Tania Hindi naman na umimik si Tanda. Hanggang sa makarating kami sa pamamahay nila ay wala na siyang sinabi. Kauupo ko palang sa sofa nang mapaigtad ako dahil sa lakas ng kalabog ng hinuha ko ay pinto ni Tanda na binalibag niya. Umalingawngaw pa iyon sa buong pamamahay nila. Ni hindi na nga kami nakadaan sa National Bookstore dahil iritado siya buong biyahe na hindi ko alam kung bakit. "Hoy, Chase. Baka naman kasi kung ano na namang nasabi mo sa Tatay mo ha?" Pagkausap ko kay Chase na nasa bunganga pa ang straw ng chuckie at nakangisi sa akin. "Hm?" Painosente niyang tanong. "You said something to Father again? You angried him!" Bintang ko sa kaniya. "Maybe you did, not me." Kibit balikat niya. Tss. Talaga namang ang kayabangan ng batang ito ay sobra sobra. Hindi ko mareach!

