Tania Sa mga oras na ito, nagaasaran na kami ni Chase. Dati iyon dahil ngayon, nasa labas kami ng pamamahay nila habang karga ko siya. Nakasandal ang kaniyang ulo sa aking kanang balikat habang nakayakap siya sa aking leeg. "Ang tagal naman ng Tatay mo," reklamo ko. "Ibibilad ba muna niya tayo rito sa labas bago niya tayo sunduin?" naniningkit ang mga mata kong tanong sa kaniya dahil sa sikat ng araw. "What is it, Nanny?" tanong niya. Oo nga pala at hindi nakakaintindi ang batang ito ng Filipino. Kailangan pang itranslate. "Neverminded nalang." Iyon nalang ang sinabi ko. Tinitipid ko nalang talaga ang bawat salita ko dahil simula kahapon ay lahat nalang ng Ingles na sasabihin ko ay tinatama niya. "It's nevermind, Nanny not neverminded," pagtatama niya na naman. Tingnan niy

