nakaseat belt ako. Ang kaninang ngisi ay napalitan ng malapad na ngiti at sa likod n'on ay isang panigurado. Alam na.
"Sorry, Nayely. Nabigla lang ako."
Napahalakhak ako, "Nature mo na talaga 'yan, e no?" Pang aasar ko sa kaniya. Sa totoo, wala akong alam tungkol diyan. Hindi ko nga alam kung talandi ba talaga siya o mahilig magtago sa'kin ng sikreto.
"Mag asawa ka na lang kaya? Tutal, trenta ka rin naman. May tumataginting na silver at gold sa bulsa, may gan'to pa." Sabay tapik ko sa baba ko na nagpapahiwatig na gwapo siya.
Oo, gwapo ang Bimpong niyo. Pure Filipino, it means moreno siya, may makisig na pangangatawan. Perperkto ang jaw line pati ang hugis ng mukha at labi. Matangos ang ilong at mapungay ang mga mata. Ewan ko ba sa taong 'to at hanggang ngayon, ayaw pang maghanap.
Muli niyang pinatakbo ang sasakyan saka pinako sa daan ang tingin niya, "Darating ako diyan kaso walang kasiguraduhan." Sagot niya saka ngumiti. "Ikaw? Nagbabalak ka pa ba? Ilang months na lang, kaedad na kita. Mahirap tumanda nang mag isa." Hindi pa rin mawala ang ngiti niya sa labi niya.
Ginawa kong unan ang magkabila kong braso, "Masaya na ako sa ganito. Walang iniintinding pasakit sa ulo, walang palamunin. Tsaka masayang mamuhay nang single." Malapad ang ngiti ko habang nagpapaliwanag sa kaniya.
Ang saya kaya ng buhay single. Wala kang iniintinding problema. Sarili mo lang ang pinapasaya mo. Sarili mo lang din ang pinagkakagastusan mo. Ikaw ang bahalang magpatakbo sa buhay mo. Lalong-lalo na, walang kokontrol at didikta sa'yo. Malaya ka sa lahat ng gusto mong gawin.
"As I expected," Pinatay niya ang makina ng sasakyan nang nasa harapan na kami ng 5 star hotel. "Favorite line ang isasagot mo."
Sabay na kaming lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng hotel. Dumaretsyo na kami sa area na nakalahad sa invitation at tila tumalon ang puso ko sa nasaksihan ko.
"KYLER!"
"MGA UGOK!" Agad na bungad ko sa party na nagaganap.
Natigil ang lahat sa kanilang inaasikaso at napunta sa amin ni Bimpong ang atensyon nila. Umukit sa mga mukha nila ang tuwa kaya lahat sila ay sinalubong kami ng mainit na yakap na may kasamang hiyawan. Grabe, sobrang namiss ko ang mga ugok na'to.
"NAMISS KO KAYO!" Natatawang sambit ko sa kanila at napansin ang itsura nila. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala, "Potek! Ang laki ng pinagbago niyo!"
Akalain mo nga naman, nagmature na ang mga ugok. Si Brix na mataba noon, papa na ngayon! Nagkabaliktad pa sila mismo ng sitwasyon ni Janine! Karamihan talaga sa kanila, nagpaganda at nagpagwapo lalo dahil sa suot nila. Kaunti lang ang makikita mong 'normal' na katulad ko--- ako lang pala.
"Pero wala ka pa ring pinagbago!" Sabi naman ni Sabrina na dati rati ay tamad mag ayos pero ngayon! Instant Dyosa with dyoga na! Pagkayakap niya ulit sa akin, ramdam na ramdam ko e pero hindi naman ako nainggit.
Kasi nga kuntento ako sa kung anong mayroon ako.
"8 years have been past, you're still the Kyler that I knew! Kakaiba ka talaga!" Natatawang komento Rico na noon ay basagulero at sira ulo. Tamo ngayon, bossing ang dating!
Nag fist bump kami sabay tawanan. Ganiyan ang greet namin.
"Guys, sa table tayo magkwentuhan! Nakakangalay tumayo!" Reklamo naman ni Arnold kaya nakisama naman ang mga kaklase namin.
"Sikat na sikat kana, Kyler a? Share your blessings!" Pagbibiro ni Vienne sabay hampas pa sa braso ko nang makaupo kami sa assigned table namin ni Bimpong.
"Ay siya, ipapadala ko sa bahay mo! Anong address?" Nilabas ko naman ang ballpen at handa nang isulat ito.
Umingay ang table namin dahil sa pangjojoke time ko kay Vienne. Hayst. Nakakamiss din ang mga tawa nila.
"Naging blockbuster hit nga pala ang last film mo! Naging best film pa! Galing mo talaga!" Puri naman ni Acy habang nagi-slow clap.
Pabiro naman akong nagbow sa kaniya, "Salamat, salamat!"
"Nga pala, kamusta ang relationship niyo ni Maverick? On progress na ba?" Ayan na naman.
