Tania Simula noong nangyari noon sa Falls, naging matamlay na si Chase. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pinagsabihan siya o narealize niya lang na mali nga ang ginawa niya. "Huy..." siko ko sa kaniya pero kagaya kahapon ay hindi parin siya kumikibo. Nakayuko lang at malungkot ang mukha. "Magsalita ka naman. Talk to me, I'm always listening to problems of yourself," seryoso at may pagaalala kong sinabi pero wala parin. "Siguro kaya ka nagkakaganiyan kasi wala ka ng maisip na magawa sa akin. Nagawa mo na lahat ng tricks mo? Gusto mo tulungan kita?" Tanong ko na kahit alam ko namang hindi niya naiintindihan. "Ouf of tricks of myself? Me want to help you, that's okay?" Pagsasalin ko kahit na bali bali. Ito na mga ba kasi ang sinasabi ko eh. Bakit ba kasi hindi ko nagawang imotiv

