Tania Nag-enjoy naman ako kahapon. Hindi lang dahil sa nagkaroon ako ng pagkakataong makausap si Sir Jin na gusto niyang tawagin ko nalang na Ajax. Ang guwapo rin ng pangalan eh. Noong nandoon na kami sa room namin ay naglaro pa kami ng truth or dare na ideya ni Chase. "When the tip of this bottle stops at whoever among us three, he o she will tell truth or do dare," paliwanag ni Chase sa amin. "Hmm...sounds interesting," tango pa ni Tanda. "Okay. Nakuha ko na." Sabi ko naman at nag-thumbs up pa. Kanina pa ako natataya. Puro dare ang sinasabi ko dahil ayokong tanungin nila ako. Hayop pa naman kung makatanong si Chase. Akala mo hindi bata eh! "Your turn, Papa." Si Chase na nag ngising aso sa kaniya ama. "Dare." Sabi niya kagaya ng sa akin palagi. "Hmm..." umaktong parang na