"Kailan ang kasal? Invited ba kami?"
"How does it feel in the first time?"
Totohanan na ba ito? Ineexpect pa rin talaga nila na mayroong 'kami' ni Bimpong.
"Mga ugok, chill. 'Wag niyo na akong ratratin sa mga tanong niyo dahil hanggang ngayon, single pa rin kami. Si Bimpong," Sabay turo sa tabi ko. "Mukhang hahanapin pa niya ang tatawagin niyang 'akin'." Nagquotation ako sa ere sa word na akin. "Samantalang ako, walang balak. Road to single is forever." Pacool na pagmamayabang ko.
Nagsalubong ang mga kilay nila at hindi maipinta ang mga mukha nila. Hindi nila inasahan na lalabas 'yon sa bibig ko.
"Seryoso ba kayo? O nang jojoke time? Thirty na tayo! Sa edad nating 'to, dapat nakakasama na natin ang mga mahal natin. Hindi ba kayo naiinggit sa amin?" Nag aalalang tanong ni Vienne at lahat sila ay tumingin sa mga katabi nila saka nanlambing. Potek. Dito pa talaga humaharot?
Ngayon ko lang narealize na mga asawa o jowabells pala nila ang mga kasama nila rito. Mga lovebirds pala ang mga kasama namin sa table, OP kami dito.
"Mahirap nang mabuntis ang babae sa edad na thirty kaya kung nagbabalak talaga kayo na bumuo ng pamilya, simulan niyo na ngayon." Sabat naman ni Arnold na ngayon ay nakiupo rin sa vacant seat ng table namin kasama ang asawa niya na mahigit 6 months na atang buntis.
Desidido talaga sila ipagtulakan kami. Nagawa pang magpainggit ng harap-harapan.
Nagkatinginan kami ni Bimpong at sabay na nagkibitbalikat.
"Makakapaghintay pa diyan." Nakangising tugon naman ni Bimpong. "Sa ngayon kasi, iniintindi muna namin ang career bago ang lovelife. Pwede namang humatak kung sino-sino kahit saan. Hindi mauubusan."
"Bakit maghahanap ka pa? Mayroon naman diyan sa tabi mo o." Tinuro naman ako ni Acy habang nakangisi. "Pwede namang pagsabayin ang lovelife at career."
Nagpeke ako ng tawa maging si Bimpong. Ang awkward.
"Bimpong, ikaw na ang bahalang sumalo. Wala na akong alam sa mga sinasabi nila." Pasimpleng bulong ko at natatawa siyang tumango.
"Yes, Nayely." Namumungay pa ang mga mata niya at pinakita ang charming smile niya. Pwe.
"I'll excuse myself. Sa cr muna ako." Paalam ko sa kanila at dali-daling pumanhik sa cr habang nakatungo.
Nang makapasok ako sa isang cubicle, doon muna ako nagkulong. Nakahinga ako nang maluwag at pabagsak na umupo sa bowl. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod at stress. Nakakadrain ng energy ang makipagcommunicate sa crowd people!
"Nakakasakal. Paulit-ulit na lang bang ganito?" Bagot na tanong ko sa sarili ko saka ginulo ang buhok ko. "Kung alam ko lang na 'yon ang aalalahanin sa akin, dapat pala hindi na ako pumunta."
"And if that happens, mapapapunta na naman sa wala ang pinaghirapan ko."
Agad na naglandas ang mga kilay ko. Sa tono ng pananalita niya, parang nireject siya. Lumabas ako ng cubicle para malaman kung sino ang nagsalitang 'yon pero wala. Walang ng tao dito sa cr maliban sa akin. Weird.
Makalipas ng 15 minutes na pagrefill ng energy, napagdesisyunan kong lumabas at sumakto naman ang biglang pag ingay ng event dahil sa wild upbeat music na nagpapaaliw sa mga bisita. Pero sa akin, mas gusto ko pang magstay sa CR. Hinahatak na naman ako pababa ng pagiging drain ko.
Babalik na sana ako sa loob ng CR nang may isang pamilyar na boses ang lumagabag sa buong sulok ng reception.
"Enjoy the night, my dear friends!"
Tila may pumitik sa tainga ko nang pumantig sa pandinig ko ang boses na 'yon. Dali-dali akong pumunta sa pinaggalingan ng boses na 'yon at muling bumati sa paningin ko ang taong ayaw kong makita. Anong ginagawa niya dito?
Nasa center stage siya habang may hawak na microphone. Kulot ang buhok niya. May lagay siyang light make up sa mukha niya na nagpalitaw sa kagandahan niya. Nakasuot siya ng red long dress na may slit sa kanan na hanggang hita ang taas. Ha! Nagawa niya pang mag high heels!
"Bimpong, tara na. Uwi na tayo." Seryosong hikayat ko kay Bimpong na ngayon ay nakatalikod sa akin.
Gan'on pa rin ang posisyon ng pag upo niya. Slender ang broad niyang likod na nakasandal sa board ng upuan at nakacross legs. Proffesionalism ang tawag niya sa seat position na 'yan.
