Tania Kaunti nalang ay kailangan ko ng buhatin ang panga ko para lang bumalik iyon sa pagkakasara. Ito na ba iyong binilin sa akin ni Tanda kanina? Na huwag dapat akong maglaway dahil ayaw iyon ni Papa Jin? Ay wow, Tania ha? Unang kita palang may call signature ka na? Ano 'yon? Parang iyong kanta na... "Unang araw palang minahal na kita, bakit ba ganito ang aking nadama." Gan'on ba iyon, Tania? Che! Tumigil ka nga? Napaghahalataang jejemon ka eh! "Nanny, you're drooling." Si Chase na siniko pa ako. "Ha?" Tanong ko nang maibalik na ang ulirat ko na panandaliang hiniram ng pagpapantasya. "Have you heard what Ms. Viviane said?" Si Chase pa na nagiging istorbo na sa pagiisip ko kung dapat ba akong mahiya o magpaimpress sa napakaguwapong tutor na ito. "No...I mean...y-yes!" Sig

