Tania
Kung inaakala ko na bati na kami dahil sa pagligtas niya sa akin. Hindi pa pala. Malay ko ba kung ano ang binabalak ng batang ito?!
"Paswimming-swimming pa kasing nalalaman eh may swimming pool naman sa bahay, hindi nalang doon naligo eh. Kaaarte naman nitong mga 'to!" Bulong ko habang sinusundan sila na nauuna sa paglalakad patungo raw sa Falls dito sa Isabela.
Kung anu-ano nalang ang naiisipang gawin eh. Hindi nalang manahimik sa mansion nila eh.
Ako nga kahit buong araw ko iyong libutin, hindi ko pa mapupuntahan lahat. Sobrang lawak na nga roon hindi pa sila nakukuntento. Hays...buhay.
"Hoy, Tania. Kanina ka pa bulong nang bulong diyan. Nagaalala na kami ni Manang Stella sa'yo. Baka kako sinapian ka na ng tikbalang dito," siko sa akin ni Angelina.
Umirap ako sa kawalan. "Che. Mas gusto kang sapian ng mga tikbalang kaysa sa akin 'no!"
"Magsitigil nga kayong dalawa riyan. Ang iingay niyo," saway sa amin ni Manang Stella na isinama rin ng magama para lang may tagabuhat.
Ang sasama talaga ng mga ugali ng magamang 'to eh. Kahit matanda pinagbubuhat pa, hindi na naawa.
"Let's set up here," deklara ni Mr. Merell nang makababa na kami galing sa pagkataas taas na bundok at narating na ang Falls.
Pero palibhasa ah, maganda naman ang Falls. Bumabagsak ang tubig.
Aba! Siyempre naman, Tania. Magulat ka kung Falls tapos paakyat ang tubig?!
"Nanny! Come here!" Sigaw na pagyayaya sa akin ni Chase.
Nilingon ko siya at ikinumpas ang isa kong kamay. "Later. Busy here, don't delay!" Sigaw ko pabalik dahil istorbo naman talaga siya.
Kitang inaayos pa nga iyong paglalagyan ng mga pagkain eh. Eto talagang sutil na ito eh. Sarap itulak sa tubig.
At saka hindi naman ako maliligo. Hindi kasi ako marunong lumangoy.
"Come here! Let's swim!" Pagyayaya niya pa ulit.
"Later. Me busy here. Talk to father yourself." Sabi ko at itinuro ang kaniyang Tatay na paupo upo lang sa kawayang upuan ngunit nang mapansing tinatawag ako ng sutil niyang anak ay masamang titig ang ipinukol niya sa akin.
"Samahan mo siya roon. Youre his Nanny. You're supposed to do whatever he wants you to do." Aniya kaya naman padabog kong iniwan ang ginagawa ko roon at dinaluhan ang anak niyang gusto na kaagad magtampisaw sa tubig.
"What you need again? Yourself is so demands ha?" Inirapan ko siya saka namaywang.
Walang buhay akong bumuntong hininga. Siguro may binabalak na naman ito. Kahit naman saan at kahit kailan.
Akala niya siguro hindi ko alam na kaya ayaw niya akong umalis at matanggal sa trabaho dahil nakaisip na naman siya ng ganti sa akin.
Lintik lang ang walang ganti kaya hinahanda ko nalang ang sarili ko sa ganto ng batang Merell na ito, pero salamat parin dahil hindi naman ibibigay ang isang daang milyon sa akin mismo at mananatili sa amo ko kapag hindi ko natapos ang isang buwan. Pero iniisip ko, nagastos niya na kaya iyon o kahit ilang sentimo? Sinahi niya kasi na nakapayag na siya. Siguro kailangan niya talaga ng pera at nabawasan na iyon!
"I want to swim," nakangiti siyang nagangat ng tingin sa akin.
Ngumuso ako at umiling. Paano ko ba aalagaan ang bata na ito sa tubig kung hindi ako marunong lumangoy?
"Me no swim. Ask father yourself." Sabi ko sa kaniya at muling itinuro ang kaniyang ama.
"Please?" hiling niya.
Naku bata ka. Ayan ka na naman!
"Sige na nga! Pero sa mababaw lang ha? Kundi pareho tayong malulunod." Sabi ko.
Tumango naman siya pero kakatalikod ko palang para sana makapunta na roon sa parte kung saan mababaw at palalim ang tubig ay naramdaman ko ang kaniyang dalawang pares ng kamay sa aking likod.
Bago ko pa mabalanse ang katawan ko ay tuluyan na akong nahulog sa tubig, hindi na rin nakasigaw dahil sa mabilisang pagbagsak.
"Hoy! Tania! Tulungan mo, Angelina!" naririnig kong sigaw ni Manang Stella sa tuwing umaahon ko.
"Haluh, pareho kaming malulunod niyang—ay si Sir!" Si Angelina kasabay ng pagbagsak ng isang bulto ng katawan sa tubig.
Napagod na ako sa kakatadyak sa tibig kaya hinayaan ko nalang ang sariling kong lumubog kasabay ng pagdilim ng paligid.
Mumultuhin talaga kita Chase!