Tania Nagising ako na nasa dibdib ko pa rin si Chase habang mahimbing na natutulog doon. Maingat ang nagibg galaw ko lalo na noong ilalapag ko na siya sa kama para doon niya na ipagpatuloy ang kaniyang pagtulog. "Sleep well," bulong ko pa bago ko siya hinalikan sa noo a iwan na siya doon. Wala na rin si Tanda doon sa kama. Siguro ay nag-jogging lang kagaya ng palagi niyang ginagawa. Lalabas sana ako pero hindi natuloy dahil sa narinig ko kay Tanda na nasa labas. "What the heck are they planning to do?" ani Tanda sa kausap mulabsa kabilang linya. "Alam na ba ni Priam ito? Gionvani? Si Alas and—what?! Hindi pa nila alam? How come? Sa akin mo pa talaga unang sinabi at ako ang pinaka-inactive?" Si Tanda pa rin. Kumunot ang noo ko at mas lalong idinikit ang aking tainga sa pinto. "