Lasing na ata ang ungas na 'to.
Iniharap ko sa akin ang mukha niya at bumati agad sa akin ang mga mata niyang namumugto habang rumaragasa sa pisngi niya ang mga butil ng luha. Napahampas ako sa mukha ko. Lasing na nga.
Umupo ako sa tabi niya, "Nakakainis ka. Ngayon ka pa naglasing kung kailan gusto ko nang umuwi."
Kukunin ko sana ang bote ng beer na hawak niya nang biglang inilayo niya ito sa akin.
"Let's stay here. Since nandito na tayo, magrent na lang tayo ng room. Bukas na lang tayo umuwi." Maluha-luhang pakiusap niya saka tumungga.
Napabuntong hininga na lang ako at humawak sa sintido ko. Naiispoil ko na talaga ang ungas na 'to kapag lasing.
"Last na talaga 'to. Takot ko na lang sa'yo at nagwawala ka talaga kapag wala sa wisyo." May bahid ng inis ang pananalita ko habang masama ang tingin sa kaniya.
"Mamaya ka na pumunta sa receptionist kapag bagsak na ako." Tumingin siya sa mga mata ko at matamis na ngumiti sa akin. "Thank you. Nayely." Tila batang sambit niya at nakisamang sumaya sa mga kaklase namin na lasing na nagsasayaw ngayon sa dance floor.
"Baby sitting is on, Direk." 'Yon na lamang ang nasabi ko habang pinapanood si Bimpong sa mga kilos niya.
"Well, that's a wonderful job."
Agad akong napalingon sa tabi ko at nagulat nang makitang nasa tabi ko na siya. Sitting pretty habang may hawak na baso ng wine.
"Anong ginagawa mo dito?" Iritableng tanong ko sa kaniya.
Hanggang ngayon, naaalibadbaran pa rin ako sa kaniya.
Humarap siya sa akin saka ngumiti, "You're still mad at me. I didn't expect na makakalapit ako sa'yo in a normal way even though malaking kasalanan ang nagawa ko sa'yo."
Napatawa ako, "Buti tanda mo pa kahit tumatanda ka na." Panloloko ko sa kaniya na nagpahagikhik sa kaniya.
"Why would I forget? D'on tayo nagsimula 'di ba?" Humarap siya sa akin at umayos ng upo. Napatingin ako sa kaniya at napako ang mga mata ko sa paningin niya. "Skyler Marie, may dapat akong sabihin sa'yo. Dapat matagal ko nang sinabi 'to sa'yo pero natatakot ako. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na gumawa ng move kaya sana magbago ang takbo ng isip mo."
Kinapitan agad ako ng kaba sa sinabi niya kaya mariin akong napahawak sa mga tuhod ko habang hindi mabitawan ang tingin sa mga mata niyang maamo.
"Ipagpatawad mo." Tila natutunaw ang puso ko nang iparating niya ang mga sinserong salitang iyon sa puso ko. "Patawarin mo sana ako dahil sa nangyari noon. Alam kong malaking paghihirap ang ginugol niyo at hindi ko kayang tumbasan ang lahat ng 'yon. Alam ko rin na mali ang ginawa ko at sinadya ko talaga 'yon. Alam ko rin na mahirap magpatawad lalo na't malaking pagkakamali ang nagawa ko. Hindi kita pipilitin na patawarin ako pero gusto kong iparating sa'yo ang mga salitang gusto kong sabihin sa'yo noon pa." Kusa nang rumagasa ang mga luha niya sa pisngi niya na sinamahan pa ng malakas na hikbi.
Nakahinga ako nang maluwag nang matanggal ang malaking tinik sa puso ko. Alas, nabawasan rin ng sama ng loob.
Sinsero akong ngumiti sa kaniya at pinahid ang mga luha niya gamit ang hinlalaki ko. Nabigla naman siya at natulala.
"Matagal nang lumipas ang panahon. Ang nakaraan, parte ng mga aral natin sa buhay. Dahil sa insidenteng 'yon, madami akong natutunan. Dahil sa insidenteng 'yon, n'andito ulit tayo para magkaunawaan. Kalimutan na lang natin, ayos lang ba?" Sinserong sabi ko sa kaniya.
Agad niya akong sinungkab ng yakap na nagpainit sa pagkatao ko. Niyakap ko siya pabalik. Gumaan ang pakiramdam ko at hindi mapigilang lumawak ang ngiti sa labi ko. This feeling is so great. Parang binayayaan ako ng magandang regalo ngayong araw.
"Salamat." Bitak ang boses niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.
Mas mabuting magpatawad kaysa kimkimin ang galit. Oo, masakit. Masakit masaktan lalo na't tumagos sa puso mo ang binigay sa'yong sakit pero hindi ka binuhay para mamuno sa puso mo ang galit. Hindi ka makakaraos sa pighating tinatago mo kung hindi ka marunong magpatawad at kumilos paahon.